You are on page 1of 2

Mula sa isang lugar sa loob ng simbahan, ihahatid ang imahen sa kanyang luklukan habang umaawit ng

angkop na awitin sa karangalan ng Mahal na Birhen. Ang mananampalataya ay maaaring gumamit ng


puting panyo upang iwagayway sa pagdaan ng Mahal na Birhen o kaya’y kandila.
Pagdating sa luklukan ay ilalagay sa isang patungan ang imahen ng Mahal na Birhen para isagawa ang
sumusunod.

PANALANGIN SA MAHAL NA INA NG SANTO ROSARYO


O Birheng Maria, Ina ng Panginoon
Reyna ng Santo Rosaryo!
Bukod na pinagpala sa babaeng lahat,
Ikaw ang larawan ng simbahan
Na nararamtan ng liwanag pampaskwa,
Ikaw ang karangalan ng aming lahi,
Ang tagumpay laban sa kasamaan.

Pangako ng maawaing pag-ibig ng Ama,


Guro ng nahayag na mabuting balita tungkol sa iyong anak,
Tanda ng nag-aalab na apoy ng Espiritu Santo,
Ituro mo sa amin na nasa landas ng tuwa at pighati,
Ang dakilang katotohanan
Na ipinahahayag ng Ama sa mga nasa abang kalagayan.

Ipakita mo sa amin ang lakas


Ng paglukob ng iyong pagkakandili.
Sa iyong kalinis linisang puso,
Kalingain mo nawa ang mga nagkasala at akayin pabalik sa Diyos.

Sa pakikipag-isa sa aking mga kapatid,


Sa pananampalataya, pagasa at pag-ibig,
Ipinagkakatiwala ko ang aking sarili sa iyo.
Sa pakikipagkaisa sa aking mga kapatid,
Sa iyong pamamagitan, itinatalaga ko ang aking sarili sa Diyos,
O Birhen ng Santo Rosaryo.

Kaya nga, nababalot ng liwanag mula sa iyong palad,


Papupurihan ko ang Panginoon magpasawalang hanggan. Amen.

PAGLALAGAY NG SANTO ROSARYO SA KAMAY NG MAHAL NA BIRHEN


Pari: Sa paglalagay namin nitong Rosaryo sa iyong banal na kamay kami nawa’y mapaalalahanan din ng
iyong panawagan sa Fatima na magdasal ng Rosaryo para sa kapayapaan at kabanalan ng buhay at patuloy
na mag-alay ng mga panalangin at pagpapakasakit para sa ikapagbabalik-loob ng mga makasalanan.
PAGLULUKLOK SA IMAHEN NG MAHAL NA BIRHEN
Babasbasan ang imahen ng Mahal na Birhen. Maaaring umawit ng angkop na awit sa Mahal na Birhen
habang binabasbasan. Pagkatapos ay mananalangin ng taimtim ang lahat at dasalin ang pansariling
panalangin.

LAHAT:
“Kami’y dumudulog sa iyong pagtangkilik, Banal na Ina ng Diyos!” Ikaw na nakababatid ng aming paghihirap
at sa aming hinahangad sa buhay. Ikaw na may Inang kaalaman sa aming pakikipagtunggali na gumawa ng
mabuti at umiwas sa kasalanan, tanggapin mo ang aming pagsusumamo sa iyong kalinis-linisang puso.
Lukuban mo ng iyong maka-inang pagmamahal ang buong daigdig, ang aming bansa, lipunan, ang aming
parokya, ang aming pamilya at ang aming sarili. At sa iyong pagkakandili ay aming mga alalahanin at
hinaharap sa buhay na ito.

“Kami’y dumudulog sa iyong pagtatangkilik, Banal na Ina ng Diyos; huwag mong siphayuin ang aming
pagluhog, bagkus sa iyong habag, pakinggan mo kami at ipagtanggol sa lahat ng kapahamakan, na makamit
nawa namin ang biyaya ng katapatan sa aming mga ipinangako nang kami ay binyagan, at ng aming
pagsumikapang tupdin ang iyong mga mensahe sa Fatima ang “muling pagsasang-ayon sa Mabuting Balita.”
Tanggapin mo nawa, O Ina ni Kristo, ang hinaing ng aming puso at nawa’y mamalas sa kasaysayan ng
daigdig ang kapangyarihan ng pagliligtas ng kabanal-banalang puso ni Hesus at sa Diyos magpasawalang
hanggan. Amen.

You might also like