You are on page 1of 9

Unang Bahagi: Pagpapahayag

Tagapagpadaloy: Naganap na natin ang liturhiya ng Pagdiriwang ng


Pagpapakasakit ng Panginoon, at ngayon ay gaganapin natin ang pag-alaala
sa paglilibing sa Panginoon. Tuwing binibigkas natin ang Pagpapahayag ng
Pananampalataya ay sinasabi natin: “Sumasampalataya ako kay
Hesukristong iisang Anak ng Diyos… ipinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao.”

Tunay at ganap na nagdaan si Kristo sa panghuling pagsubok ng sangkatauhan, ang kamatayan,


subalit hindi upang mabitag dito magpakailanman, kundi upang maghandog ng isang daan
palabas, isang exodo, isang pag-alis. Si Hesus mismo ang nagwika:” Pakatandaan ninyo
darating ang oras, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at
ang sinumang makinig sa kanya ay mabubuhay” (Jn 5:25). Para sa mga Kristiyano, ang
kamatayan ngayon ay hindi na isang bilangguan ng kawalan ng pag-asa, kundi isang daan ng
kaligtasan.

Ikalawang Bahagi: PAGPAPASOK NG SANTO ENTIERRO (patutunugin ng malakas


ang matraka sa pagpasok)

PATAWAD PO O DIYOS KO (MISERERE MEI DEUS)


“Patawad po Oh Diyos ko, patawad ang daing ko! Patawad, kaawaan mo, ang abang lingkod
mo, ang abang lingkod mo.”

Panaghoy: SEñOR MISERICORDIA SEñOR!


Lahat: SEñOR MISERICORDIA SEñOR (nakayuko ang mga ulo)

Tatlong beses itong uulitin bilang bayad puri sa Tatlong Persona ng Iisang Diyos na ating
pinagkasalahan.

III Rito ng Paghahanda sa Paglilibing

• Pagkababa ng imahen ng Senyor, iiinsensuhan ng Pari paikot yuyuko sa paa at ulunan.


• Lalapit ang mga balo na may dala ng kumot at pabango para ihanda ang Senyor.
• Ibababa ang lambong ng Mahal na Birhen bilang pagluluksa at tahimik nilang lilisanin
ang santuwaryo kasama ng iba pang lingkod dambana upang maghanda sa mga
gawain.
IV PAANYAYA

Pari: Mga kapatid, halina at sundan natin si Hesus sa kanyang kamatayan, taglay
ang papanalig na “kung namatay tayong kasama ni Kristo, mabubuhay din
tayong kasama niya.” (Rom.6:8)

✠ SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.

L: AMEN.

Tagapagdaloy: PAGNILAYAN NATIN ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN MATEO

(TUMAYO ANG LAHAT)

SALITA NG DIYOS

(Tatayo ang Pari sa ambo)

Pari: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO

(27: 57 - 61)

L: PAPURI SA IYO, PANGINOON.

Pagsapit ng dilim, dumating si Jose, ang isang mayamang taga-Arimatea na


tagasunod din ni Jesus. Hiningi niya kay Pilato ang bangkay ni Jesus, kaya't
iniutos ni Pilato na ibigay ito kay Jose. Nang makuha na ang bangkay, binalutan
niya ito ng malinis na tela ng lino. Inilagay niya ito sa kanyang bagong libingan
na ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan ang isang
malaking batong panakip, at saka umalis. Kasama sa paglilibing sina Maria
Magdalena at ang isa pang Maria; nakaupo sila sa tapat ng libingan.

Pari: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON.

L: PINUPURI KA NAMIN, PANGINOONG HESUKRISTO.

(Ilalagay ng sacristan ang luhuran sa paanan ng altar para sa pari, Luluhod ang lahat)
Pari: MANALANGIN TAYO

MAHAL NA POONG JESUS DEL SANTO ENTIERRO,

SA LAKI NG IYONG PAG-IBIG PARA SA AMIN

MALAYA MONG TINANGGAP ANG PASAKIT NG MGA TAO,

ANG KAMATAYAN SA KRUS

AT ANG KADILIMAN SA LOOB NG PUNTOD

NA INIALAY SA IYO NG ALAGAD NA SI JOSE NG ARIMATEA.

MATAPOS ANG TULOY-TULOY NA PAGHIHIRAP

MULA SA KAMAY NG MGA SUNDALO

HANGGANG SA KRUS NG KALBARYO,

IBINABA NILA ANG IYONG MAHAL NA KATAWAN

NA LURAY-LURAY AT LAMOG, TADTAD NG MGA SUGAT,

AT TIGMAK NG DUGO.

TIGIB NG DALAMHATI ANG MGA NAKASAKSI

HABANG MINAMASDAN ANG

IYONG KATAWANG WALANG BUHAY.

BUONG PAGMAMAHAL KA NAMANG NIYAKAP


SA KANDUNGAN NG IYONG INANG SI MARIA

NA TAPATNA SUMUNOD AT NAGBANTAY SA BAWAT KAGANAPAN.

SA PUSO NG MAHAL NA BIRHEN,

ANG WALANG BUHAY MONG KATAWAN

AY SANHI NG MATINDING KALUNGKUTAN.

INARUGA NIYA ANG KATAWANG ITO MULA SA SABSABAN.

NARINIG NIYANG IKAW AY TRIGONG DAPAT MALAGLAG SA LUPA

UPANG MAMUNGA NANG SAGANA.

BATID NIYA ANG PANGAKO MONG

ANG TEMPLONG WAWASAKIN

AY ITATAYO MULING SA IKATLONG ARAW.

BAGAMAT TIGIB NG KALUNGKUTAN,

UMUSBONG SA PUSO NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

ANG PAG-ASA NA ANG IYONG KAMATAYAN

AY HINDI WAKAS

KUNDI SIMULA PA LAMANG

NG BUBUKAL NA BUHAY, BIYAYA AT HIMALA

SA SINUMANG NANANAMPALATAYA.
SA IYONG PAGKAHIMLAY, BINUKSAN MO

ANG PINTUAN NG LANGIT SA MGA YUMAONG NAG-AASAM.

HIGIT KANG NAKIISA SA AMING KARANASAN

NG LIMITASYON NG AMING PAGKATAO

AT NG BUNGA NG KASALANAN.

SA KANYANG DAKILANG PAGMAMAHAL,

HINANGO KA NAMAN NG AMA MULA SA KADILIMAN,

AT SUMINAG SA IYO ANG ESPIRITU SANTO

NA NAGBIBIGAY-BUHAY.

NANG IKATLONG ARAW, ANG YUNGIB SA JERUSALEM

ANG PIPING SAKSI SA KALUWALHATIAN

NG IYONG MULING PAGKABUHAY.

ANG MULING PAGKABUHAY MO, PANGINOON,

ANG PINAKADAKILANG HIMALA SA KASAYSAYAN,

ANG PINAKAMABISANG PAGBABAGO SA SANLIBUTAN,

ANG KATUPARAN NG PANGAKO NG AMA

SA KANYANG MINAMAHAL NA ANAK AT


SA LAHAT NG SA PAMAMAGITAN NIYA’Y

MAGIGING MGA ANAK AT KAIBIGAN.

O POONG JESUS DEL SANTO ENTIERRO,

IKAW AY SAGISAG HINDI NG PAGKATALO

KUNDI NG TAGUMPAY,

HINDI NG KAMATAYAN

KUNDI NG KALUWALHATIANG NAG-AABANG

SA MULING PAGKABUHAY.

DUMARANAS PO KAMI NGAYON

NG MGA PAGSUBOK AT SULIRANIN SA BUHAY.

MINSAN WALA KAMING MASILIP NA LUNAS O MASUMPUNGANG PAG-ASA.

SUBALIT NANINIWALA KAMI

SA KAPANGYARIHAN NG IYONG PAG-IBIG,

SA KATAPATAN NG IYONG PANGAKO,

AT SA NINGNING NG IYONG LIWANAG.

INIAALAY NAMIN SA IYONG PAANAN, MAHAL NA POON


ANG AMING MGA KAHILINGAN PARA

SA AMING MGA MINAMAHAL, SA LAHAT NG MGA MAY PASANIN SA BUHAY,

AT SA AMING SARILI.

(KATAHIMIKAN PARA SA TANGING KAHILINGAN…)

DALHIN MO PO ANG MGA KAHILINGANG ITO

SA KATAHIMIKAN NG IYONG PUSO.

DALISAYIN MO PO ANG AMING MGA NINANAIS

SA BISA NG IYONG SAKRIPISYO PARA SA AMIN.

KUNG PAANONG SA IKATLONG ARAW

IKAW AY MULING NABUHAY,

GAYUNDIN PO NAMAN IYONG PAGBIGYAN

AT TULUNGAN KAMING NAMAMANATA SA IYONG HARAPAN.

LAHAT NG ITO AY AMING DALANGIN SA AMANG MAPAGMAHAL

SA NGALAN NI JESUS DEL SANTO ENTIERRO, SA LIWANAG NG ESPIRITU SANTO

MAGPASAWALANG HANGGAN. AMEN.


PAGLUHOG

Pari: O MAHAL NA POONG JESUS DEL SANTO ENTIERRO

L: PASASALAMAT AT PAPURI SA IYO!

Pari: O MAHAL NA POONG JESUS DEL SANTO ENTIERRO

L: LUWALHATI AT PAGSAMBA NG BUONG MUNDO

Pari: O MAHAL NA POONG JESUS DEL SANTO ENTIERRO

L: PATAWAD SA AMING MGA KASALANAN AT TUNAY NA PAGBABAGO

Pari: O MAHAL NA POONG JESUS DEL SANTO SANTO ENTIERRO

L: DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN

Pari: O MAHAL NA POONG JESUS DEL SANTO ENTIERRO

L: IHATID MO KAMI SA MULING PAGKABUHAY MO

L: AMEN.

Pari: AMA NAMIN…

L: BIGYAN MO KAMI…

Pari: ABA GINOONG MARIA…

L: SANTA MARIA, INA NG DIYOS…

Pari: SI KRISTO AY NAGING MASUNURIN PARA SA ATIN HANGGANG SA


KAMATAYAN…

L: KAHIT SA KAMATAYAN SA KRUS.


Pari: MAIKLING MENSAHE O PAHAYAG UKOL SA PAGPAPAKASAKIT AT
KAMATAYAN NG PANGINOON

V PAGNINILAY

Tagapagpadaloy: Ngayo’y pakinggan natin ang mga taludtod mula sa Pasyon ukol sa paglilibing
sa ating Panginoong Hesukristo, habang tayo’y nagninilay.

KORO
PASYONG MAHAL, taludtod at Aral, ph173-174

VI PANGWAKAS NA PANALANGIN: PAGPAPANALANGIN SA SAMBAYANAN

Pari: Ama naming bukal na pinagpala,


ang iyong pagbabasbas ay manaog
nawang masagana
sa iyong sambayanag gumanap sa paggunita
sa pagkamatay ng iyong Anak,
na siyang pagkabuhay ng nagtitiwala.
Ang iyong pagpapatawad ay sumapit nawa
sa tanan.
Ang iyong pakikisamang maaasahan
ay iyong ibigay.
Ang pananampalatayang banal nawa’y
maging matibay.
Ang kaligtasang walang maliw
ay patataging mong lubusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

L: Amen.

Pari: ✠ Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

You might also like