You are on page 1of 40

RITO NG BANAL NA PAGTATALAGA

NG SIMBAHAN NG PAROKYA NG STA. ELENA


HAGONOY, BULACAN

11 Enero 2016
Simbahan ng Parokya ni Santa Elena
Hagonoy, Bulacan
9:00 am
1
RITO NG BANAL NA PAGTATALAGA NG SIMBAHAN
UNANG BAHAGI: PAGTITIPON SA HARAP NG SIMBAHAN

Dahil ang simbahan ay pinaggaganapan na ng mga banal na pagdiriwang, hindi


na nakapinid ang mga pinto. Gayunpaman ay magsisimula sa labas ng
simbahan ang pagdiriwang. Inaasahan ding nakabukas at walang laman ang
tabernakulo ng simbahan sa pagkakataong ito.

Ang sambayanan ay magtitipon sa harap (malapit sa may pintuan) ng Simbahang


itatalaga. Pinangungunahan ng tagapagdala ng krus, ang Obispo (na nakasuot ng
mitra at hawak ang bacculo) at ang mga kasamang pari, ang mga diyakono at
mga tagapaglingkod (na nasa kani-kanilang angkop na kasuotan) ay lalapit sa
pintuan ng simbahan, kung saan ang mga tao ay natitipon.

Gaganapin ang pagbasa sa nilalaman ng marker at ang paggupit ng laso ng


pintuan matapos ang pag-awit ng Lupang Hinirang.

PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS: Lupang Hinirang

Commentator:
Magandang araw po sa inyong lahat!

Ang araw na ito ay araw ng malaking pagdiriwang sa atin


dahil ngayon ay itatalaga ang ating simbahan upang maging
pampalagiang lunan ng ating pagsamba sa Diyos na ating Ama.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa banal at masayang


pagdiriwang na ito sa masiglang pag-awit at pagtugon sa mga
panalangin. Aawitin po natin ang Pambansang Awit.

Pangungunahan ng koro ang pag-awit ng sambayanan.

2
PAG-AALIS NG TAKIP AT PAGBASA NG MARKER

Commentator: Ngayon po naman ay ating masasaksihan ang pag-aalis ng


takip sa (mga) panandang pangkasaysayan ng ating simbahan.

Hahawiin o aalisin ng mga nakatalaga sa ganitong gawain ang takip ng


panandang kasaysayan. Babasahin nang malinaw ang nilalaman ng panandang
pangkasaysayan, na wawakasan naman sa pagpalakpak ng sambayanan. Kung
higit sa isa ang panandang kasaysayan, gaganapin din dito ang paraang gaya ng
sa nauna.

PAGGUPIT NG LASO

IKALAWANG BAHAGI: PAGPASOK SA LOOB NG SIMBAHAN

Obispo: Buong galak at paggalang tayong pumasok


sa tahanan ng Panginoon!
Unang papapasukin ang mga nagsisimba.

Habang inaawit ang Pambungad na Awit,


Papasok ang Obispo at mga kasamang pari sa nakaugaliang pamamaraan, na
pinangungunahan ng tagapagdala ng krus at ng iba pang tagapaglingkod.
(Walang dalang insenso at kandila ang mga tagapaglingkod sa pagkakataong ito.)

Hindi hahalik sa dambana ang Obispo at mga pari, bagkus, dadako agad sila sa
nakatakdang lugar sa kanila. Kukunin ng tagapaglingkod sa Obispo ang mitra at
bacculo.

Sa kanyang luklukan, ipapahayag ng Obispo ang ganitong pananalita:

3
PASIMULA

Obispo: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu


Santo.
Bayan: Amen.

Obispo: Ang pagpapala at kapayapaan ng Panginoon


sa Kanyang banal na simbahan
ay sumainyong lahat.
Bayan: At sumaiyo rin.

PAGKAKALOOB NG SIMBAHAN SA OBISPO

Commentator: Atin po ngayong masasaksihan ang paghahandog sa Obispo


ng bunga ng sama-samang pagsusumikap ng sambayanan dito
sa ating parokya sa pangunguna ng ating Sangguniang
Pastoral.

Lalapit sa luklukan ng Obispo ang Pangulo ng Sangguniang Pastoral ng parokya


at ihahandog sa kanya ang symbolic key o anumang maaaring kumatawan sa
simbahang itinatag (gaya ng titulo ng lupa, plano ng simbahan, o anumang
katumbas nito). Maaari ring ilahad, sa Obispo at sa sambayanan, ng piniling
magsalita ang katangian ng itinatalagang simbahan.

4
PAGBABASBAS AT PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG
Lalapit ang mga tagapaglingkod na may dalang tubig.

Obispo: Mga kapatid kong minamahal,


sa maringal na pagdiriwang na ito ng
pagtatalaga ng simbahan ng
Parokya ng Santa Elena,
hilingin natin sa Amang Makapangyarihan
na marapatin Niyang basbasan
itong tubig na iwiwisik ngayon,
bilang tanda ng ating pagsisisi,
bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.
Pagkalooban nawa Niya tayo ng panibagong lakas
para sa pamamalaging matapat
sa Espiritu na ating tinanggap.
Sandaling katahimikan

Amang maawain,
tinawag Mo ang bawa’t nilalang
sa liwanag ng buhay,
at nilipos Mo kami ng Iyong dakilang pagmamahal,
upang kung kami ma’y maligaw ng landas,
lagi Mo kaming mapanumbalik
kay Kristong aming ulo.

Itinakda Mo ang pagpapalaganap ng Iyong awa,


nang ang mga makasalanan,
na dumaan sa tubig na pinagpala,
ay mamatay kasama ni Kristo at bumangong muli
bilang mga bahagi ng Kanyang katawan
at tagapagmana ng tipang walang hanggan.
5
Basbasan Mo ang tubig na ito  at pabanalin.
Habang iwiniwisik ito
sa amin at sa buong Simbahan,
gawin Mong ito ay maging tanda ng
mapagligtas na tubig ng binyag,
na kung saan kami ay nakaisa ni Kristo,
at naging templo ng Iyong Espiritu.
Nawa, kaming naririto ngayon
at ang lahat ng paririto sa darating na panahon,
na magdiriwang ng dakila Mong mga misteryo
ay sa wakas, magkasama-sama
sa banal Mong lunsod sa kalangitan.
Hinihiling namin ito
sa ngalan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Matapos basbasan ang sarili sa banal na tubig. Isusuot sa kanya ang mitra
at magwiwisik siya sa sambayanan at sa pader ng simbahan sa pangunguna ng
tagapagdala ng krus. Sa huli, babasbasan din niya ang dambana. Habang
ginaganap ang pagwiwisik, aawit ang sambayanan sa pangunguna ng koro.

6
Awit sa pagwiwisik: ISANG PANANAMPALATAYA

Koro: Isang Pananampalataya, isang pagbibinyag


Isang Panginoon, angkinin nating lahat

Habilin ni Jesus, noong Siya’y lumisan


Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan (Koro)
Ama, pakinggan Mo, ang aming panalangin
Dalisay na pag-ibig sa ami’y lumapit (koro)
Mga alagad ko, pa’no makikilla
Tapat nilang pag-ibig, wala nang iba pa. (Koro)

Matapos ang pagwiwisik babalik ang Obispo sa kanyang luklukan, aalisin


sa kanya ang mitra, at magkadaop ang kamay niyang sasabihin:

Obispo: Manahan nawa ang Amang maawain


sa bahay-dalanginang ito.
Dalisayin nawa tayo ng kaloob ng Banal na Espiritu
upang maging marapat tayong templo
ng Kanyang pananatili.
Bayan: Amen.

GLORIA

Obispo: Gloria in excelsis Deo… aawitin

7
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Obispo: Manalangin tayo


sandaling katahimikan

Ama naming Makapangyarihan,


gawin Mong sa pook na ito’y mag-umapaw
ang Iyong pagkupkop at pagtatangkilik na bigay
at ipagkaloob Mo ang Iyong tulong
sa tanang nagdarasal
upang dito’y mapalakas ng Iyong Salita
at Piging na banal ang loob ng tanan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

Isusuot ang mitra sa Obispo. Lalapit ang dalawang lektor sa Obispo dala ang
leksyonaryo na nakabukas.

Itataas ito ng Obispo at sasabihin ang mga sumusunod:

Obispo: Ang Salita ng Diyos


nawa’y marinig lagi
sa pook na ito,
habang nahahayag sa inyo
ang misteryo ni Kristo
at nakakamit ang kaligtasan ninyo
sa Simbahang ito.
Bayan: Amen.

8
PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS
Aklat ng Salita ng Diyos pp. 1407-1408 (1793-1794)

UNANG PAGBASA: Nehemias 8,2-4a 5-6, 8-10


“Binasa niya ang batas ng Diyos at
ipinaliwanag na mabuti ang kahulugan”

Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ni Nehemias

Noong mga araw na iyon, kinuha ni Ezrang saserdote ang aklat ng


Kautusan. Dinala niya ito sa kapulungang binubuo ng mga lalaki, babae at mga
batang may sapat na gulang at pang-unawa. Mula sa umaga hanggang tanghali,
binasa niya ang Kautusan sa harapan ng mga taong natitipon sa liwasang bayan.
Ang lahat ay nakinig na mabuti.

Siya ay nakatayo sa isang entabladong kahoy na sadyang itinayo sa


pagkakataong iyon.
Si Ezra ay nakikita ng lahat, sapagkat mataas ang kanyang kinatatayuan.
Ang lahat ay tumayo nang buksan niya ang aklat. “Purihin ang Panginoon, ang
dakilang Diyos” ang wika niya.

Ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga kamay at sumagot. “Amen, Amen.”


Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang sa Panginoon.

Binasa niya ng maliwanag ang batas na ito ng Diyos at ipinaliwanag na


mabuti ang kahulugan.

Nang malaman ng mga tao ang dapat nilang gawin ayon sa Kautusan,
nabagbag ang kanilang kalooban, anupa’t sila’y napaiyak. “Ang araw na ito ay
dakila sa Panginoon na inyong Diyos,” wika nina Nehemias, at Ezra at mga
Levita. Nakikinig ang mga tao at umiiyak nga kaya’t sinabi nila, “ Huwag kayong
umiyak.” Wika pa nila, “Umuwi na kayo at magdiwang! Ang walang pagkain at
inumin ay bahaginan ng mayroon, sapagkat ang araw na ito’y dakila sa
Panginoon. Ang kagalakang dulot niya ay magiging kalakasan ninyo.”

Ang Salita ng Diyos.


Bayan: Salamat sa Diyos

9
SALMONG TUGUNAN Salmo 18B,8.9.10.15

Tugon: Espiritung bumubuhay


Ang salita ng Maykapal

Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,


Ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
Yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan.
Nagbibigay ng talino sa pahat ang kaisipan.

Tugon: Espiritung bumubuhay


Ang salita ng Maykapal

Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,


Liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;
Ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos.
Pang unawa ang isipan yaong bungang idudulot.

Tugon: Espiritung bumubuhay


Ang salita ng Maykapal

Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,


Isang banal na tungkulin na iiral na parati;
Pati ang hatol niya’y matuwid na kahatulan,
Kapag siya ang humatol, ang pasiya ay pantay-pantay.

Tugon: Espiritung bumubuhay


Ang salita ng Maykapal

Nawa’y itong salita ko at ang aking kaisipan,


Sa iyo ay makalugod, Panginoon ko’t kanlungan,
O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan!

Tugon: Espiritung bumubuhay


Ang salita ng Maykapal

10
IKALAWANG PAGBASA 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17

“Kayo’y templo ng Diyos.“

Ang Salita ng Diyos mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-
Corinto.

Mga kapatid, kayo ang gusali ng Diyos. Ayon sa kaloob ng Diyos sa akin,
ako ang naglagay ng pundasyon, bilang mahusay na tagapagtayo. Iba naman
ang nagpapatuloy ng pagtatayo ng gusali. Ngunit maging ang bawat nagtatayo,
sapagkat wala nang ibang pundasyon na maaaring ilagay liban sa nailagay na, si
Hesukristo.

Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo


ang kanyang Espiritu? Parurusahan ng Diyos ang magwasak ng templo niya.
Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

ALELUYA

Pangungunahan ng koro ang pag-awit ng sambayanan. Hindi pa rin gagamitin


ang insenso at kandila, kaya lalapit agad sa Obispo ang diyakonong nakatalaga
sa pagpapahayag ng Mabuting Balita upang humingi ng pagbabasbas. Kung
walang diyakono, mainam na ang kura paroko ang magpahayag ng Mabuting
Balita. Aalisin ang mitra sa Obispo, at ibibigay naman sa kanya ang bacculo.

11
MABUTING BALITA Juan 4, 19-24
Aklat ng Mabuting Balita p. 635
“Ang mga tunay na sumasamba sa Ama
ay sasamba sa kanya sa espiritu at katotohanan”

Diyakono: Sumainyo ang Panginoon


Bayan: At sumaiyo rin
Diyakono: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoon

Noong panahong iyon:


Sinabi ng Samaritana kay Hesus,
“Ginoo, sa wari ko’y propeta kayo.
Dito sa bundok na ito sumasamba sa Diyos ang aming mga magulang,
nguni’t sinasabi ninyong mga Judio,
na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos.”
Tinugon siya ni Hesus,
“Maniniwala ka sa akin, Ginang,
dumarating na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama,
hindi lamang sa bundok na ito o sa Jerusalem.
Hindi ninyo nakikilala ang inyong sinasamba,
nguni’t nakikilala namin ang aming sinasamba,
sapagka’t ang kaligtasan ay galing sa mga Judio.
Ngunit dumarating na ang panahon
– ngayon na nga
– na ang mga tunay na sumasamba sa Ama
ay sasamba sa kanya sa Espiritu at sa katotohanan.
Sapagka’t ito ang hinahanap ng Ama
sa mga sumasamba sa Kanya.
Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat Siyang sambahin
sa espiritu at katotohanan.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri Ka naming Panginoong Hesukristo


Matapos ang pagpapahayag ng Mabuting Balita, lalapit sa Obispo ang nagpahayag ng
Mabuting Balita upang pahalikan sa kanya ang Aklat ng Mabuting Balita. Kukunin sa Obispo
ang bacculo at isusuot ang mitra.

HOMILYA
matapos ang homily magkakaroon ng sandaling katahimikan
12
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Obispo: Sumasampalataya ako


sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
Yuyuko ang lahat

ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.


Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
Ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluklok sa kanan
ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon nagmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at
nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na mag-uli ng
nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.

13
PANALANGIN NG PAGTATALAGA AT PAGPAPAHID NG LANGIS

PAANYAYA SA PANANALANGIN
Obispo: Halina’t tayo’y manawagan sa mga banal
upang kanilang tuwangan ang ating mga pagsamo
sa Diyos Amang Makapangyarihan.
Siya ang lumikha sa puso ng bawat isa
upang maging karapat-dapat na templo
ng Kanyang Espiritu.
LITANYA NG MGA BANAL
Kapag Araw ng Linggo at Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay mananatiling
nakatayo ang lahat, subalit sa ibang araw ay luluhod ang lahat.

Diyakono: Magsiluhod ang lahat

Panginoon, kaawaan Mo kami Panginoon, Kaawaan Mo kami


Kristo, kaawaan Mo kami Kristo, kaawaan Mo kami
Panginoon, kaawaan Mo kami Panginoon, kaawaan Mo kami
Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin Mo kami
San Miguel Arkanghel Ipanalangin Mo kami
Lahat kayong mga anghel Ipanalangin niyo kami
San Jose Ipanalangin Mo kami
San Juan Bautista Ipanalangin Mo kami
San Pedro at San Pablo Ipanalangin niyo kami
San Andres Ipanalangin Mo kami
San Juan Ipanalangin Mo kami
Santa Maria Magdalena Ipanalangin Mo kami
San Esteban Ipanalangin Mo kami
San Ignacio Ipanalangin Mo kami
San Lorenzo Ipanalangin Mo kami
Santa Perpetua at San Felicidad Ipanalangin niyo kami
Santa Agnes Ipanalangin Mo kami
San Gregorio Ipanalangin Mo kami
San Agustin Ipanalangin Mo kami
San Atanacio Ipanalangin Mo kami
San Basilio Ipanalangin Mo kami
San Martin Ipanalangin Mo kami
14
San Ildefonso Ipanalangin Mo kami
San Benito Ipanalangin Mo kami
San Francisco de Asis at Sto. Domingo Ipanalangin niyo kami
San Francisco Javier Ipanalangin Mo kami
San Juan Vianney Ipanalangin Mo kami
San Carlos Borromeo Ipanalangin Mo kami
Santa Catalina Ipanalangin Mo kami
Santa Teresita Ipanalangin Mo kami
Santa Teresa Ipanalangin Mo kami
San Juan dela Cruz Ipanalangin Mo kami
San Lorenzo de Manila Ipanalangin Mo kami
San Pedro Calungsod Ipanalangin Mo kami
Lahat kayong mga Banal sa piling ng
Maykapal Ipanalangin niyo kami

Panginoong Hesus, maawa Ka Panginoong Hesus, maawa Ka


Iligtas Mo kami sa lahat ng kasamaan Panginoong Hesus, maawa Ka
Iligtas Mo kami sa lahat ng kasalanan Panginoong Hesus, maawa Ka
Iligtas Mo kami sa walang hanggang
Kamatayan Panginoong Hesus, maawa Ka
Alang-alang sa Iyong pagiging tao Panginoong Hesus, maawa Ka
Alang-alang sa ‘Yong Kamatayan at
Pagkabuhay Panginoong Hesus, maawa Ka
Alang-alang sa pagkakaloob Mo sa
Amin ng Banal na Espiritu Panginoong Hesus, maawa Ka
Patnubayan Mo sa pagsasakatuparan ng
Iyong atas, aming Papa, mga Obispo,
mga Pari at Diyakono Panginoong Hesus, maawa Ka

Pagkalooban Mo ng pagkakaisa at Panginoong Hesus, maawa Ka


kapayapaan ang sandaigdigan
Kristo, pakinggan Mo kami Panginoong Hesus, maawa Ka

Lahat: Kristo, pakinggan Mo aming panalangin sa ‘Yo

15
Matapos ang litanya, darasalin ng Obispo ang mga sumusunod nang
nakaunat ang kamay.

Obispo: Panginoon,
ang mga panalangin nawa ng
Mahal na Birheng Maria
at ng lahat ng mga banal
kalakip ng aming mga panalangin
aymaging kaaya-aya sa Iyo.
Ang simbahan nawang ito,
na itinatalaga namin ngayon sa Iyong pangalan
ay maging pook ng pagpapala at kaligtasan
nang ang mga Kristiyanong dito’y
natitipon bilang magkakapatid
ay makasamba sa Iyo sa Espiritu at katotohanan.
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

kung nakaluhod ang sambayanan sa litanya:

Diakono: Tumindig ang lahat.

PANALANGIN NG PAGTATALAGA

Commentator: Darasalin po ng Obispo ang panalangin ng


pagtatalaga sa Diyos ng ating simbahan sa lahat ng panahon.

Darasalin ito ng Obispo nang nakatayo at walang mitra malapit sa kanyang


luklukan o sa dambana, at nakaunat ang mga kamay:

16
Obispo: Amang makapangyarihan,
bukal ng pagpapala at kabanalan,
tunay ngang marapat
na purihin at dakilain ang Iyong ngalan.

Sa araw na ito,
kami’y natitipon sa harap mo,
upang italaga sa paglilingkod na tatagal
ang bahay dalanginang ito,
ang templo ng pagsamba,
ang pook kung saan aming tinatanggap
ang Iyong salita at mga sakramento.

Dito nababanaag ang misteryo ng Simbahan.

Ang Simbahang mabunga,


na pinabanal ng dugo ni Kristo:
ang babaeng ikakasal na pinaging
maningning ng kanyang kapurihan,
ang birheng marilag na ganap sa pananalig,
ang Inang pinagpala sa kapangyarihan ng Espiritu.

Ang Simbahang banal,


na iyong hirang na ubasan:
mga sanga nito ay bumabalot sa daigdig,
mga baging nitong nakaugnay sa puno ng krus
ay humahantong sa kaharian ng langit.

17
Ang Simbahang kalugod-lugod,
na tahanan ng Diyos sa daigdig:
templong binuo ng mga batong buhay,
nakasalig sa mga apostol
at kay Hesukristo na batong panulukan.

Ang Simbahang dinarakila,


isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng bundok:
liwanag para sa buong daigdig,
nagniningning taglay ang kadakilaan ng Kordero,
at pinaaalingawngaw mga panalangin ng kanyang mga banal.

Amang makapangyarihan,
isugo mo ang iyong Espiritu
upang mamalaging banal ang Simbahang ito,
at ito namang dambana
ay mamalagi ring hapag
ng sakripisyo ni Kristo.

Dito, magapi nawa ng tubig ng binyag


ang kahihiyang dulot ng kasalanan;
mamatay nawa rito ang iyong bayan sa kasalanan
at sa tulong ng iyong biyaya,
muling mabuhay bilang iyong angkan.

Dito, matipon nawa ang mga anak mo sa iyong dambana,


maipagdiwang ang alaala ng Korderong Pampaskwa
at makapakinabang sa hapag ng katawan ni Kristo
at ng kanyang salita.

18
Dito, umalingawngaw nawa sa langit at sa lupa
ang panalangin, ang mismong piging ng Simbahan
bilang pagsamo para sa kaligtasan ng buong sandaigdigan.

Dito, makasumpong nawa ang mga aba ng katarungan;


ang mga sinisiil, ng tunay na kalayaan.

Mula rito ang buong mundo nawa


na binihisan ng karangalan
bilang mga anak ng Diyos
ay pumasok nang may galak
sa iyong lunsod ng kapayapaan.

Hinihiling namin ito


sa pamamagitan ni Hesukristo na iyong Anak,
nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

19
PAGPAPAHID NG LANGIS SA DAMBANA AT MGA PADER NG SIMBAHAN

Aalisin ng Obispo ang kasulya kung kinakailangan at matapos isuot ang puting
gremyal ay pupunta sa dambana; dala ang Krisma. Isusuot sa kanya ang mitra.

Commentator: Sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis ang dambana ay


magiging sagisag ni Kristo, ng una sa lahat ay tinawag na “Ang
Pinahiran ng Langis” Siya ang unang pinahiran sa pamamagitan
ng Espiritu at itinatalagang Dakilang Pari. Sa dambana ng
Kanyang katawan, mag-aalay Siya ng sakripisyo ng Kanyang
buhay para sa lahat. Ang Simbahan ay pinapahiran ng langis
tanda ng pagtatalagang ganap nito at panghabang panahon para
sa pagsambang Kristiyano.

Sasabihin ng Obispo ang mga sumusunod habang nakatayo sa harap ng


dambana:

Obispo: Papahiran natin ngayon ng langis


ang dambana at ang simbahan.
Pabanalin nawa ng Diyos
sa Kanyang kapangyarihan ang mga ito,
ang mga tandang nagpapahayag
ng misteryo ni Kristo at ng Kanyang
Simbahan.
Ibubuhos ng Obispo ang Krisma sa gitna ng dambana at sa apat na sulok nito at
papahiran nito ang dambana. Matapos ito saka papahiran ng mga pari ang mga
pader ng Krisma. Habang ginaganap ang mga ito, darasalin (o aawitin) ang
nakalaang salmo.

Kapag ang apat na Krus ang nakalagay, ang ibig sabihin nito ay larawan ng
Simbahan ng banal na Jerusalem. At kung labindalawa naman, para sa 12
apostol na siyang pinagtatagan ng simbahan ni Kristo.

20
Lektor: Mahal ko ang Iyong Templo, O Makapangyarihang Diyos!
Nasasabik ang lingkod Mong sa patyo Mo ay pumasok.
Ang buo kong pagkatao’y umaawit na may lugod.
Sa masayang pag-awit ko, pinupuri’y buhay na Diyos. (Tugon)

Lektor: Panginoon, sa templo Mo, mga maya’y nagpupugad


Maging ibo’y layang-layang sa templo Mo’y nagagalak,
May inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar.
O Panginoon, Hari namin, at Diyos na walang kupas,
mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan
at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan.(Tugon)

Lektor: Ang sa Iyo umaasa’y masasabing mapalad rin,


silang mga naghahangad na sa Sio’y makarating.
Habang sila’y naglalakbay sa tigang na kapatagan,
tuyong lupa’y binabaha sa maagap na pag-ulan.
Habang sila’y lumalakad, lalo silang lumalakas,
batid nilang nasa Sion ang Diyos nilang hinahanap. (Tugon)

Lektor: Dinggin Mo ang dalangin ko, O Makapangyarihang Diyos,


O Ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin Mo ang Iyong lingkod.
Basbasan Mo, Panginoon, yaong Hari naming Mahal,
pagpalain Mo po Siya, yamang Ikaw ang humirang. (Tugon)

21
Lektor: Kahit isang araw lamang, gusto ko pang sa templo Mo
kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko.
Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng Iyong templo.
kaysa ako’y mapasama sa masamang mga tao. (Tugon)

Lektor: Ikaw ang haring dakila, ang tunay naming sanggalang.


Kami’y pinagpapala Mo sa pag-ibig Mo at dangal.
Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay
sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.
Mapalad na masasabi ang sa Iyo’y magtiwala,
hindi sila mabibigo, yamang Ikaw ay dakila!(Tugon)

Matapos ang pagpapahid ng langis, lalapit ang mga tagapaglingkod na may


dalang pitsel na may tubig, palanggana, sabon, kalamansi at tuwalyang punasan
upang hugasan ang mga kamay ng Obispo. Habang ginaganap ito, huhugasan
din ng ibang tagapaglingkod ang mga kamay ng mga paring nagpahid ng langis
sa mga haligi ng simbahan.
Matapos ang lahat, tatanggalin ang kanyang mitra. Ilalagay ng tagapaglingkod sa
ibabaw ng dambana ang malaking sisidlan ng insenso.
PAG-IINSENSO SA DAMBANA AT SIMBAHAN

Commentator: Ang insenso ay sinusunog sa dambana bilang pagsamo na ang


sakripisyo ni Kristo, na ipinagpapatuloy dito ay umaakyat sa
Diyos bilang mahalimuyak na samyo, at upang ang panalangin
ng sambayanan ay maging kalugod-lugod hanggang sa
luklukan ng Diyos.

Lalagyan ng Obispo ng insenso ang malaking lalagyan nito sa ibabaw ng


dambana habang sinasabi:

Obispo: Amang Makapangyarihan,


pumailanlang nawa tulad ng insenso
ang aming panalangin sa harap Mo.
Tulad ng gusaling ito na pinuno ng bango,
puspusin nawa ng Simbahan
ng halimuyak ni Kristo ang buong mundo.
22
Lalagyan din ng Obispo ng insenso ang iba pang sisidlan. Ang Obispo ang mag-
iinsenso sa dambana. Pagkatapos, babalik siya sa kanyang luklukan, isusuot ang
mitra sa kanya, at siya ay iinsensuhan ng tagapaglingkod. Pagkatapos nito,
maaari na siyang umupo, habang ang iba namang mga pari ay nag-iinsenso sa
sambayanan, at sa mga sulok ng simbahan. Habang ginaganap ang lahat ng ito,
darasalin (o aawitin) ang nakatalagang salmo.

Lektor: Ako, Panginoon, buong pusong aawit ng pasalamat.


Sa harap ng ibang diyos, pupurihin Kitang ganap.
Sa harap ng Iyong templo ay yuyuko at gagalang
Pupurihin Kita roon, pupurihin ang ‘Yong Ngalan;
Dahilan sa pag-ibig Mo at sa Iyong katapatan,
Ikaw’y tunay na dakila, pati Iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon Mo,
sa lakas Mong itinulong ay lumakas agad ako. (Tugon)

Lektor: Dahilan sa pangako Mong narinig ng mga hari,


pupurihin Ka ng lahat at Ikaw’y ipagbubunyi;
Ang lahat ng ginawa Mo ay kanilang aawitin,
at ang kadakilaan Mo ay kanilang sasambitin.
Kung ang Diyos mang Panginoon ay dakila
at mataas,
hindi Niya nililimot ang aba at mahihirap.
Kumubli ma’y kita Niya yaong hambog at pasikat. (Tugon)

23
Lektor: Kahit ako’y nababatbat ng maraming suliranin,
Ako’y walang agam-agam, panatag sa Iyong piling.
Nahahandang harapin Mo, mapupusok kong kaaway
Ligtas ako sa piling Mo, sa lakas na Iyong taglay.
Yaong mga pangako Mo ay handa Mong tupding lahat.
Ang dahilan nito, Panginoon, pag-ibig Mo’y di kukupas
at ang mga sinimulang gawain Mo’y magaganap. (Tugon)

Matapos ang pag-iinsenso, pupunasan ng ibang tagapaglingkod ang dambana.


Lalagyan din ito ng plastic cover (o anumang tulad nito) bilang paghahanda sa
ilalagay na mantel sa dambana.
PAGSISINDI NG MGA ILAW NG DAMBANA AT SIMBAHAN

Commentator: Ang pagsisindi ng ilaw sa dambana, na sinusundan ng


pagsisindi ng mga ilaw ng simbahan ay naghahayag sa atin na
si Kristo ay ang Siyang nagbibigay liwanag sa mga bansa, at
ang kaningningan Niya ay nakikita sa buong simbahan at
buong sangkatauhan.

Pupunta ang Obispo sa luklukang inihanda sa kanya sa harap ng dambana at


uupo rito. Ibibigay sa kanya ng tagapaglingkod ang isang may sinding kandila
upang ipansindi sa mga ilaw sa mga haligi at dambana. Sasabihin ng Obispo:

Obispo: Liwanag ni Kristo,


laganapan ang buong Simbahan,
at ang mga bansa ay dalhin
sa kaganapan ng katotohanan.
Lalapit sa Obispo ang mga nakatalaga upang masindihan ang mga kandila at
mag-aalay ng bulaklak na nakalaan para sa mga krus sa mga haligi. Ihahandog
din ang mantel para sa dambana, at ang mga kandila para sa dambana. Pagsapit
ng kandila sa dambana, sisindihan na rin ang iba pang ilaw sa simbahan, at ang
kaliwanagan ni Kristo ay tunay na magniningning. Habang nagaganap ang mga
ito, maaaring may saliw ng awit tungkol sa Liwanag ni Kristo.

24
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
AWIT PARA SA PAGHAHANDA NG MGA ALAY
Kasunod ng kandila para sa dambana, tatanggapin ng Obispo ang iba pang
handog. Ihahanda naman ng diyakono at iba pang lingkod ang hapag. Kung
handa na ang hapag, aalisin ang mitra, tutungo ang Obispo sa dambana upang
ito ay halikan. Wala nang pag-iinsenso sa mga alay at sa dambana, maging sa
sambayanan. Ipagpapatuloy na ang pagdiriwang ayon sa nakaugalian.

Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang
pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang
pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal
nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang
dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang


nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

25
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal
nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana;
pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga
tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Obispo: Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa Iyong mga kamay
sa kapurihan Niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buo Niyang sambayanang banal.

26
PANALANGIN UKOL SA MGA HANDOG

Obispo: Ama naming Lumikha,


tanggapin Mo ang mga alay
ng Sambayanang natutuwa
upang ang mga hinirang Mong nagtitipon
sa banal na tahanang ito
ay magkamit sa paghahaing ito
ng kaligtasan kailanman
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama Mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

PAGBUBUNYI O PREPASYO: ANG SIMBAHAN SA LUPA AY PARA SA


SAMBAYANAN NG DIYOS

Obispo: Sumainyo ang Panginoon


Bayan: At sumaiyo rin.

Obispo: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Obispo: Pasalamatan natin ang Panginoong ating


Diyos.
Bayan: Marapat na Siya ay pasalamatan.

27
Obispo: Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na Ikaw
ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Niloob Mong dito sa gusaling itinayo namin,


ang Iyong sambayana’y lagi Mong makapiling
sa aming pagdulog upang sa Iyo’y makarating.
Dito Mo inilalahad at ginaganap
ang ipinahihiwatig Mong pakikiisa sa lahat.
Dito Mo ipinakilalang sa amin Ka nananahan
sapagkat kami’y Iyong tinipong sambayanang
may mga kapanalig sa buong daigdig
at sa Katawan ni Kristo ay pawang kaanib
na magkakapisang ganap sa Jerusalem sa langit:

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa Iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan.

Aawitin ang Santo, Santo, Santo

28
29
IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal


Obispo: Ama naming banal,
dapat Kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binigyan Mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa Mong tinitipon ang Iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang Iyong ngalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.

Obispo: Ama,
isinasamo naming pakabanalin Mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilaan sa Iyo.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at
kalis, samantalang dinarasal:

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo 


ng Iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.


na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag
nang malinaw at nauunawaan sa tanan ayon sa hinihingi ng mga ito.
Noong gabing ipagkanulo Siya,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng
30
dambana habang patuloy na inihahayag:
Hinawakan Niya ang tinapay,
pinasalamatan Ka Niya,
pinaghati-hati Niya iyon,
iniabot sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari
TANGGAPIN NINYONG
LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong
niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana
habang patuloy na inihahayag:

hinawakan Niya ang kalis,


muli Ka Niyang pinasalamatan,
iniabot Niya ang kalis sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni
Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
31
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Lahat: Si Kristo’y namatay!


Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng pari ang kanyang kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Obispo: Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng Iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang Kanyang pagbabalik
ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y
aming iniaalay sa Iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.

Tunghayan Mo ang handog na ito


ng Iyong Simbahan.
Masdan Mo ang Iyong Anak
na nag-alay ng Kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa Iyo.
Loobin Mong kaming magsasalu-salo
sa Kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang Katawan
at isang diwa kay Kristo.

32
Nakikipagdiwang 1:
Kami nawa ay gawin Niyang handog
na habang panahong nakatalaga sa Iyo.
Tulungan nawa Niya kaming magkamit ng Iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
ni San Jose na kanyang kabiyak ng puso,
kaisa ng mga Apostol, mga Martir,
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap
para sa aming kapakanan.

Nakikipagdiwang 2:
Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa Iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.

Patatagin Mo sa pananampalataya at pag-ibig


ang Iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng Iyong lingkod na si Papa Francisco,
ang aming Obispo Jose,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng Iyong piniling sambayanan.

Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan


na iyong tinipon sa iyong harapan.
Dito sa tahanan ng pagdiriwang ng katubusan
at sa bulwagang pinagdarausan ng iyong ginagampanan
ay umalingawngaw nawa ang Mabuting Balita ng kapayapaan
upang sa paglalakbay sa lupang ibabaw
ng mga naturuan ng iyong Salitang nagbibigay-buhay,
pagindapating marating ang Jerusalem sa kalangitan
na siyang pinagtitipunan ng iyong mga inaakay
na mga anak mo mula sa bawat panig at sulok ng daigdig.
33
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa Iyo.
Kami ay umaasang makararating sa Iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng Iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang Iyong kagandahan.
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na Siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang
kanyang ipinahahayag:

Obispo:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

34
ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Obispo nang may magkadaop


na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagka’t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
35
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa


pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng
kapayapaan. Ang pari at mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

36
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan
at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog


na ito:

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit


saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw
ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

37
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na
nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga
nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasbi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na


huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari,
pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa


mga nagsisimbang magpapahayag:

38
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Obispo: Ama naming mapagmahal,


pakundangan sa pagtanggap namin
sa banal na pakikinabang,
pag-ibayuhin Mo ang Iyong katotohanan
sa aming kalooban
upang lubos kaming makasamba sa Iyo
sa banal Mong tahanan
at sa Iyong piling kami’y maitampok sa hanay
ng tanang mga banal
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

MAIKLING PASASALAMAT

MARINGAL NA PAGBABASBAS

Obispo: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Diakono: Iyuko ang inyo Ulo at tanggapin ang Pagbabasbas

Obispo: Ang Poong Maykapal ng langit at lupa


na tumipon sa inyo sa pagtatalaga ng tahanan ito
sa ngalan Niyang dakila
ay maggawad nawa sa inyo
ng nag-uumapaw Niyang pagpapala
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

39
Obispo: Gawin nawa Niyang kayo’y maging Kanyang tahanan
na pinamamahayan ng Espiritung Banal
na tumipon sa nagkawatak-watak
at kay Kristo ay pinag-isa ang lahat
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Obispo: Nawa, kayong dinalisay


upang panahanan ng Poong Maykapal
ay magkamit ng ligayang pamana sa tanang mga Banal
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

Iaabot ang bacculo sa Obispo.

Obispo: Pagpalain nawa kayo ng makapangyarihang Diyos ,


Ama at Anak, at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Diakono: Humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo.

Bayan: Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWIT

40

You might also like