You are on page 1of 1

Panalangin para sa mga Magdiriwang

ng Anibersaryo ng Kaarawan
at Pag-iisang Dibdib

M
akapangyarihang Diyos at maibiging
Ama, hinihiling namin na pagpalain mo
at basbasan  ang mga kapatid naming
ito na magdiriwang ng kanilang kaarawan at
anibersaryo sa pag-iisang dibdib sa buwan na ito
ng ________________.

Sa tulong ng mga panalangin ng Birheng


Mariang aming Ina, at ni San Juan Maria Vianney
na aming patron, matupad nawa ang lahat ng
mga plano mo para sa kanila.

Ipadala mong lagi ang mga banal mong anghel


upang sila’y laging samahan at gabayan saan
man sila naroroon at anuman ang kanilang
ginagawa; at iadya mo sila sa lahat ng
kapahamakan, panganib at malulubhang
karamdaman, sampu ng kanilang mga mahal sa
buhay.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni


Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like