You are on page 1of 18

KUWARESMA

PAG-UNAWA, PAGDIRIWANG, PAGSASABUHAY


Isang maikling panayam tungkol sa Kasaysayan, Teolohiya, Liturhiya,
at Espiritwalidad ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng
Pagkabuhay

DARRYL P. REYES
Parokya ng Banal na Santatlo,
Pansol, Lungsod ng Calamba
16 Enero 2016, Sabado
BALANGKAS

I. Pagkakaunawa sa Kuwaresma
A. Kasaysayan
B. Teolohiya
II. Pagdiriwang ng Kuwaresma
A. Ang Pangalan
B. Ang Tagal
C. Katangian ng mga Pagdiriwang
1. Linggo
2. Mga araw ng sanlinggo
3. Mga pagdiriwang ng mga Banal
4. Mga Sakramento at Sakramental, at mga Debosyon
D. Mga Elemento ng Pagdiriwang
1. Salita ng Diyos
2. Musika
3. Gayak ng Simbahan
4. Mga Tanda
E. Mga Natatanging Pagdiriwang ng Kuwaresma
1. Miyerkules ng Abo
2. Mga Pagwawaksi
3. Linggo ng Palaspas
4. Mga Mahal na Araw
5. Tenebrae
6. Misa ng Krisma
F. Tatlong Araw na Pagdiriwang sa Pagpapakasakit at Pagkabuhay ng
Panginoon
1. Huwebes Santo
2. Biyernes Santo
3. Sabado de Gloria
4. Ang Linggo ng Pagkabuhay
G. Mga Konsiderasyong Pastoral, Tagubilin at Mungkahi
III. Pagsasabuhay ng Kuwaresma
A. Pag-alala sa mga Pangako sa Binyag
B. Pagbabalik-loob at Pakikipagkasundo
C. Pag-aayuno, Pananalangin, Paglilimos

2
PREPASYO

H
INDI matatawaran ang halaga ng mahusay na pagkakahubog tungkol sa
liturhiya para sa ikalalago ng buhay Kristiyano. Ang pagkakaunawa sa
mga pagdiriwang ng Simbahan ay nakakapagdulot ng maraming
bungang espiritwal na maibabahagi natin sa ating kapwa sa pamamagitan ng
ating kabutihan, at maiaalay sa Diyos bilang pagpupuri sa kanya. Kaya
napakasaya kong maatasan na maghanda ng isang panayam tungkol sa liturhiya
ng Kuwaresma.

Ang panayam na ito ay sadyang ginawa bilang paghahanda sa panahon ng


Kuwaresma, at isinaalang-alang dito ang kalagayan ng ating parokya nang hindi
isinasantabi ang pangkalahatang gamit ng ganitong mga akda. Nababalangkas
ito sa tatlong bahagipag-unawa, pagdiriwang, at pagsasabuhay, habang
pinagsasama-sama ang ilang mahahalagang elemento ng pagkakaunawa sa
liturhiyaang kasaysayan at teolohiya (pag-unawa), pagdiriwang (ang mismong
liturhiya), at espiritwalidad (pagsasabuhay) na kaakibat nito. Babalahindi
asawa ni Babaluang panayam na ito ay hindi isang recollection. Hindi ko
ito isinulat upang mag-enjoy ka. Sa halip, mas mararamdaman dito ang isang
guro na nagtuturo sa loob ng silid-aralan, kaya kung antukin ka noong nag-aaral
ka pa, ngayon pa lang, kumuha ka na ng kape! Isinulat ang panayam na ito
upang matuto ang mga makikinig at magbabasa nito.

Maraming talababa ang ginamit sa panayam na ito, hindi upang


mapaniwala o mapahanga ang mga makikinig at magbabasa, kundi upang
mabigyang-diin ang katotohanan at awtoridad ng mga sinasabi rito. Isa pa,
bagamat may maniniwala sa akin sa mga sinasabi ko rito kahit walang talababa,
ako sa sarili ko ay hindi naniniwala sa sarili kong sinasabi tungkol sa liturhiya,
liban na lamang kung may awtoridad akong sinasandigan (pero huwag kang
magkakamali tungkol sa akin; malakas ang self-confidence ko). Sa dulo,
naglista ako ng mga maaaring basahin upang maging mas buo ang kaalaman mo
tungkol sa paksang tinatalakay dito, sapagkat ang iilang oras ay hindi sapat
upang masabi lahat ng mga bagay tungkol sa liturhiya.

Ang pagkakaunawa natin sa dakilang panahon ng Kuwaresma ay magdulot


nawa ng higit pang paglago sa ating buhay, at magpalalim pa sa ating pag-ibig sa
Panginoong Hesus na inibig tayo at naging masunurin hanggang kamatayan, oo,
hanggang kamatayan sa krus (Filipos 2, 8).

Omnia ad maiorem Dei gloriam!

DARRYL P. REYES

3
DEDICATIO
Fratribus meis
Cuicumque liturgiam partio
Et Liturgiam Aeternam expecto
KUWARESMA: PAG-UNAWA, PAGDIRIWANG, PAGSASABUHAY
Isang maikling panayam tungkol sa Kasaysayan, Teolohiya, Liturhiya, at
Espiritwalidad ng
Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay

PANIMULA

PRAISE TO THE HOLIEST IN THE HEIGHT For all his works most wonderful,
And in the depth be praise Most sure in all his ways!
For all his works most wonderful,
Most sure in all his ways! PURIHIN ANG DYOS NA POON,1
Magpuri buong santinakpan.
O Loving Wisdom of our God Purihin kanyang mga gawa
When all was sin and shame, At kaloobang banal!
A second Adam to the fight
And to the rescue came. Sa karunungan mo, O Diyos,
Hinango sa kasalanan,
And that a higher gift than grace At dahil sa isa pang Adan
Should flesh and blood refine Naligtas kaming tanan.
Gods presence and his very self
And essence all divine. O kay dakilang kaloob,
Laman at dugoy linisin
O Wisest Love, that flesh and blood Ng mismong Diyos na totoo,
Which did in Adam fail At gawing tulad nya rin.
Should strive afresh against their foe,
Should strive and should prevail. O kay dunong: Ang dugot laman
Ng nagkasalang Adan
O Wondrous Love, that he who smote Ay makibaka sa kaaway muli
In man for man the foe At ngayoy nagtagumpay.
The double agony in man
For man should undergo. Kahanga-hangang ang makikibaka
Upang tapusin ang sala
And in the garden secretly Ay magdurusang tunay nga
And on the cross on high Ng sa taoy dapat sana.
Should teach his brethren and inspire
To suffer and to die. At sa natatagong hardin
At sa krus na mataas
Praise to the holiest in the height
And in the depth be praise 1 Salin mula sa Ingles ni Darryl P. Reyes.
4
Kapatid nyay tinuturuang Magpuri buong santinakpan
Pakasakit hanggang wakas. Purihin kanyang mga gawa
At kaloobang banal!
Purihin ang Dyos na Poon

M
AYROONG isang uri ng kawayan na lumalaki ng isang pulgada lamang
kada taon, kaya napakaliit lamang nito. Ang tawag dito ay kawayang
moso na makikita sa Japan. Gayunman, matapos ang limang taon na
kakaunti ang inilalaki nito, araw-araw ay halos isang talampakan ang itinataas
nito, kaya sa loob ng isang taon, isa na ito sa pinakamataas na kawayan. Bago
ito pumailanlang sa kalangitan, inihanda muna nito ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng pagpapalalim ng kanyang mga ugat.
Sa ilang linggo pa ay papasok tayo sa isa sa pinakadakilang panahon sa
taong liturhiko: ang Kuwaresma. Bagamat ang panahong ito ay malimit
magparamdam sa atin ng kasalatanmalungkot na musika, kawalan ng
dekorasyon sa altar, ang pag-alis ng Gloria at Alleluia, ang pag-aayuno at
pagtitikaito ang isa sa mga pinakambungang panahon ng buong taon. Sa
panahong ito, tinuturuan tayong magpalalim ng ating mga ugat bilang mga tunay
na Kristiyano bago tayo pumailanlang sa dakilang kasiyahan ng Pagkabuhay ni
Kristo. Ito ang dahilan kung bakit sa gitna ng kasalatan ng panahon ng
Kuwaresma, nakakaawit pa rin tayo Purihin ang Diyos na Poon!
Ngunit higit pa sa biyayang ito, nagpupuri tayo sa Diyos dahil sa kahanga-
hanga niyang gawa na sinasariwa natin sa panahong itona isinugo niya ang
Bugtong niyang Anak, naging katulad natin sa lahat ng bagay maliban sa
kasalanan, nagpakasakit dahil para wakasan ang ating kaalipinan, at wasakin
ang kamatayan nang mabahaginan niya tayo ng kanyang buhay na walang
hanggan. Ito ang tatalakayin natin sa maikling panayam na ito.

PAGKAKA-UNAWA SA KUWARESMA

U
PANG higit na maunawaan ang pagdiriwang ng Kuwaresma, makabubuting
malaman muna natin ang kasaysayan nito, at ang kahulugan at
kahalagahan ng buong panahong ito.

KASAYSAYAN

Bagamat ang unang yugto ng taong liturhiko ay ang Panahon ng Paghahanda sa


Pagdating ng Panginoo (Adbiyento, Advent), na naghahanda sa atin sa
pagsalubong sa Pasko, ang tunay na unang panahong liturhiko na ipinagdiwang
ng unang Simbahan ay ang Pagkabuhay ng Panginoon (Easter).2 Ang Pagkabuhay
ng Panginoon ang unang pahayag ng pananampalataya ng Simbahan. 3 Ito ang
dahilan ng lingguhang pagtitipon at pagsamba ng mga unang Kristiyano. 4 Kaya
naman, ang padiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon tuwing Linggo, at ang

2 Cf. Sacrosanctum Concilium (henceforth, SC) 106: The Lords Day is the original feast
day (emphasis mine).

3 Cf. Gawa 2, 24.


5
lalong hayagang pagdiriwang nito isang beses sa isang taon ang
pinakamahalagang pagdiriwang ng Simbahan.
Dahil sa malaking kahalagahang ito, ipinasya ng Simbahan na magkaroon
ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon. Ito ay
ginaganap sa pamamagitan ng pag-aayuno. Sina San Iraneo (obispo sa dating
Pransiya) at Tertullian (Hilagang Africa) ay nagsabing sa kanilang lugar, ang pag-
aayuno ay ginaganap nang dalawang araw bago ang Linggo ng Pagkabuhay. Ito
ay humigit-kumulang apatnapung oras, na sinasabing ang tagal ng Panginoong
Hesus sa loob ng libingan.5
Sa lungsod naman ng Roma, ayon sa sulat ni San Jeronimo noong 384 sa
isa niyang disipulo na si Marcella, ay nagkakaroon ng apatnapung araw ng pag-
aayuno bago ang Linggo ng Pagkabuhay ng Panginoon. 6 Kaya naman, nakilala
ang panahong ito bilang Quadragesima (apatnapung araw), na siyang ugat ng
salitang Kastila na Cuaresma, na ngayon ay nasa ating wika bilang Kuwaresma.
Kaalinsabay nito ang paghahanda ng mga bibinyagan na may sapat na gulang
(adult baptism) at ang pakikipagkasundo sa mga nagkasala. Gayun man, ang
pagdiriwang ng paghanda ay hindi apatnapung araw sa ibang bahagi ng
Simbahan, sapagkat sa panahong ito ay maaaring magkaroon ng sariling paraan
at kaugalian sa pagdiriwang ang ibat ibang lugar. Kaya noong 325, ipinag-utos
ng Konseho ng Nicea na maging apatnapung araw ang pag-aayuno bilang
paghahanda sa Pagkabuhay ng Panginoon.7
Tandaan natin na hindi ang araw bago ang Linggo ng Pagkabuhay ang
binilang, kundi ang araw ng pag-aayuno. Mahalaga ito, dahil sa buong
Simbahan, ipinagbabawal ang pag-aayuno tuwing Linggo. Sa ilang bahagi din ng
Simbahan, lalo na sa mga Griyego at iba pang taga-silangan, ipinagbabawal din
ang pag-aayuno tuwing Huwebes at Sabado. Dahil dito, noong ika-11 at 12 siglo,
idinagdag ang panahon ng Septuagesima (pitumpung araw bago ang Linggo ng
Pagkabuhay), Sexagesima (animnapung araw), at Quinquagesima (limampung
araw).
Ang ganitong kaugalian ay nanatili nang may ilang siglo, nang muling
isaayos ng Ikalawang Konsilyo Vaticano ang liturhiya at ang taong liturhikal.
Tinanggal ang Septuagesima, Sexagesima, at Quinquagesima, at higit na
nabigyang-pansin ang halaga ng Pagkabuhay ng Panginoon. Sa ngayon ay ito na
ang Kuwaresma na nakagawian natin, limapung taon matapos ang mga
pagbabago ng Ikalawang Konsilyo Vaticano.
4 Justin Martyr, I Apolog. 67: PG 6, 429 and 432: We all gather on the day of the sun, for
it is the first day [after the Jewish Sabbath, but also the first day] when God, separating
matter from darkness, made the world; and on this same day, Jesus Christ our Savior rose
from the dead, where day of the Sun = Sunday.

5 Nicholas V. Russo, The Early Histories of Lent, (Texas: Baylor University, Center for
Christian Ethics, 2013), 1.

6 Jerome, Epist. 24, 4: PL 22:428.

7 Russo, The Early Histories of Lent, 1.


6
TEOLOHIYA

Ang panahon ng Kuwaresma ay nakatuon sa paghahanda sa Pagkabuhay ng


Panginoon.8 Ang panahong ito ay may dalawang katangian: una, ang
paghahanda para sa mga bibinyagan sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay; ikalawa,
ang pagtitika ng mga binyagan bilang paghahanda sa pagsariwa nila sa kanilang
mga pangako sa binyag.9 Sa pamamagitan nito, inihahanda ng Simbahan ang
mga mananampalataya para sa Pagkabuhay, habang mas malimit na nakikinig sa
Salita ng Diyos, at naglalaan ng higit na panahon sa pananalangin. 10
Binibigyang-diin sa panahong ito ang pagbabalik-loob sa Diyos, kaya naman,
pinaaalalahanan tayo na ang Diyos ay isang amang maawain, tulad ng amang
tumanggap muli sa alibugahang anak.11 Kasama sa pagtitikang ito ang
pananalangin, pag-aayuno, at paglilimos o pagtulong sa kapwa, upang Sa
apatnapung araw na paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay, [tayo ay] maging
dalisay para sa pagdiriwang ng tagumpay12 ni Hesus, ang kanyang
Pagkabuhay.
Ang bilang naman na apatnapu ay mahalaga sapagkat kumakatawan ito sa
masidhi at masinsinang paghahanda at pagpapanibago, tulad ng 40 araw na
umulan nang malakas at nalunod sa baha ang buong daigdig noong panahon ni
Noe,13 ang 40 taon ng mga Israelita sa ilang, 14 ang 40 araw na paglalakbay ni
Propeta Elias patungo sa Bundok ng Diyos,15 at ang 40 araw na pag-aayuno ni
Hesus sa ilang, kung saan tinukso siya ng demonyo.16
Sa panahong ito, inaanyayahan din ang mga mananampalataya na
magnilay tungkol sa mga pangyayari sa kasaysayan ng kaligtasan, mula sa
pagkakasala ng tao, sa pag-aalok ng Diyos nga kaligtasan, hanggang sa rurok
nitoang pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus,. Isang

8 Cf. Ang mga Pangkalahatang Patakaran Tungkol sa Taon ng Liturhiya at Tungkol sa


Kalendaryo (Taon at Kalendaryo), 27.

9 Caeremoniale episcoporum (CE), 249.

10 SC, 109.

11 Lukas 15, 11-32.

12 Aklat ng Pagmimisa sa Roma, Miyerkules ng Abo, unang panalangin ng pagbabasbas


ng mga abo.

13 Genesis 7, 12.

14 Awit 95, 10.

15 1 Hari 19, 8.

16 Mateo 4, 1-11.
7
mainam na pagnilayan ang kuwento ng pag-aalay ni Abraham kay Isaac. 17 Ang
tagpong ito ay sagana sa mga pagbabadya tungkol sa mangyayari sa kasaysayan
ng kaligtasan:
Una, naroon ang ama na hindi nag-atubiling kitilin ang kanyang sarili at
kaisa-isang anak kahit ito ay masakit sa kanya, upang makasunod sa kalooban ng
Diyos. Si Abraham ay tulad ng Diyos Ama na ibinigay ang Bugtong niyang Anak
upang mailigtas ang tao.
Ikalawa, ang bugtong na anak ang siya mismong bumuhat ng kahoy na
pag-aalayan sa kanya patungo sa tuktok ng bundok, 18 katulad ni Hesus na
nagbuhat ng kahoy na krus paakyat ng bundok ng Kalbaryo.
Ikatlo, hindi nanaig ang kamatayan sapagkat noong papatayin na ni
Abraham si Isaac, pinigilan siya ng Diyos at isang tupa ang narinig niyang naipit
sa mga sanga, at iyon ang isinakripisyo niya. Gayon din naman, hindi
nakapanaig ang kamatayan kay Hesus dahil siya ay muling nabuhay.
Huli, sinagot ng Diyos ang tanong ni Isaac Ama, nasaan ang tupang
ihahain?19 matapos ang 2,100 taon.20 Ang tupang ihahain sa ikaliligtas ng tao ay
ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,21 si Hesus

PAGDIRIWANG NG KUWARESMA

A
NG pananampalataya ng Simbahan ay ipinapahayag sa pamamagitan ng
kanyang panalanginlex orandi, lex credendi. Kaya naman, ang ating
paniniwala ay naipahahayag sa pamamagitan ng mga pagdiriwang o
liturhiya. Sa puntong ito, matapos nating malaman ang teolohiya ng Kuwaresma,
suriin naman natin ang liturhiya na ginagamit sa pagdiriwang nito.

ANG PANGALAN
Kagaya ng nasabi na, ang katawagang Kuwaresma ay nagmula sa salitang
Latin na Quadragesima na nangangahulugang apatnapung araw. Sa wikang
Ingles, ang katawagan sa panahong ito ay Lent. Nagmula ito sa salitang
Middle English na lente na nangangahulugang tagsibol22 sapagkat ang
panahong ito ay laging tumatapat sa tagsibol sa hilagang hating-globo. Ang
17 Genesis 22, 1-19.

18 Genesis 22, 2. 6.

19 Genesis 22, 7.

20 Kalendas o Ang Pagpapahayag ng Pagsilang ng Panginoon, Dalawang libot


isandaang taon matapos nina Abraham at Sarah, isang libot tatlondaang taon
pagkatapos ni Moises at ang paglaya ng Israel mula sa Ehipto.

21 Juan 1, 29.

22 Peter J. Elliott, Ceremonies of the Liturgical Year (CLY), (San Francisco: Ignatius Press,
2002), 88.
8
opisyal na katawagan na ginagamit sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma para sa
panahong ito ay Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng
Pagkabuhay. Ngunit para sa ikadadali ng talakayan, ang gagamitin natin sa
panayam na ito ay Kuwaresma.

ANG TAGAL
Ang panahong ito ay binubuo ng anim na Linggo, na may katawagang Una,
Ikalawa, Ikatlo, Ikaapat, at Ikalimang Linggo sa Apatnapung Araw na
Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay. 23 Ang Ikaapat na Linggo at tinatawag
na Linggo ng Laetare, o Linggo ng Kagalakan, kung saan nagagalak ang
Simbahan sa gitna ng kanyang pagtitika dahil nasa kalahati na siya ng
paghahanda, at nalalapit na ang pagdiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon. Ang
ikaanim na Linggo ay tinatawag na Dominica in Palmis in Passione Domini, o
Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon, mas kilala bilang Linggo
ng Palaspas. Ang Linggong ito ang simula ng mga Mahal na Araw, na
itinuturing na pinakabanal na linggo ng buong taong liturhiko.
Ang Kuwaresma ay nagsisimula sa Miyerkules ng Abo, isang araw ng pag-
aayuno para sa buong Simbahan, at kung kailan nilalagyan ng abo mula sa mga
lumang palaspas ang ating ulo. Nagtatapos naman ito bago magsimula ang
Missa Vespertina in Cena Domini, o ang Pagmimiisa sa Pagtatakipsilim sa
Paghahapunan ng Panginoon, sa gabi ng Huwebes Santo. 24 Mula Miyerkules ng
Abo hanggang Sabado de Gloria ay mayroong apatnapung araw na dati ay
mahigpit na ipinag-aayuno. Hindi kasama sa pagbilang ang mga araw ng Linggo
sapagkat hindi maaaring mag-ayuno kung araw na ito. Mula sa gabi ng Huwebes
Santo hanggang sa araw ng Linggo ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang ng Simbahan
ang Triduum Paschale, o ang Triduo Paskwal, o ang Tatlong Araw na
Pagdiriwang sa Pagpapakasakit at Pagkabuhay ng Panginoon. Ang tatlong araw
na ito ang pinakarurok at pinakamahalagang panahon sa buong kalendaryo ng
Simbahan.25

KATANGIAN NG MGA PAGDIRIWANG

Linggo
Ang araw ng Linggo ay nananatiling pinakamahalagang araw ng sanlinggo,
at ipinagdiriwang bilang mga dakilang kapistahan. 26 Bagamat hindi inaawit ang
Gloria at Alleluia, ipinapahayag pa rin ang Sumasampalataya. Ang mga Linggo
sa taon A ay mayroong tanging pagbubunyi o prepasyo na nakaugnay sa mga
pagbasa ng Linggong iyon. Para naman sa ibang mga taon, ginagamit ang
pagbubunyi o prepasyo na sadyang nakatalaga para sa Kuwaresma.
23 Taon at Kalendaryo, 30.

24 Ibid., 28.

25 SC, 5.

26 Cf. Taon at Kalendaryo, 3; CLY, 106.


9
Iminumungkahi rin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma na ipagdiwang ang araw ng
Linggo ayon sa paraan ng statio romana, isang oaraan ng pagdiriwang noon sa
Roma kung saan ang mga tao ay nagtitipon-tipon sa isang simbahan, at sama-
samang nagpuprusisyon patungo sa isa pang simbahan kung saan ipagdiriwang
ang Misa.27

Mga Araw ng Sanlinggo


Ang mga araw ng Lunes hanggang Sabado ay mayroong nakatalagang
pagpapanalangin sa sambayanan para sa bawat araw nito na maaaring gamitin
pagkatapos ng Misa.28 Liban dito, walang katangi-tangi tungkol sa pagdiriwang
sa mga araw ng sanlinggo.

Mga pagdiriwang ng mga Banal, mga Minimithing Patungkulan, at iba pa


Ang mga paggunita sa mga banal na pumapatak sa panahong ito ay
maipagdiriwang bilang malalaktawang paggunita. 29 Kaya naman, kahit may
banal na ginugunita, ang pari ay magsusuot pa rin ng kasuotang lila. Sa Misa,
ang malalaktawang paggunita ay ginagawa sa sumusunod na paraan: ang
panalanging pambungad na gagamitin ay yaong sa banal, at ang lahat ng iba
pang panalangin at pagbasa ay yaong para sa araw ng Kuwaresma. 30 Sa
ganitong pagkakataon, ang panalanging pambungad na sadyang nakatalaga para
sa araw ng Kuwaresma ay gagamitin sa pagwawakas ng mga panalangin ng
bayan. Gayunman, ang mga kapistahan at dakilang kapistahan ay mananatili sa
kung paano sila karaniwang ipinagdiriwangmay Gloria, at kung nakatakda,
may Pagpapahayag ng Pananampalataya, ngunit walang Alleluia. Sa panahong
ito pumapatak ang Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal
na Birhen (Marso 19), at ang Dakilang Kapistahan ng Pagbabalita sa Panginoon o
Annunciation (Marso 25). Sa Marso 25, lumuluhod sa mga salitang
Nagkatawang-tao siya sa pagpapahayag ng pananampalataya. Kung tumapat
ang dalawang ito sa araw ng Linggo, inililipat sila sa kasunod na Lunes kung
kailan walang ibang pagdiriwang.
Ang mga Misang Alinsunod sa Minimithing Patungkulan (Votive Masses),
ang mga Misang Kaugnay ng mga Sakramento at Sakramental (Ritual Masses),
at mga Misa para sa Ibat Ibang Pangangailangan (Masses for Various Needs) ay
hindi maaaring ipagdiwang, maliban na lamang kung may may mabigat na
kadahilanan o sa sariling pagbubuhat at pahintulot ng Obispo. 31 Ang pagmimisa
27 Aklat ng Pagmimisa sa Roma, tagubilin para sa panahon ng Apatnapung Araw na
Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay, bago ang pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo,
1.

28 Ibid., 3.

29 Cf. Ibid., 16b.

30 Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma (GIRM), 355 a.

31Ibid., 347, 372.


10
kapag may libing, pagmimisa sa unang pakatanggap ng patalastas tungkol sa
pagyao, at ang pagmimisa sa unang taon ng paggunita ng kamatayan ay
maipagdiriwang sa anumang araw ng Kuwaresma, maliban na lamang kung
Linggo, Miyerkules ng Abo, Mahal na Araw, Triduo Paskwal, at sa mga
kapistahan at dakilang kapistahan.32

Mga Sakramento at Sakramental, at mga Debosyon


Ninanais ng Simbahan na magbalik-loob nang lubos ang kanyang mga anak
sa panahon ng Kuwaresma, kaya marapat lamang na makapangumpisal ang mga
tao, at maihanda sila sa pamamagitan ng mga Penitential Service at Kumpisalang
Bayan.33 Ang sakramento ng Binyag, lalo na para sa mga may sapat na gulang,
ay iminumungkahing hindi muna ipagdiwang sa panahong ito, kundi sa bihikya
ng Sabado de Gloria, nang sa gayon ay mabigyang-diin ang simbolismo ng
pagsilang muli ng mga anak ng Diyos sa binyag na gaganapin sa gabi ng
Pagkabuhay. Ang mga kasal naman ay hinihikayat na ipagdiwang nang buong
kapayakan, at walang masyadong palamuti.34
Karaniwan nang debosyon sa panahong ito ang Estasyon ng Krus, na ang
mahalagang bahagi ay ang pagninilay-nilay sa pagpapakasakit ni Kristo habang
naglalakad na tangan ang krus. Nariyan din ang pagdalaw sa mga Monumento,
kung saan nakalagak ang Banal na Sakramento sa gabi ng Huwebes Santo. Sa
Biyernes Santo naman nariyan ang pagdedebosyon sa Mahal na Krus, at sa
nagdurusang Kristo, gayon din ang pagsisimula ang nobena sa Mabathalang Awa
ng Diyos.

MGA ELEMENTO NG PAGDIRIWANG

Salita ng Diyos
Napakayaman ng haing Salita ng Diyos sa panahon ng Kuwaresma. Sa
simula nito sa Miyerkules ng Abo, maririnig natin si Propeta Joel na
nananawagan para sa pagbabalik-loob sa Diyos.35 Para sa taon A, ang mga
inihanay na pagbasa mula sa Mabuting Balita ay pawang may simbolismong
nakaugnay sa binyag. Sa unang Linggo, ito ay tungkol sa pagtukso kay Hesus
habang siya ay nasa ilang, mula sa Mateo 4, 1-11. Sa ikalawa, ang pagliliwanag
ng Panginoon (Transfiguration) sa Mateo 17, 1-9. Sa ikatlo, mula sa Juan 4, 5-42,
ang babaeng Samaritana sa gilid ng balon. Sa ikaapat, ang pagpapagaling sa
lalaking ipinanganak na bulag na matatagpuan sa Juan 9, 1-41. At ang pagbuhay
kay Lazaro mula sa Juan 11, 1-45, para sa ikalimang Linggo. Ang mga
pagbasang ito ay maaaring basahin kahit na taon B o K, lalo na kung mayroong

32 Ibid., 380-1.

33 Cf. CE, 251.

34 Ordo Celebrandi Matrimonium, 32.

35 Joel 2, 12-18.
11
naghahadang binyagan sa gabi ng Sabado de Gloria. 36 Kung taon B at K, kung
kailan hindi mabasa kung Linggo ang mga pagbasang ito, maaaring basahin ang
mga ito sa alinmang araw ng sanlinggo ng kanilang takdang linggo.37

PINAGKUN
PAKSA SIMBOLISMO
AN
Unang
Linggo: Ang Pagtukso kay Hesus sa Pagtatakwil sa demonyo:
Mateo 4, 1- Ilang Mga pangako sa binyag
11
Ikalawang
Damit na maputi pa sa
Linggo:
Ang Pagliliwanag ni Hesus niyebe: Damit na puti ng
Mateo 17, 1-
binyag
9
Ikatlong Ang Pakikipag-usap ni Hesus
Linggo: sa Babaeng Samaritana sa Tubig: Tubig ng binyag
Juan 4, 5-42 Gilid ng Balon
Ikaapat na Ang Pagpapagaling sa
Liwanag: Kandilang
Linggo: Lalaking Ipinanganak na
pambinyag
Juan 9, 1-41 Bulag
Ikalimang Bagong Buhay: Ang
Linggo: muling pagsilang ng
Ang Pagbuhay kay Lazaro
Juan 11, 1- bininyagan sa buhay
45 bilang anak ng Diyos.

Ang mga pagbasang para sa Linggo mula sa Lumang Tipan ay


nagpapahayag ng mga yugto sa kasaysayan ng kaligtasan sapagkat ang mga
pangyayaring ito ay mahalagang elemento ng katesimo tungkol sa Kuwaresma.
Nakaugnay dito ang mga pagbasa mula sa Bagong Tipan. 38 Kahit ang mga
pagbasa para sa mga araw ng sanlinggo ay may hayagang pagkakaugnay sa isat
isa, at tumatalakay sa mga temang naaangkop sa panahong ito.39

Musika
Sa panahon ng Kuwaresma, ang maluwalhating musika ng Simbahan ay
pansamantalang napipipi,40 at nababalot ito ng kapayakan. Ang mainam na

36 Introduction to the Lectionary, 97.

37 Ibid., 98.

38 Ibid., 97.

39 Ibid., 98.

40 CLY, 89.
12
musika sa Kuwaresma ay yaong naglalahad ng teolohiya ng kapanahunang ito.
Pagbabalik-loob, pagsisisi sa kasalanan, at pakikipagkapwa ang naaangkop, at
ang awa, habag, at kapatawarang kaloob ng Diyos ang paksa ng mga awitin sa
panahong ito. Ang mga instrumento ay hindi maaaring tugtugin nang solo, at
magagamit lamang upang sabayan ang pag-awit. Gayun man, kung ika-apat na
Linggo ng Kuwaresma ay maaaring gamitin ang mga instrumento, at maging mas
maringal ang musika.41 Iminumungkahi na tuluyang huwag nang gamitin ang
mga instrumento at ang koro ay umawit sa apat na tinig o a capella. Sa gayon,
mas maihahanda ang mga mananampalataya sa ringal ng musika ng Pagkabuhay,
na dapat na maging pinakamaringal na musika sa buong taon.
Kung Kuwaresma ay hindi inaawit ang Gloria at ang Allelluia. Ang Alleluia
ay pinapalitan ng pagbubunyi sa Mabuting Balita, ngunit sumusunod pa rin sa
balangkas na nakagawian: pagbubunyibersikulo ng Mabuting Balita
pagbubunyi. Ang pagbubunyi sa Mabuting Balita ay nagtataglay ng ringal na
halos katulad ng sa Alleluia. Bagamat ang kahulugan ng Alleluia ay katulad
lamang ng sa pagbubunying pang-Kuwaresma, Papuri sa iyo, Panginoong
Hesukristo o Luwalhati at papuri, Panginoong Hesukristo, ang pagbubunying
Alleluia ay tinatanggal kung panahong ito dahil ito ay kaugnay ng Pasko ng
Pagkabuhay, katulad ng sabi ni San Agustin, Tayo ay mga tao ng Muling
Pagkabuhay, at Alleluia ang ating awit.
Bagamat walang Gloria at pinapalitan ang Alleluia, ang ibang bahaging
inaawit sa Misa ay mananatiling inaawit. Ang Salmong Tugunan ay marapat pa
ring awitin sapagkat ang mga salmo ay sadyang ginawa upang awitin. Gayun
man, dapat na mas payak at nakaayon sa diwa ng panahon ang mga himig na
gagamitin sa mga salmo.

Gayak ng Simbahan
Ang gayak ng simbahan sa panahon ng Kuwaresma ay kakikitaan ng
kapayakan. Ipinagbabawal na gayakan ng mga bulaklak ang altar, maliban na
lamang sa ika-apat na Linggo ng Kuwaresma, sa mga kapistahan, at dakilang
kapistahan.42 Kung magiging mahigpit sa pagsunod dito, hindi rin dapat lagyan
ng dekorasyong halaman ang alinmang sulok ng simbahan. Sa araw ng Biyernes
Santo ay walang kandila ang dapat na ilagay sa mga imahe ng mga banal, kundi
sa Krus na Banal lamang, o sa imahe ng patay na Kristo. Mainam din kung
walang kandilang ilalagya sa mga imahe sa buong panahon ng Kuwaresma.
Gayon din naman, sa araw ng Sabado de Gloria hanggang sa Misa ng bihilya sa
gabing iyon, ay wala dapat agua bendita sa mga lalagyan, bilang paghahanda sa
bagong tubig na babasbasan sa gabing iyon.
Ang anyong panlabas ng Simbahan sa panahon ng Kuwaresma ay tila
panahon ng taglagas, ngunit ito ang tunay niyang panahon ng tagsibol, kung
kailan ang mga anak niya ay lumalago sa biyaya at kabutihan, sa mga paraang
hindi nakikita. Paalala ito na ang pinakadakilang mga biyaya ay ibinibigay ng

41 GIRM, 313.

42 Ibid., 305.
13
Diyos hindi kung nakikita natin ito, ni sa pagkakataon na nararamdaman natin na
puno tayo ng galak, kundi sa katahimikan.43

Mga Tanda
Sa pamamagitan ng mga tanda ay nauunawaan natin ang hiwagang
bumabalot sa ating pagdiriwang. Ang Kuwaresma ay puno ng mga tanda na
nagpapaalala sa atin ng diwa ng panahong ito. Ginagamit sa panahong ito ang
kulay na lila,44 tanda ng pagsisisi, pagtitika, at paghahanda. Ang unang tanda na
makakadaupang-palad natin sa panahon ng Kuwaresma ay ang abo na inilalagay
sa ating ulo kung Miyerkules ng Abo. Ito ay mula sa mga palaspas noong
nakaraang taon. Kinakatawan nito ang ating kababaan bilang taong
makasalanan, na tayo ay mula sa alabok, at sa alabok din babalik.45
Ikalawang tanda na ating mararanasan ay ang kapayakan ng pagdiriwang
at ng pook-sambahan. Paalala ito na ang Simbahan ay nasa panahon ng
pagtitika. Ang katahimikan na itoang hindi pag-awit sa Gloria at Alleluia, ang
katahimikan ng mga kampana, ang lamlam ng simbahanay nagpapaalala na
ang Diyos ay hindi lamang makakatagpo sa kanyang ringal at kadakilaan, kundi
lalaot higit natin siyang mapapakinggan sa katahimikan. Kung paanong ang
halaman ay tahimik na lumalago at walang-ingay na nadidilig ng marahang ulan,
ang ating kaluluwa rin naman ay lumalago sa katahimikan, habang walang-ingay
na ibinubuhos sa atin ng Diyos ang kanyang biyaya.
Nariyan din ang tanda ng mga palaspas, na sumisimbolo sa tagumpay ni
Kristo. Pinapaalalahanan tayo nito na ang tunay na tagumpay ng Mesiyas ay
hindi ang paglupig sa pamamagitan ng pakikidigma, kundi ang magpalupig
upang matalo ang lumupig sa taona ang ating hari ay hindi haring
mapagmataas kundi mapagkakumbaba, na siyang dapat nating tularan.
Sa ika-limang Linggo ng Kuwaresma, nakagawian nang takpan ng telang
lila ang mga imahe, kasama na ang mga krus. Bagamat hindi ito isang
obligasyon, makakatulong ito upang mabigyang-tuon ng mga mananampalataya
ang mas mahahalagang misteryo ng kaligtasan. Ang mga tabing ay tinatanggal
bago pa man magsimula ang bihilya ng Pagkabuhay, ngunit ang mga krus ay
tinatanggalan ng tabing sa Biyernes Santo. Ang mga estasyon ng krus at mga
stained glass ay hindi kailanman tinatabingan.46 Ang pagtatabing ay mula sa
pagbasa ng Mabuting Balita sa araw na ito mula sa lumang paraan ng pagmimisa
(ritong Tridentino) kung saan si Hesus ay pinagduduhan ng mga Hudyo, at sila
ay nagtanong, Ni hindi pa siya naglilimampung taon. Paanong nakita na niya si
Abraham?47 Tanda ito ng kawalang-pananampalataya ng mga Hudyo kay Hesus

43 CLY, 89.

44 GIRM, 346 d.

45 Aklat ng Pagmimisa sa Roma, Miyerkules ng Abo, mga salitang sinasabi habang


inilalagay ang abo sa ulo.

46 CLY, 124.
14
dahil nabulag sila at hindi nakita ang pagka-Mesiyas ni Hesus. Ngunit tayong
mga Kristiyano ay nakita ang kanyang pagka-Diyos, at naniniwala sa kanya.

MGA NATATANGING PAGDIRIWANG NG KUWARESMA

Miyerkules ng Abo (Feria IV Cinerum/Ash Wednesday)


Ito ang simula ng Apatnapung Araw na Paghahanda sa Pagkabuhay ng
Panginoon, kung kailan naglalagay ng abo sa ulo, tanda ng pagtitika, pag-
aayuno, at paghahanda.48 Ang mga abo na ilalagay sa ulo ay sinusunog sa gabi
ng Martes49 gamit ang isang ritwal na tanging para dito.

Mga Pagwawaksi (Scrutinia/Scrutinies)


Ang mga Pagwawaksi ay ginaganap sa mga simbahan na may bibinyagan.
Ito ay ginaganap bilang paghahanda sa kanilang pagtanggap sa sakramento ng
binyag sa gabi ng Pagkabuhay. Ang unang Linggo ng Kuwaresma ay ang
pagtatala sa mga bibinyagan, at sa ikatlo hanggang ikalimang Linggo, ginaganap
ang pagtuturo ng Ama Namin at pagpapahayag ng pananampalataya. Ang mga
pagwawaksi ay pagbibigay-diin sa mga paghahanda para sa binyag na
nagaganap sa panahon ng Kuwaresma. Sa mga lugar na may mga bibinyagan na
may sapat na gulang, ang kura paroko, lalot higit, ang Obispo ng diyosesis, ay
dapat na pagtuunang-pansin ang mga gawaing ito. Ang mga Misang ito ay may
sariling mga panalanging nakatakda.

Mga Mahal na Araw (Hebdomada Sancta/Holy Week)


Sa kinagawian ng Simbahan sa Silangan, ang linggong ito ay tinatawag na
Banal at Dakilang Linggo.50 Ito ang itinuturing na pinakamahalagang linggo sa
buong taong liturhiko dahil sa Linggong ito tinamo ni Hesus para sa atin ang
ating kaligtasan. Sa mga Mahal na Araw, ipinagdiriwang ng Simbahan ang mga
misteryo ng kaligtasan na tinamo ni Hesukristo noong mga huling sandali ng

47 Missale Romanum ex Decreto Sacratissimi Concilii Tridentini Restitutum, Summorum


Pontificum Cura Recognitum, editio typica 1962 (Aklat ng Pagmimisa sa Roma mula sa
Kautusan ng Kabanal-banalang Konsilyo ng Trento, Kinilala ng mga Kataas-taasang Papa,
pamantayang limbag, 1962), Dominica I Passionis (Unang Linggo sa Pagpapakasakit ng
Panginoon), Evangelium (Mabuting Balita), Juan 8, 46-59. Quinquagnta annos nondum
habes, et Abraham vidsti?

48 CLY, 94.

49 Ang Martes bago ang Miyerkules ng Abo ay tinatawag na Shrove Tuesday na salitang Old
English na nangangahulugang Martes ng Pagtitika. Sa Pranses naman, ito ay Mardi Gras, o
Matabang Martes dahil sa araw na ito, kumakain nang labis-labis na karne ang mga tao dahil
kinabukasan ay araw ng ayuno, at bawal ang karne.

50 Elena Velkova Velkovska, The Liturgical Year in the East, in Handbook of Liturgical
Studies, ed. Anscar J. Chupungco, OSB (Quezon City: Claretian Publications, 2004), 5: 161.
15
kanyang buhay sa lupa, na nagsisimula sa maluwalhati niyang pagpasok sa
Jerusalem.51 Mula Lunes hanggang Huwebes, hindi maaaring magdiwang ng
anumang Misa, tulad ng mga kapistahan ng mga banal. Hindi rin ipinahihintulot
ang pagdiriwang ng binyag at kumpil.52 Sa mga araw na ito, mainam na
makapangumpisal ang mga tao. Sa panahon din ito maisasagawa ang mga
debosyong pang-Kuwaresma.53

Tenebrae (Kadiliman)
Sa mga pagdiriwang ng mga Mahal na Araw, ang Miyerkules Santo at
Biyernes Santo ay kinapapalooban ng pagdiriwang ng Tenebrae (Latin,
Kadiliman) sa kadahilanang ang mga araw na ito ay pag-alala sa malungkot na
bahagi na buhay ng Panginoonang simula ng kanyang pagpasok sa
pagpapakasakit at kamatayan. Ang pangalan ng pagdiriwang ay hinango rin sa
pisikal na katayuan kung saan nagaganap ang panalangin, sa gitna ng kadiliman.
Ang Tenebrae ay isang mainam na pagdiriwang sapagkat inihahanda nito ang
mga mananapalataya para sa liwanag ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng
pagpapakita ng dilim ng Pagpapakasakit ng Panginoon. 54 Ito ay isinasagawa sa
umaga, kung kailan inilalagay sa santwaryo ang isang tirikan na may labinlimang
kandila. Ang bawat isa sa mga ito ay papatayin habang umuusad ang mga
bahagi ng ritwal, na ang malaking bahagi ay pag-awit ng mga salmo. Ang unang
labing-apat na kandila ay kumakatawan sa labing-apat na salinlahi na namuhay
sa kadiliman bago dumating si Kristo, at sa mga propeta na nagdala ng liwanag
sa bayan ng Diyos ngunit hindi pinakinggan at bagkus ay pinatay pa. Ang ika-
labinlimang kandila ay hindi papatayin. Ito ay tanda ni Kristo na liwanag ng
sanlibutan55 na hindi kailan man mamamatay.

Misang may Pagbabasbas ng Langis (Misa ng Krisma /Missa Chrismatis/


Mass of the Chrism)
Ang Misang ito, na ginaganap sa umaga ng Huwebes Santo, ang
pinakahuling pagdiriwang ng Kuwaresma, sapagkat sa takipsilim ng araw na
iyon, sisimulan ang Triduo Paskwal. Ang araw na ito ang pagdiriwang ng
pagtatag ng sakramento ng kaparian. Dito rin binabasbasan ang mga banal na
langis na ginagamit sa paggagawad ng mga sakramentoang Langis ng mga
Maysakit, ang Langis ng mga Naghahanda para sa Binyag, at ang Banal na
Krismang ginagamit sa pagtatalaga ng mga altar, sa pagbibinyag, pagkukumpil,
at pag-oorden. Ginugunita natin sa araw na ito si Kristo na ating Dakilang Pari,
51 Congregation for Divine Worship, Circular Letter concerning the Preparation and of
Celebration of the Easter Feasts (CLE), (16. 1. 1988) 27.

52 Ibid.

53 CLY, 151.

54 Cf. CLY, 407.

55 Juan 8, 12.
16
na binuhusan ng langis at isinugo upang ipahayag sa mga dukha ang Mabuting
Balita.56 Sa Misa ring ito sinasariwa ng kaparian ang kanilang mga pangako
noong sila ay ordenan. Ito ay ipinagdiriwang nang buong ringal ng Obispo ng
Diyosesis sa kanyang sariling Katedral, kasama ang buong kaparian ng
Diyosesis, gayon din ang mga mananampalataya na siyang katawan ni Hesus.
Pagpapakita ito ng kaisahan ng buong lokal na Simbahan, na natitipon bilang
iisang kawan sa ilalim ng pagpapastol ng kanilang Obispo, na kinatawan ni
Hesus, ang Mabuting Pastol.

TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY NG PANGINOON

Sapagkat naganap ni Kristo ang gawain ng pagliligtas sa tao at pagdakila sa


Diyos sa pamamagitan ng misteryo ng kanyang pagpapakasakit at pagkabuhay,
kung saan sa kanyang kamatayan ay nagwakas ang ating kamatayan, at sa
kanyang pagkabuhay ay naibalik sa atin ang buhay na walang hanggan, ang
tatlong araw na pagdiriwang ng kanyang pagpapakasakit at pagkabuhay ang
pinakamahalagang yugto ng taong liturhiko.57 Kaya naman kung paanong
pinakamahalaga ang araw ng Linggo sa buong sanlinggo, gayon din naman ang
halaga ng Dakilang Kapistahan ng Pagkabuhay ng Panginoon sa buong taong
liturhiko.58

Huwebes Santo: Ang Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng


Panginoon
(Missa Vespertina in Cena Domini/Evening Mass of the Lords Supper)
Sa gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong kaloob ni Hesus sa kanyang
Simbahan: ang banal na pagkapari, ang kabanal-banalang Eukaristiya, at ang
pag-ibig na di mapananaigan kahit na ng kamatayan. Pumapasok tayo sa
Senakulo, ang lugar ng paghahapunan, kung saan ang Panginoon ay buong
kababaang-loob na lulumuhod upang hugasan ang ating mga paa. Sa hapag ng
Huling Hapunan, binibigyang-katuparan ni Hesus ang mga hain ng Lumang
Tipan, at sinisimulan ang di magmamaliw na paghahain ng Bagong Tipan sa
kanyang Dugo, sa pamamagitan ng pagtatag ng sakramento ng kanyang
Katawan at Dugo sa Eukaristiya, sa anyo ng tinapay at alak. 59 Sa gabing ito, sa
gitna ng maluwalhating awit ng Papuri sa Diyos na sinasaliwan ng mga kampana,
at ng ringal ng mga ritwal na isinasagawa, inaalala natin ang kababaang-loob ng
Diyos na si Hesus, na bagamat siyay Diyos ay di niya inari ang pagkadiyos,
bagkus ay nagpakababa siya bilang isang alipin hanggang kamatayan, oo,
hanggang kamatayan sa krus.60 Sa gabing ito rin, ang kabanal-banalang
Sakramento ay inilalagak sa isang Monumento, at ang sambayanan ay
56 Mabuting Balita para sa Misang may Pagbabasbas ng Langis, Lukas 4, 16-21.

57 SC, 106.

58 SC, 5.

59 CLY, 184.
17
magdamag na nagtatanod kasama ng kanilang Panginoon, upang samahan siya
sa pagtahak ng daan tungo sa kanyang napipintong pagpapakasakit.

Biyernes Santo (Biyernes sa Pagpapakasakit ng Panginoon/Feria VI in


Passione Domini/Friday of the Passion of the Lord [Good Friday])
Ang araw na ito ay araw ng pag-aayuno na magtatagal hanggang
kinabukasan.61 Hindi ipinagdiriwang ang mga sakramento sa araw na ito,
maliban sa kumpisal at pagpapahid ng langis sa maysakit. 62 Lumuluhod din tayo
sa Krus sa araw na ito bilang paggalang sa Panginoong nabayubay sa Krus. Sa
Ingles, ito ay tinaguriang Good Friday. Tinawag itong mabuti sapagkat
ipinakita sa atin ng Panginoon ang kahulugan ng tunay na kabutihan 63ang mag-
alay ng sariling buhay64 para sa ikabubuhay ng marami. Hindi ipinagdiriwang
ang Misa sa araw na ito sapagkat ang Misa ay pag-alala ng Pagkabuhay, at ang
Lalaking Ikakasal ay tinangay at iwinalay sa atin. Ang Komunyon na tinatanggap
ay mula sa tinapay na itinalagang maging Katawan ni Kristo noong gabi ng
Huwebes Santo. Ang buong Simbahan ay nararamtan ng pula sa araw na ito,
ang kulay ng kamahal-mahalang Dugo ng Panginoon. Dumadalo tayo sa
pagdiriwang na ito hindi lamang upang tunghayan ang pagpapakasakit ni Hesus,
kundi upang ipahayag ang ating pananampalataya at pag-asa sa katubusan at
muling pagkabuhay na idinudulot sa atin ng kamatayan niya. Binubuksan sa atin
ang misteryo ng Banal na Santatlo: ang Diyos na Pag-ibig ay patuloy na
nagmamahal sa mundong lugmok sa kasalanan, kabila ng pagkakaila, pasakit, at
pagdurusa na dulot nito. Sa araw na ito, inaalala natin na pinaslang ang
kamatayan sa pamamagitan ng pagkamatay ni Hesus.

60 Cf. Filipos 2, 6-11.

61 Taon at Kalendaryo, 20.

62 Aklat ng Pagmimisa sa Roma, Biyernes sa Pagpapakasakit ng Panginoon.

63 Cf. CLY, 118.

64 Juan 15, 13.


18

You might also like