You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Unang Markahan – Modyul 4: Ang Kilusan para sa Sekularisasyon ng mga


Parokya at Cavite Mutiny 1872
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Michelle C. Hular
Editor: Ferdinand P. Apostol
Teknikal: Jaymomuar P. Agustin
Tagaguhit:
Tagalapat: Clifchard D. Valente

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P.ngTagulao
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran EdD– (Mathematics/ABM)
Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
ARALING
PANLIPUNAN
6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ang Kilusan para sa Sekularisasyon ng mga parokya at Cavite
Mutiny 1872
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 6) ng
Modyul para sa araling Ang Kilusan para sa Sekularisasyon ng mga Parokya at
Cavite Mutiny 1872 !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 6) Modyul ukol sa (Ang


Kilusan para sa Sekularisasyon ng mga Parokya at Cavite Mutiny 1872) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang araling ito ay tatalakay sa Kilusan para sa Sekularisasyon ng mga


Parokya at Ang Cavite Mutiny 1872. Pagkatapos mong makumpleto ang
modyul na ito, inaasahang iyong:
 Naipaliliwanag ang Kilusan para sa Sekularisasyon ng mga
Parokya at Cavity Muntiny (1872)

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ang pag-usbong ng liberal na ideya ay nagdulot ng epekto sa iba’t-
ibang panig ng mundo tulad ng;
a. Pag-unlad ng makabagong agham
b. Pagbagsak ng kabuhayan
c. Pagdami ng mga dayuhan
d. d. Paghihirap ng mga mamamayan

2. Sa pagbubukas ng mga daungan sa pandaigdigang kalakalan,


nagdulot ito ng;
a. Pagyaman ng mga Pilipino
b. Nawalan ng karapatan ang bansa
c. Mas umunlad ang ekonomiya ng bansa
d. Hindi umunlad ang kaisipan

3. Ang pagbubukas ng Suez Canal ang naging daan upang mapaikli ang
paglalakbay at mapadali ang komunikasyon mula sa
Maynilapatungong Espanya dulot nito;
a. Naging mabilis ang pagpasok ng mga dayuhan
b. Naging mabagal ang pagdating ng mga dayuhan
c. Naging matagal ang paglalakbay
d. Naging mahigpit sa kalakalan

4. Ang pag-usbong ng liberal na ideya ay naging epekto ng pag-unlad ng


makabagong agham at rebolusyon sa iba’t-ibang panig ng mundo,
naging resulta nito ang;
a. Pagbagsak ng pangkabuhayan
b. Pagkamulat ng mga Pilipino mapang-abusong mga Kastila
c. . Pagbagal ng edukasyon
d. d. Paghina ng sistemang pampulitka
5. Ang mga Pilipinong nakapag-aral ay naging mulat sa kaisipang liberal
dahil dito humiling sila ng pagbabago upang;
a. Maging tanyag ang mga Pilipinong nakapag-aral
b. Maging masagana ang pamumuhay ng mga katutubong Pilipino
c. Maging lider sa sariling bansa
d. Maging makasarili sa kapwa Pilipino

BALIK-ARAL

Ano naging epekto ng pag-usbong ng kaisipang liberal sa mga Pilipino noon?

ARALIN

(Source: https://images.app.goo.gl/amWQ5Mfu162nU1mDA )

Ngayon, ay tatalakayin natin ang kilusan para sa sekularisasyon


ng mga parokya. Dahil sa pagkahilig ng mga arsobispo at obispo sa kanilang
kalahi nagtalaga silang mga prayleng Espanyol o paring regular sa mga
parokya ng Pilipinas. Ito ay ibig mabago ng mga paring sekular na binuo ng
mga paring Pilipino dahil dapat pinangangasiwaan nila ang mga parokya sa
Pilipinas.
(Source: https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1709/dr-pedro-pablo-pelaez-champion-of-filipino-clergy-the-first-truly-
national-leader )

Sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez, naglunsad ng isang kilusan ang


mga paring sekular upang ipagtanggol ang kanilang karapatang maitalaga at
makapagtrabaho sa mga parokya.Tinawag ang kilusang ito na
Sekularisasyon ng mga Parokya ng mga mamamayan ang mga paring
sekular dahil pareho silang Pilipino na inaapi ng mga Espanyol. Lumakas ang
kilusan ngunit namatay si Padre Pelaez noong Hunyo 3, 1863 at naiwan niya
ang pakikipaglaban sa mga karapatan ng mga paring Pilipino. Hinalinhan
siya ni Padre Jose Burgos sa kanyang mga gawain. Dahil mas malaki bilang
ng mga paring sekular na katutubo kaysa sa mga regular na paring mga
Espanyol ang suliranin ay naging labanan ng mga lahi.

Ang mahigpit na pamamahala ni Gobernador Izquierdo ay


kinasuklaman ng mga manggagawa at sundalo sa arsenal ng Cavite dahil
inalis niya ang pribilehiyong malibre sa buwis at sa polo’y servicio. Nag-alsa
sila at sinakop ang kuta ng San Felipe noong gabi ng Enero 20,1872.
Nagtagumpay sila at nakuha nila ang arsenal ng Cavite.
(Source: https://images.app.goo.gl/2LkCYAVsFkwmFmuX6 )

Nadamay ang mga makabayang pari at ang kanilang mga


tagasunod. Napagbintangan sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos,
at Padre Jacinto Zamora na kasama sa pag-aalsa. Galit ang ilang paring
Espanyol sa kanila dahil masugid nilang itinutulak ang sekularisasyon. Sila
ang isinuplong na mga lider ng pag-aalsa. Sila ay nilitis at pinatay sa
pamamagitanng garote noong Pebrero 17,1872.

(Source: https://images.app.goo.gl/QR5tLX1Fqr1AGToK7 )
(Source: https://images.app.goo.gl/QR5tLX1Fqr1AGToK7 )

Ang pagbitay sa tatlong pari ang isa sa gumising sa damdaming


makabansa ng mga Pilipino. Nagalit ang mga Pilipino sa ginawang pagpatay
sa tinaguriang GOMBURZA.

Mula noon,itinuring na mga martir ang tatlong pari dahil namatay sila sa
pagtatanggol ng Karapatan ng mga Pilipino. Sumibol ang diwang
MAKABANSA sa bawat mamamayang Pilipino.

MGA PAGSASANAY

Panuto: Isulat ang T kung isinasaad ay tunay na nangyari at M kung ito ay


hindi nangyari.

1. Ang mga kastilang arsobispo at obispo ay nagtalaga ng mga prayleng


Espanyol o paring regular sa mga parokya ng Pilipinas.
2. Nawalan ng karapatan ang mga paring sekular na pangasiwaan ang mga
Parokya sa Pilipinas.
3. Si Padre Jose Burgos ang naglunsad ng Sekularisasyon ng mga Parokya.
4. Hindi tumulong ang mga mamamayang Pilipino sa mga paring sekular.
5. Layunin ng sekularisasyon na maipagtanggol ang kanilang karapatang
maitalaga at makapagtrabaho sa mga Parokya.
PAGLALAHAT

Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang
pahayag.
Sa paniniwalang nalalabag ang kanilang mga karapatan,
humingi ng pagbabago ang mga paring nabibilang sa grupo ng paring
(1)______________. Ibig nilang mabigyan din ng (2)___________ na kanilang
pamamahalaan tulad ng sa mga paring (3)________________.
Nang maganap ang pag-aalsa o mutiny sa (4)____________, ang
mga paring humihingi ng pagbabago ay napagbintangang namumuno nito.
Sila ay pinatay sa pamamagitan ng (5) __________________.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon para mabuo ang diwa ng
bawat pangungusap.

Cavite Governor Izquierdo Espanyol


Enero 20, 1872 Reporma Pilipino

1. Pinalaki ng mga paring ___________ ang isyu at sinabi kay


Gob.Izquierdo na balak ng mga Pilipinong pabagsakin ang
kapangyarihan ng Espanya sa bansa.
2. Mithiin ng kilusang _____________ noon na magkaroon ng
pagbabago sa pamahalaan upang bumuti ang kanilang buhay.
3. Ang mahigpit na pamamahala ni ___________ ay kinasuklaman ng
mga manggagawa at arsenal ng Cavite.
4. Noong gabi ng ___________ nag-alsa at sinakop ng mga Pilipino ang
kuta ng San Felipe.
5. Nagtagumpay ang mga Pilipino na makuha ang arsenal ng
___________ ngunit ng sumunod na araw nagapi sila ng mga
sundalo galing Maynila.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang mga paring sekular ay kinabibilangan ng mga sumusunod;

a. Espanyol c. Agustino
b. Pilipino d. Pransiskano
2. Ang naglunsad ng isang kilusan ng mga paring sekular.Sino siya?
a. Padre Pedro Pelaez c. Padre Jose Burgos
b. Padre Mariano Gomez d. Padre Jacinto Zamora
3. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Sekularisasyon ng mga
Parokya?
a. Mawalan ng mga parokya
b. Makipagtulungan sa mga prayleng Espanyol
c. Maitalaga sa mga Parokya
d. Magsilbi sa mga paring regular
4. Ano ang naging ugat ng pag-aalsa sa Cavite o Cavite Mutiny?
a. Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Espanyol
b. Pagtulong sa mga tao
c. Pagsulong ng iisang layunin na makalaya
d. Paglilimita at pagmamalupit sa mga katutubong Pilipino
5. Anong katangian ang ipinamalas ng mga manggagawa at sundalong
Pilipino sa arsenal ng Cavite?
a. Magigiting at matatapang c.Mapagkumbaba
b. Mapagkawanggawa d. Makasarili
SUSI SA PAGWAWASTO

A 5. T 5. 5.B
D 4. M 4. 4.B
C 3. M 3. 3.A
A 2. T 2. 2.C
B 1. T 1. 1.A

Panapos na Pagsusulit Pagsasanay Paunang Pagsubok

Sanggunian

Antonio, Eleanor, Banlaygas, Emilia and Dallo, Evangeline. Kayamanan 6. New


Edition. 856 Nicanor Reyes, Sr. St. 1977 C.M. Recto Ave. Manila, Philippines. REX
Book Store Inc. 2015

https://images.app.goo.gl/amWQ5Mfu162nU1mDA
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1709/dr-pedro-pablo-pelaez-
champion-of-filipino-clergy-the-first-truly-national-leader

https://images.app.goo.gl/2LkCYAVsFkwmFmuX6

https://images.app.goo.gl/QR5tLX1Fqr1AGToK7

You might also like