You are on page 1of 2

MARSO 10 – 19

NOVENA PARA SA ATING PATRON


SAN JOSE, KABIYAK NG MAHAL NA BIRHEN

PARI: Kasama ni San Jose na isang lalaking marangal at may dakilang


pananampalataya, ilapit natin sa Ama, bilang pamilya, ang lahat ng ating
kahilingan.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI SA
IYO.

NAMUMUNO: Ang Simbahan naglalakbay nawa’y humikayat sa mga


tao sa ganap na pagpapanibago ng kanilang buhay Kristo sa pamamagitan ng
kanilang tapat na pagpapatotoo sa salita at gawa, manalangin tayo sa
Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI SA
IYO.

NAMUMUNO: Tulad ni San Jose, ang mga pinuno ng pamahalaan


nawa’y hindi mabigo sa kanilang tungkuling pangalagaan ang kapakanan ng
kanilang mga nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI SA
IYO.

NAMUMUNO: Ang mga mag-asawa nawa’y magsama nang may


pagkakasundo sa pamamagitan ng tiwala at pag-unawa sa isa’t-isa,
manalangin tayo sa Panginoon.
BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG
AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI SA
IYO.

NAMUMUNO: Ang mga nangangailangan sa mga maysakit, mga


matatanda, mga may kapansanan, mga nangungulila o namimighati nawa’y
palakasin sa kanilang mga pagsisikap, manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI SA
IYO.

NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Jose, ang mga namayapa ay


magtamasa ng walang katapusang kapayapaan ng Diyos sa Langit,
manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI SA
IYO.

NAMUMUNO: Tahimik natin ipanalangin ang ating mga pangsariling


kahilingan (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI SA
IYO.

PARI: Ama naming nasa Langit, sa iyong kagandahang –loob at sa


pamamagitan ni San Jose, ipagkaloob mo an gaming hinihingi dala n gaming
pananampalataya. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristo na aming
Panginoon.

BAYAN/NAMUMUNO: AMEN!

You might also like