You are on page 1of 23

When the people are gathered, the priest together with the other ministers, enter the sanctuary.

The assembly
sings an appropriate hymn while the priest exposes the Blessed Sacrament then incenses it.

SONG: Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan


(Lucio San Pedro)

Koro:
Iisang Panginoon, iisang katawan,
Isang bayan, isang lahing sa ‘Yoy nagpupugay. (Uulitin)

1. Katulad ng mga butil na tinitipon,


Upang maging tinapay na nagbibigay-buhay.
Kami nawa’y matipon din at maging bayan Mong giliw. (koro)

2. Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak:


Sino mang uminom nito: “May buhay na walang hanggan.”
Kami nawa’y maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag. (koro)
Presider:

Purihin ang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat


Na may likha ng langit at lupa,
Sa iyong hangad na kami’y magkamit ng kaligtasan
Ayon sa iyong mga ipinangako mula pa man nuong una,
Iyong itinalaga ang Mahal na Birheng Maria
upang maging Ina ng Iyong nagkatawang-taong Anak.
All:
Kapuri puri ang Diyos magpakailanman.
Presider:

Purihin si Hesu Kristo


Ang bugtong na Anak ng Ama
Siya na hindi kayang saklawin ng sanlibutan
Ipinasyang manahan sa sinapupunan
ng Mahal na Birheng Maria
All:
Kapuri puri ang Diyos magpakailanman.
1
Presider:

Purihin ang Banal na Espiritu Santo


Panginoon at Tagapagbigay buhay
Na Siyang pumuspos ng pagpapala kay Maria
At nagbukas ng kanyang puso
upang tanggapin ang Salitang tagapagligtas
All:
Kapuri puri ang Diyos magpakailanman.
Presider:

Mga minamahal na kapatid,


tayo’y tinipon ngayon ni Hesukristo
na siyang ating Hari at Panginoon.
Siya’y nananahan sa puso ng mga taong
sa Kanya’y tumatanggap at sumasampalataya

Halina’t dumulog tayo sa Kanya upang ating matutunan


kung paano maipalaganap ang Kaharian ng Diyos.

Tayo’y manalangin upang magkaruon ng kaganapan


ang Kaharian ng Diyos na sa ating piling ay Kanyang sinimulan.
Ialay natin ang ating mga sarili sa Kanya
upang ang kalooban ng Ama
ay maganap dito sa lupa tulad ng sa langit.

Kaisa ng buong sambayanan, halina’t parangalan natin si Kristo


na naghahari sa puso ng mga taong mapagkumbaba, dukha, tapat
at walang ibang inaasahan kundi ang Diyos.

(Some moments of silent reflection, then everybody stand for the hymn)

2
SONG: Magpuri sa Panginoon (Hontiveros)
Koro:
Magpuri kayo sa Panginoong Diyos, lahat ng sangtinakpan.
Magsiawit kayo at S’ya’y ipagdangal magpakailanman.

1. Magpuri kayo, mga anghel ng Diyos, sa Panginoong Maykapal.


Magpuri kayo, mga langit, sa Diyos na sa ‘nyo lumikha. (koro)

2. Magpuri kayo sa Panginoon, buwan at araw at bituin.


Umawit sa kanyang karangalan, ulan at hamog at hangin. (koro)

3. Tanang mga tao sa buong mundo, banal at mabababang puso,


Purihin ninyo ang Panginoon, sa sala tayo’y hinago. (koro)
(All kneel.)

Presider:

O Banal na Hesus, kami’y lubusang sumasampalataya


sa Iyong presensya sa Banal na Eukaristiya
kung saan ibinigay mo ang Iyong sarili
bilang Tinapay na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Ipinalasap mo sa amin ang buhay na ganap,
upang maging aming lakas
sa daigdig na ito habang kami’y naglalakbay
nang may tiwala at galak,
nang sa gayon ay manatiling nakatuon ang aming pansin
tungo sa buhay na walang hanggan.
All:
Panginoon, palalimin mo ang aming pananampalataya.

3
Presider:

Sa Salita ng Diyos na patuloy na ipinapahayag,


sa tinapay at alak na naging Iyong Katawan at Dugo,
tunay na Ikaw, aming Panginoong muling nabuhay
ang Siyang nagmulat sa aming puso’t isipan
upang makilala ka sa paghahati ng tinapay.
All:
Panginoon, palalimin mo ang aming pananampalataya.

Presider:

Sa aming pakikiisa sa paghahati ng tinapay,


sa aming pagninilay sa Iyong banal na presensya,
at sa aming paggunita sa pag aalay ng Iyong sarili,
patuloy naming nararanasan ang Iyong walang hanggang pag-ibig
at nararamdaman ang Iyong tawag
na ipalaganap ang Iyong liwanag sa aming pamayanan
All:
Panginoon, palalimin mo ang aming pananampalataya.
Presider:

O Panginoong Hesukristo na nasa Banal na Eukaristiya


Liwanag at Buhay ng sanlibutan,
batid Mong ang aming mga pusong puno ng kasalanan,
laging gulo at pagod sa iba’t ibang uri ng pagdurusa,
Ay nangangailangan ng Iyong liwanag.
All:
Panginoon, palalimin mo ang aming pananampalataya.

4
Presider:

Sa aming hangad sa tunay kapayapaan


na para bang mahirap makamtan,
Sa aming karanasan ng karahasan, terorismo at kaguluhan,
Sa likuran ng mga kalamidad
na dulot ng kalikasan at aming kasakiman,
Panginoon, kami ay nangangailangan ng Iyong liwanag.

All:
Panginoon, palalimin mo ang aming pananampalataya.
Presider:

Sa paglalakbay na ito sa aming buhay, Diyos na aming Gabay,


Ikaw na nakababatid ng tunay na daan
at nakakaarok ng aming kalooban,
huwag Mong kahayaang manatili kaming bilanggo sa kadiliman.
Palakasin Mo kami sa aming kahinaan,
patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan,
at akayin Mo kami sa daan ng kabutihan.
All:
Panginoon, palalimin mo ang aming pananampalataya.

5
PAGBASA
James 2:14-24

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol Santiago

Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man
niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya
pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong
pananampalataya? Halimbawa: ang isang kapatid ay walang
maisuot at walang makain. Kung sabihin ng isa sa inyo, “Patnubayan
ka nawa ng Diyos. Magbihis ka’t magpakabusog,” ngunit hindi
naman siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang
maidudulot sa kanya iyon? Gayon din naman, patay ang
pananampalatayang walang kalakip na gawa. Ngunit may
nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa ako.” Sagot ko
naman, “Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang
kalakip na gawa, at ipakikita ko naman sa iyo sa pamamagitan ng
aking mga gawa ang aking pananampalataya.” Sumasampalataya
ka sa iisang Diyos, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man
ay sumasampalataya rin – at nangangatal pa. ibig mo pa bang
patunayan ko sa iyo, hangal, na walang kabuluhan ang
pananampalatayang walang kalakip na gawa? Si Abraham ay
kinalugdan ng Diyos dahil sa kanyang mga gawa nang ihandog
niya sa dambana ang anak niyang si Isaac, hindi ba? Diya’y makikita
mong magkalakip ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang
mga gawa. Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Si Abraham ay
sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya’y ibinilang na matuwid.”
Ang tawag sa kanya ng Diyos ay “Ang kaibigan kong si Abraham.”
Diyan ninyo makikita na ibinibilang ng matuwid ang isang tao dahil
sa kanyang mga gawa at di dahil sa kanyang pananampalataya
lamang.

Ang salita ng Diyos.


All:
Salamat sa Diyos.
(Some moments of silent reflection.)
6
Hangad naming makita ang Iyong mukha, Panginoon.

Ating Pagnilayan ang mukha ni Hesukristo sa Banal na Eukaristiya.


Presider:

Hesus, ipinasya mong Ika’y aming makita.


Ika’y nanirahan sa piling namin (Jn.1:14).
Nang mabanaagan ng Iyong mga alagad ang mukha ng Ama
sa pamamagitan ng Iyong pagkatao,
sila’y naging mga tagapagpahayag
ng Iyong mga kababalaghang ginawa (Jn.20:30-31).
Kanilang pinagnilayan ang Iyong mukha
habang sa krus ay nagdurusa,
Na siyang tunay na misteryo ng pag-ibig sa amin ng Diyos Ama.
All:
Hangad naming makita ang Iyong mukha, Panginoon,
Tinapay ng buhay na walang hanggan, pangako ng muling pagkabuhay
Presider:

Kanilang pinagnilayan ang Iyong mukha, Diyos ng Pagkabuhay


Ikaw na sa mga naligaw ay nagkaloob muli ng kapayapaan
at kaligayahan.
All:
Hangad naming makita ang Iyong mukha, Panginoon,
Tinapay ng buhay na walang hanggan, pangako ng muling pagkabuhay

7
Presider:

Sa panahong ito na puno ng kaguluhan,


habang aming pinagninilayan ang misteryo ng Banal na Eukaristiya,
amin ding nararanasan ang naranasan ng Iyong mga alagad.
Sa bawat araw Ika’y aming nakakasalamuha
sa Banal na Eukaristiya, Diyos na totoo at tao namang totoo.
Na kung saan ang iyong pagdurusa at kamatayan
ay nagkaruon ng katuparan.
O Diyos ng Pagkabuhay, Ika’y aming nakakasalamuha.
All:

Kapuri-puri ka, O Diyos ng sanlibutan


nang dahil sa Iyong kabutihan ang tinapay at alak
ay naging Iyong Katawan at Dugo…
Kapuri-puri ka, O Diyos magpakailanman.
Presider:

Kami’y sumasampalataya na Ika’y


tunay na tao, ngunit tunay ding Diyos
laging kapiling namin, ngunit puno din ng kapangyarihan
nagbigay sa amin ng sarili sa misteryong
hindi kayang lubusang maunawaan
ng aming pagkataong kulang sa karunungan.
All:

O Hesus, ang Iyong alaalay walang kasing tamis.


Ikaw na sa aming puso’y, dulot ay tunay na kaligayahan.

8
Presider:

Sa paglipas ng panahon, sa pagpapatuloy ng aming buhay,


Sa aming paglalakbay na puno ng karanasan
ng tagumpay at kabiguan, ng buhay at kamatayan,
ng pagkakaisa at pagkakahati-hati.
Kahit na ito’y nakapagdudulot sa aming buhay ng bagong hamon,
may mga panahong kami’y nakararanas
ng kalungkutan at kapaguran.
All:
O Diyos saan kami tutungo,
Nasa Iyo ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan

(Some moments of silent reflection)

Tagapagpadaloy:

Magsitayo po ang lahat.

9
MABUTING BALITA
Mt. 17:14-21

Presider:

Sumainyo ang Panginoon.


All:
At sumaiyo rin.
Presider:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


All:
Papuri sa’yo Panginoon.

Pagbabalik nila’y may dinatnan silang maraming tao. Lumapit ang


isang lalaki, lumuhod sa harapan niya at ang sabi: “Ginoo, mahabag
po kayo sa anak kong lalaki! Siya po ‘y himatayin at lubhang
nahihirapan kung sinusumpong, sapagkat madalas siyang
nabubuwal sa apoy o kaya’y mahulog sa tubig. Dinala ko na siya sa
inyong mga alagad, ngunit hindi nila mapagaling.” Sumagot si
Hesus, “Lahing walang pananampalataya at matigas ang ulo!
Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!”
Pinagwikaan ni Hesus ang demonyo at lumabas ito, at ang bata’y
gumaling agad.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


All:
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
(Some moments of silent reflection while the congregation is seated.)

Tagapagpadaloy:

Magsiupo ang lahat.

10
SONG: Tinapay ng Buhay
Koro 1:
Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati’t inialay.
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob,
At pagsasalong walang hanggan.

1. Basbasan ang buhay naming handog, nawa’y matulad sa pag-aalay Mo.


Buhay na laan nang lubos, sa mundong sa pag-ibig ay kapos. (KOR01)

2. Marapatin sa kapwa maging tinapay, kagalakan sa nalulumbay,


Katarungan sa naaapi, at kanlungan ng bayan Mong sawi.

Koro 2:
Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati’t inialay.
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob.
At pagsasalong walang hanggan.
At pagsasalong walang hanggan.
Presider:

Panginoon, ang kadiliman sa aming buhay ay umiiral


Sa tuwing kami’y nakararanas ng kawalan, kalungkutan at
matinding pagdurusa sa buhay
All:
Hangad ka naming makita, Panginoon.
Hangad ka naming mahawakan at maranasan.
Ipakita Mo Panginoon sa amin ang liwanag sa likod ng kadiliman
‘pagkat Ikaw ang aming Liwanag at Kaligtasan.

11
Presider:

Panginoon, ang kadiliman sa aming buhay ay umiiral


Sa tuwing kami’y nagiging manhid sa katotohanan.
Sa mga panahong hindi naming napahahalagahan ang moralidad,
At sa tuwing nawawala sa amin ang kamulatan sa Iyong presensya
sa aming pang araw-araw na pamumuhay.
All:
Patawarin Mo kami, Panginoon, sa aming kayabangan
Patawarin Mo kami, Panginoon, sa aming kawalang pakialam
at sa maraming pagkakataon kami’y kinakitaan ng kahinaan.
O Diyos, ang Iyong Liwanag nawa ay sumaamin,
upang kami’y magkamit ng kaligtasan.
Presider:

Panginoon, ang kadiliman sa aming buhay ay umiiral


Sa mga panahong ang pamilya’y nagkakawatak-watak,
Sa tuwing kami’y nabubuhay sa kawalan,
At ang aming mga pinahahalagahan ay hindi ayon sa kabutihan.
All:
Panginoon, buhay nami’y puno ng kadiliman.
Nawa’y aming makamtan, ang ‘yong liwanag at katapatan,
Na siyang sa aming buhay ay mag-aakay (Awit 43:3)

Presider:

Panginoon, ang kadiliman sa aming buhay ay nagbabadya


Sapagkat nawala ang aming kakayahang
magmahal ng tapat at wagas
Ang aming mga pamilya’y nagdurusa
dulot ng kawalan ng katapatan sa aming mga sinumpaan,
Nawala na rin ang aming paggalang sa buhay mula sa sinapupunan
Pagkat ang aborsyon ay naging talamak at lantaran.

12
All:
Panginoon, kami nawa’y Iyong kahabagan
At sa Iyong kabutihan at dakilang pagmamahal,
O Diyos, kami nawa’y Iyong patawarin,
Nang sa gayon kami’y muling makapag lakbay
sa Iyong kaliwanagan.

Priest:

Panginoon, ang kadiliman sa aming buhay ay nagiging talamak


‘Pagkat sa sangay ng pamahalaan,
ang katiwalian ay patuloy na umiiral,
Ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot ay lantaran,
At ang kasakiman sa kapangyarihan
at kayamanan ay walang hanggan.
All:
Panginoon, palayain Mo kami sa aming mga kasalanan
Gawin mo muling ganap ang aming buhay.
Upang hindi kami manghinawa
sa aming pagkamulat sa aming mga pagkakasala.
Nawa’y makamtan naming Panginoon ang Iyong Liwanag
Priest:

Panginoon, ang kadiliman sa aming buhay ay nakakatakot


‘Pagkat abot hanggang langit ang panaghoy
ng mga taong nagiging biktima ng kasamaan,
terrorismo at kriminalidad sa lipunan,
dulot ng kawalan ng kamulatan sa Iyong presensya sa aming buhay.
Na kahit ang kalikasan, bagsik niya sa ami’y ipinararamdam.
All:
Panginoon, hawiin Mo ang kadiliman
sa aming buhay dulot ng aming kasamaan.
Nawa’y ang Iyong Liwanag ang magtagumpay sa aming kahinaan
Nawa’y ang Iyong Liwanag ang magsilbing gabay sa aming buhay.

13
SI HESUS ANG LIWANAG AT BUHAY.
Bilang LIWANAG,
Si Hesus ay mas makapangyarihan kaysa kadiliman:
Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw
At hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman (Jn.1:5)

Bilang BUHAY,
habang ating pinahahalagahan para sa ating pamumuhay
ang ordinaryong tinapay at alak, sa Eukaristiya,
ang Tinapay ng Buhay ang siyang sa ati’y nagbibigay lakas
bilang mga Binyagan.

Ito din ang Tinapay na sa ating buhay ay nagbibigay kaganapan


sapagkat dito tayo lumalago sa ating pagtulad kay Kristo.
Ang lahat ng kaloob ng Banal na Espiritu sa atin ay nakatutulong
upang tayo’y magkamit ng kaligtasan,
na siyang nilalayon nang ang Banal na Eukaristiya ay itinalaga.
Ang buhay na puspos ng biyaya ay walang hanggan,
‘Pagkat ang Manunubos na Siyang dumating at nanatili sa aking
piling sa Banal na Eukaristiya, ang Siyang nagkaloob ng kaligtasan
para sa tanang sanlibutan.
Presider:

“Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at langit,


ang lupa ay wala pang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot
sa kalaliman at umiihip ang malakas na hangin sa ibabaw ng tubig.
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaruon nga.
(Gn 1: 1-3 )
All:
Pinupuri ikaw, Panginoon, nitong aking kaluluwa
Ikaw Panginoon na aking Diyos, kay dakila mong talaga!
Ang taglay mong kasuuta’y dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ikaw, O Diyos, ng maningning na liwanag,
Kailanma’y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad. (Awit 104: 1-2)
14
Presider:

O Diyos, Ikaw ang kaganapan ng Liwanag


O Hesus, ikaw ang pagbubunyag o kaganapang sa ami’y ibinunyag.
Bilang mga anak ng kaliwanagan, kami’y tinawag upang sa mundo
ang Iyong Liwanag ay aming maihatid
upang ito’y mas lubusang mabanaagan.
All:
Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon
ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman. (Jn 8: 12)
Presider:

Bilang pamayanan, tayo’y naghahanap ng katotohanan,


Hindi natin hangad na mamuhay sa kasinungalingan.
Ang kabataan ang tagapangalaga ng kinabukasan,
Ang Banal na Eukaristiya ay mananatili
bilang liwanag at pagmamahal sa kanilang buhay.
Sa Eukaristiya din nila makikila
ang pinagmumulan ng Buhay.
Sa pagtanggap ng Banal na Komunyon,
ating natutunghayan,hindi lamang ang tao na naghahanap sa Diyos,
kundi ang Diyos na naghahanap at naghihintay sa atin bilang tao.
All:
Isang bagay lamang ang aking mithiin,
Isang bagay itong sa Diyos hiniling;
Ang ako’y lumago sa banal na templo
Upang kagandahan niya’y mamasdan ko
At yaong patnubay niya ay matamo. (Awit 27:4)

15
Presider:

Sa Eukaristiya, O Panginoon, ipinaalala mo sa akin na igalang,


ingatan, mahalin, paglingkuran ang bawat buhay.
Ang Eukaristiya, Tinapay ng buhay na walang hanggan,
ang siya’ng nagpahayag sa amin na ang buhay ay banal para sa Iyo,
mula sa paglilihi hanggang sa kusa nitong kamatayan.
All:
Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan
Sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
Ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan. (Awit 16: 11)
Presider:

Tayong lahat ay katiwala ng lahat ng nilikha ng Diyos.


Ito’y tinanggap natin bilang biyaya,
Kaya mayroon tayong pananagutang ito’y ingatan,
alagaan at pagyamanin.
All:
O Diyos Ama, ang lahat ng bagay ay iyong nilikha.
Lahat ng panahon at kaganapan ay sumasailalim sa Iyong kautusan.
Iyong ipinasya na kami’y likhain ayon sa iyong larawan
at itinanghal kami upang mabatid ang iyong kadakilaan.
Iyong ipinagkatiwala sa amin ang pangangalaga sa sangkalupaan,
Upang sa bawat araw and iyong karunungan at kapangyarihan
ay aming maparangalan.
(Some moments of silent reflection after which the congregation will sing.)

16
SONG: Panginoon, AkingTanglaw
1. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan.
Sa panganib, ingatan ako, ang lingkod Mong nananalig sa’yo.

KORO:
Ang tawag ko’y ‘Yong pakinggan, lingapin Mo at kahabagan.

2. Anyaya Mo’y lumapit sa ‘Yo. H’wag rnagkubli, h’wag Kang magtago,


Sa bawa’t sulak ng mundo, ang lingkod Mo’y hahanap sa ‘Yo. (KORO)

3. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan.


Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig sa ‘Yo.

ANG EUKARISTIYA, MISTERYO NG PAGKAKAISA,


SENTRO NG BUHAY NG MGA MANANAMPALATAYA
Presider:

Sa tuwing tayo’y natitipon sa hapag,


ating naibabahagi ang sarili nating buhay,
ang ating mga pangarap, gayon din ang ating mga karanasan.
All:
Sa ating pagdiriwang ng misteryo ng pag-ibig ni Hesus,
Ating aminin ang ating mga nagawang pagkakasala
At humingi tayo sa Diyos ng kapatawaran at kalakasan.
Presider:

Sama-sama tayong kumakain,


at sama-sama nating ipinagdiriwang ang ating kagalakan,
tagumpay, at kalusugan.
All:
Panginoon Diyos, aming Hari, makapangyarihang Diyos at Ama
Pinupuri ka namin, pinasasalamatan ka namin, pinararangalan ka namin.

17
Presider:

Ating pinagsasaluhan sa kalis ang pagdurusa ng ating kapwa,


ating pinararamdan ang ating pakikidalamhati sa bawat isa,
at ating hinihilom ang sugat ng kalungkutan
sa kapwa nating mananampalataya.
All:
Nawa’y tayo na nakikipag kaisa sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay magkasama-sama at pagbuklurin ng Banal na Espiritu Santo.
Presider:

Humuhugot tayo ng lakas mula sa bawat isa


Ipinahahayag natin ang ating pasasalamat
Ating pinapagtibay ang kapatiran
at tayo ay nabubuo bilang isang sambayanan
All:
Panginoong Hesus, hinihiling naming kami’y Iyong tanggapin
At nawa’y Iyong kalugdan an gaming hain
Na nagmumula sa aming pusong puno ng pagsisisi’t pagpapakumbaba.
Presider:

Bilang pamayanan, tayo ay nagiging bahagi


ng buhay ng bawat isa at sa hapag ng buhay,
tayo ay nagiging tinapay na hinirang,
binasbasan, hinati at ipinamahagi.
All:
Diyos naming Ama, kami ay lumalapit sa iyo nang may papuri at pasasalamat
sa papamagitan ni Hesukristo na Iyong Anak.
Sa pamamagitan Niya, aming ipinapakiusap na Iyong basbasan at tanggapin
bilang handog ang aming mga alay sa Iyong harapan.

18
Presider:

Nang gabing ipagkanulo Siya, kinuha Niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya, pinaghati hati iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
tanggapin ninyong lahat ito at kanin,
ito ang aking Katawan na ihahandog para sa inyo.
All:
Sing if possible

Si Kristo’y namatay
Si Kristo’y nabuhay
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.
Presider:

Gayun din naman, kinuha Niya ang kalis,


muli ka Niyang pinasalamatan, iniabot Niya ang kalis
sa Kanyang mga alagad at sinabi,
Tanggapin ninyong lahat ito at inumin, ito ang kalis ng aking dugo,
Dugo ng bago at walang hanggan tipan,
ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo
at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
All:
Sing this if possible

Ang Iyong kamatayan ang siyang lumupig sa aming kamatayan,


Ang Iyong pagkabuhay ang siyang nagpanauli sa amin ng buhay,
Panginoong Hesukristo, halina sa Iyong kadakilaan.
All Kneel

Tagapagpadaloy:

Magsiluhod ang lahat.

19
PANALANGIN SA PAGPAPAHAYAG NG
PANANAMPALATAYA
Aming Amang nasa langit, ipagkaloob mo sa amin ang Iyong Banal
na Espiritu upang maantig ang aming mga puso ng salita na
nagmumula sa Iyong Banal na Kasulatan. Nawa’y mapuspos ang
aming kalooban ng hangad na panibaguhin ang aming
pananampalataya at palalimin ang aming ugnayan sa Iyong Anak
na si Hesus, upang kami ay lubusang sumampalataya at nang
maisabuhay ang Mabuting Balita.

Buksan Mo Panginoon ang aming mga puso upang aming


mapakinggan ang Ebanghelyo at ng may lakas ng loob, ito nawa’y
aming maipalaganap sa aming kapwa. Mapuspos nawa kami ng
Iyong Banal na Espitu upang kami ay maging matatag sa pagbibigay
patotoo sa Mabuting Balita sa pang-araw araw naming pamumuhay
sa pamamagitan ng salita at gawa.

Sa mga panahong kami ay may pag-aalinlangan, ipaalaala Mo sa


amin Panginoon: Na kung hindi kami, sino ang magpapahayag ng
Ebanghelyo? Na kung hindi ngayon, kailan pa maipapalaganap ang
Mabuting Balita? Na kung hindi ang katotohanan ng Ebanghelyo,
ano ang aming maipapahayag? Diyos na aming Ama, nananalangin
kami sa pamamagitan ng Banal na Espiritu Santo na amin nawang
mapakinggan ang tawag tungo sa Bagong Pamamaraan ng
Pagpapalaganap ng Mabuting Balita, at nang kami’y lumago sa
tiwala na aming maipapahayag ang Ebanghelyo nang may tapang
sa mapagligtas na biyaya ng Iyong Anak na si Hesukristo, na Siyang
nabubuhay at naghahari kasama Mo, at ng Espiritu Santo, ngayon
at magpasawalang hanggan.

Amen.

BENEDICTION HYMN

20
LET US RAISE OUR VOICE
Let us raise our voice to proclaim our faith Christ the Lord for us has died.
Dying, He destroyed our death
Rising, He restored our life,
O Lord Jesus, we await
Your last return in glory.
When we eat the bread
And we drink the cup in the Blessed Eucharist
We meet you, our Risen Savior,
Giving life to us anew Through life’s journey,
be with us to strengthen us forever. Amen.

PANALANGIN NG PAPURI

Katawan ni Kristo; ipinaglihi ng Mahal na Birheng Maria:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Katawan ni Kristo; inialay sa krus:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Katawan ni Kristo, muling nabuhay mula sa libingan:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Dugo ni Kristo, kabayaran sa aming pagkakasala:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

21
Dugo ni Kristo, tanda ng bagong ugnayan:
All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Dugo ni Kristo, inuming nagbibigay buhay na walang hanggan:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Puso ni Kristo, na sa tagiliran ay tinusok ng sibat:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Puso ni Kristo, puno ng habag:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Puso ni Kristo, pinagmumulan ng pagmamahal:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Tinapay ng Buhay na bumaba mula sa langit:


All:
Sa Iyo ay papuri at parangal ngayon at magpasawalang hanggan.

Salitang Buhay na mula sa Ama:


All:
Ipagkaloob mo sa amin ang Iyong Kaligtasan.

Tagapaghatid ng Banal na Espiritu Santo:


All:
Ipagkaloob mo sa amin ang Iyong Kaligtasan.

22
Kabiyak ng puso ng Banal na Simbahan:
All:
Ipagkaloob mo sa amin ang Iyong Kaligtasan.

Manunubos ng mundo:
All:
Ipagkaloob mo sa amin ang Iyong Kaligtasan.

Kaibigan ng kabataan at ng mga dukha:


All:
Ipagkaloob mo sa amin ang Iyong Kaligtasan.

Sa Iyong pagbabalik sa huling araw:


All:
Ipagkaloob mo sa amin ang Iyong Kaligtasan.

Text modified from:


“Eucharist Light in our Darkness.”
Published by the Congregation of the Blessed Sacrament, Philippines, 2005

23

You might also like