You are on page 1of 29

D I YO S E S I S N G I B A

PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

PAGSISIYAM
SA KARANGALAN NI

SAN JOSE ESPOSO NG MAHAL NA


BIRHENG MARIA
1
MGA PANALANGIN
SA PAGSISIYAM
sa mahal na patron,

SAN JOSE

BALANGKAS NG PANALANGIN
I. Pambungad na Panalangin
Pagsisisi…………………………………………………………………………..3
Panalangin sa Araw-araw………………………………………………..3
7 Ama Namin, 7 Aba Ginoong Maria, 7 Luwalhati………….3
II. Panalangin para sa Takdang Araw………………………………….5-22
III. Mga Dalit kay San Jose (7 Sakit at Tuwa ni San Jose)…..23-24
IV. Kahilingan kay Poon San Jose…………………………………….......24
V. Mga Pagsamo kay San Jose………………………………………………..25
VI. Pangwakas na Panalangin ……………………………………………….27
VII. Pangwakas na Awit (Pagsamo kay San Jose)……………………28

2
PAGSISIYAM SA MAHAL NA PATRON,

SAN JOSE
Pambungad na Panalangin
Magsitayo ang lahat

ANTANDA NG KRUS
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI (Lahat)
Panginoon kong Jesukristo,* Diyos na totoo at taong totoo, *
gumawa at sumakop sa akin, * pinagsisisihan kong masakit na
masakit sa tanan ng loob ko* ang dilang pagkakasala ko sa Iyo* na
ikaw nga ang Diyos ko’t Panginoon* na iniibig ko na lalo sa lahat.
* Nagtitika akong matibay na matibay* na hindi na muling
magkakasala sa Iyo* at nagtitika naman akong* makumpisal ang
mga kasalanan ko. * Umaasa akong patatawarin mo rin* alang-
alang sa Iyong mahal na pasyon* at pagkamatay mo sa krus. Siya
Nawa.

PANALANGIN SA ARAW ARAW (Lahat)


Maluwalhating Patriarca San Jose * esposo ng kabanal-banalang
Maria, * kinilalang ama ni Jesus, * kagalingan, * saklolo * at
pintakasi namin, * kami’y nagpapatirapa sa mga paa Mo* at nag-
aalay sa Iyo ng Pitong Ama Namin*, Pitong Aba Ginoong Maria,*
at Pitong Gloria Patri, * alaala at galang sa dakilang pitong ligaya,
* na dinamdam Mo sa buhay na ito:* gayon din naman* sa
parating pagkahapis Mo* hanggang tumutubos ang kalinis-linisan
katawan ng Niño Jesus, * na natatalastas Mo* na balang araw ay
lubhang pasasakitan* at ipapako sa isang krus; * at sa malaking
lumbay Mo* nang ikaw ay papanaw sa buhay na ito* at
mahihiwalay sa kaibig-ibig* na pakikisama kay Jesus at kay
Maria; * at sa mga kaaliwan at ligaya ng puso Mo* sa pagnamnam
ng matatamis na bunga ng kabanalan at gracia* na makakamtan ng
tao* sa mahal na kahoy na Krus* at sa pagharap sa Iyo ng
maawaing Jesus* at ng masintahing Ina niya* sa panahon ng Iyong
pagkalinga* upang ipagkaloob sa amin ng Diyos* ang mga biyaya
na iginawad Mo* sa tunay na mawilihin sa Iyo; * at ang bukod na
ninanasa namin sa pagsisiyam na ito, * kung mauukol sa lalong
malaking kaluwalhatian ng Diyos* sa kapurihan Mo’t sa
kagalingan* ng mga kaluluwa namin. Amen

(Magdasal ng pitong (7) Ama Namin, pitong (7) Aba Ginoong Maria at pitong
(7) Luwalhati at ang sumusunod na tanging Panalangin sa Araw.)
3
Ama Namin
Ama namin sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan Mo kami ngayon


Ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami
Sa aming mga sala
Para ng pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot
Sa tukso at iadya Mo kami
Sa lahat ng masama

Aba Ginoong Maria


Aba, Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang ‘yong anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami’y mamamatay
Amen

Gloria Patri
Luwalhati sa Ama,
at sa Anak,
at sa Espiritu Santo,

kapara noong unang-una,


ngayon, at magpakailanman,
at magpasawalang hanggan.
Amen.

P : Magsiluhod ang lahat sa harapan ng larawan ng Patriarca San


José, ihain ang puso sa Diyos, ialay ang panalangin at panimdim sa
lalong malaking kaluwalhatian niya, at sa kapurihan ng Kabanal-
banalang María, at ng mapalad na si San José. 4
PANALANGIN SA BAWAT ARAW
UNANG ARAW : Marso 10
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na nagdamdam ng
malaking lumbay at hapis, sa pagmamasid nang kabuntisan nang
kabanal-banalang María, mahal na Esposa mo, sapagka’t ang
misterio ay nalilihim sa iyo: at bagaman sumisigla ang loob mo, sa
maliwanag na pagkakilala ng matataas na kabanalan niya, at
kalinisan ng pagka-Birhen, ikaw ay lubhang nalulumbay sa
nakikita ng iyong mga mata, at yayamang ikaw ay taong banal ay
hindi mo minagaling na siya ay pagbintangan at isumbong, kundi
ang umalis at humiwalay sa maligayang pakikisama sa kaniya,
kahit lubhang minamapait ng puso mo ang ganoong paghiwalay:
alang-alang sa sakit na ito, at sa dakilang ligaya ng kaluluwa mo,
niyong sinabi sa iyo ng Ánghel, na ikaw ay huwag matakot,
sapagka’t sa kapangyarihan ng gracia ng Espíritu Santo, ay Anak
ng Diyos ang ipinaglihi ng kabanal-banalang María, mahal na
Esposa mo, inaamo namin sa iyo hingin mo sa Diyos na
Panginoon natin, na iligtas kami sa lahat na kaligaligan, nang
makamtan namin sa buhay na ito ang katahimikan ng loob, at
kapayapaan ng kaluluwa; at gayundin ang tanging inaasahan
namin sa pagsisiyam na ito, nang lalong matanyag ang
kaluwalhatian ng Diyos, at ang kapurihan mo.
Amen, Jesus, María at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.
5
Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO
IKALAWANG ARAW : Marso 11
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na sa hapis ng puso
mo, sapagka’t doon sa Belen ay walang ibig magpatuloy sa inyo,
ay dinala mo ang iyong Kabanal-banalang Esposa sa isang
silungan ng mga hayop, at sa katahimikanng gabi ay dumating ang
panahon ng magandang kapalaran natin, at ipinanganak ang Niño
Diyos: alang-alang sa kasakitang dinamdam ng iyong puso, sa
panonood mo sa bagong panganak na sanggol, na nalalagay sa
isang hamak na sabsaban, nababalot ng magagaspang na lampin,
nahihiga sa dayami, nangangatal ng ginaw at umiiyak dahilan sa
mga kasalanan namin; at alang-alang sa ganap na ligaya ng
kaluluwa mo, sapagka’t sa naturang gabing yaon ay nakita mo ang
pagkatotoo, na si Jesus, ang Mesías na pangako, ay sinamba ng
mga Anghel at ng mga pastor; inaamo namin sa iyo, ipanalangin
mo kami at hingin mo sa Diyos, na lisanin namin ang mga
kaparangalanan, at ang aming mga kaluluwa ay maging malinis na
hihigan at bahay, na mahiligan ni Jesus at matahanang magparating
man saan, ipagkaloob sa amin ang mahal na kapayapaan ng langit
at gayundin ang biyayang bukod na ninanasa namin sa pagsisiyam
na ito, kung nararapat sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kapurihan
mo. Amen, Jesus, María at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.

Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.

7
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

8
IKATLONG ARAW : Marso 12
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na lubha kang
nalumbay sa ikawalong araw ng Panganganak sa Niño Diyos, at
bagaman siya ay banal, na hindi makatatangap ng kasalanan, ay
sinunod sa katawan niya ang nauutos na Circuncisión, at nakita mo
ang kaniyang mga luha at kamahal-mahalang dugong tumulo, mga
unang patak ng halagang itutubos sa sangkatauhan: alang-alang sa
sakit na ito at sa ganap na ligaya ng kaluluwa mo at ng mahal
mong Esposa, niyong ibinati ninyo sa kaniya ang katamistamisang
ngalang Jesus, ayon sa ipinahayag ng Anghel, sapagka’t siya ang
sasakop sa tao inaamo namin sa iyo, ipanalangin mo kami at
hingin mo sa Diyos, na kami ay mahugasan at linisin ng mahal na
dugo ng kabanal-banalang Jesus at makintal magparating man saan
sa mga puso namin ang katamistamisang ngalan niya; at gayundin
naman ang tanging inaasahan namin sa pagsisiyam na ito, nang
lalong matanyag ang kaluwalhatian ng Diyos at ang kapurihan mo.
Amen, Jesus, María at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.

Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.

9
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

10
IKAAPAT NA ARAW : Marso 13
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na nagdamdam ng
malaking kasakitan sa puso, niyong dalhin, at ihain sa templo ang
Niño Diyos, at doon mo narinig ang hula ng Santo Simeon, na si
Jesus ay magdadalita ng maraming kamurahan at hirap, nang tayo
ay masakop at mapakagaling, at ang kaluluwa ng Kabanal-
banalang María, mahal na Esposa mo, ay mahahapis na parang
inulos nang sundang: alang-alang sa sakit na ito at sa ganap na
ligaya ng kaluluwa mo, sa pagkaalam na mayayari ang pagtubos sa
sangkatauhan, pakundangan sa pasion at kamatayan ni Jesus at sa
kamahalmahalang dugo niya ay marami ang magkakamit ng
Langit; inaamo namin sa iyo, ipanalagin mo kami at hingin mo sa
Diyos na makamtan namin ang pakinabang ng mahal na pasion, at
kami ay huwag magkasala kailanman, kundi manatili sa buhay ng
gracia; at gayundin ang biyayang bukod na ninanasa namin sa
pagsisiyam na ito, kung mararapat sa kaluwalhatian ng Diyos at sa
kapurihan mo. Amen, Jesus, María at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.

Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.

11
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

12
IKALIMANG ARAW : Marso 14
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na nagdamdam ng
malaking kasakitan sa puso, niyong sabihin sa iyo ng anghel, na
ikaw ay lumakad na madali at pumaroon sa Egipto, kasama si
Jesus at ang Kabanal-banalang Ina niya, sapagka’t si Jesus ay
hinahanap at talagang papatayin ng mabangis na Haring Herodes;
at nakahapis naman sa iyo ang kasalatan at ang madlang hirap at
panganib, na dinalita ng Niño Diyos at ng kaniyang mahal na Ina
sa mga ilang at salungahing masukal, na dinaanan ninyo sa
ganoong habang paglalakbay: alang-alang sa sakit na ito at sa
ganap na ligaya ng kaluluwa mo, pagpasok sa Egipto, at nakita mo
na ang mga ídolos, na sinasamba sa lupang yaon, ay linayasan ng
Demonio, nabuwal at nasira sa harap ni Jesus, Diyos na totoo,
inaamo namin sa iyo ipanalangin mo kami at hingin mo sa Diyos
na masira sa amin ang mga ídolos ng labis na pag-ibig sa sarili, at
ng mga pitang hindi matuwid, at si Jesus lamang ang mamahay at
maghari sa mga puso namin; at gayundin ang tanging inaasahan
namin sa pagsisiyam na ito, nang lalong matanyag ang
kaluwalhatian ng Diyos at ang kapurihan mo. Amen, Jesus, María
at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.

Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.

13
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

14
IKAANIM NA ARAW : Marso 15
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na nagdamdam ng
malaking lumbay sa puso, sapagka’t niyong ikaw ay bumalik sa
lupang Israel galing sa Egipto, ay nabalitaan mo sa daan, na ang
Hari sa Judea ay si Arquelao, anak ni Herodes; at ikaw ay naligalig
at natakot, baka ituloy niya ang pagpatay sa Niño Diyos, na
inakala ng kaniyang Ama; alang-alang sa sakit na ito at sa ganap
na ligaya ng kaluluwa mo, niyong sabihin sa iyo ng anghel, na
isama mo si Jesus at si María sa Nazaret, at kayo ay tumahan doon
at mamahay, at huwag matakot, inaamo namin sa iyo ipanalangin
mo kami, at hingin mo sa Diyos, na matutuhan naming lisanin ang
madilim na Egipto ng masasamang ugali at ang mga panganib ng
pagkakasala, at ang aming mga puso ay mahanda at maging
tahanan parang sariling bahay ni Jesus: at gayundin naman ang
biyayang bukod na ninanasa namin sa pagsisiyam na ito, kung
mararapat sa kaluwalhatian ng Diyos, at sa kapurihan mo. Amen,
Jesus, María at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.

Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.

15
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

16
IKAPITONG ARAW : Marso 16
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na nagdamdam ng
malaking kasakitan sa puso, niyong si Jesus ay sumapit sa
ikalabindalawang taon ng kaniyang buhay, sapagka’t nawala sa iyo
paglabas ninyo sa Jerusalem at nakaragdag ng hapis mo ang hindi
masabing lumbay ng iyong mahal na Esposa, at kayong dalawa ay
nananangis at nanlulumo sa kapighatian at kasakitan, at hindi
ninyo nakikita ang Niño Diyos na hinahanap sa buong bayan:
alang-alang sa sakit na ito at sa ganap na ligayang kaluluwa mo at
ng Kabanal-banalang María, at pagpasok ninyo sa Templo, niyong
makaraan ang tatlong araw ng paghanap, ay nakita ninyo si Jesus,
na nakaupo, at banayad na nakikinig, at nagtuturo ng karunungan
ng langit sa mga pantas na kaharap, inaamo namin sa iyo,
ipanalangin mo kami at hingin mo sa Diyos, na ipagkaloob niya sa
amin ang pananatili sa gracia, at kung kami ay mapahamak sa
pagkakasala, ay matutuhan naming hanapin si Jesus sa tunay na
pagsisising contrición at sa tapat na confesión, nang makamtan
namin ang panonood sa kaniya sa templo ng langit; at gayundin
ang tanging inaasahan namin sa pagsisiyam na ito, nang lalong
matanyag ang kaluwalhatian ng Diyos at ang kapurihan mo. Amen,
Jesus, Maria at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.

Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.

17
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

18
IKAWALONG ARAW : Marso 17
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na parating
nalulumbay sa pagmamasid na ang mahal na katawan ng Kalinis-
linisang Jesus ay tumutubo at lumalaki, sapagka’t malalarawan sa
loob mo at parang nakikita araw at gabi ang mababangis na hirap,
na dadalitain ng kaniyang pagkatao sa mahal na pasión at
pagkamatay niya sa krus; alang-alang sa sakit na ito at sa ganap na
kaaliwan at ligaya ng kaluluwa mo, sa pagninilay ng mga dakilang
biyaya ng gracia at kaluwalhatian, na makakamtan ng
sangkatauhan sa pasión at kamatayan ng Mananakop natin, inaamo
namin sa iyo, ipanalangin mo kami at hingin mo sa Diyos na
matutuhan naming pasalamatan ang dinalita niyang lahat dahilan
sa amin sa kamahalmahalang katawan niya, at pagpilitang
sawatain ang mga pitang hindi matuwid ng mga katawan namin, at
umalinsunod sa mahal niyang loob sa anumang lumbay at hirap, at
gayundin ang biyayang bukod na ninanasa namin sa pagsisiyam na
ito, kung mararapat sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kapurihan mo.
Amen, Jesus, María at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.

Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.

19
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

20
IKASIYAM NA ARAW : Marso 18
Kabanal-banalang Ama at Patriarca San Jose, na lubhang nahapis
at nalumbay; niyong matatapos na ang iyong buhay sa lupa, at
sapilitang iiwan mo ang Katamistamisang Jesus at ang mahal
niyang Ina, masintahing Esposa mo at ikaw ay mahihiwalay sa
kaibig-ibig na pakikisama sa kanila: alang-alang sa sakit na ito at
sa tanging ligaya at kaaliwan ng kaluluwa mo, sapagka’t sa oras ng
kamatayan mo, ikaw ay hinarap at sinamahan ng mairog na
pagtingin ni Jesus, at ng mapalad niyang Ina, at ikaw ngani ay
namatay na nahihilig sa kandungan ni Jesus; inaamo namin sa iyo,
ipanalangin mo kami at hingin mo sa Diyos na makamtan namin sa
kasindaksindak na panahon ng pagpanaw namin sa buhay na ito
ang gracia ng ating Mananakop, ang saklolo ni María masintahing
Ina namin, at ang tulong mo naman, at ang aming huling paghinga
ay tanggapin alang-alang sa iyo, at pagpalain ni Jesus at ni María;
at gayundin ang tanging inaasahan namin sa pagsisiyam na ito,
nang lalong matanyag ang kaluwalhatian ng Diyos at ang
kapurihan mo. Amen, Jesus, María at Jose.

Pasiglahin ngayon ang pananalig ng isa’t-isa, at hingin sa sariling


loob sa maluwalhating Patriarca San Jose ang biyayang bukod na
ninanasa, at inaasahang makakamtan:
(sandaling tatahimik ang lahat at banggitin ang mga pansariling
kahilingan at saka ang sumusunod na huling panalangin sa araw-
araw).

ANTIPONA
Bumangon si Jose sa pagtulog, ginawa niya ang iniutos ng Anghel
ng Diyos at minagaling ang pakikisama sa kanyang Esposo.

P : Inihalal Siyang Panginoon sa Kanyang pamamahay.


B : At parang may-ari ng buo Niyang kayamanan.

PANALANGIN
O Diyos! Na sa mataas na pamamahalaa’y minagaling Mo at
inibig na ang mapalag na si Jose ay maging esposo ng kabanal-
banalang mong Ina; isinasamo naming ipagkaloob Mo na ang
pintakasing kinikilala namin at iginagalang sa lupa at Siyang
tumutulong sa amin at kami ay marapat na ipanalangin Niya sa
langit. Amen.

Dasalin o awitin ang mga Dalit sa pahina 23.

21
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

22
MGA DALIT KAY SAN JOSE
Dakila sa kalangitan
Ang iyong pamamagitan

ESTREBILLO: Jose, kami ay kaawaan.


SAGOT : Sa buhay at kamatayan.

UNANG SAKIT UNANG TUWA


Lubhang naligalig ka, Nang sa iyong pagkatulog
Sa masid na si María, Winika ng Ángel: “Tanto,
Naglihi at naging Ina: Ang bunga ng Esposa mo
Ito’y talinhagang sadya, Ay sa Espíritu Santo.”
¡Ano ang iyong kalumbayan, Takot mo at kalumbayan
Nang ito’y iyong namasdan! Napalitan nang katuwaan.
E: Jose, kami ay kaawaan. E: Jose, kami ay kaawaan.
S: Sa buhay at kamatayan. S: Sa buhay at kamatayan.

IKALAWANG SAKIT IKALAWANG TUWA


Nang si Jesús ay namasdan Mga Ángel ay nagkanta,
Nahihiga sa sabsaban, Nagsamba ang mga bantay
Puso mo’y pinaglampasan Ng pagsilang sa liwanag
Ng sibat ng kalumbayan; Ni Jesús na Poong mahal:
Dala sa malaking habag Ika’y naginhawahan
Sa kaniyang kalagayan. Sa malaking katuwaan.
E: Jose, kami ay kaawaan. E: Jose, kami ay kaawaan.
S: Sa buhay at kamatayan. S: Sa buhay at kamatayan.

IKATLONG SAKIT IKATLONG TUWA


Nalunusan kang totoo, Ang sanggol na iyong tangan
José, nang tumulo ang dugó Si Jesús ay pinangalan;
Sa mahina ang iyong bunsó, Ngalang katamistamisan
Ang sinta ng iyong pusó: Turo ng Amang marangal:
Sa sanggol na sinugatan Pagsambit mo nitong ngalan
Ika’y lubhang nahambal. Ika’y naginhawahan.
E: Jose, kami ay kaawaan. E: Jose, kami ay kaawaan.
S: Sa buhay at kamatayan. S: Sa buhay at kamatayan.

IKAAPAT NA SAKIT IKAAPAT NA TUWA


Ang hinulang mga hirap Nang ika’y pahayagan
Kay Jesús na iyong hirang, Na si Jesús na mahal
Sa Esposa mo’y naging sibat Sasakop sa kasalanan
At sa iyo’y nakasindak: Sa abang lipi ni Adán,
Puso mo’y lubhang nalumbay Lumbay mo ay nahahalinhan
Sa kay Simeóng pahayag. Nang dakilang kasayahan.
E: Jose, kami ay kaawaan. E: Jose, kami ay kaawaan.
S: Sa buhay at kamatayan. S: Sa buhay at kamatayan.
23
MGA DALIT KAY SAN JOSE
IKALIMANG SAKIT IKALIMANG TUWA
Si Jesús at si María Sa makita mo ang larawan,
Sa Egipto iyong dinala, Sa mga diablong tahanan,
Nang mailayo mo sila Niyong ipinagwasakan
Kay Herodes na kuhila, Ni Jesús sa Egiptong bayan,
¡Laking hirap, laking pagal Pagod mo at kalumbayan
Ang tiniis mo sa raan! Agad ay napawing tanan.
E: Jose, kami ay kaawaan. E: Jose, kami ay kaawaan.
S: Sa buhay at kamatayan. S: Sa buhay at kamatayan.

IKAANIM NA SAKIT IKAANIM NA TUWA


Sa Judea umuwi ka Ng masasarap na wika
Kasama ng mag-ina, Ng Ángel inaliwka:
¡Laking hirap ang binata Sa inyo umuwi na
Nang marinig mo ang balita, Kasama ng mag-ina
Na si Arquelaong sukaban Ang loob mo ay tumapang
Ang kaharia’y natangnan! At Ángel ay kasama.
E: Jose, kami ay kaawaan. E: Jose, kami ay kaawaan.
S: Sa buhay at kamatayan. S: Sa buhay at kamatayan.

IKAPITONG SAKIT IKAPITONG TUWA


¡Laking hirap mo nanga, Niyong sa templo’y nakita
Nang si Jesus ay nawala, Si Jesús na iyong sinta,
At namasdan mo ang Ina, Ang tuwa mo’t ni María
Na lubhang nagdadalita! Sa puso’y di nagkasya;
Ang lumbay mo’y naululan Ang dati mong kalumbayan
Sa bagsik ng kahirapan. Napalitan nang katuwaan.
E: Jose, kami ay kaawaan. E: Jose, kami ay kaawaan.
S: Sa buhay at kamatayan. S: Sa buhay at kamatayan.

KAHILINGAN KAY POON SAN JOSÉ


Sa pitong ligaya’t sakit
Na ngayon aming inawit
Kami ay iyong kalarahin
At iligtas sa panganib
Kaming lahat ay pakamtan
Ng ligayang walang hanggan.

José, kami ay kaawaan


Sa buhay at kamatayan.
Amén, Jesús, María at José.

P : Inihalal siyang Panginoon ng kaniyang pamamahay.


B : At parang may-ari nang buo niyang kayamanan.
24
PANALANGIN
Isinasamo namin sa iyo, Panginoon kong Dios, na kami ay
tulungan ng mga karapatan ng Esposo ng Kabanal-banalan mong
Ina, nang makamtan namin sa pamamagitan niya ang hindi naabot
ng aming nakakayanan. Ikaw nanabubuhay at naghahari
magparating man saan. Amen.

MGA PAGSAMO SA POON SAN JOSE


Jose, anak ni David,
*Ipanalangin mo ang Santa Iglesia.
Uliran ng pananampalataya ng mga Patriarca.*
Jose, pananalig ng mga Profeta, *
Jose, malinis na Esposo ni Maria. *
Jose, punong kinilala ng mahal na Familia. *
Jose, larawan at kahalilii ng Ama sa langit. *
Jose, Amang nagpakain at nag-ingat kay Jesus. *
Jose, taong umabuloy sa pagsakop sa sangkatauhan. *
Jose, taong nakaalam ng mga lhim na akala ng Diyos. *
Jose, taong nag-ingat ng mga biyaya ng Diyos, *
Jose, himala sa katibayan. *
Jose, salaming kakikitaan ng kalumbayan.
*Ipanalangin mo ang Pilipinas.
Jose, uliran sa anumang kabanalan.*
Jose, uliran ng mag-asawa*
Jose, wagas na halimbawa sa nangabubuhay sa gawa at pagod
ng katawan*
Jose, aliw ng mga nalulumbay*
Jose, saklolo ng mga naghihingalo*
Jose, ama ng mga mahihirap*
Jose, sakdalan ng mga makasalanan*
Jose, pintakasi ng mga binyagan*
Katamis-tamisan kong Jose
*Ipanalangin mo itong bayan.
Kaibig-ibig kong Jose, *
Kabait-baitan kong Jose *
Kabanal-banalan kong Jose *
Jose, bukal ng aming kasiyahan *
Jose, pananalig namin *
Jose, saklolo namin *
Jose, na umakay sa amin *
Jose, sakdalan namin *
Jose, makapangyarihang nagtatag sa amin *
Jose, maawaing tumingin sa amin *
Jose, puri at kaluwalhatian namin. *
25
San Jose, may-ari at Panginoon ko
*Ipanalangin mo ako.
San Jose, kapahingahan ko*
San Jose, kayamanan ko *
San Jose, buhay ng kaluluwa ko *
San Jose, kaibigan ko *
San Jose, na nagtuturo sa akin *
San Jose, na umaaliw sa akin *
San Jose, na manggagamot na nagpapagaling sa akin *
Pintakasi kong San Jose *
Saklolo kong San Jose *
Ama kong San Jose *
Sapagkat ikaw ay sinasagana ng gracia
*Purihin ang Santissima Trinidad.
Sapagkat ikaw ay naayon sa kalooban ng Diyos*
Sapagkat ikaw ay Amang nagpakain kay Jesus *
Sapagkat ikaw ay pinamutihan ng maraming kabanalan *
Sapagkat ikaw ay ginawang Esposo ng kabanal-banalang
Maria *
Sapagkat ikaw ay ginawang kaaliwan ko *
Sapagkat ikaw ang sakdalan ng mga makasalanan. *
Sapagkat ikaw ay ginawang pintakasi ng Santa Iglesia: *

P : Ipanalangin Mo kami Poong San Jose


R : Nang kami ay maging dapat sa mga pangako ni Jesus.

PANALANGIN
Isinasamo namin sa Iyo, Panginoon kong Diyos, na kami ay
tulungan ng mga karapatan ng Esposo ng kabanal-banalan Mong
Ina, nang makakamtan namin sa pamamagitan Niya ang hindi
maabot ng aming kakayahan. Amen

26
HULING PANALANGIN SA ARAW-ARAW
O, Diyos na walang hanggan at makapangyarihan sa lahat,* na
nabighaning pumili, * at bukod na minagaling ang Amang si San
Jose* na Siya’y maging esposo ng Birheng Maria* at saklolong
tapat ng kalinisan ng kanyang pagka-Birhen; * Inang kinilala at
lubhang maingat kay Jesus* at saksing nakatalastas ng lalong
mataas na misteryo. * Taong pinagkatiwalaan ng mga lalong lihim
na inaakala Mo. * Hari at Panginoon ng mahal Mong pamamahay
at Familia, * si Jesus at si Maria na inalagaan Niya* at pinakain ng
kinikita sa pagod at pawis ng kanyang katawan, * sinamahan at
pinaglingkuran sa mga hirap at paglalakbay, * sinaklolohan at
ipagtanggol sa mga panganib at pag uusig, * at sa pagganap ng
katungkulang ito, * ay parang aliping mabait na tunay na
umalinsunod* sa kamahal-mahalang loob Mo. * Alang-alang sa
mga karapatan nitong kabanal-banalang Patriarca, * isinasamo
namin sa iyo Panginoon kong Diyos, * na Ikaw ay mahabag sa
karupukan at kasalanan namin. Patawarin Mo kami ng grasiya*
nang maganap namin ang aming mga katungkulan* at masunod
ang mga mahal na utos Mo* at kami’y manatili sa paglilingkod sa
Iyo* hanggang sa katapusan namin, * ang magandang kamatayan*
at ang mapalad na buhay sa langit* maparating man saan. *
Amen. Jesus, Maria, at Jose.

ANTANDA NG KRUS
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

27
PAGSAMO KAY SAN JOSE
Bukas Palad

KORO
O San Jose, ikaw ang tunay na huwaran
Ng pag-ibig, katapatan at kabanalan.
O San Jose, sa iyo'y nanalangin.
Ang samo namin sa iyo nawa'y dinggin.

REFRAIN
Akayin mo kami, ang bayan mong nangangarap.
Gabayan mo po ang aming pagsisikap,
Upang kaming lahat, maging karapat-dapat
Kay Hesus, 'yong sinisintang anak.

Koro
Refrain (2x)

TATAY
Hangad

I. Ang isip ang sabi hindi para sa akin 'to


Ang isip ang yakap maaari pa 'kong lumayo

Refrain: Inaamin ko sa 'king panaginip


Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik
Ngunit bakit ngayon ako'y nananabik na ika'y aking kalungin
Tatay ang 'yong tawag sa akin

II. Ang puso ang kabig akong magtatanggol sa 'yo


Ang puso ang pilit ako'y maging sandalan mo

Refrain: Inaamin ko sa 'king panaginip


Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik
Ngunit bakit ngayon ako'y nananabik na ika'y aking kalungin
Tatay ang 'yong tawag sa akin

III. Ang langit ang bilin hinihintay ka ng mundo


Ang langit ang awit dakila ang pangalan mo (Emanuel)

Refrain: Inaamin ko sa 'king panaginip


Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik
Ngunit bakit ngayon ako'y nananabik

'Di ka man sa akin galing


Tatay ang 'yong tawag sa akin
28
D I YO S E S I S N G I B A
PA RO K YA N I S A N J O S E
LUNGSOD NG OLONGAPO

SAN JOSE Pintakasi ng mabuting


kamatayan, Ipanalangin mo kami.
29

You might also like