You are on page 1of 27

[Gabay sa pag-aaral ng Biblia, o Bible study guide, para sa mga bagong miyembro at interesadong

maging miyembro ng Seventh-Day Adventist Church]

“ANG SALITA NG DIYOS”

Ang Banal na Kasulatan (Holy Bible), ang Luma at Bagong Tipan (Old & New Testament) ng Bible, ay mga
isinulat na Salita ng Diyos, na ipinagkaloob sa pamamagitan ng banal na pagkasi sa mga banal na tao ng
Diyos na nagsipagsalita at sumulat sang-ayon sa pagkilos sa kanila ng Banal na Espiritu (Holy Spirit). Sa
Bible o Biblia, ibinigay ng Diyos sa tao ang kaalamang kinakailangan sa kaligtasan. Ang mga Banal na
Kasulatan (ang buong Bible) ay ang hindi nagbabagong kapahayagan ng kalooban ng Diyos. Ang mga ito
ang pamantayan ng Karakter, ang subukan ng karanasan, ang karapat-dapat paniwalaang
tagapagbunyag ng mga turo, at ang mapagkakatiwalaang tala ng mga gawa ng Diyos sa kasaysayan.

Mga teksto sa Biblia patungkol sa Salita ng Diyos:

1. II Pedro 1:20, 21
2. II Timoteo 3:16, 17
3. Awit 119:105
4. Kawikaan 30:5,6
5. Isaias 8:20
6. Juan 17:17
7. I Tesalonica 2:13
8. Hebreo 4:12

Bilang mga Seventh-Day Adventists, tayo po ay naniniwala na ang Biblia ay ang Salita ng Diyos

(This is the 1st in our 28 Fundamental Beliefs)

Gabay Sa Pag-aaral ng Bibliya (Bible Study Guide) Para Sa Mga Bagong Miyembro O Interesadong
Maging Miyembro ng Seventh-Day Adventist (SDA) Church

“ANG KADIOSAN”

Mayroong isang Dios: Ama, Anak at Banal na Espiritu, isang pagkakaisa ng tatlong kapwa walang
hanggang Persona. Ang Dios ay walang kamatayan, makapangyarihan, maalam sa lahat, at higit sa lahat,
laging naririyan. Siya ay walang hanggan, at hindi maaaring matarok ng tao, gayunman, Siya ay kilala
dahilan sa Kaniyang sariling pagpapahayag. Siya ay karapatdapat sa walangmaliw na pagsamba,
pagpupuri, at paglilingkod ng buong nilalang.

Mga teksto sa Biblia patungkol sa KADIOSAN:

1. Deuteronomio 6:4
2. Mateo 28:19
3. II Corinto 13:14
4. Efeso 4:4-6
5. I Pedro 1:2
6. I Timoteo 1:17
7. Apocalipsis 14:7

Ito po ang Fundamental Belief #2 sa 28 Fundamental Beliefs nating mga Seventh-Day Adventists.

Gabay Sa Pag-aaral ng Biblia (Bible Study Guide) Para Sa Mga Bagong Miyembro at Interesadong
Maging Miyembro ng Seventh-Day Adventist Church

Belief #3 in our 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos ay ang Biblia


2. Ang Kadiosan (Isang Diyos na binubuo ng Ama, Anak at Banal na Espiritu)
3. Ang Dios Ama

“ANG DIOS AMA”

Ang Dios, ang walang hanggang Ama ang siyang Manlalalang (Creator). Bukal, Tagapagbigay buhay
at pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga nilikha. Siya ay sakdal at banal, maawain at
mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa di-nagbabagong pagibig at katapatan (love &
faithfulness). Ang mga katangian at kapangyarihan na nakita sa Anak (Jesus) at sa Banal na Espiritu
(Holy Spirit) ay mga kapahayagan din ng Ama (katangian din ng Ama).

Mga tekstong magandang basahin upang mas makilala ang Ama:

1. Genesis 1:1
2. Apocalipsis 4:11
3. 1 Corinto 15:28
4. Juan 3:16
5. I Juan 4:8
6. I Timoteo 1:17
7. Exodo 34:6-7
8. Juan 14:9

Mangyaring humingi po ng gabay ng Banal na Espiritu (dasal, panalangin, pangadyi o prayer) bago
magbasa ng Biblia.

Good day & God bless you po. 

ANG DIOS ANAK


Belief #4 Sa 28 Fundamental Beliefs nating mga Seventh-Day Adventists

1. Ang Salita ng Dios (ay ang Bible)


2. Ang Kadiosan (iisa pero binubuo ng tatlo)
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak

Ang Dios, ang walang hanggang Anak ay nagkatawang-tao bilang Jesucristo. Sa pamamagitan Niya,
ang mga bagay ay nilikha, ang karakter ng Dios ay nahayag, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay
naganap, at ang sanglibutan ay nahatulan. Walang pagmamaliw na totoong Dios, Siya ay naging
totoong tao rin, si Jesus ang Cristo. Siya ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at
ipinanganak ng birheng Maria. Siya ay nabuhay at nakaranas tuksuhin bilang isang tao, ngunit ganap
na naging halimbawa ng kasakdalan at pagibig ng Dios. Ipinakita Niya sa kaniyang mga himala ang
kapangyarihan ng Dios, at pinatunayan bilang siyang Mesiyas na ipinangako. Kusa Siyang nagdusa at
namatay doon sa krus para sa ating mga kasalanan at sa ating lugar, binuhay mula sa mga patay at
pumanhik sa langit upang mangasiwa sa makalangit na santuario para sa atin. Sa kaluwalhatian, Siya
ay muling paparito para sa lubos na pagpapalaya sa Kaniyang bayan at sa pagpapanauli ng lahat ng
mga bagay.

Basahin sa Biblia ang mga sumusunod na teksto:

1. Juan 1:1-3
2. Juan 1:14
3. Colosas 1:15-19
4. Juan 10:30
5. Juan 14:9
6. Roma 6:23
7. 2 Corinto 5:17-19
8. Juan 5:22
9. Lucas 1:35
10. Filipos 2:5-11
11. Hebreo 2:9-18
12. I Corinto 15:3,4
13. Hebreo 8:1,2
14. Juan 14:1-3

Magkaroon sana po kayo ng araw na puno ng pagpapala. 

Good morning po brothers & sisters! 

Belief #5 sa ating 28 Fundamental Beliefs:

1. Ang Salita ng Dios


2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak
5. Ang Dios Banal na Espiritu

“ANG DIOS BANAL NA ESPIRITU”

Ang Dios, ang walang hanggang Espiritu ay naging kasama ng Ama at Anak sa paglalang, sa
pagkakatawang-tao, at pagtubos. Kanyang kinasihan ang mga manunulat ng Banal na Kasulatan.
Pinuno Niya ng kapangyarihan ang buhay ni Cristo. Kanyang inaakit at sinusumbatan ang mga tao; at
yaong tumutugon ay binabago at ginagawang gaya ng wangis ng Dios. Siya ay ipinadala ng Ama at
Anak upang maging laging kaagapay ng Kaniyang mga Anak, at nagbibigay Siya ng mga kaloob na
Espirituwal sa iglesia (church), iginagawad dito ang kapangyarihang sumaksi para kay Cristo, at sa
pakikipagkaisa sa Banal na Kasulatan, inaakay niya ang iglesia sa buong katotohanan.

Hanapin sa Biblia at basahin ang mga sumusunod na teksto:

1. Genesis 1:1-2
2. Lucas 1:35
3. Lucas 4:18
4. Mga Gawa 10:38
5. II Pedro 1:21
6. II Corinto 3:18
7. Efeso 4:11,12
8. Mga Gawa 1:8
9. Juan 14:16-18
10. Juan 14:26
11. Juan 15:26,27
12. Juan 16:7-13

“Seventh-Day Adventists accept THE BIBLE AS THE ONLY SOURCE OF OUR BELIEFS. We consider our
movement to be the result of the protestant conviction SOLA SCRIPTURA—the BIBLE as the only
standard of faith and practice for Christians.”

For English version of our 28 Fundamental Beliefs, visit our official website:

https://www.adventist.org/beliefs/

Have a blessed day po! 

Good morning po, Brothers & Sisters!

Belief #6 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Dios


2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak
5. Ang Dios Banal na Espiritu
6. Paglalang

Ang Dios ang lumalang ng lahat ng mga bagay, at inihayag sa Banal na Kasulatan ang tunay na
kasaysayan ng Kaniyang gawang paglalang. Sa anim na araw ginawa ng Dios “ang langit at ang lupa”
at lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, at nagpahinga sa ikapitong araw ng unang sanglinggong
iyon. Sa gayon, Kaniyang ginawa ang Sabbath bilang walang hanggang alaala ng natapos Niyang
paglalang. Ang unang lalaki at babae ay nilalang sa wangis ng Dios bilang putong ng gawang
paglalang, at binigyan ng kapamahalaan sa sanglibutan, at kapanagutan sa pagaalaga dito. Nang
matapos ang mundo, ito “ay napakabuti” at naghahayag ng kaluwalhatian sa Dios.

Hanapin sa Biblia at basahin ang mga sumusunod na teksto:

1. Genesis 1:2
2. Exodo 20:8-11
3. Awit 19:1-6
4. Awit 33:6
5. Awit 33:9
6. Awit 104
7. Hebreo 11:3

“Seventh-Day Adventists accept THE BIBLE AS THE ONLY SOURCE OF OUR BELIEFS. We consider our
movement to be the result of the protestant conviction SOLA SCRIPTURA—the BIBLE as the only
standard of faith and practice for Christians.”

For English version of our 28 Fundamental Beliefs, visit our official website:

https://www.adventist.org/beliefs/

Have a blessed day po!

Magandang araw po sainyong lahat!

Narito po ang Belief #7 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Dios


2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak
5. Ang Dios Banal na Espiritu
6. Paglalang
7. Ang Likas ng Tao

“ANG LIKAS NG TAO”

Ang lalaki at babae ay ginawa sa wangis ng Dios na may sariling kakayahan, may kapangyarihan at
kalayaang umisip at gumawa. Bagaman sila ay malayang nilalang, bawa’t isa ay mayroong hindi
maaaring paghiwalaying pagkakaisa ng katawan, isipan at espiritu, na umaasa sa Dios para sa buhay
at hininga at lahat na. Nang suwayin ng ating unang mga magulang ang Dios, tinanggihan nila ang
pagiging depende sa Dios at nahulog mula sa kanilang mataas na kalagayan sa ilalim ng Dios. Ang
wangis ng Dios na nasa kanila ay nasira at sila ay nagkaroon ng kamatayan. Ang sangkatauhan ay
naging kabahagi ng kanilang mahinang likas at ng mga bunga nito. Sila ay ipinanganak nay may mga
kahinaan at pagkahilig sa masama. Subalit ang Dios kay Cristo ay pinagkasundo ang sanglibutan sa
Kaniya, at pinanauli sa mga taong nagsisi ang wangis ng kanilang Manlalalang sa pamamagitan ng
Banal na Espiritu. Sila ay nilalang para sa kaluwalhatian ng Dios, at tinawag upang mahalin Siya at
ang bawa’t isa, at upang alagaan ang kanilang kapaligiran.

Mga teksto:

 Genesis 1:26-28
 Genesis 2:7
 Awit 8:4-8
 Mga Gawa 17:24-28
 Genesis 3
 Awit 51:5
 Roma 5:12-17
 II Corinto 5:19-20
 Awit 51:10
 I Juan 4:7
 I Juan 4:8
 I Juan 4:11
 I Juan 4:20
 Genesis 2:15

“Seventh-Day Adventists accept THE BIBLE AS THE ONLY SOURCE OF OUR BELIEFS. We consider our
movement to be the result of the protestant conviction SOLA SCRIPTURA—the BIBLE as the only
standard of faith and practice for Christians.”

Para po sa English na version ng 28 Fundamental Beliefs nating mga Seventh-Day Adventists, open
nyo po ang official website natin sa:

https://www.adventist.org/beliefs/

Happy Friday po sainyong lahat!

Friday is our “preparation day” para sa paparating na Sabbath. Ang mga gawain tulad ng
pamamalantsa o pagluto ng maramihan at paglilinis ng simbahan ay ginagawa natin sa araw ng
Friday para hindi na po natin ito gawin sa araw ng Sabbath.

Magandang araw po sainyong lahat! :)

Narito po ang Belief #8 sa ating 28 Fundamental Beliefs


1. Ang Salita ng Dios

2. Ang Kadiosan

3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang

7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

"Ang Malaking Tunggalian"

Ang buong sangkatauhan ay sangkot ngayon sa isang malaking tunggalian sa pagitan ng Dios at ni
Satanas na may kinalaman sa Karakter ng Dios, ang Kaniyang kautusan, at ang Kaniyang dakilang
kapangyarihan sa buong sanglibutan. Ang paglalabang ito ay nagsimula sa langit nang ang isang
nilalang na pinagkalooban ng kalayaang pumili, dahilan sa pagtataas ng sarili ay naging Satanas, ang
kaaway ng Dios, at inakay sa paghihimagsik ang isang bahagi ng mga anghel. Kaniyang ipinasok ang
espiritu ng paghihimagsik sa sanglibutang ito nang akayin niya si Adam at Eva sa pagkakasala. Ang
kasalanang ito ng tao ay nagbunga ng pagkasira ng wangis ng Dios sa sangkatauhan, ang
pagkakagulo ng mundong nilalang, at ang ganap na pagkawasak sa panahon ng pangmundong
pagbaha. Sa pagmasid ng buong nilalang ang mundong ito ay naging lugar ng pansanglibutang
paglalaban, at mula dito ang Dios ng pagibig ay mapapawalang-sala. Upang matulungan ang
Kaniyang bayan sa tunggaliang ito, ipinadadala ng Diyos ang Banal na Espiritu at ang mga tapat na
anghel upang umakay, ipagsanggalang at alagaan sila sa daan ng kaligtasan.

Mga babasahing teksto sa Biblia:

1. Apocalipsis 12:4-9

2. Isaias 14:12-14

3. Ezekiel 28:12-18

4. Genesis 3

5. Roma 1:19-32

6. Roma 5:12-21
7. Roma 8:19-22

8. Genesis 6:6

9. II Pedro 3:6

10. I Corinto 4:9

11. Hebreo 1:14

Mababasa po ang ating 28 Fundamental Beliefs sa may bandang likod ng Tagalog na Biblia na limbag
ng Seventh-Day Adventist Church at sa ating official website:

https://www.adventist.org/beliefs

Magandang araw po sainyong lahat! 

Narito po ang Belief #9 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Dios

2. Ang Kadiosan

3. And Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang

7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Maguli ni Cristo

“ANG BUHAY, KAMATAYAN AT PAGKABUHAY NA MAGULI NI CRISTO”

Sa buhay ni Cristo na ganap na pagsunod sa kalooban ng Dios, ang Kaniyang paghihirap, kamatayan
at pagkabuhay-na-maguli, naglaan ang Dios ng tanging paraan ng pagbabayad sa kasalanan ng tao,
upang ang mga tatanggap dito sa pamamagitan ng pananampalataya ay magkaroon ng buhay-na-
walang hanggan, at maunawaang mabuti ng buong nilalang ang di-nagbabago at banal na pagibig ng
Manlalalang. Ang sakdal na pagbabayad na ito ay nagpapatunay sa kabanalan ng kautusan ng Dios,
at ang pagiging mapagbiyaya Niyang karakter; sapagkat kapwa nito itinatakwil ang ating mga
kasalanan at naglalaan para sa ating kapatawaran. Ang kamatayan ni Cristo ay paghahalili at
pagbabayad, pinagkakasundo at pinagbabago. Ang kamatayan ni Cristo ay nagpahayag ng
pagtatagumpay ng Dios laban sa mga puwersa ng kasamaan, at mga tatanggap ng kabayaran, ay
may katiyakan sa kanilang panghuling pagtatagumpay laban sa kasalanan at kamatayan.
Ipinahahayag nito ang pagiging Dios ni Jesucristo, na sa harap Niya ay luluhod ang lahat ng tuhod sa
langit at lupa.

Mga babasahing teksto sa Biblia:

1. Juan 3:16
2. Isaias 53
3. I Pedro 2:21-22
4. I Corinto 15:3-4
5. I Corinto 15:20-22
6. II Corinto 5:14-15
7. II Corinto 5:19-21
8. Roma 1:4
9. Roma 3:25
10. Roma 4:25
11. Roma 8:3-4
12. I Juan 2:2
13. I Juan 4:10
14. Colosas 2:15
15. Filipos 2:6-11

Mababasa po ang ating 28 Fundamental Beliefs sa may bandang likod ng Tagalog na Biblia na limbag
ng Seventh-Day Adventist Church at sa ating official website:

https://www.adventist.org/beliefs

#10 po sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos


2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak
5. Ang Dios Banal na Espiritu
6. Paglalang
7. Ang Likas ng Tao
8. Ang Malaking Tunggalian
9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo
10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

“Ang Karanasan ng Kaligtasan”

Ang walang hanggang pag-ibig at awa ng Dios, ginawa Niya si Cristo na hindi nakakikilala ng
kasalanan, na maging kasalanan para sa atin, upang sa Kanya, tayo ay maging katuwiran ng Dios. Sa
pag-akay ng Banal na Espiritu, nadarama natin ang ating pangangailangan, kinikilala ang ating
pagiging makasalanan, nagsisisi tayo sa ating mga pagsalansang, at sumasampalataya kay Jesus
bilang Panginoon at Cristo, na siyang Kahalili at Halimbawa. Ang pananampalatayang ito na
tumatanggap ng kaligtasan ay dumarating sa pamamagitan ng banal na kapangyarihan ng Salita at
kaloob ng biyaya ng Dios. Sa pamamamagitan ni Cristo, tayo ay pinawawalang sala, tinatanggap
bilang mga anak na lalaki at babae ng Dios, at inaalis mula sa pangangasiwa ng kasalanan. Sa
pamamagitan ng Banal na Espiritu, tayo ay muling ipinanganganak at inaaring ganap, binabago ng
Espiritu ang ating mga pag-iisip, isinusulat sa ating mga puso ang kautusan ng pag-ibig ng Dios, at
binibigyan tayo ng kapangyarihang mabuhay ng banal na pamumuhay. Sa pananatili sa Kaniya tayo
ay nagiging kabahagi ng banal na likas at mayroong katiyakan ng kaligtasan ngayon at sa
paghuhukom.

Mga babasahing teksto sa Biblia:

1. II Corinto 5:17-21
2. Juan 3:16
3. Galacia 1:4
4. Galacia 4:4-7
5. Titus 3:3-7
6. Juan 16:8
7. Galacia 3:13-14
8. I Pedro 2:21-22
9. Roma 10:17
10. Lucas 17:5
11. Marcos 9:23-24
12. Efeso 2:5-10
13. Roma 3:21-26
14. Colosas 1:13-14
15. Roma 8:14-17
16. Galacia 3:26
17. Juan 3:3-8
18. I Pedro 1:23
19. Roma 12:2
20. Hebreo 8:7-12
21. Ezekiel 36:25-27
22. II Pedro 1:3-4
23. Roma 8:1-4
24. Roma 5:6-10

Matatagpuan po ang English version ng ating 28 Fundamental Beliefs sa:

https://www.adventist.org/beliefs/fundamental-beliefs/
Magandang araw po sainyong lahat!

Narito po ang Belief #11 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos


2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak
5. Ang Dios Banal na Espiritu
6. Paglalang
7. Ang Likas ng Tao
8. Ang Malaking Tunggalian
9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo
10. Ang Karanasan ng Kaligtasan
11. Paglago Kay Cristo

“PAGLAGO KAY CRISTO”

Sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa krus, Siya’y nanaig sa kapangyarihan ng kasamaan.


Siyang sumupil sa mga espiritu ng demonyo nang siya’y nag ministerio dito sa lupa, winasak ang
kanilang kapangyarihan at siniguro ang kanilang katapusan. Ang pagwawagi ni Jesus ang siyang
nagbibigay sa atin ng pagwawagi laban sa suligin ng kasamaan na patuloy na nagnanais na
supilin tayo habang lumalakad tayo sa Kaniyang kapayapaan, kaligayahan at kasiguruhan ng
Kaniyang pagmamahal. Ngayon ang Banal na Espiritu ay naninirahan sa atin at pinalalakas tayo.
Sa patuloy nating pagtatalaga kay Jesus na ating tagapagligtas at Dios, tayo ay Kaniyang
pinapalaya sa pasanin ng ating nakaraan. Hindi na tayo namumuhay sa kadiliman, takot sa
kapangyarihan ng kasamaan, sa walang kaalaman, at kawalang kahulugan ng ating dating
pamumuhay. Sa ating bagong kalayaan kay Cristo, tinawag tayo upang lumago ayon sa Kaniyang
karakter, nakikipagusap sa Kaniya araw-araw sa pamamagitan ng panalangin, nabubusog sa
Kaniyang salita, nagmumuni-muni sa Kaniyang pagakay, umaawit ng papuri, nagsasama-sama
upang sumamba, at nakikilahok sa misyon ng Iglesia. Sa pagbibigay natin ng ating sarili upang
tulungang may pagibig ang nasa ating paligid at maging Saksi sa Kaniyang pagliligtas, ang
Kaniyang presensya sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay binabago tayo bawa’t
panahon sa ating paggawa at lumalago sa karanasang espirituwal.

Mga babasahing teksto sa Biblia:

1. Awit 1:1-2
2. Awit 23:4
3. Awit 77:11-12
4. Colosas 1:13-14
5. Colosas 2:6
6. Colosas 2:14-15
7. Lucas 10:17-20
8. Efeso 5:19-20
9. Efeso 6:12-18
10. I Tesalonica 5:23
11. II Pedro 2:9
12. II Pedro 3:18
13. II Corinto 3:17-18
14. Filipos 3:7-14
15. I Tesalonica 5:16-18
16. Mateo 20:25-28

Belief #12 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos

2. Ang Kadiosan

3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang

7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo

10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

11. Paglago Kay Cristo

12. Ang Iglesia

"ANG IGLESIA"

Ang Iglesia ay ang komunidad ng mga mananampalataya na ipinahahayag si Jesucristo bilang


Panginoon at Tagapagligtas. Sa pagpapatuloy at kabilang nga mga anak ng Diyos sa panahon
ng Lumang Tipan, tayo ay tinawag mula sa sanglibutan; at tayo ay magkakasama sa
pagsamba, pagtitiponi, para sa pagtuturo ng Salita, para sa pagdiriwang ng hapunan ng
Panginoon, para sa paglilingkod sa sangkatauhan, at para sa pambuong sanglibutang
nagpapahayag ng evangelio. Ang awtoridad ng iglesia ay mula kay Cristo, na siyang Salita na
nagkatawang-tao, at mula sa banal na kasulatan na siyang isinulat na Salita. Ang iglesia ang
sambahayan ng Dios, na Kaniyang inampon bilang mga anak, ang mga kaanib nito ay
nabubuhay batay batay sa bagong tipan. Ang iglesia ay siyang katawan ni Cristo, isang
komunidad ng pananampalataya na si Cristo ang siyang Ulo. Ang iglesia ang ay kasintahang-
babae na siyang kinamatayan ni Cristo upang Kaniya itong pakabanalin at linisin. Sa kaniyang
pagbabalik na may pagtatagumpay, ihaharap Niya Siya sa Kaniyang sarili, usang
maluwalhating iglesia, ang mga tapat ng buong kapanahunan, ang binili ng Kaniyang dugo,
na walang dungis o kulubot, kundi banal at walang kapintasan.

Mga babasahing teksto sa Biblia:

1. Genesis 12:3

2. Mga Gawa 7:38

3. Efeso 4:11-15

4. Efeso 3:8-11

5. Mateo 28:19-20

6. Mateo 16:13-20

7. Mateo 18:18

8. Efeso 2:19-22

9. Efeso 1:22,23

10. Efeso 5:23-27

11. Colosas 1:17-18

English version:

https://www.adventist.org/beliefs/fundamental-beliefs/
Belief #13 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos

2. Ang Kadiosan

3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang

7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo

10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

11. Paglago Kay Cristo

12. Ang Iglesia

13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito

“ANG NALABI AT ANG MISYON NITO”

Ang pangsanglibutang iglesia ay binubuo ng lahat ng tunay na naniniwala kay Cristo, subalit
sa huling mga araw, isang panahon ng malawakang pagtalikod, ang isang nalabi ay tinawag
upang ingatan ang kautusan ng Dios at ang pananampalataya kay Jesus. Ipinahahayag ng
nalabing ito ang pagdating ng oras ng paghuhukom, ipinahahayag ang kaligtasan sa
pamamagitan ni Cristo at ibinabalita ang nalalapit na ikalawa Niyang pagpapakita. Ang
pagpapahayag na ito ay kinakatawanan ng tatlong sinugong anghel ng Apocalipsis 14; ito ay
katugma ng gawang paghuhukom sa langit at nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago sa lupa.
Bawa’t mananampalataya ay tinatawag upang magkaroon ng personal na bahagi sa
pangsanglibutang pagsaksi na ito.

Mga babasahing teksto sa Biblia:

1. Apocalipsis 12:17
2. Apocalipsis 14:6-12
3. Apocalipsis 18:1-4
4. II Corinto 5:10
5. Judas 3
6. Judas 14
7. I Pedro 1:16-19
8. II Pedro 3:10-14
9. Apocalipsis 21:1-14

[English Version]

Belief #13 in our 28 Fundamental Beliefs

1. Holy Scriptures
2. Trinity
3. Father
4. Son
5. Holy Spirit
6. Creation
7. Nature of humanity
8. The Great Controversy
9. The Life, Death and Resurrection of Christ
10. The Experience of Salvation
11. Growing in Christ
12. The Church
13. The Remnant and its Mission

"The Remnant and its Mission"

AT THE END OF TIME, GOD WILL CALL HIS PEOPLE BACK TO CORE TRUTHS. WHILE
DECLARING JESUS’ SOON RETURN, THE REMNANT WILL HIGHLIGHT GOD AS CREATOR,
THE HEAVENLY JUDGMENT AND THE DANGER OF SPIRITUAL COMPROMISE.

The universal church is composed of all who truly believe in Christ, but in the last days, a
time of widespread apostasy, a remnant has been called out to keep the commandments of
God and the faith of Jesus. This remnant announces the arrival of the judgment hour,
proclaims salvation through Christ, and heralds the approach of His second advent. This
proclamation is symbolized by the three angels of Revelation 14; it coincides with the work
of judgment in heaven and results in a work of repentance and reform on earth. Every
believer is called to have a personal part in this worldwide witness.

Bible verses we need to read:

1. Daniel 7:9-14
2. Isaiah 1:9
3. Isaiah 11:11
4. Jeremiah 23:3
5. Micah 2:12
6. 2 Corinthians 5:10
7. 1 Peter 1:16-19
8. 1 Peter 4:17
9. 2 Peter 3:10-14
10. Jude 3, 14
11. Revelation 12:17
12. Revelation 14:6-12
13. Revelation 18:1-4

Reference:

https://www.adventist.org/beliefs/fundamental-beliefs/church/the-remnant-and-its-
mission/

[Tagalog Version]

Belief #14 sa ating 28 Fundamental Beliefs:

1. Ang Salita ng Diyos


2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak
5. Ang Dios Banal na Espiritu
6. Paglalang
7. Ang Likas ng Tao
8. Ang Malaking Tunggalian
9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo
10. Ang Karanasan ng Kaligtasan
11. Paglago Kay Cristo
12. Ang Iglesia
13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito
14, Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo

"PAGKAKAISA SA KATAWAN NI CRISTO"

Ang iglesia ay isang katawan na mayroong maraming kaanib, na tinawag mula sa bawa't
bansa, angkan, wika at bayan. Kay Cristo tayo ay bagong nilalang, makikilala sa rasa, kultura,
kaalaman at pagkamamamayan, at may pagkakaiba sa pagitan ng mataas at mababa,
mayaman at mahirap, lalaki at babae, ay hindi dapat maging dahilan ng pagkakabaha-
bahagi sa gitna natin. Tayong lahat ay pantay-pantay kay Cristo, na sa pamamagitan ng
isang Espiritu ay tinalian tayo sa isang pagsasama-sama sa Kaniya at sa bawa't isa; tayo ay
dapat maglingkod at paglingkuran na walang pagtatangi o paglilihim. Sa pamamagitan ng
pagpapahayag ni Jesucristo sa Banal na Kasulatan, nakikibahagi tayo sa gayon ding
pananampalataya at pagasa, at humahayo sa isang pagsaksi para sa lahat. Ang
pagkakaisang ito ay batay sa kaisahan ng tatlong persona ng Kadiosan, na siyang umampon
sa atin bilang Kaniyang mga anak.

Mga babasahing teksto sa Biblia:

1. Roma 12:4,5
2. I Corinto 12:12-14
3. Mateo 28:19-20
4. Awit 133:1
5. II Corinto 5:16-17
6. Mga Gawa 17:26-27
7. Galacia 3:27,29
8. Colosas 3:10-15
9. Efeso 4:14-16
10. Efeso 4:1-6
11. Juan 17:20-23

Mangyaring manalangin po at humingi ng gabay ng Banal na Espiritu bago mag-aral ng


Biblia.

[Tagalog Version]

#15 po sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos

2. Ang Kadiosan

3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang
7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo

10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

11. Paglago Kay Cristo

12. Ang Iglesia

13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito

14. Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo

15. Ang Bautismo

“ANG BAUTISMO”

Sa pamamagitan ng bautismo ipinahahayag natin ang ating pananampalataya sa kamatayan at muling


pagkabuhay ni Jesucristo, at nagpapatotoo ng ating kamatayan sa kasalanan at ng ating layunin na
lumakad sa kabaguhan ng buhay. Sa ganito kinikilala natin si Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas,
tayo ay Kaniyang bayan at tinanggap na mga kaanib ng Kanyang iglesia. Ang bautismo ay simbulo ng
ating pagkakaisa kay Cristo, ang kapatawaran ng ating mga kasalanan, at ng ating pagtanggap sa Banal
na Espiritu. Ito ay sa pamamagitan ng paglubog sa tubig at nakasalalay sa pagpapahayag ng
pananampalataya at katunayan ng pagsisisi sa kasalanan. Sinusunod nito ang mga tagubilin sa Banal na
Kasulatan at pagtanggap ng mga katuruan nito.

Mga teksto sa Biblia patungkol sa bautismo:

1. Roma 6:1-6
2. Colosas 2:12, 13
3. Mga Gawa 16:30-33
4. Mga Gawa 22:16
5. Mga Gawa 2:38
6. Mateo 28:19,20

Magandang umaga!

Para sa mga bagong miyembro at interesadong maging miyembro ng Seventh-Day Adventist


Church, narito po ang ika-16 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos

2. Ang Kadiosan

3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu


6. Paglalang

7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo

10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

11. Paglago Kay Cristo

12. Ang Iglesia

13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito

14. Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo

15. Ang Bautismo

16. Ang Hapunan ng Panginoon

“Ang Hapunan ng Panginoon”

Ang Hapunan ng Panginoon ay isang pakikilahok sa mga sagisag ng katawan at dugo ni Jesus bilang
pagpapakilala ng pananampalataya sa Kaniya, ang ating Panginoon at Tagapagligtas. Sa karanasang ito
ng komunyon, si Cristo ay kaharap upang tagpuin at palakasin ang Kaniyang bayan. Sa ating pagtanggap
nito, masaya nating ipinahahayag ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa Kaniyang muling pagdating.
Kabilang sa mga paghahanda sa Hapunan ng Panginoon ay, pagsusuri sa sarili, pagsisisi at pagpapahayag
ng kasalanan. Itinalaga ng Panginoon ang paghuhugasan ng paa, bilang tanda ng panibagong paglilinis,
upang ipakita ang kahandaang maglingkod sa isa’t-isa na katulad ng kababaan ni Cristo, at upang pag-
isahin ang ating mga puso sa pag-ibig. Ang serbisyo ng komunyon ay bukas para sa lahat ng mga
Cristiano na naniniwala dito.

Mga teksto sa Biblia patungkol sa Komunyon:

1. I Corinto 10:16,17
2. I Corinto 11:23-30
3. Mateo 26:17-30
4. Apocalipsis 3:20
5. Juan 6:48-63
6. Juan 13:1-17

Magandang araw po sa ating mga bagong miyembro at gustong maging miyembro ng Seventh-Day
Adventist Church---ang simbahan na nangangaral ng katotohanan base sa Biblia.

Narito po ang #17 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos

2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang

7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo

10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

11. Paglago Kay Cristo

12. Ang Iglesia

13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito

14. Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo

15. Ang Bautismo

16. Ang Hapunan ng Panginoon

17. Mga Kaloob ng Espiritu at mga Ministri

“MGA KALOOB NG ESPIRITU AT MGA MINISTRI”

Ang Dios ay nagbibigay sa lahat ng kaanib ng Kaniyang iglesia, sa bawa’t edad, ng mga kaloob ng Espiritu
na gagamitin ng bawa’t kaanib sa mairuging ministry para sa ikabubuti ng lahat sa iglesia at ng
sangkatauhan. Ibinibigay ito sa pamamagitan ng ahensya ng Banal na Espiritu, na siyang nagbabahagi sa
bawa’t isa sangayon sa ibig Niya, at ang mga kaloob na ito ay naglalaan ng lahat ng mga kakayahan at
paglilingkod na kailangan ng iglesia upang matupad ang mga banal nitong gawain. Sangayon sa Mga
Banal na Kasulatan, ang mga kaloob na ito ay sumasaklaw sa mga ministri kagaya ng, pananampalataya,
pagpapagaling, propesiya, pagpapahayag, pagtuturo, pangangasiwa, pagkakasundo, kaawaan at
paglilingkod-na-may-pagtanggi-sa-sarili, at kawanggawa, para sa pagtulong at pagpapalakas sa mga tao.
Ang ilang mga kaanib ay tinawag ng Dios at binigyan ng Espiritu para sa mga gawain na kinikilala ng
iglesia sa pastoral, pang-evangelio, sa mga apostol, at pagtuturo na kinakailangan upang masangkapan
ang mga kaanib para sa paglilingkod, upang isulong ang iglesia sa espirituwal na paglago, at upang
pagyamanin ang pagkakaisa ng pananampalataya at kaalaman tungkol sa Dios. Kapag ginagamit ng mga
kaanib ang mga espirituwal na mga kaloob na ito bilang mga tapat na katiwala ng iba’t ibang pagpapala,
ang iglesia ay naiingatan mula sa mapanirang impluwensya ng mga huwad na turo, lumalago sa paglago
na buhat sa Dios at tumatatag sa pananampalataya at pagibig.

Mga teksto sa Biblia patungkol sa Mga Kaloob ng Espiritu at Ministri:

1. Roma 12:4-8
2. I Corinto 12:9-11, 27, 28
3. Efeso 4:8, 11-16
4. Mga Gawa 6:1-7
5. 1 Timoteo 3:1-13
6. I Pedro 4:10, 11

Manalangin po tayo bago mag-aral ng Biblia at hingin ang gabay ng Banal na Espiritu.

Magandang araw po sa ating mga bagong miyembro at gustong maging miyembro ng Seventh-Day
Adventist Church---ang simbahan na nangangaral ng katotohanan base sa Biblia.

Narito po ang #18 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos

2. Ang Kadiosan

3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang

7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo

10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

11. Paglago Kay Cristo

12. Ang Iglesia

13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito

14. Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo

15. Ang Bautismo

16. Ang Hapunan ng Panginoon

17. Mga Kaloob ng Espiritu at mga Ministri

18. Ang Kaloob Na Propesiya

“ANG KALOOB NA PROPESIYA”

Ang isa sa mga kaloob ng Banal na Espiritu ay ang propesiya. Ang kaloob na ito ay isang
mapagkikilanlang tanda ng nalabing iglesia at nakilala sa ministri ni Ellen G. White. Bilang sugo ng Dios,
ang mga sulat niya ay nagpapatuloy na maging kapani-paniwalang bukal ng katotohanan na nagbibigay
sa iglesia ng kaaliwan, patnubay, pagtuturo, at pagtutuwid. Ang mga ito ay maliwanag na nagdidiin na
ang Biblia ang siyang pamantayan na sa pamamagitan nito ang lahat na katuruan at karanasan ay dapat
subukin.

Mga babasahing teksto sa Biblia:

1. Joel 2:28,29
2. Mga Gawa 2:14-21
3. Hebreo 1:1-3
4. Apocalipsis 12:17; 19:10

Mangyaring manalangin po muna at hingin ang gabay ng Banal na Espiritu bago magbasa o mag-aral ng
Biblia.

Magandang araw po sa ating mga bagong miyembro at inaanyayahang maging miyembro ng Seventh-
Day Adventist Church.

Narito po ang #19 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos

2. Ang Kadiosan

3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang

7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo

10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

11. Paglago Kay Cristo

12. Ang Iglesia

13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito

14. Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo

15. Ang Bautismo

16. Ang Hapunan ng Panginoon

17. Mga Kaloob ng Espiritu at mga Ministri

18. Ang Kaloob Na Propesiya


19. Ang Kautusan ng Dios

“Ang Kautusan ng Dios”

Ang mga dakilang prinsipyo ng kautusan ng Dios ay nakapaloob sa Sampung Utos at nakita sa buhay ni
Cristo. Ang mga ito ang naghahayag ng pagibig ng Dios, kalooban, at mga layunin na may kinalaman sa
paguugali ng tao at relasyon at saklaw ang lahat ng tao sa bawa’t panahon. Ang mga panuntunang ito ay
siyang saligan ng tipan ng Dios sa Kaniyang bayan at siya ring pamantayan sa paghuhukom ng Dios. Sa
pamamagitan ng ahensiya ng Banal na Espiritu, itinuturo nito ang kasalanan at ginigising ang pandama
ng pangangailangan ng Tagapagligtas. Ang kaligtasan ay biyaya at hindi dahil sa gawa, subalit ang bunga
ay pagsunod sa mga kautusan. Ang pagsunod na ito ay naglilinang ng paguugaling Cristiano at ang bunga
ay ang pagkadama ng mabuting katayuan. Iyon ay katunayan ng ating pagibig sa Panginoon at ng ating
malasakit sa ating kapwa-tao. Ang pagsunod na may pananampalataya ay nagpapakita sa kapangyarihan
ng Dios na magbago ng mga buhay, kaya ito ay nagpapalakas sa pagsaksing Cristiano.

Mga tektso sa Biblia patungkol sa Kautusan ng Dios:

1. Exodo 20:1-17
2. Awit 40:7,8
3. Mateo 22:36-40
4. Deuteronomio 28:1-14
5. Mateo 5:17-20
6. Hebreo 8:8-10
7. Juan 15:7-10
8. Efeso 2:8-10
9. I Juan 5:3
10. Roma 8:3,4
11. Awit 19:7-14

Mangyaring manalangin po muna at humingi ng gabay ng Banal na Espiritu bago magbasa o mag-aral ng
Banal na Kasulatan (Biblia).

Magandang hapon po sa ating mga bagong miyembro at inaanyayahang maging miyembro ng Seventh-
Day Adventist Church.

Narito po ang #20 sa ating 28 Fundamental Beliefs

1. Ang Salita ng Diyos

2. Ang Kadiosan

3. Ang Dios Ama

4. Ang Dios Anak

5. Ang Dios Banal na Espiritu

6. Paglalang
7. Ang Likas ng Tao

8. Ang Malaking Tunggalian

9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo

10. Ang Karanasan ng Kaligtasan

11. Paglago Kay Cristo

12. Ang Iglesia

13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito

14. Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo

15. Ang Bautismo

16. Ang Hapunan ng Panginoon

17. Mga Kaloob ng Espiritu at mga Ministri

18. Ang Kaloob Na Propesiya

19. Ang Kautusan ng Dios

20. Ang Kapahingahan

“ANG KAPAHINGAHAN”

Ang mapagbigay na Manlalalang pagkatapos ng anim na araw ng paglalang ay nagpahinga ng ikapitong


araw at itinatag ang Sabbath para sa lahat ng tao bilang alaala ng paglalang. Ang ikaapat na utos ng di
nagbabagong kautusan ng Dios ay humihingi ng pangingilin sa ikapitong araw na ito bilang araw ng
pahinga, pagsamba, at ministri na katugma sa mga turo at gawi ni Jesus, ang Panginoon ng Sabbath. Ang
Sabbath ay araw ng nakalulugod na pakikiharap sa Dios at sa bawa’t isa. Ito ay simbulo ng ating
kaligtasan kay Cristo at tanda ng ating pagpapakabanal, isang alaala ng ating katapatan, at isang patikim
ng ating walang hanggang kinabukasan sa kaharian ng Dios. Ang Sabbath ay walang katapusang tanda ng
Dios sa Kaniyang walang hanggang Tipan sa pagitan Niya at ng Kaniyang bayan. Ang masayang
pangingilin ng banal na panahong ito mula gabi hanggang gabi, mula sa paglubog ng araw hanggang sa
paglubog ay isang pagdiriwang ng mga gawang paglalang at pagliligtas ng Dios.

Mga tektso sa Biblia patungkol sa Kapahingahan:

1. Genesis 2:1-3
2. Exodo 20:8
3. Lucas 4:16
4. Isaias 56:5,6; 58:13,14
5. Mateo 12:1-12
6. Exodo 31:13-17
7. Ezekiel 20:12,20
8. Deuteronomio 5:12-15
9. Hebreo 4:1-11
10. Levitico 23:32
11. Marcos 1:32

Mangyaring manalangin po muna at humingi ng gabay ng Banal na Espiritu bago magbasa at mag-aral ng
Banal na Kasulatan.

Narito po ang #20 sa ating 28 Fundamental Beliefs:

1. Ang Salita ng Diyos


2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak
5. Ang Dios Banal na Espiritu
6. Paglalang
7. Ang Likas ng Tao
8. Ang Malaking Tunggalian
9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo
10. Ang Karanasan ng Kaligtasan
11. Paglago Kay Cristo
12. Ang Iglesia
13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito
14. Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo
15. Ang Bautismo
16. Ang Hapunan ng Panginoon
17. Mga Kaloob ng Espiritu at mga Ministri
18. Ang Kaloob Na Propesiya
19. Ang Kautusan ng Dios
20. Ang Kapahingahan

Sa pagpapatuloy po ng ating pag-aaral o review ng ating 28 Fundamental Beliefs, narito po


ang ika-23:

1. Ang Salita ng Diyos


2. Ang Kadiosan
3. Ang Dios Ama
4. Ang Dios Anak
5. Ang Dios Banal na Espiritu
6. Paglalang
7. Ang Likas ng Tao
8. Ang Malaking Tunggalian
9. Ang Buhay, Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo
10. Ang Karanasan ng Kaligtasan
11. Paglago Kay Cristo
12. Ang Iglesia
13. Ang Nalabi at ang Misyon Nito
14. Pagkakaisa Sa Katawan ni Cristo
15. Ang Bautismo
16. Ang Hapunan ng Panginoon
17. Mga Kaloob ng Espiritu at mga Ministri
18. Ang Kaloob Na Propesiya
19. Ang Kautusan ng Dios
20. Ang Kapahingahan
21. Pagiging Katiwala
22. Asal ng Cristiano
23. Pagaasawa at ang Sambahayan

"PAG-AASAWA AT ANG SAMBAHAYAN"

Ang pag-aasawa ay may kabanalang itinatag sa Eden at pinagtibay ni Jesus bilang isang
panghabang-buhay na tali sa pagitan ng lalaki at babae sa isang mairugang pagsasama.
Para sa Cristiano, ang pag-aasawa ay pagtatalaga sa Dios at sa asawa, at dapat pasukin
lamang ng dalawang nasa iisang pananampalataya. Pagibig sa isa't isa, paggalang,
pagpipitagan, at katungkulan ay mga pundasyon ng relasyon na ito na nararapat magbunga
ng pag-ibig, kabanalan, pagkakalapit, at pananatili ng ugnayan ng Dios at ng kanyang
iglesia. Tungkol sa paghihiwalay (divorce), itinuro ni Jesus na ang isang tao na humihiwalay
sa kaniyang asawa, maliban sa pakikiapid, at nagasawa ng iba, ay nagkakasala ng
pangangalunya. Bagaman ang ilang sambahayan ay hindi makaabot sa huwaran, ang mga
magasawa na lubos na nakatalaga sa isa't isa kay Cristo ay maaaring makamit ang
mairuging pagkakaisa sa pamamatnubay ng Espiritu at sa tulong ng iglesia. Pinagpapala ng
Dios ang sambahayan at hangad Niya na ang mga kaanib nito ay magtulungan para sa
lubos na paglago. Nararapat na palakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag-
ibig at pagsunod sa Panginoon. Sa pamamagitan ng kanilang halimbawa at pananalita, ituro
nila sa kanila na si Cristo ay mapagmahal na tagasupil, laging malumanay at mapag-alaga
na nagnanais na sila ay maging kaanib ng Kaniyang katawan, ang sambahayan ng Dios. Ang
pagiging totoong malapit sa isa't isa ng mga kaanib sa sambahayan ay isa sa mga tanda ng
panghuling mensahe ng evangelio.
Mga kaugnay na teksto:

1. Genes 2:18-25
2. Mateo 19:3-9
3. Juan 2:1-11
4. II Corinto 6:14
5. Efeso 5:21-33
6. Mateo 5:31,32
7. Marcos 10:11,12
8. Lucas 16:18
9. I Corinto 7:10,11
10. Exodo 20:12
11. Efeso 6:1-4; 32
12. Deuteronomio 6:5-9
13. Kawikaan 22:6
14. Malakias 4:5,6

Mangyaring manalangin po muna (magdasal) at humingi ng gabay ng Banal na Espiritu


bago magbasa o mag-aral ng Biblia.

You might also like