You are on page 1of 35

Mga DAPAT ihanda sa

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan


ng Panginoon

• Sapat na ostiya na aabot hanggang Biyernes santo


• Pitsel na may tubig, palanggana, 1 sabon at 2 twalya
• 1 timbang puno ng tubig (pang reserba kung sakaling maubos ang tubig na
nasa pitsel)
• Insensaryo at insenso
• Mga Ceriales
• Repositorio
• Mga tao na huhugasan ng paa
• Mga Langis: Krisma at ang para sa may Sakit
• 1 microphone malapit sa Commentator para sa mag-aalay ng mga langis
• Canopy, Humeral Veil
• Matraka o Clapper
• Microphone malapit sa Repositorio
• Malaking Ostiya (2)
• May Bulaklak sa altar ngayong araw
• Siguraduhing WALANG LAMAN ang Tabernakulo
• Anim na kandila ang nakalagay sa Altar
• 1 tabernakulo sa Sacristy para itago ang mga natirang Consecrated Hosts

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 1 | P a g e


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM
SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON
Tagapagpadaloy:
“Ang sarong ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng Aking Dugo.” (1 Cor 11:25)

Ang Lingkod ng Diyos ay Lingkod ng Bagong Tipan. Sa dapit-hapong ito


ipinagdiriwang natin ang Huling Hapunan ng Panginoon. Sa piging na ito, itinatag ni Hesus
ang mga sakramento ng banal na Orden at ng Eukaristiya. Pagliimin natin ang kahulugan
nito para sa atin na mga alagad niya.

Ngayon, gaganapain natin ang paghuhugas ng paa ng mga alagad at ang paggunita sa
Huling Hapunan. Ang paghuhugas ng paa ay hindi lamang isang ritwal na ginagaya ang
ginawa ng Panginoon kundi isang panawagan sa lahat na maglingkod sa pag-ibig, tulad ng
paglilingkod na ginawa ng Panginoon. Nagsimula pa ang ritu ng paghuhugas sa kalagitnaan
ng ika-limang siglo sa Jerusalem at pormal na naging bahagi ng liturhiya pagkatapos ng
ikalawang konsilyo sa Vaticano.

Pagkatapos ng misa ang reposisyon ng mga natirang banal na ostiya, isang kilos na
nagpapaalaala sa panahong wala pang tabernakulo sa loob ng Simbahan at inilalagak ang
natira sa ibang bahagi ng Simbahan, na malimit ay sa sakristiya. Pinagtibay ang kilos na ito
noong ikalabintatlong siglo sa pangunguna ni Papa Urbano IV matapos na itatag ang pista
ng Corpus Christi. Kaalinsabay rin nito ang isang matandang gawain na pag-aalis ng mantel
o takip ng altar.

Magsitayo po ang lahat at awitin natin ang pambungad na awit.

Dapat na walang laman ang tabernakulo;


dapat na maghanda ng sapat na ostiya para
italagang maging Katawan ni Krsito para sa
pakikinabang ng mga pari at mga tao
ngayon at bukas.

Sa pag-awit ng Papuri sa Diyos, tutugtugin


ang mga kampana ng Simbahan at
pagkaraa’y mananahimik ang mga ito
hanggang sa Gabi ng Pagkabuhay. Ang
unang Panalanging Eukaristiko na may
tanging pagbanggit ng araw na ito ang
gagamitin.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 2 | P a g e


PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa altar,
samantalang ang Awiting Pambungad ay ginaganap. Iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang Altar.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng tagapagdiwang nakaharap sa mga tao:

Antipona sa Pagpasok
Galacia 6:14
Krus ng ating kaligtasan
dapat nating ikarangal,
sagisag ng Kalayaan
at ng muling pagkabuhay
ni Hesus na ating mahal.

a ngalan ng Ama

S
Pagbati
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Amen.

Ang pagpapala ng ating Panginoon Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo,
nawa’y sumainyong lahat.
At sumaiyo rin.

o kaya naman

Sumainyo ang kapayapaan.


At sumaiyo rin.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 3 | P a g e


Paunang Salita
Maaring gamitin ito o kahalintulad na pahayag.
Ang tagapagdiwang ay maaring makapagbibigay ng maikling paliwag tungkol sa buod ng Misang
ipagdiriwang.

inamahal kong mga kapatid,

M sa pagdiriwang natin ng Huling Hapunan ng Panginoon,


ginugunita at sinisimulan natin ngayon
ang pag-alaala sa misteryo ng pagpapakasakit,
pagkamatay at muling pagkabuhay
ni Hesukristo ating Tagapagligtas.

Ito ang gabi ng pagpapamalas ng ating Panginoon


na siya’y lingkod ng Diyos
sa pamamagitan ng paghuhugas niya
sa mga paa ng kanyang mg alagad.
Ito ang gabi ng pagkakaloob niya ng Banal na Eukaristiya
na siyang ala-ala niya sa Bagong Tipan.
Ito ang gabi ng paghahabilin ng bagong utos
at pananalangin ng Panginoon
sa ipagkakaisa ng lahat ng mga mananampalataya sa kanya.
Sa pagsasariwa ng kanyang salita at buhay,
hilingin nating makabahagi tayo sa kanyang nararamdaman,
sa kanyang pag-ibig na nagdudulot kaligtasan.

Kaya naman, marapat nating ihanda ang ating mga sarili


sa pagdiriwang ng misteryo ng pananampalataya
at pagmamahal sa pamamagitan
ng paghingi ng kapatawaran sa ating mga pagkukulang
at paglilinis sa ating mga kalooban.
Manahimik ng ilang sandali.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 4 | P a g e


Pagsisisi
Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tatahimik nang saglit.
Inaamin ko sa Makapangyarihang Diyos,
at sa inyo mga kapatid, na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin
sa Panginoong ating Diyos.

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Amen.

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 5 | P a g e


PAPURI
Sa pag-awit ng Papuri sa Diyos, ang mga kampana ng Simbahan ay tutugtugin at pagkaraa’y
mananahimik ang mga ito hanggang sa Gabi ng Pagkabuhay.

apuri sa Diyos sa kaitaasan

P at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo,
ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen!

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 6 | P a g e


Pambungad na Panalangin

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin nang saglit.
ma naming makapangyarihan,

A sa mga kasalo ngayon sa banal na Hapunan


na ipinamana ng iyong Anak na mamamatay
bilang haing bago at pangmagpakailanman
para sa giliw niyang sambayanan,
ipagkaloob mong lubusang mapakinabangan
ang iyong dakilang pag-ibig at buhay
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.

Tagapagpadaloy:
Magsiupo ang lahat para sa Pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 7 | P a g e


PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA
Exodo 12, 1-8. 11-14

Ang Paskuwa ay pag-alala sa pagpapalaya ng Diyos sa mga Israelita mula sa pagkaalipin sa


Egipto. Pinagkalooban tayo ng Diyos ng isang bagong Paskuwa sa pamamagitan ni Hesus na
nagligtas sa atin mula sa pagkaalipin sa kasalanan.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo


Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Mula ngayon,
ang buwang ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo. At sabihin ninyo sa buong
pamayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito, bawat puno ng sambahayan ay
pipili ng isang kordero o bisirong kambing para sa kanyang pamilya. Kung maliit ang
pamilya at hindi makauubos ng isang buong kordero, magsasalo sila ng kalapit na pamilya,
na hindi rin makauubos ng isang buo. Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero ay
ibabatay sa dami ng makakain ng bawat isa. Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taong
gulang, walang pinsala o kapintasan. Kung walang tupa ay kahit kambing. Aalagaan itong
mabuti hanggang sa ikalabing apat ng buwan at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin
ng buong bayan ang kanikanilang kordero. Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa mga
hamba at sombrero ng pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. Sa gabi ring iyon, lilitsunin
ito at kakaning kasama ng tinapay na walang lebadura at ng mapapait na gulay. Ganito
naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas at may tangang
tungkod; dalidali ang inyong pagkain nito. Ito ang Paskuwa ng Panginoon.
“Sa gabing iyon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na
lalaki, maging tao o hayop man. At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyosan sa Egipto. Ako
ang Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita kong may pahid na dugo, at
walang pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto. Ang dugo ang
siyang magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon. Ang araw na ito’y
ipagdiriwang ninyo magpakailanman bilang pista ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.


Salamat sa Diyos.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 8 | P a g e


SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

Sa Diyos ko’t Panginoon,


ano’ng aking ihahandog,
sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana,
ay inumin na masarap,
bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

Masakit sa kalooban ng Poon


kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.
Katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos;
yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

Ako ngayo’y maghahandog


ng haing pasasalamat,
ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.
Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 9 | P a g e


IKALAWANG PAGBASA
1 Cor 11, 23-26

Ipinagpatuloy ni Pablo ang tradisyon ng Huling Hapunan. Sa Eukaristiya, si Hesus ang


Korderong inialay. Sa handog niyang katawan at dugo, nailigtas ang buong sanlibutan.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto


Mga kapatid: Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman sa
inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay kumuha ng tinapay,
nagpasalamat, at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa
inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Gayun din naman, matapos maghapunan ay
hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng
aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo sa pag-alala sa akin.” Sapagkat tuwing
kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan
ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.

Ang Salita ng Diyos.


Salamat sa Diyos.

Tagapagpadaloy:
Tumayo ang lahat bilang paggalang sa Mabuting Balita

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Juan 13, 34

Ang bagong utos ko’y ito:


mag-ibigan sana kayo
katulad ng ginawa ko
na pagmamahal sa inyo,
ang sabi ni Hesukristo.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 10 | P a g e


MABUTING BALITA
Jn 13, 1-15

Sumainyo ang Panginoon.


At sumaiyo rin.

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Papuri sayo Panginoon.

linsensuhan ng Tagapagdiwang ang aklat gamit ang insenso at ipahahayag ang Mabuting Balita.
isperas na ng Paskuwa.

B Alam ni Hesus na dumating na ang panahon


ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito
upang bumalik sa Ama.
Mahal niya ang kanyang mga tagasunod
na nasa sanlibutan,
at ngayo’y ipakikita niya
kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad.


Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas, anak ni Simon Iscariote,
ang pagkakanulo kay Hesus.
Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama
ang buong kapangyarihan;
alam din niyang siya’y mula sa Diyos
at babalik sa Diyos.
Kaya’t nang sila’y naghahapunan,
tumindig si Hesus,
naghubad ng kanyang panlabas na kasuotan,
at nagbigkis ng tuwalya.
Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana,
at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad
at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya.
Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 11 | P a g e
Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito.
“Panginoon,” sabi niya,
“diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking mga paa?”

Sumagot si Hesus,
“Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko,
ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.”

Sinabi sa kanya ni Pedro.


“Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.”

“Kung hindi kita huhugasan,


wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus.
Kaya’t sinabi ni Pedro,
“Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko,
kundi pati ang aking kamay at ulo!”

Ani Hesus,
“Maliban sa kanyang mga paa,
hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na,
sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan.
At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.”
Sapagkat alam ni Hesus
kung sino ang magkakanulo sa kanya,
kaya sinabi niyang malinis na sila,
ngunit hindi lahat.

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa,


siya’y nagsuot ng damit
at nagbalik sa hapag.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 12 | P a g e


“Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?”
tanong niya sa kanila.
“Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon,
at tama kayo, sapagkat ako nga.
Kung ang Panginoon ninyo at Guro
ay naghugas ng inyong mga paa,
dapat din kayong maghugasan ng paa.
Binigyan ko kayo ng halimbawa
at ito’y dapat ninyong tularan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Tagapagpadaloy:
Magsiupo ang lahat para sa Homilya.

HOMILIYA

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 13 | P a g e


PAGHUHUGAS NG MGA PAA
Ang mga pinili para rito ay ihahatid ng mga tagapaglingkod sa mga inihandang upuan sa angkop na
pook. Samantalang ito’y ginagawa, aawitin ang mga sumusunod na taludtod o iba pang nababagay
na awit.

Tagapagpadaloy:
Manatili po tayong nakaupo. Gugunitain natin ngayon ang ginawang paghuhugas ni Hesus ng
paa ng kanyang mga alagad. Ipinaaalala nito sa atin na dapat tayong magmahalan at
maglingkod sa isa’t isa, bilang pagsunod sa utos at halimbawa ng Panginoon.

Tagapagdiwang:
ga minamahal na mga kapatid,

M ang Panginoong Hesus ay lagi nating kapiling sa tuwing


tayo’y nagdiriwang at naglilingkod sa isa’t isa. Niloob
niyang hugasan ang mga paa ng kanyang mga alagad. Ating idulog
na kanya nawang tanggapin ang gagawin nating pagsunod sa
kanyang ipinag-uutos. Atin ngayong huhugasan ang mga
pagkakasala natin sa bawat isa. Nawa’y hugasan din ang mga
marumi nating mga kalooban.
Ang tagapagdiwang (na maaaring mag-aalis ng kasulya kung kailangan) ay lalapit sa bawat
huhugasan, magbubuhos siya ng tubig sa mga paa ng mga huhugasan sa tulong ng mga
tagapaglingkod niya, at siya ang magpapahid ng tuwalya sa nahugasang mga paa. Matapos ang
paghuhugas ng paa.

Matapos ang paghuhugas ng mga paa ng mga piling lingkod, patatayuin ang mga tao.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 14 | P a g e


Tagapagpadaloy:
Magsitayo po ang lahat.
Tagapagdiwang:
iyos naming Ama,

D pinatatatag mo ang pag-ibig


at lubhang kalugud-lugod sa inyo.
Nagpakumbaba ang iyong Anak
upang kami’y hanguin at itampok sa iyo.
Ipagkaloob mo na sa aming paglaganap
bilang isang nagbubunying mag-anak
ay manatili nawang tapat at kaisa sa iyo.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesukristo,
na Tagapamagitan,
nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
Aalisin ng mga tagapaglingkod ang mga upuan na ginamit ng mga hinugasan ng paa. Matapos ito,
ay isusunod ang Panalangin ng Bayan.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 15 | P a g e


PANALANGIN NG BAYAN
Habang tayo’y nagagalak sa Eukaristiyang handog sa atin ng Ama,
dumalangin tayo sa kanya upang ang pagdiriwang na ito’y
maghatid sa atin ng biyaya’t buhay mula sa kanya.
Manalangin tayo:
Panginoon, puspusin mo kami ng iyong pag-ibig.
Para sa mga nangakong lingcod mong maging tapat s aiyo. Nawa’y magampanan nilang
lubos ang pagpapahayag ng iyong Salita at pagdiriwang ng mga Sakramento ng Simbahan.
Manalangin tayo: (T)

Para sa mga naglilingkod sa aming bansa. Tulad mo, naisin din nawa nilang palayain ang
aming bayan mula sa lahat ng uri ng paniniil at kahirapan. Manalangin tayo: (T)

Para sa mga nagugutom, may karamdaman, at mga lubhang nangangailangan. Maibisan


nawa ang kanilang pagdurusa sa pamamagitan ng mga taong may tunay na malasakit.
Manalangin tayo: (T)

Para sa Simbahang umaasa sa iyong paggabay, grasya, at awa. Sa pamamagitan ng tinapay


ng buhay, hilumin mo nawa ang mundo sa pinsalang dulot ng kahirapan, karahasan, at
kadustaan. Manalangin tayo: (T)

Para sa mga nanalig at naniwala sa tagumpay ng iyong pagpapakasakit at Muling


Pagkabuhay. Patuluyin mo nawa ang mga kapatid naming yumao sa iyong kaharian.
Manalangin tayo: (T)

Itaas din natin ang mga kapatid nating nangangailangan ng panalangin, ang mga
pangangailangan ng ating pamayanan, at ang ating personal na mga kahilingan.
(Tumahimik) Manalangin tayo: (T)

Ama, dinggin mo ang mga panalangin


ng iyong nagsusumamong sambayanan
habang pinagsusumikapan naming maisabuhay ang buhay
na dulot ng tinapay at alak na siyang si Hesukristong Anak mo
at aming Panginoon.
Amen.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 16 | P a g e


PAGTANGGAP SA MGA BANAL NA LANGIS
Pagkatapos ng Panalangin ng Bayan, habang nakaupo ang lahat, dadalhin sa dambana ang mga
banal na langis. Ang langis para sa maysakit ay dadalhin ng isang piniling parokyano na may sakit.
Ang Krisma ay dadalhin ng isang parokyano na inatasan para sa gawaing ito. Tangan ng dalawang
tagapaglingkod ang kandila na siyang susundo sa mga may dala ng Banal na Langis sa may gawing
pinto ng Simbahan.

Tagapagpadaloy:
Magsiupo po ang lahat. Ngayon po ay masasaksihan natin ang paghahandog ng mga Banal
na Langis na binasbasan ng ating mahal na Obispo kaninang umaga sa ginanap na Misa na
may pagbabasbas sa mga langis.

PAGTANGGAP NG LANGIS PARA SA MGA MAYSAKIT


Tagapag-alay ng Langis para sa maysakit:
Narito po ang langis para sa mga maysakit.

Tagapagdiwang:
aranasan nawa ng mga may karamdaman

M na papahiran ng langis na ito ang awa,


pakikiramay at mapanligtas na pagmamahal ni Kristo,
sa kanilang katawan, isip at kaluluwa.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal! Ngayon at magpakailanman!

PAGTANGGAP NG BANAL NA KRISMA


Tagapag-alay ng Banal na Krisma:
Narito po ang banal na Krisma.

Tagapagdiwang:
ng mga papahiran ng mahalimuyak na Krismang ito:

A ang mga bibinyagan at kukumpilan;


mga oordinahang pari,
ay makaranas nawa ng biyaya ng Espiritu Santo.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal! Ngayon at magpakailanman!

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 17 | P a g e


PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat
ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng


pagaalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang
pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang Diyakono o ang tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:
Sa paghahalong ito ng alak at tubig
kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya nang pabulong:
Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas
at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 18 | P a g e


Pagkatapos, yuyuko ang tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:
Diyos Amang Lumikha,
nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana pagkaraa’y iinsensuhan ng
diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong niyang dinarasal

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa
mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

analangin kayo, mga kapatid,

M upang ang paghahain natin ay kalugdan


ng Diyos Amang makapangyarihan.
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang
banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


ma naming Lumikha,
A ipagkaloob mong marapat na ganapin
ang banal na paghahain
sapagkat tuwing ipinagdiriwang
ang alaala ng Anak mong nag-aalay,
ang pagliligtas niya sa tanan
ay nangyayari upang aming pakinabangan
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 19 | P a g e


PREPASYO Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat
Sumainyo ang Panginoon.
At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Marapat na siya ay pasalamatan.

ma naming makapangyarihan,

A tunay ngang marapat


na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Siya ang talagang dakila


at lagi mong ikinalulugod
na paring naghahain para sa sansinukob
nitong pag-aalay na tangi mong ibinukod.
Ang pagdiriwang sa Huling Hapunan
ay paghahain niya para sa tanan
upang alalahanin namin at pagsaluhan.
Ang laman niya’y inihain
upang lahat ay buhayin.
Ang dugo niya’y dumanak
nang lahat ay mapatawad.

Kaya kaisa nga mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 20 | P a g e
SANTO
Santo, Santo, Santo
Panginoong D’yos
na Makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan Mo
Hosana, Hosana, Hosana sa kaitaasan.
Pinagpala ang napaparito sa ngalan ng Panginoon.
Hosana, Hosana, Hosana sa kaitaasan.

Tagapagpadaloy:
Magsiluhod ang lahat

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT I


Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.
ma naming maawain,

A ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo


sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:
Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak mong ito
na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo 
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.
Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una
para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa Francisco, na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo Sofronio,
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang Katoliko na galing sa mga apostol.
Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 21 | P a g e
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig. (KASAMANG TAGAPAGDIWANG 1)
ma namin, iyong alalahanin

A ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin:


N. at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng tagapagdiwang nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos,
ang tagapagdiwang ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.
Ang aming pananampalataya ay nababatid mo
gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan,
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.
Pag-alala sa mga Banal. (KASAMANG TAGAPAGDIWANG 2)
aisa ng buong Simbahan

K ngayo’y aming ipinagdiriwang


ang dakilang kapistahan ng ginawang paghahain
ng aming Panginoong Hesukristo para sa amin.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen,
gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo at Andres,
(sina Santiago, Juan, Tomas, Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo, Simon at Tadeo;
gayundin sina Lino, Cleto,
Clemente, Sixto, Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono, Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 22 | P a g e
Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihan
at walang sawang pagdalangin
para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal. (TAGAPAGDIWANG)


ma namin, iyong tanggapin

A ang handog na ito ng iyong buong angkan


sa pag-alala sa dakilang araw
ng paghahain ng Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
upang pagsaluhan ng mga alagad.
Loobin mong kami’y makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami
ay mawalay sa iyo kailan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.
Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

Lulukuban ng mga kamay ng tagapagdiwang ang mga alay habang siya’y nagdarasal. ©
Ama namin, basbasan mo
ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.
Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 23 | P a g e
Nooong bisperas ng kanyang pagpapakasakit
para kami at ang lahat ng tao ay masagip,
nakisalo siya ngayon sa mga alagad niyang iniibig.
Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas habang kanyang patuloy na
inihahayag:
Hinawakan ni Hesus ang tinapay
sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Ang tagapagdiwang ay titingala.
Tumingala siya sa langit, sa iyo,
Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang.


TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
lpamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang tagapagdiwang ay magpapatuloy.


Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala
sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muIi ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 24 | P a g e


Bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod
siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng tagapagdiwang:


Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:


ma,

A kaming mga lingkod mo


at bumubuo sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
inihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kailanman
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang katapusan.
Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 25 | P a g e
Masdan mo nang buong kasiyahan
ang aming mga alay na ito.
Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham, na ama namin
sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang banal at dalisay na paghahain.

Yuyuko ang tagapagdiwang at magdasal siyang magkadaop ang mga kamay:


Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat sa banal mong anghel
ang mga alay na ito sa dakilang dambanang
nasa iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na Katawan
at Dugo ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito
sa banal mong hapag
Tatayo nang tuwid ang tagapagdiwang at magkukrus samantalang nagdarasal:
 kami ay mapuspos ng iyong pagpapala
at tanang pagbabasbas.
Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 26 | P a g e


Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal. (KASAMANG TAGAPAGDIWANG 3)
ma namin, iyo ring alalahanin

A ang mga anak mong naunang yumao sa amin


sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal
N., at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng tagapagdiwangnang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos,
ang tagapagdiwang ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.
Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo
ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa iyong piling.
Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 27 | P a g e


Dadagukan ng kanang kamay ng tagapagdiwang ang kanyang dibdib
habang siya ay nagsisimulang magdasal. (KASAMANG TAGAPAGDIWANG 4)
ahit kami ay mga makasalanan mong lingkod
K Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay.
kami rin ay nagtitiwala
sa iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami
ay makaugnay at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe, Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro, Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia, Agnes, Cecilia, Anastacia
Lorenzo Ruiz, Pedro Calungsod,
at ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang
kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno
sa aming kakulangan.
Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 28 | P a g e


At patuloy siyang magdarasal. (TAGAPAGDIWANG)
a kanyang pamamagitan

S ang tanang mabubuting kaloob mong ito


ay lagi mong pinaiiral, pinababanal, binubuhay,
binabasbasan at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang
kanyang ipinahahayag:

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI
AY SA IYO, DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi (aawitin):
Amen.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 29 | P a g e


ANG PAKIKINABANG

a tagubilin ng mga nakagagaling na utos

S at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos


ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ang tagapagdiwang sa pagdarasal:
Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 30 | P a g e


Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailanman! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng tagapagdiwang nakalahad ang mga kamay:


anginoong Hesukristo,

P sinabi mo sa iyong mga Apostol:


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban,
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
Ang tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o tagapagdiwang:

Magbigayan tayo ng tanda ng kapayapaan sa bawat isa.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 31 | P a g e


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng kapayapaan. Ang
tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

Pagkatapos, hahawakan ng tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya
ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.


Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa lamang idurugtong
ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”
Magkadaap ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama, gawin mong ako’y makasunod lagi sa
iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay
sa iyo kailanman.
Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan.
Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:
to ang Kordero ng Diyos.

I Ito ang nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 32 | P a g e


Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.


Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.


Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang itataas ang
ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:
Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:
Amen.
Samantalang nakikinabang ang tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng tagapagdiwang o
diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng tagapagdiwang, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal, ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang


mapakinabangan at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin ng
kagalingang pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang tagapagdiwang. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o makaaawit ng
papuri o salmo.

Pagkapakinabang, ang lalagyan ng mga ostiya para sa Biyernes Santo ay hahayaang nakapatong sa dambana at ang
Misa ay wawakasan sa panalanging ito:

Pagkaraan, ang tagapagdiwang ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 33 | P a g e


Antipona sa Komunyon
1 Corinto 11:24-25
Handog ko para sa inyo
ang sariling katawan ko.
Ito’y kasunduang bago
nasasalig sa dugo ko
sa gunita ko’y gawin n’yo.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin nang saglit.

ma naming mapagmahal,
A ipagkaloob mong sa aming pakikinabang
sa ipinagdiwang nitong Hapunan
ng Anak mong mahal
kami’y pagindapating makasalo kailanman sa piging
sa iyong piling sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.

Ipapahayag sa tao na bukas, Biyernes Santo, ay ayuno at abstinensiya.

Tagapagpadaloy:
Magsiluhod ang lahat, at maaari na rin nating sindihan ang ating mga kandila.
Dito natatapos ang Misa. Walang pagbabasbas.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 34 | P a g e


PRUSISYON NG BANAL NA SAKRAMENTO

Pagkatapos ng panalangin, luluhod ang tagapagdiwang sa harap ng dambana at lalagyan niya ng


insenso ang insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod, iinsensuhan niya nang tatlong ulit ang Banal
na Sakramento. Pagkaraa’y ilalagay sa balikat niya ang balabal na ang dulo ay gagamitin niya
upang takpan ang lalagyan ng mga ostiya na kanyang dadalhin sa prusisyon.
Ang Banal na Sakramento ay ipuprusisyon sa loob ng simbahan sa pangunguna ng tagapagdala ng
krus na napapagitnaan ng mga tagapagdala ng kandila at sinusundan ng tagapagdala ng
insensaryo.
Ang prusisyon ay paroroon sa paglalagakan ng Sakramento; ang pook na ito’y dapat na isang
kapilya sa loob ng simbahan at napapalamutian ng nababagay na gayak para sa pagkakataong ito.
Sa pagpuprusisyon, ang awit na “Pange Lingua” (maliban sa dalawang huling taludtod) o iba pang
awit tungkol sa Katawan ni Kristo ay aawitin.

(Sa himig ng Lating “Pange Lingua”)

Pagsapit ng prusisyon sa paglalagakan, ipapatong ng tagapagdiwang sa dambana ang lalagyan ng


Sakramento. Muli siyang maglalagay ng insenso sa insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod,
iinsensuhan niya ang Sakramento habang inaawit ang “Tantum Ergo.” Pagkatapos nito’y isasara
ang pinto ng tabernakulong pinaglalagakan ng Sakramento.

Matapos ang saglit na pagsambang matahimik at pagkaluhod ng tagapagdiwang at ng mga


tagapaglingkod, sila ay babalik sa bihisan. Ang dambana ay aalisan ng takip at kung maaari, ang
lahat ng mga krus sa simbahan ay itatago. Iminumungkahing takpan ang mga krus na hindi maaalis
sa kinalalagyan. Ang Panalanging Pantakipsilim ay hindi gaganapin ng mga nakiisa sa Misang
Pantakipsilim. Ang mga tao ay dapat akiting magpatuloy sa pagsamba sa Banal na Sakramento sa
kaukulang oras sa gabing ito, alinsunod sa kaugaliang umiiral, ngunit ang maringal na pagsamba
ay hindi dapat ipagpatuloy paglampas ng hatinggabi.

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon 35 | P a g e

You might also like