You are on page 1of 5

1.

San Pedro Apostol


Si San Pedro o Simon Pedro ang isa sa mga orihinal na labindalawang alagad o apostol ni Hesus.
[1]
 Itinuturing din siya sa Katolisismo bilang unang Papa. Isa siyang mangingisda na
pinangalanang Pedro - o "bato" - ni Hesus. Sa kaniya rin binanggit ni Hesukristo ang mga
katagang "Ikaw si Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ko itatayo ko ang aking iglesia" (Mat 16:18)
Si San Pedro ang nagsisilbing "saligang bato" ng Simbahan o Iglesyang itinayo ni Hesukristo. Si
San Pedro Apostol ay sa pangagalaga ni Bb. Jackielyn Samson at Pamilya.

2. San Judas Tadeo


Si San Hudas[1] (o Judas[2]) o Hudas Tadeo ay isang santong Katoliko na kilala kapwa
bilang Hudas na kapatid ni Santiago. Si Hudas Tadeo ang pintakasing santo para sa mga bigong
mga layunin at kawalan ng pag-asa dahil sa mga suliranin. Sagisag ni San Hudas Tadeo ang isang
pamalo, at karaniwan siyang nilalarawang may apoy na nakapaligid sa ulo bilang kinatawan ng
kaniyang pagiging naroroon noong araw ng Pentekostes, kung kailan natanggap niya ang Espiritu
Santo kasama ng iba pang mga apostol. Si San Judas Tadeo sa pag mamay-ari ng Parokya ng
Mahal na Birhen ng Sto. Rosario sa pamamahala ni Paolo Lajom at Komisyon ng Kabataan.

3. Ang Kasalan sa Cana, Galilea


Ang pagiging alak ng tubig sa Kasalan sa Cana ay ang unang himala na nauugnay kay Jesus sa
Ebanghelyo ni Juan. Ayon sa Ebanghelyo, si Jesus, ang kanyang ina at ang kanyang mga alagad
ay inanyayahan sa isang kasalan, at ng maubusan sila ng alak, ipinamalas ni Jesus ang kanyang
kaluwalhatian sa udyok na din ng kanyang Ina. Ang Kasalan sa Cana, Galilea ay sa pangangalaga
ni G. Jay Manalaysay at Pamilya.

4. Ang Pagbubuhos ng Pabango ni Maria ng Betania kay Jesus


Samantalang sila’y nagkakainan na, at ang mga bisita ay nangakahilig sa mesa, isang babaing di-
imbitado ang tahimik na pumasok sa kuwartong iyon. Ang babae ay lumapit sa mesa sa likod ni
Jesus at lumuhod sa may paanan niya. Ang kaniyang mga luha ay nahulog sa paa ni Jesus, kaya
ito’y pinunasan ng babae ng kaniyang buhok. Siya’y kumuha rin ng pabango sa kaniyang
sisidlan, at magiliw na hinagkan ang mga paa ni Jesus, habang binubuhusan niya ng pabango ang
mga iyon. Ang Pagbubuhos ng Pabango ni Maria ng Betania kay Jesus ay sa pangangalaga ni G.
Pheng Baltazar at Pamilya.

5. Ang Maluwalhating Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem


Nang araw na iyon, sumakay si Hesus sa isang hiniram na batang asno na hindi pa nasasakyan
ninuman. Inilatag ng mga disipulo ang kanilang mga balabal sa likod ng asno kung saan sasakay
si Hesus at lumabas ang maraming tao upang salubungin Siya habang inilatag nila sa Kanyang
daraanan ang kanilang mga balabal at mga pinutol na sanga ng palma. Nagsigawan at nagpuri ang
mga tao sa Kanya na nagsasabi ng, “Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon” habang
papunta Siya sa templo, kung saan Siya nagturo, nagpagaling, at nagpalayas ng mga
nagsisipagpalit ng salapi na ginawang “yungib ng tulisan” ang templo. Ang Maluwalhating
Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem ay sa pangagalaga ni Mikee Faustino at Pamilya.

6. Ang Pagpapaalam ni Jesus sa Kanyang Mahal na Ina


Alam na ni Jesus ang Kanyang kahihinatnan kaya upang matupad nya ang itinakda ng Ama sa
kanya, siya ay nagpaalam sa Kanyang Inang minamahal. Mabigat man ang loob ay sumang-ayon
na lamang sa Maria sa kagustuhan ng Ama. Ang Pagpapaalam ni Jesus sa Kanyang Mahal na Ina
ay sa pangangalaga ni G. Honorato Catindig (DelCa Farms) at Pamilya.

7. Ang Huling Hapunan ng Panginoon


Kumuha si Hesus ng tinapay, nagpasalamat sa Diyos. Hinati Niya ito at ibinigay sa Kanyang mga
alagad at sinabi "Kumuha kayo at Kumain; ito ay ang Aking katawan na ibinigay para sa inyo."
Sa ganito ring paraan, kinuha ni Hesus ang saro, at pagkatapos Niyang uminom, ibinigay Niya ito
sa Kanyang mga disipulo at sila'y uminom. Sinabi ni Hesus, "Ang sarong ito ay ang bagong
kasunduan sa Aking dugo; gawin ninyo sa tuwing umiinom kayo nito bilang pag-alala sa Akin."
Ang Huling Hapunan ng Panginoon ay sa pangangalaga ni Gng. Nena Malaysay at Pamilya.

8. Ang Pananalangin sa Halaman


 Nang magkagayon pumunta si Jesus sa isang dako na tinatawag na Getsemane kasama ang
kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Maupo kayo rito, pupunta ako sa dako roon upang
manalangin. Isinama niya sina Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. Ang Pananalangin sa
Halamanan ay sa pangangalaga ni G. Nico Malaluan at Pamilya.

9. Ang Pagkakanulo ni Judas Iscariote kay Jesus


Maingat na pinlano ni Judas ang pagkakanulo kay Jesus. Sa hardin ng Getsemani natagpuan ng
taksil ang pinagtaksilan. Nilapitan ni Judas si Jesus at tinawag itong "Rabi," hinalikan at niyakap!
Ito ang palatandaan na kanyang ibinigay sa mga huhuli kay Jesus. At si Jesus ay kanilang
sinunggaban at dinakip. Ang Pagkakanulo ni Judas Iscariote kay Jesus ay sa pangangalaga ni G.
Menggol Villaroman at Pamilya.

10. Ang Pagdakip kay Jesus


 
Dinakip nga si Jesus at iginapos ng mga bantay na Judio at ng mga kawal na Romano na
pinamumunuan ng isang kapitan. Ang Pagdakip kay Jesus ay sa pangangalaga ni G. at Gng. Alex
at Neneth Pineda at Pamilya.

11. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik


Pagkatapos ng minadaling paglilitis kay Hesus at paghagupit sa kanyang likod, at bago Siya
ipako sa krus, ito ang ginawa ng mga sundalong Romano: “At sila'y nangagkamakama ng isang
putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo;
at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng
mga Judio!”. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik ay sa pangangalaga ni G. at Gng. Boy at Fe
Tagalag at Pamilya.

12. Ang Paggawad ng Hatol ni Pilato kay Jesus


Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Narito ang hari nʼyo!” Pero nagsigawan ang mga Judio, “Patayin
siya! Patayin siya! Ipako siya sa krus!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Ipapako ko ba sa krus ang hari
nʼyo?” Sumagot ang mga namamahalang pari, “Wala kaming ibang hari kundi ang
Emperador!” Kaya ibinigay ni Pilato sa kanila si Jesus upang ipako sa krus. Ang Paggawad ng
Hatol ni Pilato kay Jesus ay sa pangangalaga ni G. at Gng. Obet at Mayet Aurelio at Pamilya.

13. Ang Pagpapasan ng Krus ni Jesus


Dinala si Jesus ng mga sundalo 1palabas ng lungsod. Ipinapasan nila kay Jesus ang kanyang krus
papunta sa lugar na tinatawag na “Lugar ng Bungo”. Ang Pagpapasan ng Krus ni Jesus ay sa
pagmamay-ari ng Paroky ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario sa pamamahal ni G. at Gng. Boyet
at Jean Ramirez at Pamilya.

14. Ang Pagkakasalubong ni Jesus sa Kanyang Ina sa Daan ng Kalbaryo


Nang masalubong ng paningin ni Maria ang mga mata ni Hesus, nakaramdam siya ng kirot sa
kanyang puso. Dito naunawaan ni Maria ang misterio ng pag-ibig ng kanyang anak na si Hesus.
Sa pamamagitan ng krus lamang, makikilala natin kung sino Siya. Ang Pagkakasalubong ni Jesus
sa Kanyang Ina sa Daan ng Kalbaryo ay sa pangangalaga ni G. at Gng. Efren at Lotlot Victoria at
Pamilya.

15. Ang Pagpapahid ni Veronica sa Mukha ni Jesus


Ang pagpapahid ng isang duguang mukha ng Diyos. At isang matapang na babae ang siyang
gumawa nito. Ang naiwang larawan ang siyang pinaka-mabisang daan upang makita ang mukha
ng Diyos dito sa mundo. Ang Pagpapahid ni Veronica sa Mukha ni Jesus ay sa pangangalaga ni
G. Marlon John Eugenio at Pamilya.

16. Ang Paglalahad ni Sta. Veronica sa Tatlong Mukha ni Jesus


Ang tapang ni Veronica na salungatin ang lahat ng mga hadlang upang pahiran ang duguang
mukha ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng biyaya na malarawan sa kanyang birang ang mukha ng
Panginoon. Ang Paglalahad ni Sta. Veronica sa Tatlong Mukha ni Jesus ay sa pangangalaga ni G.
at Gng. Lito at Ine Sales at Pamilya.

17. Ang Paghahabilin ni Jesus sa Kanyang Ina kay San Juan


Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na
asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at
ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At
sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang
bahay. Ang Paghahabilin ni Jesus sa Kanyang Ina kay San Juan ay sa pangangalaga ni Kon. at
Gng. Herbert at Mary Jane Santos at Pamilya

18. Ang Pagkamatay ni Jesus sa Krus


Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain at nawalan ng liwanag ang araw
hanggang sa ikatlo ng hapon. Sinabi ni Hesus, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na
puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at
idiniit sa kanyang bibig Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!”
Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking
espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga. Ang Pagkamatay ni Jesus sa Krus ay
sa pangangalaga ng Sangguniang Pastoral ng Bisita ng Banal na Krus.

19. Si Jesus sa Kandungan ng Kanyang Nagdadalamhating Ina


Tinanggap ni Maria ang walang buhay na katawan ng kanyang anak sa kanyang kandungan. Puno
ng hapis at pighati, ngunit walang bakas ng galit. Si Jesus sa Kandungan ng Kanyang
Nagdadalamhating Ina ay sa pangangalaga ni Gng. Elena Trinidad-Nowotarsky at Pamilya.

20. Ang Inang Nangungulila


Ang Inang nangungulila sa Anak n’yang nagudrusaay nasa tabi ng krus. Ang puso n’ya’y
nasugatan sa talim pinaglagusan sa pagpanaw ni Hesus. Ang Inang nagungulila ay sa
pangangalaga ni G. Jules Catley at Pamilya.

21. Ang Bangkay ni Jesus

22. San Jose ng Arimatea


Si Jose ay kabilang din sa Sanhedrin, (ang Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio at ng
pamunuan ng Israel). Ayon kay San Lucas, “Mabuti at matuwid ang taong ito, at isa siya sa mga
naghihintay sa kaharian ng Diyos. Kahit na siya'y kagawad ng Kapulungan, hindi siya sang-ayon
sa kanilang ginawa kay Jesus”. Si San Jose ng Arimatea ay sa pangangalaga ni G. at Kap. Larry
at Lily Clemente at Pamilya. 
23. San Nicodemo
Ayon sa Ebanghelyong isinulat ni San Juan, si Nicodemo ay isang Pariseo at pinuno ng mga
Judio. Pagkatapos mapako at mamatay sa Krus ng Panginoon, dumating siya kasama ni Jose na
taga Arimatea upang ilibing ang Panginoon. “Si Nicodemo ay may dalang pabango, mga
tatlumpung kilong pinaghalong mira at aloe. Kinuha nila ang bangkay ni Jesus at nilagyan ng
pabango at binalot sa telang lino, ayon sa kaugalian ng mga Judio” (Juan 19:39-40) at saka
inilibing. Si San Nicodemo ay sa pangangalaga ni G. Christian Erwin Cansino at pamilya.

24. Sta. Maria, Ina ni Juan Marcos


Siya ay isang Babaeng disipulo ng Ating Panginoon. Tumulong sa paghahanda ng Huling
Hapunan ng Panginoong Hesukristo at ang may-ari ng tahanang pinagdausan ng Huling Hapunan.
Siya’y Ina ni Juan Marcos na isa sa mga tagasunod ng Mahal na Panginoon. Si Sta. Maria, Ina ni
Juan Marcos ay sa pangangalaga ni G. Elche Guevarra at Pamilya.

25. Sta. Juana, Asawa ni Cusa


Si Juana ay pinagkasundo ng kanya mga magulang kay Cusa, katiwala ng asawa ni Herodes. Ang
kasunduang ito ay binuo upang magkaron ng magandang ugnayan ang pamilya ni Juana sa korte
ni Herodes Antipas. Ninais na maglingkod ni Juana kay Hesus, ngunit sa takot sa maaring
pagtakwil sa kanya siya ay ngbibigay ng lihim na tulong pinansyal sa mga disipulo. Si Sta. Juana,
Asawa ni Cusa ay sa pangangalaga ni G. Jeff de Guzman at Pamilya.

26. Sta. Marta ng Betania


Si Santa Marta at ang kanyang mga kapatid ay mula sa mga dugong bughaw ng Hudea, sa
Betania at Magdalen. Ayon sa tradisyon, ang Panginoong Hesus ay madalas na bumibisita sa
kanilang tahanan at naging mabuting kaibigan ng pamilya lalu ng ng kanyang kapatid na si San
Lazaro. Ito ay pinatunayan ng mga salaysay na napapaloob sa Banal na Aklat ukol sa mga
magkakapatid at ang mabuting pakitungo sa kanila ni Hesus. Si Marta ang punong abala sa
paglilingkod kay Jesus sa kanyang pagdalaw. Si Marta ng Betania ay sa pangangalaga ni Bb.
Rose Ramos at Pamilya

27. Sta. Maria ng Betania


Kapatid nina Lazaro at Marta. Nang si Hesus ay dumalaw sa kanilang tahanan, naupo siya sa may
paanan nito upang makinig sa kanyang itinuturo. Nang magbalik si Hesus sa Betania na kung
saan isang hapunan ang inihanda para sa kanya, kumuha si Maria ng isang bote ng mamahaling
pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Hesus. Pagkatapos,
pinunasan niya ito ng kanyang buhok. Si Sta. Maria ng Betania ay sa pangagalaga ng Coro de
Santa Barbara.

28. Sta. Maria, Asawa ni Cleopas


Isa sa mga tagasunod ni Kristo, siya ay kasamang nanangis ng makasalubong ni Jesus ang mga
kababaihan ng Jerusalem. Nandoon din siya ng si Jesus ay ipako at mamatay sa krus. Si Sta.
Maria, Asaw ni Cleopas ay sa pangangalaga ni G. Marlon Cabingao at Pamilya.

29. Sta. Maria Salome


Ina ni Santiago at Juan at asawa ni Zebedeo, isa sa mga kababaihang naroon ng si Jesus at ipako
at mamatay sa krus. Isa rin siya sa mga saksi ng walang lamang libingan. Si Sta. Maria Salome ay
sa pangangalaga ni Bb. Lulu, Baby at Gemma Arce at Pamilya.
30. Sta. Maria Jacobe
Isa sa mga tagasunod ni Kristo at saksi sa pagpapako kay Jesus, kasama ni Salome at Juana.
Nagdala ng mira sa paghahanda sa paglilibing sa Panginoon. Si Sta. Maria Jacobe ay sa
pangangalaga ni G. Jay-R Hernandez at Pamilya.

31. Sta. Maria Magdalena


Si Maria Magdalena o Maria ng Magdala ay isa sa mga masigud na tagasunod ni Jesus mula sa
kanyang pagpapakasakit, pagakamatay at muling pagkabuhay. Isa siya sa unang pinagpakitaan ng
Panginoong muling nabuhay. Si Sta. Maria Magdelana ay sa pangangalaga ni G. Alvin Juan
Hernandez at Pamilya.

32. San Juan Evangelista


Si San Juan ang Alagad o San Juan Apostol isa siyang mangingisda, na kapatid ni Santiagong
Matanda; mga anak sila ni Zebedeo.  Siya ang apostol na "humilig sa dibdib ng Panginoon
Hesus." Naging kinatawan siya ng mga espirituwal na mga anak ng Birheng Maria. Si San Juan
Evangelista ay sa pangangalaga ni G. at Gng. Boyet at Jeanne Ramirez at Pamilya.

33. Inang Nagdadalamhati


Ang Inang nangungulila sa Anak n’yang nagudrusaay nasa tabi ng krus.vAng puso n’ya’y
nasugatan sa talim pinaglagusan sa pagpanaw ni Hesus. Sa lungkot, tigib ng luha ang babaing
pinagpala na Ina ng D’yos Anak. Puspos ng kapighatian ang Inang maaasahan ng kanyang
nililingap. Sino’ng hindi maaawa sa Inang luha nang luhasa Anak n’yang namatay? Ang Inang
Nagdadalamhati ay sa pangangalaga ni G. Emmanuel Ryan Francisco at Pamilya.

You might also like