You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang

Unang Markahan – Modyul 7: Sigaw sa Pugadlawin


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Harold R. Ursulum
Editor: Ferdinand P. Apsotle/ Nilda J. Pahati
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Mga Pangyayari sa
Sigaw sa Pugadlawin
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Modyul
para sa araling Sigaw sa Pugadlawin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 6) Modyul ukol sa Sigaw


sa Pugadlawin !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mong makumpleto ang modyul na ito, inaasahang iyong:


- Masusuri ang mga pangyayari sa Sigaw sa Pugadlawin
- Matutukoy ang mga mahahalagang tao at ang kanilang ginampanan
sa rebolusyon

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang tinaguriang Supremo ng Katipunan?


a. Emilio Aguinaldo c. Andres Bonofacio
b. Emilo Jacinto d. Dr.Jose Rizal

2. Ano ang samahang itinatag ni Andres Bonifacio?


a. Propaganda c. Kilusan
b. Katipunan d. Repormista

3. Sino ang kinilalang Ina ng Katipunan?


a. Melchora Aquino c. Josefa Rizal
b. Gregoria de Jesus d. Trinidad Tecson

4. Sino ang kasapi ng Katipunan na nagbulgar sa samahan?


a. Procopio Bonifacio c. Emilo Jacinto
b. Pio Valenzuela d. Teodoro Patińo

5. Ano ang naganap noong Agosto 23,1896?


a. Sigaw sa Pugadlawin c. Kasunduan sa Biak na Bato
b. Kumbesyon sa Tejeros d.Pagsuko ng mga Katipunero
BALIK-ARAL

Sa nakaraang aralin natalakay natin ang tungkol sa pagkakatatag ng


Katipunan at ang paglaganap ng rebolusyon sa bansa.Naibahagi dito kung
anu-ano ang mga hakbang na ginawa upang maisakatuparan ang pagbuo
ng samahan. Tatalakayin din natin ngayon ang kahalagahan ng mga
nabanggit sa paunang pagsubok. Basahin mo ang mga sumusunod para
malaman mo ang mga mahahalagang pangyayari sa Rebolusyon. Handa ka
na ba?

ARALIN

Ang Pagkabunyag ng Katipunan

Napag-alaman ng mga Espanyol ang planong pag-aalsa habang


puspusan ang paghahanda ng mga Katipunero sa ilulunsad na rebolusyon.
Agosto 19, 1896 natiyak ng mga Kastila ang katotohanan ng Katipunan.
Isiniwalat ni Teodoro Patińo ( isa sa mga Katipunero), ang lihim sa kanyang
kapatid na si Honoria na nagtrabaho sa isang bahay-ampunan. Sinabi ni
Honoria sa isang madre (Sor Teresa) ang tungkol sa samahan. Sinabi ni Sor
Teresa ang natuklasan kay Padre Mariano Gil na siyang nagsumbong sa
mga opisyal ng Kastila. Itinuro ni Patińo ang imprenta ng mga Katipunero at
natuklasan dito ang ilang polyeto at dokumento ng Katipunan. Hinuli at
ikinulong sa Fort Santiago ang mga pinaghinalaang Pilipino na kasapi sa
Katipunan.

Sigaw sa Pugad Lawin

Ang pagkatuklas sa Katipunan ay nagbunsod kay Supremo (Andres


Bonifacio) na tumawag ng pulong. Ang mga katipunerong nakatakas
kasama sina Jacinto at Procopio ay nagtungo sa Balintawak, Caloocan, at
nagtipon sa Pugadlawin noong Agosto 23,1896. Dito ay nagpulong sila sa
bahay ng anak ni Melchora Aquino, kilala bilang “Tandang Sora at Ina ng
Katipunan”. Napagkasunduan nila na simulan ang pakikipaglaban sa mga
Espanyol. Sa pangunguna ni Andres Bonifacio ay pinag punit-punit nila ang
kanilang sedula bilang hudyat ng kanilang paghihimagsik laban sa mga
Kastila.Sabay-sabay silang sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay
ang Katipunan!’’ Ito ang tinawag na Sigaw sa Pugad Lawin na naging hudyat
ng pagsisimula ng unang himagsikang Pilipino. Bagamat pinagpayuhan ni
Dr. Jose Rizal si Andres Bonifacio na huwag munang mag-alsa dahil hindi
pa sila handa, ngunit isinulong parin niya ang pag-aalsa ng Katipunan.
Source:https://www.artsy.net/artwork/various-artists-diorama-34-the-revolution-against-spain-begins

Paghihimagsik sa mga Lalawigan


Umabot ang digmaan sa mga lalawigan. Pinamunuan ni Emilio Aguinaldo
ang paghihimagsik sa Cavite. Ang mga Katipunero ay nagtagumpay sa
kanilang paghihimagsik. Naglagablab ang himagsikan at nabihag ng mga
Pilipino ang ilang Espanyol. Ang mga rebelde ng San Isidro, Nueva Ecija ay
pinamunuan ni Heneral Mariano Llanera. Si Heneral Severino Tirona ang
namuno sa Laguna at si Miguel Malvar naman ang sa Batangas. Ang mga
Makabayan sa Pampanga, Tarlac, Maynila gayundin sa Bulacan ay buong
tapang ding nakipaglaban sa mga Espanyol. Ang mga lalawigang ito ang
bumubuo ng walong sinag ng araw sa ating pambansang bandila.

Source: https://www.google.com.ph/search?q=
pakikipaglaban+ng+mga+katipunero&tb
Ang Pagpigil sa Rebolusyon
Dahil sa naglalagablab na ang himagsikan, inilagay ng mga Espanyol sa
ilalim ng Batas Militar o Martial Law ang mga lalawigan. Lalong naging
mabalasik ang mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang lahat ng nahuling
pinaghinalaan ay ipiniit sa mga bilangguan sa Fort Santiago. Noong
Setyembre 12, 1896 pinatay sa Luneta ang 13 pangunahing mamamayan ng
Cavite na tinawag na Trece Martires o Labintatlong Martir ng Cavite.

Source: https://www.google.com.ph/search?q=labintatlong%20
martir%20sa%20cavite

MGA PAGSASANAY
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang pangalan o salita na kasagutan sa
mga tanong sa ibaba.
K W A A X V C Z B A B Z A Q R S E D S S T
A Q S D G H B A K R L B H C F L I L A U U
T S A K C A U I D D A D F G G H J H Z P Y
I M A L S R G S M N G L S E D U L A X R Z
P J I O A G L X F I U C G V H J I G B E X
U F P R O C O P I O N V L P Z H F K V M C
N D U R E A V L C G A D A Q R D W D X O G
A A Z P W J S G F L P C Z X C V Q S N S D
N L A Z S N X I O I X Y L I P D G X A Q N
R O N D Z O Z U F H C Z Q W E R A D O Z V
Mga Tanong:
Ano ang samahan na binuo ni Andres Bonifacio?
Siya ang kapatid ni Andres Bonifacio.
Ano ang sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero?
Ano ang tawag kay Andres Bonifacio bilang pinuno ng Katipunan?
Ano ang isa sa mga walong lalawigan na nag-aklas laban sa mga
Kastila.
PAGLALAHAT

Sa tulong ng iyong natutunan sa ating aralin, sumulat ng isang maikling


sanaysay na sumusuri sa mga pangyayari sa Sigaw sa Pugadlawin laban sa
kolonyalismong Espanyol.

PAGPAPAHALAGA

Kung ikaw ang makikipaglaban para sa ating bayan, anong paraan ang
iyong gagamitin? Pakikipaglaban gamit ang lakas ng katawan o
pakikipaglaban sa mapayapang paraan? Bakit?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang kinilalang mahusay na namuno sa unang yugto ng


himagsikan?
a. Teodoro Patińo c. Emilio Aguinaldo
b. Andres Bonifacio d. Ladislao Diwa

2. Kailan nangyari ang Sigaw sa Pugad Lawin?


a. Agosto 21,1896 c. Agosto 23, 1896
b. Agosto 25,1896 d. Agosto 22,1896

3. Sino ang katipunerong nagsiwalat sa lihim ng Katipunan?


a. Teodoro Patińo c. Andres Bonifacio
b. Procopio Bonifacio d. Emilio Jacinto

4. Siya ang tinaguriang “Ina ng Katipunan”


a. Marcela Agoncillo c. Trinidad Tecson
b. Melchora Aquino d. Teresa Magbanua

5. Ano ang sabay-sabay na isinigaw ng mga Katipunero bilang hudyat ng


pagsisimula ng rebolusyon?
a. Mabuhay Tayong Lahat! c. Simulan na ang himagsikan!
b. Mabuhay! d. Mabuhay ang Pilipinas!
Paunang Pagsubok Panapos na Pagsusulit
1. C 1. B
2. B 2. C
3. A 3. A
4. D 4. B
5. A 5. D
Pagsasanay
1. KATIPUNAN
2. PROCOPIO
3. SEDULA
4. SUPREMO
5. LAGUNA
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Dayorama ng Unang Sigaw sa Pugadlawin.Digital Image.
Post. August 27, 2018
https://www.artsy.net/artwork/various-artists-diorama-34-the-
revolution-against-spain-begins

Mabuhay ang Himagsikan. Digital Image.


Post. October 14,2013
https://www.google.com.ph/search?q=pakikipaglaban+ng+mga+katipunero&tb
m=isch&ved=2ahUKEwiOkNS0p6vqAhUuxYsBHfZCDp8Q2-
cCegQIABAA&oq=pakikipaglaban+ng+mga+katipunero&gs_
1349&hl=en&hl=en#imgrc=9nqTVVFO5-fShM&imgdii=IHGJ_SrxSlrIJM

13 Martyrs of Cavite.Digital Image.


Post.September 11, 2012
https://www.google.com.ph/search?q=labintatlong%20martir%20sa%20c
avite&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg%3ACY9Y-tv0FVz-
YXY2HghiEGBK&ved=0CAIQrnZqFwoTCLiltM2sq-

Eleanor D. Antonio/Emilia L. Banlaygas/Evangeline M. Dallo.


2017.Kayamanan. Manila, Philippines: REX Book Store, pp.41-43.

You might also like