Professional Documents
Culture Documents
Ni Liwayway Arceo
Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang
hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga
at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang
labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha
sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang
dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng
kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang
ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama
ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata
ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay
“Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.