You are on page 1of 14

ANG PAGSISIYAM SA KARANGALAN NG MALUWALHATING

SAN ISIDRO LABRADOR


Patron ng mga Magsasaka
PAGSISIYAM SA MALUWALHATING SAN ISIDRO LABRADOR

Mangyaring sa mga magsasagawa ng Pagsisiyam na ito, ay humarap muna sa


stampa o imahen ng Mahal na Santo. Sa loob ng siyam na araw ay magawang
mangumpisal, maglimos sa mga nangangailangan, at magbalik-loob sa Amang
Maykapal.

PAGSISISI

Maawaing Jesus, kataas-taasan kang Diyos ay di Ka nakutyang manaog sa lupa't


tinubos Mo ng mahal Mong dugo kaming nabawian ng biyaya't inalipin ng
demonyo dahil sa kasalanang isinambulat sa mundo ng kauna-unahan naming mga
magulang. Sa kaibuturan ng aming dibdib ay inihihiyaw namin sa mahal Mong
harapan ang aming paglapastangan sa Iyong kamahalan, ang masamang pagganti
sa Iyong awa't pagsuway sa Iyong mga utos.

Ngayong nagsisisi na kami sa aming mga kasalanan, dumaraing sa kami sa Iyong


awa na kami'y Iyong patawarin, pakundangan sa karapatan ng iyong Inang kalinis-
linisan at ng lingkod Mong si San Isidro Labrador. Ilingap mo sa amin ang mata
Mong maawain, at pagkalooban Mo ng Iyong grasya, na kami’y maawat sa
kasalanang kinasasadlakan, at nang huwag nang mawalay sa Iyo magpakailanman.

Aming sinasaysay, na ipinagpipighating masakit ng aming puso ang pagkakasala


sa kabutihan Mong walang hanggan. Lingapin mo, katamis-tamisang Jesus, ang
aming karupukan, at huwag mong iwaksi ang aking dalanging ihinihingi sa Iyo ng
biyayang ikalagi sa pag-ibig at paglilingkod sa Iyo, hanggang sa kami’y
papagindapatin Mong pagpalain sa kaluwalhatian ng langit. Amen Jesus.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Maawaing Diyos, Amang kasanto-santosan, na sa dakila mong pag-ibig sa amin,


ay binigyan mo kami nang isang marilag at mapag-ampong pintakasing si San
Isidro Labrador, na pinagkalooban mo, na gaya ni Moises, ng dakilang
kapangyarihan: na kahit sa lupang kapatagan ay nakapagpapabukal ng tubig, sa
pagtumbok lamang ng tungkod; at binigyan mo pa ng malaking kasipagan, na di
ang pinagsakitan lamang niyang pag-anihan ay ang sinakang lupa, kundi sampu ng
kaluluwa'y pinagpilitang pag-anihan ng magagandang gawa: aming hinihingi sa
iyo, pakundangan sa karapatan ng aming mapaghimalang Santo, na pagkalooban
mo kami ng makapangyarihang tulong, na ikawawala ng katamaran namin sa
paggawa ng kabanalan, at halinhan mo ng magandang kasipagang hinggil sa
magaling, at ng sa pagtulad sa kanya’y masundan namin ang grasyang inagaw sa
amin ng kasalanan. Gayon ang aming pag-asa sa awa mong walang hanggan.
Amen.

PANALANGIN SA UNANG ARAW

Katamis-tamisang pintakasi nami't Amang San lsidro Labrador: ang iyong marilag
na buhay ay umaakay sa amin sa paggawa ng dakilang kabanalan: ngunit sa
pagpipilit ng mga demonyo na kami'y huwag makapanood sa Diyos, suson-susong
tukso ang ibinabagabag sa amin; kaya kumakanlong kami sa iyong pagtatangkilik,
at nang di mapipilan ang aming karupupukan at nagsusumamo sa iyo na kami ay
papagkamtin mo sa Diyos ng masaganang grasyang ipagtitibay ng aming loob sa
pakikipagbaka hanggang sa kamatayan, at nang kami'y marapat mapakisama sa iyo
sa pagpupuri sa Diyos sa kaluwalhatian. Tuloy papagkamtin mo kami ng grasyang
hinihingi naming bukod, kung ikapapakagaling ng aming kaluluwa. Siya nawa.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN

O, kaibig-ibig na Reyna, Ina't Panginoon namin, kalapatíng kalinis-linisang Ina ng


Diyos Anak, Esposang liyag ng Diyos Espirito Santo: kami’y nagsasaya't ikaw ay
aming Reyna, kaya nagbabansag kami ng iyong kampon, at sa iyo kinikilala
naming utang ang madlang awa at tulong naaming ikapapagalíng.

Nagpupuring walang humpay sa Panginoong Diyos kaming makasalanan, at


binigyan kami ng mapagtangkilik na Ina, Reyna't Panginoon, na dito sa kahapis-
hapis na aming pangingibang-bayan ay mag-aampon at mamamagitan para sa
amin. Kaya nga papagindapatin mong kami'y ariing alipin, at kinikilala ka naming
Panginoo’t Reynang pinananaligang magbibigay sa amin ng lakas, tapang at
siglang ipagtatagumpay sa impiyerno. Lingapin mo naman, Ina, itong munting
paglilingkod namin kay San Isidrong iyong alipin, at papagindapatin mong
makinabang kami sa karapatan ng katamis-tamisan mong Jesus, nang magkapalad
kaming makabalik sa mahal mong talampakan, manood at magpuri sa Diyos sa
kaluwalhatian ng langit magparating man saan. Siya nawa.

HIMALA SA UNANG ARAW

Sa malimit na pagsisimba ni San Isidro, at pagkawili sa pananalangin sa mga


simbahan, ay may nagbintang na pinababayaan niya ang kanyang sinasakang
bukid, kaya isinumbong siya kay Ivan de Vargas, napanginoon niya. Sa malaking
galit nito'y sinubukan siya sa oras na dapat niyang ipagsaka. Mana nga'y nakita ni
Vargas na ang Santo'y pinagigitnaanan ng dalawang bakang nag-aararo na maputi
pa sa busilak. Sa nakitang ito'y malaki ang panggigilalas, kaya tumanong at
nangusap: “Ipahayag mo sa akin, Isidro, kung sino-sino ang katulong mong
magsasaka, na pagkuwa’y nawala nang ako'y malapit.” “Saakin ay walang
tumutulong,” ang sagot nitong Santo, “kung ako'y magsasaka, kundi ang Diyos na
tinatawagan ko, sapagkat diko siya nililimot.” Sa sagot na ito'y napagtanto ni
Vargas ang kabanalan ng kanyang lingkod, at magmula noo’y di na niya
ginambala, kundi bagkus pang iginalang.

DALIT KAY SAN ISIDRO LABRADOR

Dukha ka mang sinasambit


Lubos ang iyong pag-ibig.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Madla mong kababalaghan,


Nagbabantog nagsasaysay
Na ikaw ay pinag-yaman
Ng Diyos sa kabanalan
Palibhasay sa pag-ibig
Nagniningas ang iyong dibdib.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Ang pag-ibig ay matibay,


Ng puso mo sa Maykapal,
Kaya nga at di naagaw
Ng palalo’t madlang kaaway
Inalalayan ng langit,
Kaya naman di nagahis.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Uliran ngang mag-asawa


Ikaw at si Santa Maria
Na iyong kasi at sinta
Sa mabuting pagsasama,
Kaya nga’t ang inyong dibdib
Pinag-isa ng pag-ibig.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Kailanman ay di nalanta
Ang ‘yong pagsampalataya
Gayon din sa Santa Misa
Pag-ibig mo’y di nagbawa
Kaya't ang ani mo sa bukid
Pinaka-yaman ng langit.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Magsasakang dukha ka man


Tinunton mo’y kabanalan
At hindi mo sininsayan
Hanggang sa ikaw ay mamatay
Mundo'y natalo’t nagahis
Nang iyong bayaning dibdib.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Ikaw ay pinaratangan
Na di anhi’y magnanakaw
Ngunit ipinagtangkakal
Ikaw ng Poong Maykapal
Di itinulot ng langit
Na ang puri mo’y maamis.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Sa tao’t libo’y laganap


Ang awa mo’y walang likat
Kaya ampunan ang tawag
Sa iyo ng mahihirap
Sapagkat di ka nagkait
Sa abang sa iyo’y lumapit.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Bata’t matandang may damdam


Na sakit kung nagsasakdal
Sa iyo’y nasusundan
Ang madlang kababalaghan
Hindi mo pinaalis
Hanggang di maligtas sa lumapit

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

Itong nobenang hayin


Ng pamimintakasi namin
Iyong papagindapating
Pakinggan at tanggapin
Tingni't hayin ng pag-ibig
At sa iyo’y pananalig.

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.
Dukha ka mang sinasambit
Lubos ang iyong pag-big

Isidro’y iyong ihibik


Kaming ampon mo’t tangkilik.

IKALAWANG ARAW

Marilag na pintakasi naming San Isidro: idinadalangin namin sa Diyos na kami'y


kasihan ng grasya, at nang matutuhan namin ang pagsunod sa iyong magagandang
halimbawa; ngunit sapagkat wala kaming kabanalang ikararapat na dinggin ng
Panginoong Diyos ang aming mga karaingan, nagsasakdal kami sa iyo at nang
ipanalangin mo sa masintahing Ama, na pagpalain itong magandang nasang
makatulad sa iyo sa paggawa ng kabanalan hanggang sa oras ng kamatayan, at
kami’y magpupuri at magpapasalamat sa Diyos dito't doon sa langit. Gayundin
hinihingi naming kami'y pagkalooban mo ng biyayang aming ninanasang kamtan
dito sa pagsisiyam, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya Nawa.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

HIMALA SA IKALAWANG ARAW

Si Isidro'y pinagkalooban ng Diyos ng mataos na pananalangin, sa tuwi-tuwinang


tumatawag sa kabutihan ng katamis-tamísang Panginoon. Isang araw na nasa
simbahan ni Santa Maria Magdalena’y may isang dumulog at nangusap sa kanya:
Ang buriko mo, anya, ay pinag-uusig ng isang lobo. Sa balitang ito'y di siya
natigatig, at nang matapos ang pananalangin at lumabas sa simbahan, nakita niya
ang buriko na nanginginain sa damuhan, at kalapit ang lobong patay, na
nakahandusay.

IKATLONG ARAW

O, maestrong mapagpanuto sa kabanalan, poong San Isidro! Sa iyong marilag na


buhay ay nagniningning ang dakilang kabanalan na tantong kinalugdan ng Diyos,
sapagkat minatamis mong dinggin ang mga pagtawag sa iyo; bukod dito nama'y
wala isa mang sandali na di mo iniukol sa paglilingkod sa kanya: yayamang
pinupukaw kami ng kapuri-puri na iyong mga kabanalan, namimintakasi’t
dumadaing kami sa iyo, na ipamagitan mo kami sa Diyos at nang kami ay
papagkamting biyaya't magagandang tugtog sa loob, nang sa aming pagbungkal sa
maramot na lupa ng aming puso, ay pag-anihan namin ng magagandang gawa na
hinahangad ng Diyos. Papagkamtin mo rin naman kami ng awa na hinihingi
naming bukod sa pagsisiyam na ito kung naaayon sa kalooban ng Diyos at
ikagagaling ng aming kaluluwa. Amen.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

HIMALA SA IKATLONG ARAW

Ang pamimintakasi at maningas na pag-ibig nitong Santo kay Ginoong Santa


Maria, tila mandin nauna pang napaghalata sa pagsilang ng bait. Ang Aba Ginoong
Maria ang palagi nang bulalas na panalangin; at sa tuwing nasasabi niya itong
mahal na Ina ng Diyos, waring napapalangit ang puso, at ang mga wikang
binibigkas ng labì ay nagsasaysay ng maningas at malaking pag-ibig.

IKA-APAT NA ARAW

O, masintahin sa Diyos, poong San Isidrong pintakasi namin! Yayamang ang


marilag mong buhay ay nag-aakay sa amin sa pagsisikap sa magagandang gawa ay
nauukol na itong pag-akay mo sa amin ay langkapan mo naman ng pagdalangin sa
Panginoong Diyos, na papagningasin ang aming puso sa pagsinta't pag-ibig, at
nang magalak ang aming loob sa pagtulad sa iyo, sa malimit na pagharap sa Banal
na Sakripisyo ng Misa, sa pagsasakit sa magandang kaasalan, at ang buhay nami't
lakas ay aming ubusin sa pagsunod sa mga utos niya at sa paggawa ng kabanalan,
na maipaglilingkod sa kanyang kamahalan, at nang kami'y marapat mapakisama sa
iyo sa pagpupuri sa Diyos sa kaluwalhatian ng langit. Gayunding hinihingi namin
sa iyo ang biyayang hinahangad namin dito sa pagsisiyam, kung naaayon sa
kalooban ng Diyos. Amen.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

HIMALA SA IKA-APAT NA ARAW

Kung walang mapaghahalimbawaan ang pag-ibig sa Diyos nitong dukhang


Magsasaka, gayon din naman ang pag-ibig sa kapwa tao't lalo na sa mahirap, kaya
ang kanyang paglilimos na warí'y hindi kabagay ng kahirapan niya ay
pinagtatakhan na parang isang kababalaghan. Minsa'y may humingi sa kanya ng
limos na isang mahirap ay walang maipagkaloob, sapagkat nasaid nang naibigay sa
ibang mga dukhang dumulog sa kanya. Ang santang esposa niya'y humanap ng
maililimos ay walang nakita, kaya nagsabi kay San Isidro na walang sukat
mailimos doon sa humihinging mahirap. “Kulang ka ng pananalig sa Diyos,” ang
sagot nitong Santa, “magpilit kang humanap uli at makakakita ka.” Nang sundin ng
kanyang esposa itong magandang hatol, ay pinagkalooban ng Diyos ng kagila-
gilalas na kasaganaan, naanupa't maraming lubha ang mahirap na nalimusan. Dito
napagkilala ni Santa Mariaang kamahalan ang kabanalang pananalig sa Diyos at
kaawaan sa mahirap.

IKA-LIMANG ARAW

O, mapagkalingang poong San Isidro! Yayamang ang pag-ibig mo sa Diyos na


nagniningas sa iyong puso ay ibinabantog ng iyong paglilimos sa taong mahirap,
na larawan ng Maykapal, at pagsaklolo sa kanilang karalitaan, at sampu ng mga
ibon sa himpapawíd ay nakikinabang sa iyong pagkamaawain: sa amin nama'y
ilaganap mo ang iyong paglingap, nang kami'y matutong tumulad sa iyo dito sa
marilag na kabanalan, at nang sa gayo'y marapat kami sa awa ng Amang Diyos,
nang kung magningas ang aming puso sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa-tao, ay
pagkalooban kami ng makapangyarihang grasya na ipagkakamit ng kaluwalhatian.
Pakamtan mo naman sa amin ang grasyang bukod na hinahangad namin dito sa
pagsisiyam, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

HIMALA SA IKA-LIMANG ARAW


Hindi ang awa lamang ni San Isidro sa mahirap, ang pinagpala ng Diyos, kung di
naman sampu ng awa sa mga hayop. Minsa’y nakita niya sa isang kahoy ang isang
kawawang ibong nangagugutom dahil sa ang buong kabukiran ay natatakpan ng
niyebe o namuong tubig, dahil sa kalamigan; sa malaking awa't habag ni San Isidro
ay humanap ng ilang dangkal na lupa, binakbakan niya ng namumuong tubig,
sinabugan ng trigo, at nangusap: “Halina mga ibon, kayo'y kumain, sapagkat
sagana ang kaloob ng Diyos sa lahat.” Nang ito'y makita ng isa niyang kaibigan,
inari siyang ulol; ngunit kara-karaka'y nakilala rin ang kanyang kamalian, sapagkat
nakitang ang supot na pinagkunan ng trigo ay lalong napunong mahigit pa sa rati.

IKA-ANIM NA ARAW

Poong San Isidrong pintakasi naming sukat pagkunang uliran: pinagdidili-dili ko


na pinagpala ka ng Diyos, at palibhasa'y tapat kang loob na lingkod, kaya hindi
nagahis ang mapagtiis mong dibdib ng mga panlilinlang ng impiyerno, at ang
nangagparatang sa iyo at nagsumbong sa panginoon mo na naglilo ka sa iyong
pagsasaka, ay pinagtagumpayan mo, kaya nang mantanto’y nagalak ang iyong
panginoon sa pagtatapat mong loob. Pakundangan sa pagtatagumpay mong ito ay
hinihingi namin sa iyo, na huwag mong kalimutan ang iyong paglingap, kung
kaming mga anak mo’y pinag-uusig ng malulupit na dila. Isaklolo mo naman sa
amin ang tulong mo't ampon, nang aming pakamahalin ang banal na katahimikan
ng kaluluwa, at ang magandang gawa na ikararapat namin sa pagpapala ng Diyos
sa buhay na ito, at sa pagpupuri sa kanyang magpasawalang katapusang taon.
Amen.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

HIMALA SA IKA-ANIM NA ARAW

Nang si Isidro'y datnan ng huling pagkakasakit, at makilalang tinatawag na siya ng


Diyos, ay iginayak ang kanyang kaluluwa, at tinanggap ang mga Banal na
Sakramento ng buong pag-ibig; masaya ang loob, ang mukha'y mahusay at di
ipinagpipighati sa tinitiis na hirap, kaya sa malaking lugod at panggigilalas ng mga
kaharap ay hindi napigil ang luha sa mata. At sa sandaling ang kanyang puso'y
nagniningas sa pag-ibig sa Diyos, ay siyang pagpanaw sa mundo ng kanyang
kaluluwang pinakayaman ng Langit sa kabanala't gayon din sa karapatan, ng
ikalabinlima ng buwan ng Mayo, taong isanlibo isandaa't tatlumpo, sa edad na
limampu’t lima, o animnapung taon ng kanyang pagkatao.

IKA-PITONG ARAW

Aba, masintahin kay Jesus at pintakasi naming poong San Isidro! Sa iyong
pananalig sa Diyos at sa pagsasakit mo sa paggawa ng kabanalan ay di naman
tinipid ng makapangyarihang kamay ng Diyos ang pagtulong sa iyo, kaya
hanggang nawiwili ka sa magandang gawa sa mga simbahan ay nagsisipanaog ang
mga anghel at siyang sumasaka ng lupang binubungkal mo; anupanga't sa matibay
mong pananalig sa Diyos ay ginaganti ka ng masaganang pag-aani, na hinahangaan
ng iyong mga kababayan, kaya sa iyong pag-aampon sa magsasaka, ay umaasa sila
na ihinihingi mo sa Diyos ng masaganang pag-aani. Sa bagay na ito'y
papagindapatin mo naman kami na papagkamtin sa Diyos ng grasyang kasipagan,
nang di ang pagsikapan lamang namin ay ang ani sa lupa, kundi sampu ng
magandang gawaing ipagkakamit ng kaluwalhatian. Kami'y papagkamtin mo
naman upang kamtan namin ang awang hinihingi naming bukod dito sa
pagsisiyam, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Amen.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

HIMALA SA IKA-PITONG ARAW

Nang mamatay na si San Isidro at malibing ang bangkay, ay ipinakilala ng


Panginoong Diyos sa tao ang kabanala't magandang kapalarang kinakamtan sa
langit ng kanyang lingkod. Dahil sa maraming kababalaghang ipinakita ng Diyos
sa kanyang libingan, ay marami ang dumadalaw at humihinging ipamintakasi niya
sa Diyos, hanggang sa niloob ng Langit na mahango sa hukay ang mahal na
bangkay, at nang lalong mamasdan, maparangalan,at maigalang ng sangkatauhan.

IKA-WALONG ARAW
Maluwalhating pintakasi naming San Isidro: sa pagkatanto namin sa iyong
makapangyarihang pamimintakasi sa Diyos at sa iyong pagdinig sa aming
pananalangin, palibhasa'y maawain ka't mahabagin, nangangayupapa kami sa
mahal mong harapan at sinasaysay, na kahit isa kang magsasakang aba, ay
pinakamahal ka ng Diyos at pinapagindapat sa kanyang mga awa: kaya ulit-ulit
ang aming pagpapasalamat at ikaw ay gumawang lingkod na hirang ng Diyos, na
pinakarangal kang pinagkalooban ng kapangyarihan sa paggawa ng kababalaghan,
at ikinararangal din naman ng Diyos ang pagpapala sa mga pagtawag ng
namimintakasi sa iyo, kaya hinihingi namin sa iyo, na pakundangan sa Diyos ay
kami'y dinggin mo, sakloloha't bigyang tuwa, kapag narinig mo ng aming daing.
Gayon ang aming pag-asa at sampu ng awang ihinihingi naming bukod ay
pakamtan sa amin, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Amen.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

HIMALA SA IKA-WALONG ARAW

Napakitang minsan si San Isidro sa isang kakilala niya, at nagsabi, na ang kanyang
katawan ay ipahango sa hukay sa libingan ni San Andres at ilipat sa isang mabuti’t
inilaang lugar sa loob ng simbahan nitong Santo Apostol. Nagwalang-bahala itong
pinagsabihan dahil sa takot o sa di-paniniwala sa mahal na Santo, at kaginsa-
ginsa’y pinarusahan siya ng isang mabigat na sakit, na hindi gumaling kung di
nang araw na kunin sa pinaglibingan ang bangkay ni San Isidro.

IKA-SIYAM NA ARAW

Kapalad-palarang pintakasi naming poong San Isidro: ngayong sumasalangit ka na,


at diya'y ang nakakatulad mo'y talang nagniningning sa harapan ng Diyos; at dini
sa mundo'y ang iniwan mong bangkay, niloob ng Langit na hindi masira, at nang
aming matanto ang mataas nakaluwalhatiang iginanti sa iyo ng Diyos: nauukol
ngayong iyong lingapin itong matatapos naming pagsisiyam na pinag-ukulan ng
aming pamimintakasi sa iyo, at umaasa kami na pagpapalain mo ang aming
kahingian. Sa dakila mong pag-ibig at pagpapala sa namimintakasi sa iyo'y
nananalig kaming di mo kami hahabagin, kaya kumakanlong kami sa iyong
nagtatangkilik at umaasa na iyong ipamimintakasi sa Diyos na Panginoon, at
papagkakamtin nang buong ikagagaling ng aming kaluluwa’t katawan, at sa oras
ng aming kamataya'y dadalawin mo, at nang marapat masama sa iyo,
magpasawalang katapusang taon. Amen.

Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen saka isunod ang tatlong Ama Namin,
tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa kapurihan ng Tatlong
Persona sa Iisang Diyos at karangalan ni San Isidro, isunod ang tanging hiling sa
pagsisiyam na ito, isunod ang Mga Himala para sa tanging araw at patapusan sa
pamamagitan ng Dalit.

HIMALA SA IKA-SIYAM NA ARAW

Sa di-pakikinig kay San Isidro nang unang pinagsabihang kunin sa hukay ang
kanyang katawan, ay napakita at nagsabi sa isang babaing mahal at may loob sa
Diyos. Kung nagwalang-bahala ang pinagsabihang una, itong ikalawa’y siyang
umalinsunod. Nagsabi sa mga pari at sa mga pinunong bayan, sila'y nagprusisyon,
napatungo sa kampo santo, at sinimulan ang paghukay. Dito'y kataka-taka ang
nangyari. Pagtama sa lupa ng asarol na panghukay, nangatugtog na kusa ang mga
kampana, na hindi naghumpay hanggang di natapos ang mahal na seremonya.
Yaong katawang mahal, kahit apatnapung taong nabaon sa lupa, ay nakuhang buo
rin at sariwang-sariwa, na para ring buháy; at ang lalong kataka-taka'y ang mga
taong doo’y nanonood ay nakasamyo ng isang kawili-wiling bango, kaya sa
malaking tuwa't panggigilalas nila'y nangapaiyak. Binalot ang mahal na bangkay
ng isang mahalagang káyo, inilagay sa isang ataul, dinala at itinago sa simbahan ni
San Andres. At dito'y itong banal na relikya ay pinagpatanghalan ng Panginoong
Diyos ng di-matingkala niyang kapangyarihan, na sa loob ng limandaa't
walumpung taon ay nakitang buo rin, malambot na para ng bagong makuha sa
hukay, kaya pinaglalakbay, pinanonood, sinasamba't iginagalang ng di-sukat
mabilang na tao, yaong kamahal-mahalang bangkay ng isang magsasakang hamak.
+++
Credits to the original author of the Novena.
John Carlo C. Malaluan • 2022

You might also like