You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA SA MGA KANDITATO SA PULITIKA

Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang pinagmumulan ng lakas at


kapangyarihan, karunungan at katarungan. Kami po ay humihiling ng espesyal na
pagbabasbas upang mga anak mong nagnanais na maglingkod sa aming bayan ay
bigyan Mo ng paggabay upang sa paggamit nila ng kanilang Talino, Yaman at
Lakas ay magamit ang mga ito na naaayon sa iyong kalooban. Ingatan mo po sila
sa kanilang paglalakabay patungo sa lugar na kung saan kanilang haharapin ang
mga hamon sa pagtakbo bilang mga leader ng aming bayan. Gabayan nyo po ang
bawat isa sa kanila, ilayo nyo sila sa anumang kapahamakan dulot ng sakit o
sakuna, lalo na sa lumalaganap na corona virus sa aming bansa. Sa kanilang
pagtahak sa landas ng paglilingkod bilang mga pulitiko sa aming bayan at kung
sakaling sila ay nahalal na ng taong bayan, patuloy nawa nilang ganapain ng may
katapatan ang tungkuling nakaatang sa kanialng mga balikat upang tunay na
maiahon ang bawat pamilyang lugmok sa kahirapan. Lahat ng ito ay aming
itinataas sa iyo, kasama ng Iyong Anak na si Hesukristo, sa pamamatnubay ng
Espiritu Santo magpasawalng hanggan. Amen

You might also like