You are on page 1of 2

PANALANGIN NG BAYAN

Obispo Tobias:

Mga kapatid, taimtim tayong manalangin sa


Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Pag-
isahin natin ang ating mga pagsamo sa kanya tulad
ng ating pagkakaisa sa pananampalataya, pag-asa
at pag-ibig na kaloob ng Espiritu Santo. Sa bawat
panalangin ang ating itutugon:

Tugon: Panginoon, Dinggin Mo ang aming


Panalangin!

1. Para sa ating Santo Papa Francisco, ating


Obispo Antonio, tanang mga Obispo at
kaparian at lahat nang bumubuo sa Simbahan
Katolika, Nawa maitaguyod nila ang
pagkakaisa’t pagmamahalan ng mga taong
pinagbubuklod ng Espiritu Santo hanggang sa
maningning na pagbabalik ni Hesukristo,
Manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

2. Para sa ating mga kapatid na bagong kumpil,


upang ang kanilang buhay ay mapuspos ng
pananampalataya at pag-ibig at maging mga
tapat silang saksi ni Kristo, Manalangin tayo sa
Panginoon. (Tugon)

3. Para sa kanilang mga magulang, mga ninong at


ninang na umaakay sa kanila sa
pananampalataya, upang mapatnubayan ng
kanilang magagandang payo at mabubuting
halimbawa ng pamumuhay ang kanilang mga
inaanak na naaayon sa landas ng Panginoong
Hesukristo, Manalangin tayo sa Panginoon.
(Tugon)

4. Para sa lahat ng mga tao, lipi, at bansa, Nawa


ang bawat isa ay magkaroon tapang na
magpalaganap ng Ebanghelyo sa lahat ng dako
na mayroong pagmahalan at pagkakaisa na na-
aayon sa mga turo at aral ni Hesus,
Manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

5. Para sa mga maysakit, mga bilanggo, mga


matatanda, at mga may kapansanan, Nawa’y
palakasin at puspusin sila ng Espiritu Santo at
ng nakapagpapaginhawang Salita ng Diyos,
Manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Obispo Tobias:
O Diyos na aming Ama, isinugo mo ang Espiritu
Santo sa mga Apostol. Sa pamamagitan nila at ng
kanilang mga kahalili, patuloy mong isinusugo ang
Espiritu Santo sa amin.
Ang aral na sinimulang ipahayag noong
Pentecostes ay patuloy nawang maihatid sa
kabatiran ng lahat. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen!

You might also like