You are on page 1of 6

ANG LINGGO NG PALASPAS SA

PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

PASIMULA
Sisimulan ang pagdiriwang sa isang pook na pagtitipunan ng mga tao. Doon pasisimulan
ang seremonyas ng Pagbabasbas ng Palaspas at ng Maringal na Prusisyon. Ang pari ay
mainam na magsuot ng pulang kapa, na kanyang papalitan ng kasulyang pula sa simula ng
Misa pagsapit ng simbahan.

Pambungad: Mateo
21, 9

Osana ang aming awit


Dakilang Anak ni David.
Sa ngalan ng D’yos sa langit
Pagpapala ang pagsapit
ng pagtubos sa daigdig.
Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu


Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

PAMBUNGAD NA PALIWANAG
Mga minamahal na kapatid: limang lingo na
tayong naghahanda ng sarili para sa
pagdiriwang ng Pasko ng Pagpapakassakit at
Pagkabuhay ng Panginoon. Sinikap nating
unawain at tuparin ang ating pananagutan sa
Diyos at sa kapwa-tao alinsunod sa aral at
halimbawa ni Hesukristo. Kaisa ng buong
Simbahan, sinisimulan natin ngayon ang mga
Mahal na Araw.

Si Kristo ay matagumpay na pumasok sa


kanyang lungsod upang tuparin ang kanyang
gawain bilang Mesisyas: ang magpakasakit,
mamatay at muling mabuhay para sa ating
kaligtasan.

Taimtim nating sariwain sa ala-ala ang


Kanyang pag-aalay ng sarili para sa kapwa at
sundan natin Siya nang may buhay na
pananampalataya. Kaisa Niya sa pagdurusa sa
krus, tayo nawa ay makahati Niya sa kanyang
pananaig sa kamatayan at sa kanyang bagong
buhay.
PAGBABASBAS NG MGA PALASPAS
Pagkaraan ng paliwanag, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng
pari ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalangin ng pagbasbas ng palaspas.
Ama naming makapangyarihan, ang mga
palaspas na na ito ay iyong pagpalain  at
pabanalin upang sa masaya naming
ipagbunyi sa Mesiyas na aming hari siya’y
aming masundan at sa pamamagitan niya’y
aming sapitin ang hindi magmamaliw na
lunsod ng Jerusalem na kayang
pinaghaharian kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Pagkatapos nito, tahimik na wiwisikan ng Banal na Tubig ang mga palaspas. Aabutan ng
punong tagapagdiwang ng mga palaspas ang mga kinatawan ng labindalawang apostol.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Aawitin ang awit sa Mabuting Balita habang nilalagyan ng pari ng insenso ang insensaryo.
Matapos, hihingin ng diyakono ang basbas ng pari, at magpuprusisyon siya na
pinangununahan ng insesaryo at mga tagapaglingkod na may tangang kandila patungo sa
lugar na pagpapahayagan ng Mabuting Balita. Samantala, ibibigay sa punong
tagapagdiwang ang palaspas na inihanda para sa kanya.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang
dibdib.

+ Ang Mabiting Balita ng Panginoon ayon kay


San Lucas
Sasagot ang mga tao:

Papuri sa iyo Panginoon

NAGPAUNA si Hesus patungong


Jerusalem. Nang malapit na siya sa Betfage at
Betania, sa bundok na kung tawagi’y Bundok
ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawang
alagad. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo
sa susunod na nayon. Sa pagpasok doo’y
makakita ninyo ang bisirong asnong nakatali;
hindi pa ito nasasakyan ninuman. Kalagin
ninyo at dalhin dito. Kapag may nagtanong
kung bakit ninyo kinakalag, sabihin ninyong
kailangan ng Panginoon.” Kaya’t lumakad ang
mga inutusan at natagpuan nila ng asno, ayon sa
sinabi sa kanila ni Hesus. Samantalang
kinakalag nila ito, tinanong sila ng may-ari,
“Bakit ninyo kinakalag iyan?” “Kailangan ito
ng Panginoon,” tugon nila. Dinala nila kay
Hesus ang asno, at matapos isapin sa likod nito
ang kanilang mga balabal, siya’y pinasakay nila.
Nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay, at
sa kanyang daraanan nama’y inilatag ng mga
tao ang kanilang mga balabal. Nang malapit na
siya—palusong sa libis ng Bundok ng mga Olibo
—nagsigawan sa galak ang buong pangkat ng
mga alagad at malakas na nagpuri sa Diyos
dahil sa mga kababalaghang nasaksihan nila.
Ang wika nila, “Purihin ang kaharian
ngdumarating sa ngalan ng Panginoon!
Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!”
Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng
mga karamihan, “Guro, sawayin mo ang iyong
mga alagad. ” Sumagot siya, “Sinasabi ko sa
inyo; kapag tumahimik sila, ang mga bato na
ang sisigaw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Sasagot ang lahat:

Pinupuri ka namin Panginoong Jesukristo.

MARINGAL NA PRUSISYON
Kasunod ng pagpapahayag ng Mabuting Balita, hihmukin ng diyakono o kung walang
diyakono, ng pari, ang mga tao upang pasimulan ang prusisyon sa ganitong mga pananalita:

Mga minamahal na kapatid, tularan natin


ang mga tao na nagbunyi kay Hesus.
Halinang magprusisyon sa kanyang
karangalan taglay ang kapayapaan.
Ang prusisyon ay magsisimula patungo sa pagmimisahan.

You might also like