You are on page 1of 24

STA.

CLARA DE MONTEFALCO PARISH


PRIESTLY COMMISSION
JUNE 03, 2018
Unang Bahagi
PAGTATANGHAL NG SANTISIMO SAKRAMENTO
Ilalagay ng pari ang Santisimo Sakramento sa Ostensoryo.

PAG-IINSENSO
Iinsensuhan ng pari ang Santisimo Sakramento.

Lahat : Aawitin ang “O Salutaris”


O salutaris hostia,
Quae caeli pandis ostium:
Bella premunt hostilla,
Da robur fer auxilium

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari : Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu
Santo. Amen.

Sino ang marapat umahon sa burol sa burol ni Yahweh,


sino ngang aahon? Sino’ng papayagang pumasok sa
templo, Sino’ng tutulutang pumasok na tao? Siya, na
malinis ang isip at buhay Na hindi sumamba sa diyus-
diyusan; Tapat sa pangako na binibitiwan. Ang Diyos na
si Yahweh, pagpalain siya, Ililigtas siya’t pawawalang-
sala. Gayon ang sinumang lumalapit sa Diyos, Silang
lumalapit sa Diyos ni Jacob (Awit 24:3-6)

1|Page
Namumuno: Manahimik sumandali at pagsisihan ang
mga pagkakasala lalo na laban sa Bagong Utos ng
pagmamahalan ni Hesus.

Lahat : Hugasan mo ang aking mga kamay,


Panginoon, at dalisayin ang aking puso, upang sa
ganitong kalinisan, ako’y maging karapat-dapat na
humarap sa iyo, kalinis-linisang Kordero ng Diyos.

Pari : “Nakatayo ako sa labas ng pintuan at


tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at
bubuksan ang pinto, ako’y papasok sa kanyang
tahanan at magkasalo kaming kakain.”

Lahat : Panginoon, buksan mo ang aking isipan


upang maunawaan ko ang iyong salita; buksan mo ng
aking puso upang makatugon ako sa iyong
pagmamahal; buksan mo ang aking kalooban upang
matanggap ko ang iyong kalooban; buksan mo ang
aking mga labi upang maihayag ko ang pagpupuri sa
iyo.

Pari : “Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ng


walang bayad na tubig mula sa bukal na nagbibigay-
buhay.”

“Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may


ibig ng tubig na nagbibigay-buhay – ito’y walang
bayad.”

2|Page
Lahat : O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong
hinahanap.

Pari : O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong


hinahanap; Ang uhaw kong kaluluwa’y tanging ikaw
yaong hangad; Para akong tuyong lupa na tubig ang
siyang lunas. Bayaan mong sa santuwaryo, sa lugar na
dakong banal, Ikaw roo’y mamasdan ko, sa likas mong
karangalan.

Lahat : O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong


hinahanap.

Pari : Ang wagas na pag-ibig mo’y mahigit pa


kaysa buhay, Kaya ako’y magpupuri at ikaw ang pag-
uukulan. Habang ako’y nabubuhay, ako’y
magpapasalamat, At ako’y dadalangin na kamay ko’y
nakataas. Itong aking kaluluwa’y kakaing may
kasiyahan, Magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Lahat : O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong


hinahanap.

Pari : Laman ka ng gunita ko samantalang


nahihimlay, Magdamag na ang palaging iniisip ko ay
ikaw; Pagkat ikaw sa tuwina ang katulong na malapit,
Sa lilim ng iyong pakpak galak akong umaawit. Itong
aking kaluluwa’y sa iyo lang nanghahawak, Pagkat ako
kung hawak mo, kaligtasa’y natitiyak.

3|Page
Lahat : O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong
hinahanap.

Pari : “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking


salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at
mananahan sa kanya.”

Lahat : Halina, Hesus, itayo mo ang iyong trono sa


aking puso, at itatag dito ang iyong kaharian. Halina,
Ama at Espiritu, angkinin ninyo akong lubos, at
manahan kayo sa akin.

HALINA’T SUMAMBA
Namumuno: Magsitayo po ang lahat.

Pari : Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Lahat : Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Pari : Tayo ay lumapit sa ’ting Panginoon, siya ay


awitan, Ating papurihan ang batong kublihan nati’t
kalakasan. Tayo ay lumapit sa kanyang harapan na
may pasalamat, Siya ay purihin ng mga awiting may
tuwa at galak.

Lahat : Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Pari : Sapagkat ang Diyos ayang Panginoong


napakadakila, Ang dakilang haring higit sa sinumang
binabathala. Nasa kanyang palad ang buong daigdig,
pati kalaliman; Ang lahat ay kanya maging ang mataas
4|Page
nating kabundukan. Kanya rin ang dagat at pati ang
lupa na kanyang nilalang.

Lahat : Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Pari : Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at


magbigay-galang, Lumuhod sa harap nitong
Paninoong sa ati’y lumalang. Siya ang ating Diyos, Tayo
ang Kalinga niyang mga hirang, Mga tupa tayong
inaalagan.

Lahat : Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Pari : Ang kanyang salita ay ating pakinggan:


“Iyang inyong puso’y huwag patigasin, tulad ng ginawa
ng inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang Masa.

Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang,


Bagamat nakita ang aking ginawang sila’ng
nakinabang.”

Lahat : Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

PANANAMPALATAYA, PAG-ASA AT PAG-IBIG


Namumuno: Magsiluhod po ang lahat at sabay-
sabay nating dasalin.

Lahat : Kaisa ni Tomas na iyong alagad,


ipinahahayag ko, Jesus, na ikaw ay “Panginoon ko at

5|Page
Diyos ko!” At kaisa ng buong Simbahan, ipinagbubunyi
ko ang aking pananampalataya.

Sumasampalataya ako: Na ikaw, Jesus, walang simula’t


walang hanggan, ay anak ng Diyos; Na sa takdang
panahon ay nagkatawang-tao at ipinanganak ni
Birheng Maria; Na ikaw ay namatay sa krus upang iligtas
kami sa kasalanan at walang hanggang kamatayan;
Na ikaw ay nabuhay na mag-uli pagkaraan ng tatlong
araw upang magkaroon din kami ng bagong buhay;
Na umakyat ka sa langit upang mapaghanda kami ng
matitirhan; Na ikaw ay hari ng bagong sangnilikhang
naganap sa pamamagitan ng iyong pagliligtas; Na
itinatag mo ang Eukaristiya at inilaan mo itong pagkain
at inuming espiritual ng aming kaluluwa; Na ang
Eukaristiya ay isang alaala ng iyong
pagpapakasakit, isang bukal ng biyaya, isang balon
ng kabanalan, at isang pangako ng buhay na walang
hanggan; Na ikaw ay laging narito sa aming piling.

At sa harap ng iyong Eukaristiya, Muli kong


ipinahahayag: ang aking pananalig, pag-asa at
pag-ibig sa iyo, ang pagtanggap ko ng iyong Bagong
Utos ng Pagmamahalan, ang pagmamahal ko sa aking
kapwa.

Idinadalangin ko: Na ang Eukaristiya ay mamalaging


tampulan ng aking buhay; Na lagi kong mailagay sa
aking buong katauhan sa iyong banal na harapan; at

6|Page
sa pamamagitan mo, sa banal na harapan ng Ama; Na
ako’y maging masunurin sa iyong Banal na Espiritu;

At balang araw, nawa’y makamit ang biyayang


makasama ka sa Walang-katapusang piging, sa
walang hanggang pagdiriwang pasasalamat at
pagsamba sa iyong kaharian sa langit. Amen.

Namumuno: Magsi-upo po ang lahat at sandaling


manahimik at magnilay.

Koro : Aawit ng “TInapay ng Buhay”.

Ikalawang Bahagi
PAGNINILAY SA MISTERYO NG EUKARISTIYA

Namumuno: Magsitayo po ang lahat.

Pari : Ipagbunyi natin ang Misteryo ng ating


Pananampalataya.

Lahat : Si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay, si


Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.

Lahat : Aawitin ang “Isang Pagkain, Isang


Katawaan, Isang Bayan”

7|Page
Katulad ng mga Butil na tinitipon
upang maging tinapay
na nagbibigay buhay
kami naway matipon din
at maging bayan mong giliw

Iisang Panginoon iisang katawan


isang bayan isang lahi sa yo' y nagpupugay.

Katulad din ng mga ubas


na piniga at naging alak
sinumang uminom nito
may buhay na walanghanggan.
Kami naway maging'sangkap
sa pagbuo nitong bayang liyag.

Iisang Panginoon iisang katawan


isang bayan isang lahi sa yo' y nagpupugay.

PAGBASA
Namumuno: Magsi-upo po ang lahat at ating
pakinggan ang Pagbasa.

Lektor : ANG EUKARISTIYA AT ANG BUHAY NA


WALANG HANGGAN

Malinaw at malakas na ipinahayag ni Hesus sa Kapitulo


6 ng Ebanghelyo ayon kay San Juan na ang Eukaristiya
ay may pangako ng buhay na walang hanggan.

8|Page
Nagsisimula ang kabanatang ito tungkol sa
kababalaghang ginawa ni Hesus sa pagpapakain ng
mga limang libong tao sa pamamagitan ng limang
tinapay at dalawang isda. Di nalaunan, nang bumalik
ang mga tao upang makakaing muli, ipinangaral ni
Hesus ang tungkol sa isang bagong tinapay na galing
sa langit.

Ano ang tinapay na ito? Muling nagpahayag si Hesus:


“Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba
mula sa langit . . . Ang pagkaing ibibigay ko sa
ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman . . .
Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang
aking dugo, ay tunay na inumin”. Ang bagong tinapay
ay hindi lamang “galing sa langit”: ito ang Diyos, ang
Panginoon ng langit! Sapagkat ang Diyos ay langit, ang
bagong tinapay na ito ay langit din;
nangangahulugang ang gawang pagkain nito ay
langit din: ang pagiging kapiling ng Diyos. At dahil sa
ang Diyos ay walang kamatayan, ito ay pamumuhay sa
piling ng Diyos magpakailanman. “Ang kumakain ng
aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay
na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa
huling araw”.

Paano ito mangyayari? “Ang kumakain ng aking laman


at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at
ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin at
ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din naman,

9|Page
ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa
akin”.

Sa pagtanggap ng Eukaristiya, tayo ay napupuno ng


grasya at pagpapala at unti-unti tayong nagiging
kaanyo at katulad ni Kristo. Tayo’y naihahanda para sa
isang walang katapusang piging - Ang Kaharian ng
Diyos – sa isang handaan kung saan ang buong
pagkatao natin ay mabubusog sa pagmamasid sa
Diyos, ang Piging na Paskuwal na ipinagdiwang ni Hesus
kasama ng kanyang mga alagad: “Malaon ko nang
inaasam-asam na makasalo kayo sa Hapunang
Pampaskuwang ito bago ako magbata. Sinasabi ko sa
inyo, hindi na ako muling kakain nito hanggang sa ito’y
maganap sa kaharian ng Diyos”.

Alam natin na ang Eukaristiya ay hindi isang salitang


mahiwaga, o isang Gawain ng pagkain at pag-inom na
walang diwa. Tayo’y binabalaan ni San Pablo na
tanggapin ang katawan at dugo ni Kristo nang karapat-
dapat: “Kaya, dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili
bago kumain ng tinapay at uminom sa saro. Sapagkat
ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi
pinahahalagahan ang Katawan ng Panginoon ay
kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili”.

Namumuno: Sandali po tayong manahimik at


magnilay.

10 | P a g e
TAHIMIK NA PAGNINILAY
Namumuno : Pagnilayan natin, sa loob ng ilang
minuto, ang dakilang Misteryong nasa harap natin.

PAGBUBUNYI
Pari : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Lahat : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari : Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom,


at ang nananalig sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.

Lahat : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari : Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang


laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo,
hindi kayo magkakaroon ng buhay.

Lahat : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari : Ang kumakain ng aking laman at umiinom


ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at
muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.

Lahat : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari : Sapagkat ang aking laman ay tunay na


pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin.

Lahat : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

11 | P a g e
Pari : Ang kumakain ng aking laman at umiinom
ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya.

Lahat : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari : Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at


ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din naman,
ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa
akin.

Lahat : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari : Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit;


Ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman.

Lahat : Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Namumuno: Sandali po tayong manahimik at


magnilay.

Ikatlong Bahagi
PAG-AALAY NG MGA PANALANGIN

Namumuno: Magsiluhod po ang lahat.

Pari : Tanggapin nawa ng Diyos Amang


makapangyarihan ang ating pagdalo dito.

Lahat : Tayo’y tinawag ng Panginoon sa kanyang


harapan. Nawa’y malugod niya tayong tanggapin,

12 | P a g e
pakinggan ang ating mga panalangin, at lalo tayong
ilapit sa kanya.

Koro : Aawitin ang “Panalangin sa Pagiging


Bukas Palad”.

MGA PANALANGIN NG KAHILINGAN


Namumuno : Magsitayo po ang lahat.

Pari : “Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo


sa pangalan ko.”

Sa diwa ng Bagong Utos, at sa ngalan ni Jesus,


manalangin tayo para sa mga pangangailangan ng
mundo at ng Simbahan. “Hinihiling namin ito sa
pangalan mo, Panginoon.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa iyong lingkod na si Papa Francisco:


upang maging matatag ang kanyang loob sa pagiging
saksi ng pananampalataya, at tinig ng pagmamahalan
at katotohanan sa buong mundo.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

13 | P a g e
Lektor : “Para sa lahat ng mga obispo at mga pari:
upang maakay nila ang mga mananampalataya sa
tamang daan ayon sa Ebanghelyo.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa mga nakatalaga sa paglilingkod


sa Diyos: upang manatili silang matatag sa kanilang
bokasyon at tapat sa kanilang sinumpaan at para sa
bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso: upang
maraming banal na kabataan ang tumugon sa
paanyaya ng Diyos.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa mga tapat na laiko: upang


maging lebadura sila saan man sila mapadako at para
sa lahat ng Katoliko: upang mamuhay silang lagi ayon
sa mga aral ng Inang Simbahan.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa mga taong hindi nanampalataya:


upang makilala nila at mahalin si Jesus ng mga hindi pa
nakakakilala sa kanya.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.
14 | P a g e
Lektor : “Para sa mga nagsusulong ng kapayapaan
at katarungan sa mundo: upang ang kanilang
pagsisikap ay maging matagumpay.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa mga dukha: upang matugunan


ang kanilang materyal na pangangailangan at
mabuhay na sagana sa mga bagay sa espirituwal.

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa mga walang trabaho: upang


mabigyan sila ng sapat at makahulugang
hanapbuhay.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa mga may karamdaman: upang


manumbalik ang kanilang kalusugan sa katawan at
pag-iisip.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

15 | P a g e
Lektor : “Para sa mga kaluluwa ng mga namayapa
na: upang makamtan nila ang buhay na walang
hanggan na ipinangako ni Jesus sa mga nananalig sa
kanya.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa buong daigdig: upang


mapanibago ang lahat ng nilikha ng Panginoon.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa lahat ng naririto: upang lagi nating


ilagay ang ating sarili sa banal na harapan ng Ama, sa
puso at damdamin.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa mga nagkasala sa isa’t isa: upang


mapanumbalik ang kanilang pagkakaibigan at
pagmamahalan.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa pansarili o pangmadlang


pamumuhay moral: upang ang mga krimen at
kahalayan ay tuluyang mawala sa mundo.”

16 | P a g e
Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,
Panginoon.

Lektor : “Para sa katapatan at karangalan ng mga


pinuno ng ating pamahalaan at para sa ikasusugpo ng
katiwalian at kabukulan sa ating sambayanan.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa ating mga pamilya: upang sila’y


maging tunay na pamilyang Kristiyano at para sa mga
pamilyang nagkakahiwalay: upang sa pamamagitan
ng pagmamahal at pang-unawa ay muling
magkabalikan.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa mga kabataan: upang lumaki


silang mamamayang mapagmahal sa ating bansa at
mga anak ng Diyos na namumuhay ayon sa
Ebanghelyo.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.

Lektor : “Para sa ating matatanda: upang matatag


at mapayapa nilang harapin ang kinabukasan.”

Lahat : Hinihiling namin ito sa pangalan mo,


Panginoon.
17 | P a g e
Pari : Ipanalangin natin ang ating pansariling
kahilingan…

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristong


aming Panginoon.

Lahat : Amen.

PANALANGIN NI HESUS
Namumuno : Magsiluhod po ang lahat.

Pari : Si Hesus ang tagapamagitan at daan natin,


sa pamamagitan ng banal na krus at Eukaristiya,
patungo sa Ama. Sa Huling Hapunan una niyang
pinagdasal ang mga naroong alagad, at pagkatapos
ay ang mga susunod na mananampalataya, tayo.
Buong galang at pasasalamat nating dinggin ang
kanyang panalangin para sa atin:

“Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang


mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag.
Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw
ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayon din naman,
maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan
na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay
mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap
na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at
ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At
sa gayon, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at
sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.
18 | P a g e
“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang
mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang
karangalang bigay mo sa akin, sapagkat iniibig mo na
ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang
Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala
kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw
ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at
ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay
sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

PANALANGIN KAISA SI HESUS


Namumuno : Magsitayo po ang lahat.

Pari : Aawitin ko ang pag-ibig ng Diyos


magpakailanman.

Lahat : Ipahahayag ko ang iyong katotohanan sa


lahat ng salinlahi.

Pari : Kaisa si Hesus, tayo’y manalangin.

Lahat : (aawitin) Ama namin, sumasalangit ka,


sambahain ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo,
sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; at


patawarin mo kami sa aming mga sala para nang
pagpapatawad naming sa mga nagkakasala sa amin;
huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa
lahat ng masasama. Amen.

19 | P a g e
PAGPAPASALAMAT SA DIYOS AMA
Namumuno : Magsiluhod po ang lahat.

Pari : Amang nasa langit, ang kahulugan ng


Eukaristiya ay “pasasalamat.” Kasama si Jesus,
pinasasalamatan ka namin: Sa pagkakalikha mo sa
amin; Sa aming pananampalataya; Sa
pagkakatawang-tao ni Jesus at pagkakabahagi sa atin
ng kanyang pagka-Diyos;

Sa handog na krus at sa pag-aalis ni Jesus ng mga


kasalanan at pagpapanumbalik niya ng ating
pagkakaibigan; Sa Eukaristiya, ang banal na pagkain
mula sa langit; Sa aking mga kamag-anak at kapwa
alagad na naglalakbay patungo sa iyo; Sa Banal na
Oras na ito, kasama ng iyong Anak at kapiling mo.

Nawa’y lumago ang pananampalatayang Katoliko sa


amin at sa lahat ng iyong bayan. Hinihiling naming ito sa
ngalan ng anak mong si Jesus at aming Panginoon.

Lahat : Amen.

PAGPUPURI KAY HESUS


Namumuno : Magsitayo po ang lahat.

Pari : Kaisa ni San Pablo, papurihan natin si Jesus:


Lahat : Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita,
at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.
Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa,
20 | P a g e
nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at
namamahala, mga namumuno at may
kapangyarihang espirtuwal ay pawang nilikha ng Diyos
sa pamamagitan niya at para sa kanya.

Siya’y una sa lahat, at sa kanya nasasalalay ang


kaayusan ng lahat ng bagay. Siya ang ulo ng iglesiya na
kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na
Anak – ang naunang nabuhay na muli upang siya ang
maging pinakadakila sa lahat ng bagay.

Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili


rin sa Anak, at inibig niyang ang sandaigdigan ay
makipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng Anak.
Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa krus,
nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa
langit at lupa.

Ikaapat Bahagi
PAGBABASBAS

Namumuno : Magsiluhod po ang lahat at ating


awitin ang Tantum Ergo.

Lahat : Aawitin ang “Tantum Ergo”

21 | P a g e
Tantum ergo
Sacramentum Veneremur cernui:
Et antiquum documentum
Novo cedat ritui:
Praestet fides supplementum
Sensuum defectui.

Genitori Genitoque
Laus et jubilatio,
Salus, honor,
virtus quoque
Sit et benedictio:
Procedenti ab utroque
Compar sit laudatio.
Amen.

PANALANGIN
Pari : Binigyan mo sila ng tinapay buhat sa langit.

Lahat : Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat


ng katamisan.

Pari : O Diyos, sa ilalim ng kamangha-manghang


sakramento ay iniwan mo sa amin ang alaala ng iyong
hirap at sakit. Ipagkaloob na nawa’y sambahin namin
ang mga banal na hiwaga ng iyong katawan at dugo;
nang lagi naming madama sa amin mga sarili ang
bunga ng iyong kaligtasan. Ikaw na nabubuhay ang
naghahating kasama ng Diyos Ama, sa kaisahan ng
22 | P a g e
Espiritu Santo, Diyos magpakailanman at
magpasawalang hanggan.

Lahat : Amen.

PAGPUPURI SA BANAL SA SAKRAMENTO


Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Tao namang totoo.
Purihin ang ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang Kamahal mahalang Puso.
Purihin ang kanyang kabanal-banalang Dugo.
Purihin si Hesus sa Banal na Sakramento sa Altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin si Maria, dakilang Ina ng Diyos.
Purihin ang kalinis linisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at mga santo.

PAGLISAN
Namumuno : Manatili pong nakaluhod at ating
awitin ang “O Sacrament Most Holy”

23 | P a g e

You might also like