You are on page 1of 5

LITURHIYA NG PAGTANGGAP SA POONG

NAZARENO

PANIMULANG SALITA

Ang Krus ng ating Panginoong Jesukristo ay ang


pinakadakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos. Ngunit ang
kapangyarihan ng Krus ay hindi lamang isang katotohanan na
nakalipas na, bagkus magpahanggang ngayon ang biyaya ng
kaligtasan na dulot nito ay ipinaabot pa rin sa atin, sa
pagsasariwa natin sa Misteryo ng ating Panginoon. Sa
pagpaparangal natin sa Panginoon, ipinapahayag din natin ang
marubdob na pagnanais na matuto sa pagdalaw ng Nuestro
Padre Jesus Nazareno ng Quiapo kung papaano ang tunay na
magmahal at mag-alay ng sarili para sa iba. Hilingin natin sa
mapagpalang Diyos na biyayaan niya ang buong bayan ng
Cuyapo at ang lahat ng mga namimintuho na Poong Nazareno.

PANIMULA

Pari: Sa Ngalan ng Ama, + at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan : Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan : At sumainyo rin.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


tinipon Mo kami upang sambahin ang ngalan Mo.
Kami nawang tutunghay sa Anak Mong Mahal na buhat ang krus
upang ang tao’y iligtas, gawin Mo kaming isang sambayanang
sa paghahari Mo ay Iyong tinawag para magkaisa sa pananalig at
pagkamatapat sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

MABUTING BALITA
Lucas 12, 8-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi


ko sa inyo, ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay
kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
“Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit
ang lumait sa Espiritu Santi ay hindi mapatatawad.

“Kapag kayo’y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga


tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong
isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong
sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa
inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

MENSAHE

PANALANGING PANGKALAHATAN

Pari: Tinatawag tayo ng Panginoong Jesus upang sumunod sa


Kanya, magpasan ng Krus katulad Niya, at ihabilin sa
Kanya ang lahat ng nagdurusa. Sa bawat panalangin,
ating itutugon:

JESUS, LOOBIN MONG ANG IYONG KRUS ANG AMING MAGING


KALIGTASAN

Namumuno: Para sa ating mga kasapi ng Simbahan: nawa’y


maisabuhay natin ang diwa ng Krus at maging handang
magpakasakit para kay Kristo at sa Ebanghelyo.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Namumuno: Para sa mga pinuno ng ating bayan: nawa’y mahabag


sila sa mga mahihirap at gawin ang mga nararapat upang
puksain ang pang-aapi at pagsasamantalang
nagaganap sa lipunan.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Namumuno: Para sa mga nagdurusa, mga dukha, mga maysakit,
mga may kapansanan at mga bilanggo lalo na ang mga
kapatid nating nasalanta ng kalamidad: nawa’y hindi sila
mawalan ng pag-asa bagkus ay makaranas ng
nagpapaginhawang pag-ibig ng Diyos.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Namumuno: Para sa ating parokya at sa buong bayan ng Cuyapo,


biyayaan nawa tayo ng pagpapala ng Panginoon na
maisabuhay ang tunay na diwa ni Hesus Nazareno sa
pamamagitan ng pagkakaisa at tunay na
pagdadamayan bilang mga Kristiyano.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Namumuno: Para sa lahat ng pamilya lalo na ang ating mag-anak:


nawa’y lumago sila sa mga biyayang dulot ng patuloy
na pakikipagkaisa sa paghihirap at pagpapakasakit ni
Kristo. Manalangin tayo sa Panginoon.

Darasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria …

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Ama naming mapagmahal,


ang pagtanggap namin sa Nuestro Padre Jesus Nazareno
ay magdulot nawa sa amin ng lakas ng kalooban
at pag-ibig na ganap at dalisay,
upang kami’y makapaghatid sa lahat ng dako ng kapayapaan
sa pamamagitan ni Jesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGBABASBAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Bayan : At sumainyo rin

Pari : Pagpalain nawa kayo ng Makapangyarihang Diyos +


Ama, + Anak at + Espiritu Santo.
Bayan : Amen.

PANGWAKAS NA AWIT

You might also like