You are on page 1of 6

pagsamba sa banal na eukaristiya

18 agosto 2018

Panimulang awitin: PACTUM PACIS (p. Joseph Frassinetti)


Patawarin mo at pawiin, O Panginoon
Ang aking mga kasalanan
Turuan mo akong sundin ang loob Mo.
Bigyan mo ako ng bagong diwa,
Ilapit mo ako sa’yong piling
At huwag hayaang mawalay sa iyo.
Koro:
Kalingain at bantayan Poong Mahal
‘Yong lingkod na lupa lamang
Wala akong magagawang kabutihan
Kung wala ka sa piling ko
Sa ngalan mo at biyayang taglay
Ako’y nagtitiwala
Nangangako akong hindi magkakamkam
Masunod lamang ang utos mo
Sa pagyakap ko sa iyong krus
Sa krus mong banal. (Koro)
Hindi sa kayamanan, sa buhay, o kamatayan
Ang aking ninanais sa’yo
Kung di ang pagkakaisa
Ng iyong kalooban sa akin
Nawa’y ang iyong habag ay mapasaamin
Ngayon at magpakailanman! (Koro)
Koda:
Kung wala ka, sa piling ko

PAGTATANGHAL NG KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO AT YAONG PAGPUPUGAY


Pari : O Sakramentong Mahal na sa langit buhat
Madla: Ang puri ng kinapal iyung-iyong lahat.

Pari: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


Madla: Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
(Tatlong Beses Uulitin)
(Maiksing at mapagnilay na katahimikan)

PAG-ANYAYA SA PAGSAMBA
Pari : Minamahal na mga kapatid, ang Eukaristiya ang siyang pinaka-bukal at pinaka-rurok ng
pagsambang Kristiyano. Sa pamamagitan ng pagtanggap natin sa Mahal na Katawan at Dugo ni Kristo
sa Eukaristiya, pinag-iibayo’t pinagtitibay natin ang tipang nagbubuklod sa atin sa Diyos bilang mga
kasapi ng Kanyang bagong Hinirang na Bayan, ang Simbahan.
Sa hapong ito, muli tayong nagtitipon bilang isang pamayanan sa pananalangin at pagninilay sa harap
ni Hesus sa Kabanal-banalang Sakramento. Halina’t dumulog tayo sa kanya ng may malinis na
kalooban, nakababatid sa kabanalan ng kaloob na biyayang ating tinatanggap, at nakalaang gawin
nating tunay na Eukaristiya ang ating buhay lalong lalo na para sa mga kapatid nating dukha at kapus-
palad.
Pari: Manalangin tayo.
Panginoong Hesukristo na nasa Kabanal-banalang Sakramento sa Altar, masdan at kahabagan Mo
po kaming naririto ngayon sa Iyong harapan, nawa ang aming pagsamba at pagtanggap ng Iyong
Banal na Eukaristiya ay magbuklod at magpalakas sa amin bilang tapat Mong mga alagad. Hinihiling
namin ito sa Iyo, ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng Espiritu Santo ngayon at
magpasawalang-hanggan.
Madla:. Amen.

(Maiksing katahimikan)

KANTA: NARITO AKO (San Andres [SHMI Songbook p. 131])


Koro: Panginoon, narito ako
Naghihintay sa utos Mo
Lahat ng yaman ko, ay alay ko sa 'Yo
Ikaw ang tanging buhay ko

Batid ko nga, at natanto


Sa kasulatan 'Yong turo
Pakikinggan, at itatago
Sa sulok ng puso (Koro)

'Yong pagligtas, ihahayag


Hanggang sa dulo ng dagat
Pagtulong Mo't pusong dalisay
Aking ikakalat (Koro)

MABUTING BALITA
Pari : Sumainyo ang Panginoon
Madla: at sumainyo rin.
Pari : Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Juan (6:51-58)
Madla: papuri sa iyo, Panginoon.
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba
mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko
sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.” Dahil dito’y nagtalutalo ang mga Hudyo. “Paanong
maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?” tanong nila.

Kaya’t sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin
ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng
aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat
ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking
laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo
sa akin, at ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din naman, ang sinumang kumain sa akin ay
mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay
magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat
kumain niyon.”
Ang mabuting balita ng Panginoon
Madla: pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo
(Maiksing katahimikan)

PAGBASA MULA SA AKDA NG KAPITAPITAGANG JOSE FRASSINETTI.


(Consolation of the Devout Soul)

(Maiksing katahimikan)
KANTA: Sa’yo Lamang [SHMI Songbook p. 135])
Puso ko'y binihag Mo, sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay; ako'y iyo habang buhay.
Anhin pa ang kayamanan, luho at karangalan?
Kung Ika'y mapasa'kin, lahat na nga ay kakamtin.

Refrain:
Sa 'Yo lamang ang puso ko;
Sa 'Yo lamang ang buhay ko.
Kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa.

Tangan kong kalooban, sa Iyo'y nilalaan


Dahil atas ng pagsuyo, tumalima lamang sa 'Yo. (refrain)

(Maiksing katahimikan)
PANALANGIN NG BAYAN
Pari: Nagpapasalamat sa Ama sa dakilang kaloob ng Eukaristiya at taos-pusong nananalig sa walang
hanggang awa ng ating Banal na Tagapagligtas na si Hesukristo, tayo ngayo’y magdulog sa kanya ng
ating mga panalangin at kahilingan:
Panginoon, dinggin mo kami.

1. Upang ang Simbahang laganap sa buong daigdig sa pamumuno ng Santo Papa, mga Obispo,
mga pari at mga relihiyoso ay patuloy na makisangkot sa mga programang tutugon sa
pangangailangan ng mga maralita at maging sandigan nawa sila ng mga pinagkakaitan ng
katarungan, manalangin tayo sa Panginoon. (R)

2. Upang ang mga namumuno sa bawat bansa ay magkaroon ng iisang layunin; ang damayan
ang mga bansang nagdaranas ng ibayong kahirapan sa gayo’y mahango sila mula sa
pagkaalipin sa mga bagay na kanilang kinakailangan, manalangin tayo sa Panginoon. (R)

3. Upang ang bawat tahanan ay maging unang paaralan ng mga kabataan, kung saan sila
huhubugin ng kanilang mga magulang sa tunay na pakikipag-kapwa na nagpapakita ng
pagpapahalaga, pagmamalasakit at pagmamahal para sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.
(R)

4. Upang ang Sons of Holy Mary Immaculate, alinsunod sa karismang handog ng Espirito Santo,
gabay ng Mahal na Birhen at halimbawa ng tagapagtatag na si Kapitapitagang Padre Jose
Frasinetti ay magsilbing daluyan ng grasya ng Panginoon sa pagaalaga ng mga kabataan at
pagtataguyod ng kaalaman sa banal na bokasayon sa mga ito, manalangin tayo sa Panginoon.
(R)

5. Upang ang mga yumao sa grasya ng Panginoon, lalon-lalo na ang mga pari at mga relihiyoso
ng Sons of Holy Mary Immaculate at ang kanyang mga katuwang, ay mahimlay ng matahimik
kapiling ang Mahal na Birheng Maria at mga banal sa langit, manalangin tayo sa Panginoon.
(R)

Pari: Ama naming makapangyarihan, bukal ng kapangyarihan at diwa, gawaran mo kami ng lakas at
galak na mapagpala upang patuloy kaming makapaglingkod sa iyo bilang mga alagad ni Kristo
kasama ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen
DAKILANG PAGBABASBAS NG KASANTU-SANTUHANG SAKRAMENTO:

Tantum ergo Sacramentum


Veneremur cernui:
Et antiquum documentum
Novo cedat ritui:
Præstet fides supplementum
Sensuum defectui.
Genitori, Genitoque
Laus et iubilatio,
Salus, honor, virtus quoque
Sit et benedictio:
Procedenti ab utroque
Compar sit laudatio.
Amen.

Pari: Binigyan mo sila ng pagkaing galing sa langit


Madla: Bukal ng lahat ng kaligayahan.
Pari: Manalangin tayo,
Panginoon naming Diyos, sa pamamagitan ng mahiwagang pagkamatay at muling pagkabuhay ng
Iyong Bugtong na Anak, iniligtas Mo ang tao. Lipos ng pagtitiwala naming ipinahahayag ang hiwagang
ito sa pamamagitan ng Eukaristiya. Tulungan Mong maranasan namin ang ginawa Mong pagsakop,
alang-alang kay Kristong aming Panginoon.
Madla: Amen
(Pagbabasbas ng Banal na Sakramento)

BANAL NA PAGUPURI:

Purihin ang Diyos.


Purihin ang Kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Taong totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang Kanyang Kabanal-banalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Kabanal-banalang Sakramento sa altar.
Purihin ang Diyos Espiritu Santo, ang paraklito.
Purihin ang dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang banal at di kalinis-linisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Maria.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose na kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.
PANGWAKAS NA KANTA: HUMAYO’T IHAYAG
Humayo't ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Dios na sa krus ni Hesus
Ang Syang sa mundoy tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan


Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
(Aleluya)

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo ay tapat

Humayo't ihayag (purihin Siya)


At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Dios na sa krus ni Hesus
Ang Syang sa mundoy tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan


Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
(Aleluya)

You might also like