You are on page 1of 4

SANTACRUZAN

MGA TAUHAN NG MATANDANG TIPAN AT TRADISYONG KRISTIYANO

1. Matusalen. Ang pinakamatandang taong nabuhay sa daigdig na karaniwang inilalarawan


bilang lalaking nakabigkis, may mahabang bigote, at nagsasaing ng mga bato. Sagisag ng libong
taong nasasaklaw ng Iglesya Katolika.

2. Patriarcas. Tatlong lalaking nakabalabal at tungkod. Sagisag ng pundasyong Hebreo ng


Katolisismo.
a. Abraham.
b. Isaac.
c. Jacob.

3. Samuel Bilibet. Lalaking nakatunika, sandalyas at tungkod. Sagisag ng paglalakbay sa


pananampalataya.

4. Obispo San Macario. Ang obispo ng Jerusalem na tumulong kay Santa Elenang hanapin ang
Vera Cruz.

5. AVE MARIA. Grupo ng mga batang babaeng nakabihis anghel na tangan ang mga letrang A-
V-E-M-A-R-I-A. Sagisag ng kahalagahang mariano ng pagdiriwang ng Santacruzan.

6. Reina Abanderada. Higit na kilala bilang Reina Banderada. Buhat sa salitang Kastilang
abanderada na ibig sabihi’y tagapagtangan ng watawat. Naka-terno at may hawak na bandila ng
Vaticano, at karaniwang kasama ng mga ati-atihan. Sagisag ng pagdapit ng Kristiyanismo sa
Pilipinas.

7. Reina Mora. Reina nakabihis Muslim. Sagisag ng ekumenismong pangsimbahan.

8. Las Virtudes Teologales. Ang tatlong pangunahing katangian ng relihiyong Kristiyano.

a. Reina Fe. May tangang krus at rosaryo. Sagisag ng pananampalataya.

b. Reina Esperanza. May hawak na tagdang may araw sa dulo. Sagisag ng pag-asa.

c. Reina Caridad. May tangang puso. Sagisag ng pag-ibig.


9. Reina Abogada. Naka-toga at may tangang aklat. Sagisag ng katalinuhan.

10. Miriam. Nakatunika, belo at may dalang pandereta (tambourine, Exodo 15:20). Propetisang
kapatid nina Moises at Aaron. Sagisag ng pamumuno.

11. Debora. Nakatunika at belo, at may hawak na Kautusan. Ang tanging hukom na babae sa
Matandang Israel. Sagisag ng mabuting pagpapasya.

12. Rahab. Nakatunikang puti, nakabigkis na pula at may tangang pumpon ng talahib. Isang
patutot sa panahon ni Josue na kumandili sa mga tiktik na Israelita at nagtago sa mga ito sa mga
inaning lino. Sagisag ng kawang-gawa.

13. Ruth at Noemi. Magbiyenang nakatunika at belo. Sagisag ng pagmamahalan sa pamilya.

14. Reina Sheba at Haring Solomon. Reina buhat sa kaharian ng Sheba na bumisita kay
Solomon. May hawak na kaban ng ginto at mga alahas ang reina at kasama ang konsorteng
nakabihis-hari. Sagisag ng kayamanan.

15. Reina Ester. Reina ng Israel na sumagip sa buhay ng kanyang mga kababayan. May tangang
arpa at setro. Sagisag ng pagmamahal sa bansa.

16. Infanta Judith. Ang taguring infanta ay salitang Kastila na gamit para sa mga anak na babae
ng hari. Ginamit ang bansag na ito kay Judith sapagkat hindi siya reyna subalit sinagip niya ang
bayan ng Betulia. May tangang espada na ginamit sa pagpugot ng ulo ni Holofernes. Sagisag ng
katapangan.

MGA TAUHAN NG BAGONG TIPAN AT TRADISYONG KRISTIYANO

17. Babaeng Samaritana. Nakatunika at may hawak na banga. Sagisag ng kapatawaran ng


Diyos.

18. Santa Marta. Kapatid nina Lazaro at Maria Magdalena (ayon sa tradisyong gregoriana).
May hawak na sisidlan ng tinapay. Sagisag ng kasipagan.

19. Santa Veronica. Santang nabanggit sa ebanghelyong apokrifo ni Nicodemo na nagpahid sa


mukha ni Hesus patungong Kalbaryo. Ang birang ay nakalagak sa Basilica ni San Pedro sa
Vaticano at itinuturing na relikya ng Simbahan magmula pa noong ikawalong siglo. Ang
pangalan ay galing sa salitang Griyegong vera-eikon, totoong larawan. May tangang birang na
may mukha ni Kristo. Ayon sa tradisyong Pilipino, tatlo ang bakat ng mukha na lumabas sa
birang. Sagisag ng pagtutulungan.

20. Las Tres Marias.


a. Santa Maria Salome. Ina ni Santiago at Juan. May hawak na insensaryo. Sagisag ng
kalusugan.

b. Santa Maria Jacobe. May hawak na walis. Sagisag ng kasinupan.

c. Santa Maria Magdalena. Kapatid nina Lazaro at Marta. Itinuturing na pinakamahalaga sa


mga alagad na babae ni Kristo. May hawak na pabango at panyo (La Magdalena Perfumadora).
Sagisag ng pababalik-loob sa Diyos. Sa ikonograpiyang europea, maaari rin siyang ilarawan
bilang babaeng may hawak na bungo, tanda ng pagsisisi. Sa gayo’y tinatawag siya na La
Magdalena Penitente.

MGA TAUHAN NG SINAUNANG SIMBAHAN

21. Reina Sentenciada. Babaeng nakatunikang puti at nakapiring. Nakagapos ang mga kamay at
inaalalayan ng dalawang sinturyong Romano. Sagisag ng pagtitiis at pagtitimpi.

22. Las Santas Vírgenes y Viudas. Ang mga pangunahing santang dalaga at biyuda ng
Simbahang Katoliko na kasama sa Litaniae Sanctorum. Sagisag ng kabanalan.

a. Santa Águeda. Agnes sa wikang Ingles. May hawak na tupa.

b. Santa Cecilia. May hawak na arpa.

c. Santa Catalina (de Alejandria). Catherine sa wikang Ingles. May hawak na gulong na kahoy.

d. Santa Anastasia. Biyuda. May hawak na sisidlan ng alak.

23. Reina Justicia. May tangang timbangan. Sagisag ng katarungan ng Diyos.

MGA TAGURI SA MAHAL NA BIRHEN

24. Niña Maria at Santa Ana. Batang babae kasama ang kanyang ina na kapwa nakatunika at
belo. Sagisag ng maka-inang pagmamahal.

25. Rosa Mistica. May dalang mga pulang rosas. Sagisag ng kagandahan.

26. Divina Pastora. Nakasalakot at may tangang tungkod. Sagisag ng banal na paggabay.
27. Estrella Matutina. Ang kahulugan sa Kastila ay Tala ng Umaga. Tinatawag ring Reina de
las Estrellas. May hawak na tagdang may bituin sa dulo. Sagisag ng liwanag ng Diyos.

28. Reina de los Angeles. Reinang inaalalayan ng mga batang anghel. Sagisag ng kahinahunan.

29. Reina de los Patriarcas. Reinang may tangang tungkod. Sagisag ng pagtitiwala sa Diyos.

30. Reina de los Profetas. Reinang may tangang reloj de arena (hourglass). Sagisag ng
karunungan ng Diyos.

31. Reina de los Apostoles. Reinang may tangang replika ng Simbahan ng Vaticano. Sagisag ng
pagsusunuran.

32. Reina de los Martires. Reinang may tangang palmera. Sagisag ng pag-aalay ng buhay.

33. Reina de los Confesores. Reinang may tangang lamparang may kandilang kulay lila.
Sagisag ng pagpapatawad ng Diyos.

34. Reina de las Vírgenes. Reinang may tangang belong puti. Sagisag ng kalinisan.

35. Reina del Rosario. Reinang may hawak na rosaryo. Sagisag ng pagsamba.

36. Reina de la Paz. Reinang may tangang kalapati. Sagisag ng kapayapaan.

37. Reina de las Flores. Reinang may hawak na pumpon ng mga bulalak. Sagisag ng tagsibol.

38. Reina Elena at Prinsipe Constantino. May tangang krus at may kasamang batang konsorte.
Kumakatawan kay Santa Elena ng Roma nakasumpong sa tunay na cruz at sa batang emperador
na si Constantino na kumilala sa Kristiyanismo bilang relihiyon ng Imperyo ng Roma.

39. Reina Emperatriz. May hawak na setro. Ang taguring emperatriz ay tumutukoy kay Elena
bilang emperatriz ng Roma at kay Maria bilang makalangit ng emperatriz ng sangkatauhan.

You might also like