You are on page 1of 18

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Bagong Bayani, Hinahangaan Ko

NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Bagong Bayani, Hinahangaan Ko
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eileen R. Rebugio at Rosemarie A. Cagampang
Editor: Teresita Z. Olasiman
Tagasuri: Teresita Z. Olasiman
Tagaguhit:
Tagalapat: Eileen R. Rebugio at Rosemarie A. Cagampang
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Bagong Bayani,
Hinahangaan Ko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Bagong Bayani, Hinahangaan Ko!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo
na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang
mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

ii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

iii
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga


kaalaman na nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang.
Nakapaloob dito kung ano at papaano mo mapupulutan ng aral ang buhay
at karanasan ng mga tinaguriang mga Bagong Bayani ng bagong siglo.

MELC: Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa


pamamagitan ng:

- pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay


- kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para
sa bayan
- pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa
pagtatagumpay ng mga Pilipino. EsP6PPP-IIIc-d-35

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod


na mga layunin:

Kaalaman – Naipagmamalaki at pagtulad ng mga mabubuting katangian


na maging susi sa pagtatagumpay ng mga Pilipino

Saykomotor – Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga katangian ng mga


matatagumpay na mga Pilipino

Apektiv - Napahahalagahan ang sakripisyo, galing at tagumpay ng mga


Pilipino

1 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Subukin
Panuto: Basahin ang sumusunod na sipi mula sa mga natatanging
Pilipino. Tingnan kung ano ang sinasabi ng mga sipi tungkol sa nagsasalita.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagiging


Pilipino ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa
pagiging kaisa ninyo.

Corazon C. Aquino

Source: mirror.officialgazette, 1986 https://mirror.officialgazette.gov.ph/1986/05/01/speech-of-


president-corazon-aquino-on-the-occasion-of-labor-day/

Nais kong matulungang matuto ang iba, dahil


minsan din akong naging mahirap at nagsikap
ako upang magkaroon ng katarungan.

Socorro C. Ramos

Source: Dacumoz-Lagorza, 2016 https://peopleasia.ph/one-for-the-books-socorro-cancio-ramos/

Upang magtagumpay ang ating bayan,


kailangang magpakabayani ang mga karaniwang
mamamayan. Kailangang magpakabayani tayo
lahat!

Jesse M. Robredo

Source: Make It Davao Blogspot, 2012 http://davaocitybybattad.blogspot.com/2012/08/jesse-


robredo.html

Ang hindi marunong lumingon sa


pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.

Dr. Jose Rizal

Source: Apostol, 2020 https://www.fil-mis.org/index.php/blog-top-menu/j-apostol

2 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
I. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang wastong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Sino ang nagsabi na magpapasalamat sa Diyos sa pagiging sa pagiging


isang Pilipino?
a. Corazon C. Aquino
b. Socorro C. Ramos
c. Jesse M. Robredo
d. Jose P. Rizal
2. Ibigay ang bilang ng mga naiambag ng mga natatanging Pilipino para
sa bayan?
3. Mahalaga bang maging masipag at produktibo upang maging
matagumpay? Bakit
4. Karapat-dapat bang tularan ang mga natatanging Pilipino na nasa
itaas? Bakit? Ano ang maari mong gawin upang matularan ang mga
natatanging Pilipino?
5. Sa inyong murang edad, paano ninyo matutularan ang mga
matagumpay na Pilipino?

II. Hanapin sa hanay B ang sagot sa tinutukoy sa hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Kauna-unahang babae na naging


Presidente ng bansa. a. Jose P. Rizal
2. Ang nagmamay-ari ng National Bookstore b. Soccoro C. Ramos
3. Pambansang bayani ng bansa c. Jesse M. Robredo
4. Isang kalihim ng DILG d. Corazon C. Aquino
5. Ang sumulat sa “Ang Huling Paalam”

3 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Balikan

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong sa bansa ang may mabuting katangian?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

4 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Tuklasin

Basahin at unawain ang isang balita. Pansinin kung paano


matiyagang nagtrabaho at nagpakita ng kahusayan at kasipagan sa
pagganap si Lea Salonga.

Lea Salonga

Source: Cordova, 2019 https://www.azcentral.com/story/entertainment/music/2019/05/10/lea-salonga


mobility-may-limited-but-her-voice-still-soars-human-heart-concert-tour/3555655002/

Si Maria Lea Carmen Imutan Salonga ay mas kilala bilang Lea


Salonga. Ipinanganak siya noong 22 Pebrero 1971. Una siyang nakilala sa
The King and I ng Repertory Philippines noong siya’y pitong taong gulang pa
lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice.
Iyon ang naging simula ng kanyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres
at mang-aawit sa Pilipinas.
Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya
ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musical na Miss Saigon
noong 1989. Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong
tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Pilipina na
nagkamit ng Laurence Olivier Award, Tony Award, Drama Desk, Outer Critics
Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang
Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine, isang batang ulila sa
Broadway production na les Miserables. Ang tagumpay ni Lea sa Pilipinas at
sa iba pang mga bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa iba pang
Pilipino entertainers upang makilala at kinalaunan ay nag-alay din ng
karangalan sa ating bansa.

5
NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

1. Sino si Lea Salonga?

2. Bakit siya naging Miss Saigon?

3. Bakit isa si Lea Salonga sa itinuturing na natatanging Pilipino?

4. Sa paanong paraan niya ibinahagi ang kaniyang talento?

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang magagawa mo upang


tawagin kang bayani sa sariling paraan?

6 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Pagyamanin
Gumawa ng talata. Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang
gabay upang makabuo ng talata. Isulat sa iyong kwaderno.

1. Sino ang hinahangaan mong matagumpay na Pilipino?


2. Bakit mo siya hinahangaan?
3. Paano siya nagsakripisyo para sa bayan?
4. Paano mo siya tutularan (gagawing modelo)?

Rubric sa Pagsulat ng Talata

Pamantayan sa Pagsulat
• Nilalaman 5
• Paggamit ng salita 5
• Kaugnayan sa Paksa 5
Kabuuang Puntos 15

7 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Isaisip
Basahin at unawain ang talata.
Maraming mga Pilipino ang naging matagumpay at produktibo dahil
sa kanilang kasipagan. Halos lahat sila ay nagsimula sa hirap at nagtiyaga
upang maging matagumpay sa kasalukuyan. Gusto mo bang maging katulad
nila, iyan ay kayang kaya mong gawin sapagkat ang kahusayan at kasipagan
ay katangi-tanging susi sa tagumpay ng bawat Pilipino.

Isagawa
I. Panuto: Kompletuhin ang kolum sa ibaba, ayon sa hinihingi nito.
Isulat ang katangian ng isang Isulat ang kanyang mga nagawa
Bayani

1.

2.

3.

4.

5.

II. Panuto: Ipaliwanag ang mga tanong sa ibaba:


1. Ano-ano ang makabayang ginawa ng isang tao upang karapat-dapat
siyang tawaging bayani?
2. Anong katangiang taglay ni Dr. Jose P. Rizal at siya’y nagging isang
katangi-tanging Pilipino?
3. Lahat bang nagawa ng isang bayani ay kadakilaan?

8 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Tayahin
A. Punan ang patlang ng tamang sagot upang matugunan ang
hinihingi sa bawat bilang, piliin ang sagot sa loob ng kahon.

*Jose P. Rizal *Manny Pacquiao * Pia Wurtsbach


*Nora Aunor *Dolphy *Leonardo S. Sarao
*Levi Celerio *Lea Salonga *Efren “Bata” Reyes
*Corazon C. Aquino

_____ 1. Maraming beses siyang sumali sa mga pageant at siya ay tatlong


beses na natalo.
_____ 2. Tinawag siya na Hari ng Komedya at siya ay nakilala dahil sa
kaniyang malaking kontribusyon sa sining at teatro.
_____ 3. Pinakamahusay ang kaniyang sarili sa boksing upang
matulungan niya ang kaniyang pamilya at pinagmalaki ang
bansang Pilipinas.
_____ 4. Siya ang nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino mula sa pang-
aalipin sa mga kastila sa pamamagitan ng papel at panulat.
_____ 5. Siya ang dahilan na naging sikat ang jeepney na pampasahero sa
mga turista.
_____ 6. Tinaguriang “Superstar” ng sitenta dekada at tumanggap ng
“People’s National Artists” award.
_____ 7. Kauna-unahang babae na naging Presidente ng Pilipinas.
_____ 8. Napiling gumanap bilang Kim sa tagumapay na musical ng Miss
Saigon noong 1989.
_____ 9. Isang Pilipinong kompositor at ginawaran ng Pambansang Alagad
ng Sining at Panitikan
_____ 10. Isang mahusay na manlalaro sa larangan ng billiard.

9 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
Karagdagang Gawain
Panuto: Magsaliksik ng talambuhay ng dalawang kilalang tao sa pamayanan
(bata man o matanda) na may naiambag sa ating bayan sa ibat-ibang
larangan. Sipiin ang balangkas sa iyong kuwaderno at isulat ang mga
detalye ng kanilang buhay.

A. Pangalan: _________________________________________
1. Kapanganakan
a. Petsa: _______________________________________
b. Lugar:_______________________________________
2. Mga Magulang
a. ____________________________________________
b. ____________________________________________
B. Pag-aaral
1. Elementarya: ____________________________________
2. Hay-iskul: _______________________________________
3. Kolehiyo: _______________________________________
C. Mga Natamong Karangalan
a. ___________________________________________
b. ___________________________________________
D. Mga Nagawa sa Bayan
a. ___________________________________________
b. ___________________________________________
E. Mga Katangian
a. ___________________________________________
b. ___________________________________________

PAGNINILAY

Ang natutuhan ko ay _____________________________________

Napag-isipan ko_____________________________________

Gagamitin ko ____________________________________________

10 NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2
NegOr_Q3_EsP6_Modyul1_v2 11
Makabagong Panahon Batayang Aklat 6. Vibal Group. Inc., 2016
Ylarde, Zenaida R. at Gloria A. Peralta, Ed. D. Ugaling Pilipino sa
Sanggunian
Tayain Gawain
1. Pia Wurtsbach I. Maaaring iba – iba
2. Dolphy
ang sagot
3. Manny Pacquiao
II. 1. D
4. Jose P. Rizal
2. B
5. Leonardo S. Sarao
3. A
6. Nora Aunor
4. C
7. Corazon C.
Aquino 5. A
8. Lea Salonga III. Maaaring iba – iba
9. Levi Celerio ang sagot
10. Efren “Bata”
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros


Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros
Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like