You are on page 1of 1

ORATIO IMPERATA LABAN SA PAGLAGANAP NG N-CORONA VIRUS

(Salin sa Tagalog mula sa CBCP)

Diyos Ama namin, lumalapit kami sa iyo para sa aming kahilingan na kami ay
iyong proteksyunan laban sa 2019 N-Corona Virus na kumitil na ng maraming
buhay
at nakaapekto na sa sangkatauhan.

Nanalangin kami para sa Iyong biyaya para sa mga taong inatasan na pag-aralan
ang kalikasan at ang sanhi ng virus na ito, gayundin upang mapahinto ang
patuloy nitong paglaganap.
Gabayan Mo po ang mga inatasang mangalaga sa kalusugan na kanila nawang
magampanan ang kanilang tungkulin nang buong husay at may malasakit.
Gabayan Mo po ang mga kawani ng pamahalaan at ang mga nasa pribadong
institusyon sa kanilang paghahanap ng lunas upang masugpo ang epidemyang
ito.

Ipinapanalangin namin ang lahat ng mga naapektuhan. Nawa ay hilumin Mo po


ang kanilang karamdaman.

Ipagkaloob Mo po nawa sa amin ang iyong biyaya upang kami ay patuloy na


makagawa ng kabutihan para sa lahat at makatulong sa lahat ng mga
nangangailangan.

Ipinapanalangin po namin ito, sa pamamagitan ng aming Panginoong


Jesukristong Iyong anak, na nabubuhay at naghahari kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan. Amen.

Maria, aming Ina at tulong ng mga Kristiyano, ipanalangin mo po kami.


San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo po kami.
San Roque, ipanalangin mo po kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo po kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo po kami.

You might also like