Professional Documents
Culture Documents
Pari: Ang Banal na Espiritu ang siyang gumagabay sa atin sa pagtahak sa tamang landas.
Handa ba kayong sumunod sa gabay ng Espiritu Santo sa buhay ninyo?
Pari: Bilang mga Lingkod ng Dambana nakahanda ba kayong tuparin ang mga tungkuling
inaatas sa inyo?
Pari: Maisakatuparan nawa ninyo ang mga gawaing iniatang sa inyo sa tulong ni
Kristo ngayon at magpasawalang hanggan.
Kandidato: Amen.
PAGBABASBAS SA MGA KASUOTAN AT SAGISAG NG PAGLILINGKOD.
PAGTATALAGA AT PAGPAPANIBAGO
luluhod ang mga itatalaga at magpapanibago
Kandidato: Panginoon/ narito po ako/ hindi man karapat-dapat/ ay tinawag mo/ upang
maglingkod sa iyo./ Sisikapin ko pong maging tapat/ sa mga Gawain/ sa paglilingkod sa
banal na Misa/ at sa pagtulong sa simbahan;/ at maging mabuting halimbawa sa aking
kapwa./ Nawa’y tanggapin ninyo / ang munti kong alay na makapaglingkod ng tapat sa
iyo./ Kaawaan mo nawa ako Panginoon.
Pari: Tumayo po ang mga magulang at sabay-sabay na mangangako.
Magulang: Panginoon, bilang mga magulang ng mga batang ito ay buong puso naming
tinatanggap ang kanilang pagnanais na makapaglingkod sa pamamagitan ng aming
panalangin at paggabay upang maging matatag ang kanilang sarili at pananampalataya sa
Panginoon.
Tagapamuno: Magsitayo po ang lahat.
Pari: (Para sa Sambayanan)
Mga kapatid, narinig ninyo ang kanilang mga ipinangako. Ito ay hindi nila magagawa kung
wala ang inyong suporta at tulong. Nakahanda ba kayo na sila ay ipagdasal at tulungan sa
kanilang mga pangangailangan?
Lahat: Amen.
ang mga itinalaga pupunta sa likod para sa pag-aalay, (itutuloy ang misa) para sa
Panalangin ng Bayan.