You are on page 1of 12

PAROKYA NG STO.

NIÑO
Calumpit, Bulacan

LIVING ROSARY

HUWAG PONG IUUWI.


MANGYARING IWANAN PO ANG KOPYANG
ITO SA UPUAN

1
FR. INO: + Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen!

FR. INO: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may


gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang
Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng
Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio
Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit,
naluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; doon
magmumulang paririto't huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang
Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa
pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.
Amen.

FR. INO: Ama Namin, Sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasa-amin ang
kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.

S. MARY: Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; at patawarin Mo


kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala
sa amin; at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat
ng masama. Amen!

FR. INO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang
iyong anak na si Hesus.

S. MARY: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at


kung kami'y mamamatay. Amen!

FR. INO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang
iyong anak na si Hesus.

S. MARY: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at


kung kami'y mamamatay. Amen!

2
FR. INO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang
iyong anak na si Hesus.

S. MARY: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at


kung kami'y mamamatay. Amen!

FR. INO: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.

S. MARY: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan.


Amen!

FR. INO: Atin ngayong pagnilayan ang mga Misteryo ng Hapis.

FR. INO: Ang Unang Misteryo ng Hapis, Ang Paghihirap ni Hesus sa Halamanan ng
Getsemane.

PAGBASA: Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo. Isinama ni Jesus
ang kanyang mga alagad sa isang lugar na tinatawag na Getsemani.
Sinabi niya sa kanila, “Dito muna kayo't mananalangin ako sa dako
roon.” Ngunit isinama niya sina Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo.
Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban, kaya't
sinabi niya sa kanila, “Ako'y halos mamatay sa tindi ng kalungkutan.
Maghintay kayo rito at samahan ninyo ako sa pagpupuyat!”

Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung
maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit
hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.”

INTENSYON: Ating ialay ang misteryong ito para sa kaligtasan ng lahat laban sa Covid
19, kagalingan ng mga tinamaan nito at sa kalakasan ng ating mga
Frontliners at healthcare workers.

AMA NAMIN… SAMPUNG ABA GINOONG MARIA… LUWALHATI

N: O Hesus ko patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng


impyerno, dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit
na nangangailangan ng iyong awa.

3
AWIT: Inay

Sa mahinahong paalam ng araw Halik ng 'yong anak


Sa pag-ihip ng hanging kahapunan Ay! Irog kong inay
Balabal ko'y init ng 'yong pag-ibig
Sa dapit-hapong kay lamig Sa palad niyo itago aking palad
Aking bakas sa inyong bakas ilapat
Mga bituin kay agang magsigising At iuwi sa tahanan kong dapat
Umaandap, mapaglaro man din Sa piling ng inyong anak
Iyong ngiti hatid nila sa akin
Sa diwa ko't panalangin Puso ko'y pahimlayin inay
Upang yaring hamog
Puso ko'y pahimlayin inay Ng gabing tiwasay
Upang yaring hamog Ay madama ko bilang damping
Ng gabing tiwasay Halik ng 'yong anak
Ay madama ko bilang damping Ay! Irog kong inay (2x)

FR. INO: Ang ikalawang Misteryo ng Hapis, Ang Paghampas kay Hesus na Nagagapos
sa Haliging Bato.

PAGBASA: Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayong kay San Juan. Kaya't ipinakuha
ni Pilato si Jesus at ipinahagupit. Ang mga kawal ay kumuha ng
halamang matinik, ginawa itong korona at ipinutong kay Jesus. Siya rin
ay sinuotan nila ng balabal na kulay ube. Lumapit sila sa kanya at sinabi,
“Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” At kanilang pinagsasampal si Jesus.

INTENSYON: Ating ialay ang misteryong ito para sa kaluluwa ng mga mahal nating
yumao at mga kaluluwa sa purgatoryo. Nawa’y dalhin sila ng
maluwalhati sa langit na tahanan, upang maging maligayang kasama ng
Diyos magpakailanman.

AMA NAMIN… SAMPUNG ABA GINOONG MARIA… LUWALHATI

N: O Hesus ko patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng


impyerno, dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit
na nangangailangan ng iyong awa.

4
AWIT: Ave Maria, Gratia Plena

Ave Maria, gratia plena, Dominus tecum.


Benedicta tu in mulieribus,
et benedictus fructus ventris tui, Iesus.
Sancta Maria, Mater Dei,
ora pro nobis peccatoribus,
nunc et in hora mortis nostrae. Amen.

FR. INO: Ang ikatlong Misteryo ng Hapis, Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik

PAGBASA: Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayong kay San Mateo. Si Jesus ay
dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo nito, at nagkatipon ang
buong batalyon sa paligid niya. Siya'y hinubaran nila at sinuotan ng isang
balabal na matingkad na pula. Kumuha sila ng matitinik na baging,
ginawa itong korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pinahawak sa
kanyang kanang kamay ang isang tangkay ng tambo. Siya'y niluhud-
luhuran nila at kinutya ng ganito, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”

INTENSYON: Ating ialay ang misteryong ito para sa bawat isang pamilya sa mundo.
Nawa manahan ang Banal na Espiritu sa kanilang mga tahanan at
mabuklod ng pag-ibig ang bawat miyembro ng pamilya

AMA NAMIN… SAMPUNG ABA GINOONG MARIA… LUWALHATI

N: O Hesus ko patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng


impyerno, dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit
na nangangailangan ng iyong awa.

AWIT: Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya Santa Maria Ina ng Diyos
Ang Panginoon ay sumasaiyo Ipanalangin mo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat Kaming makasalanan
At pinagpala naman Ngayon at kung kami mamamatay
Ang 'yong anak na si Hesus Amen.

5
FR. INO: Ang ikaapat na Misteryo ng Hapis, Ang Pagpasan ng Krus.

PAGBASA: Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayong kay San Marcos. Nasalubong
nila sa daan ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene
na ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus
ni Jesus. Kanilang dinala si Jesus sa lugar na tinatawag na Golgotha, na
ang ibig sabihi'y “Pook ng Bungo”.

INTENSYON: Ating ialay ang misteryong ito para sa mga kabataan sa ating parokya.
Nawa tuluran nila ang halimbawa ni Maria na walang alinlangang
tumugon sa tawag ng Diyos

AMA NAMIN… SAMPUNG ABA GINOONG MARIA… LUWALHATI

N: O Hesus ko patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng


impyerno, dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit
na nangangailangan ng iyong awa.

AWIT: Stella Maris

Kung itong aming paglalayag, Inang sinta, Inang ginigiliw


Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka, Tanglawan kami, aming Ina,
Hinirang na tala ng umaga Sa kalangitan naming pita
Kahit alon man ng pangamba, Nawa'y maging hantungan,
'Di alintana sapagka't naro'n ka Pinakamimithing kaharian
Ni unos ng pighati at kadiliman ng gabi
Maria sa puso ninuman,
Maria sa puso ninuman, Ika'y tala ng kalangitan
Ika'y tala ng kalangitan Ningning mo ay walang pagmamaliw
Ningning mo ay walang pagmamaliw Inang sinta, Inang ginigiliw (2x)

FR. INO: Ang ikalimang Misteryo ng Hapis, ang Pagkapako at Pagkamatay ni Hesus.

PAGBASA: Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayong kay San Lukas. Nang dumating
sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Jesus sa krus.
Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa.
Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman
6
ang kanilang ginagawa.” Nagpalabunutan ang mga kawal upang paghati-
hatian ang kasuotan niya. Ang mga tao nama'y nakatayo roon at
nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi
nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung
siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!” Nilait din siya ng mga kawal.
Nilapitan siya ng isa at inalok ng maasim na alak, kasabay ng ganitong
panunuya, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong
sarili.” Mayroon ding nakasulat sa kanyang ulunan sa wikang Griego,
Latin at Hebreo, “Ito ang Hari ng mga Judio.” Tinuya rin siya ng isa sa
mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas
mo ang iyong sarili at pati na rin kami.” Ngunit pinagsabihan naman ito
ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay
pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo'y parusahan nang
ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang
ginawang masama.” At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag
naghahari ka na.” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita
ngayon sa Paraiso.” Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo
ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at
ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna. Sumigaw nang malakas si
Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking
espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.

INTENSYON: Ating ialay ang misteryong ito para sa kapayapaan sa buong mundo.
Nawa’y kilalanin ng bawat isa ang Diyos upang kapayapaa’y maghari sa
lahat ng panig ng mundo.

AMA NAMIN… SAMPUNG ABA GINOONG MARIA… LUWALHATI

N: O Hesus ko patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng


impyerno, dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit
na nangangailangan ng iyong awa.

AWIT: Awit sa Ina ng Sto. Rosario

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak


At mayroong liwanag na tatanglaw sa 'ting pagyapak
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha
At s'yang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga

7
At kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim
May isang inang nagmamatiyag, nagmamahal sa 'tin
Awit n'ya'y pag-ibig ng Diyos, tawag n'ya'y magbalik-loob
Turo n'ya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob

Oh, Inang mahal, narito kami't awit-awit ang Ave Maria


At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal

Oh, Inang mahal, narito kami't awit-awit ang Ave Maria


Sa anak Mong si Hesus, puso namin ay ihahandog
Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal

AWIT: Salve, Regina

Salve, Regina, Mater misericordiæ,


vita, dulcedo, et spes nostra, salve.
Ad te clamamus exsules filii Hevæ,
Ad te suspiramus, gementes et flentes
in hac lacrimarum valle.
Eia, ergo, advocata nostra, illos tuos
misericordes oculos ad nos converte;
Et Jesum, benedictum fructum ventris tui,
nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, O pia, O dulcis Virgo Maria.

FR. INO: Ora pro nobis, sancta Dei Genitrix,

S. MARY: Ut digni efficiamur promissionibus Christi.

ANG LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN

Panginoon, maawa ka sa amin.


Panginoon, maawa ka sa amin.
8
Kristo, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.


Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan, Maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, Maawa ka sa amin.
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, Maawa ka sa amin.

Santa Maria, ipanalangin mo kami.


Santang Ina ng Diyos, ipanalangin mo kami.
Santang Birhen ng mga birhen, ipanalangin mo kami.
Ina ni Kristo, ipanalangin mo kami.
Inang puspos ng biyaya ng Diyos, ipanalangin mo kami.
Inang kalinis-linisan, ipanalangin mo kami.
Inang walang kamalay-malay sa kasalanan, ipanalangin mo kami.
Inang kasakdal-sakdal, ipanalangin mo kami.
Inang walang bahid, ipanalangin mo kami.
Inang pinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo kami.
Inang kaibig-ibig, ipanalangin mo kami.
Inang kahanga-hanga, ipanalangin mo kami.
Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami.
Ina ng mabuting kahatulan, ipanalangin mo kami.
Ina ng Maylikha, ipanalangin mo kami.
Ina ng Mananakop, ipanalangin mo kami.
Ina ng Banal na Iglesya, ipanalangin mo kami.
Birheng kapaham-pahaman, ipanalangin mo kami.
Birheng dapat igalang, ipanalangin mo kami.
Birheng lalong dakila, ipanalangin mo kami.
Birheng makapangyarihan, ipanalangin mo kami.
Birheng maawain, ipanalangin mo kami.
Birheng matibay na loob sa magaling, ipanalangin mo kami.
Salamin ng katuwiran, ipanalangin mo kami.
Luklukan ng karunungan, ipanalangin mo kami.
Simula ng tuwa namin, ipanalangin mo kami.
9
Ssidlan ng kabanalan, ipanalangin mo kami.
Sisidlan ng bunyi at bantog, ipanalangin mo kami.
Sisidlang bukod ng mahal na loob na makusaing sumunod sa Panginoong Diyos,
ipanalangin mo kami.
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga, ipanalangin mo kami.
Tore ni David, ipanalangin mo kami.
Toreng garing, ipanalangin mo kami.
Bahay na ginto, ipanalangin mo kami.
Kaban ng tipan, ipanalangin mo kami.
Pinto ng Langit, ipanalangin mo kami.
Talang maliwanag, ipanalangin mo kami.
Mapagpagaling sa mga maysakit, ipanalangin mo kami.
Tanggulan ng mga kasalanan, ipanalangin mo kami.
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati, ipanalangin mo kami.
Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga Anghel, ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga Patriarka, ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga Propeta, ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga Apostol, ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga Martir, ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga Kumpesor, ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga Birhen, ipanalangin mo kami.
Reyna ng lahat ng mga Santo, ipanalangin mo kami.
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal, ipanalangin mo kami.
Reynang iniakyat sa langit, ipanalangin mo kami.
Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo, ipanalangin mo kami.
Reyna ng kapayapaan, ipanalangin mo kami.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.


Patawarin mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
Maawa ka sa amin.

FR. INO: Manalangin Tayo

10
O Diyos na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay,
pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang
gantimpalang buhay na walang hanggan, ipagkaloob mo po, isinasamo namin
sa pagninilay nitong mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng
pinagpalang Birheng Maria, matularan namin ang kanilang ipinangangako.
Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

N: Ang Oratio Imperata para sa proteksyon laban sa COVID-19.

N: Amang Mahabagin, ipagsanggalang kami sa COVID-19 na dulot ay pangamba


at sanhi ng kamatayan. Tunghayan Mo kami nang may pagmamahal at pawiin
ang aming takot sa sakit at kamatayan, ibalik ang aming pag-asa at patibayin
ang aming pananampalataya.

Gabayan Mo ang mga taong binigyan ng gampaning humanap ng lunas sa sakit


na ito at pigilin ang paglaganap. Salamat sa bakunang natuklasan sa tulong ng
Iyong paggabay. Basbasan Mo ang aming pagsisikap na gamutin at tapusin ang
pandemya sa aming bansa.

Itaguyod Mo ang mga lingkod ng kalusugan upang ang kanilang pagtulong sa


maysakit ay lakipan ng kanilang galing at pagmamalasakit. Manatili nawa
silang malusog sa isip at katawan, matibay sa kanilang sinumpaan at ligtas sa
karamdaman. Panalangin namin para sa mga nagkasakit ay dagling kagalingan,
para sa mga nag-aalaga sa kanila ay kalusugan at para sa mga yumao ay buhay
na walang hanggan.

Sa panahong ito ng pagsubok, kumilos nawa kami sa ikabubuti ng lahat at


tulungan ang mga nangangailangan. Patibayin nawa kami ng aming habag at
malasakit sa isa't isa at ihatid kami sa pagbabagong-buhay at kabanalan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

Kupkupin kami sa iyong pagkakandili, O Mahal na Ina ng Diyos. Huwag mo


kaming siphayuin sa aming mga pangangailangan. Bagkus ipag-adya mo kami
sa mga panganib at kasamaan. O maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

FR. INO: Sumaatin nawa ang tulong ng Maykapal.


11
B: Amen.

FR. INO: Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng mga yumao sa awa ng Diyos.

B: Amen.

FR. INO: Lumukob nawa ang Espiritu Santo at manatili sa atin magpakailanman.

B: Amen.

FR. INO: At pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu
Santo.

B: Amen.

AWIT: Salamat Maria

Sa lawak ng dagat na aking tinatawid


Tanging pangalan mo ang siyang laging sinasambit
Hanap-hanap ang pangako ng iyong lambing
Inaasam na tuwina'y nasa iyong piling.

Sa araw-araw na paglusong ko sa buhay


Ikaw lang ang saksi't nag-iisang bantay
Dayuhin man ako ng lungkot at hirap
Tanggulan kong lagi, lingap mo't yakap.

Salamat maria, sa iyong pagpisan


Sa bawa't hapis, luwalhati at tuwa namin
Salamat sa pag-ibig, at sa bawa't dalangin
Salamat sa iyo, sa mga pagdamay mo.
Kami'y patuloy na magmamahal sayo.

Salamat maria, sa iyong pagpisan


Sa bawa't hapis, luwalhati at tuwa namin
Salamat sa pag-ibig, at sa bawa't dalangin
Salamat sa iyo, sa mga pagdamay mo.
Kami'y patuloy na magmamahal sayo.
Salamat po!
12

You might also like