You are on page 1of 17

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Isinasaalang-alang Ko ang Kapwa Ko
(Linggo: Ikalawa)

Pamagat

NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 2: Isinasaalang-alang Ko ang Kapwa Ko

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
samodyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Juevilyn Q. Austero
Alma C. Villalon
Editor: Mayflor P. Tuble
Tagasuri: Juliet L. Amores
Mayflor P. Tuble
Tagaguhit:
Tagalapat: Geraldin T. Olasiman
Jennibel O. Buling
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed.D. Maricel S. Rasid
Donre B. Mira, Ed. D. Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ngDepartment of Education –Region VII Schools Division of


Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Isinasaalang-alang Ko ang
Kapwa Ko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa
kapwa tulad ng: 1.1. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa
kinabibilangang pamayanan

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

ii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain nanaglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iii
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay naayon sa Most Essential Learning Competecies


(MELC) at inihanda para sa ikalimang baitang na mag-aaral upang matutunan ang
mga dapat gawin o saloobin sa pag-aaral. Ito ay makakatulong upang magkaroon ng
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon.

Kasanayang
Pampagkatuto

1. Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng:

1.1 pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang pamayanan


(EsP5PD-IVa-d-14)

Mga Layunin

Sa araling ito, iyong…

Kaalaman: Nakapaglalahad ng mga paraan ng pakikiisa sa pagbibigay


ng pag-asa sa pagharap ng mga suliranin sa buhay

Saykomotor: Nakapagtatala ng sariling paraan sa pagpapakita ng


pagsasaalang-alang sa kapwa at pamayanang
kinabibilangan kaugnay sa iba’t ibang sitwasyon.

Apektiv: Naisasabuhay ang kabutihang asal sa pagtulong sa kapwa


at pamayanam

1 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Subukin

Panuto: Isulat ang Oo kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamahal sa


kapwa o sa pamayanan. Isulat naman ang Hindi kung hindi ito nagpapakita.

________ 1. Sumasali si Joan sa mga programa ng kanilang barangay para sa


Clean and Green Project.
________ 2. Narinig ni Dante ang pinag-uusapan ng mga bata tungkol sa kanyang
kapatid. Lumapit ito sa kanila at pinagsusuntok ang mga bata.
________ 3. Pinagtatawanan ng mga kaklase ang isang kamag-aral na palaging
nahuhuli sa pagpasok sa paaralan.
________ 4. Nakita ni Jomar na may namumulot na mga basura sa daan
patungong kapilya at ito ay kanyang tinulungan.
________ 5. Nag- oorganisa ng isang samahan ang mga opisyal ng barangay para
matulungan ang mga kabataang naulila na.
________ 6. Umiiyak ang isang bata dahil nagugutom na ito sa kahihintay ng
kanyang nanay. Nilapitan mo at binigyan siya ng tinapay.
________ 7. Nakipagsuntukan ang isang ama dahil nakita niyang inuutusan ng
kanilang kapitbahay ang kanyang anak.
________ 8. Nagwawalis si Mang Juan na gilid ng kalsada. Lumapit ang kanyang
anak at tinulungan ito.
________ 9. Itinapon ni Kaloy ang kanilang mga basura sa bakanteng lote malapit
sa paraalan.
________ 10. Namimigay kayo ng relief goods sa mga nasunugan sa kabilang
baryo.

2 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek () ang kahon kung ang sumusunod ay nagpapakita ng
pakikiisa sa mga gawaing nakakatulong sa bansa at daigdig. Ekis (X)
naman kung hindi.

Bilang Sitwasyon  o x
1 Pakiusapan ang kapitbahay mo na drayber na ipaayos na ang
mausok na tambutso ng kaniyang dyip
2 Sumali ka sa kampanyang pangkaligtasan sa barangay para
maging handa sa oras ng kalamidad.
3 Pigilan mo ang mga bata na magpahayag ng opinyon.
4 Hikayatin mo ang kapwa kabataan sa barangay na magboluntaryo
sa kampanya para sa impormasyon sa pagpili ng tamang pagkain
para sa nutrisyon ng maliliit na bata.
5 Isumbong sa barangay ang nakitang mga rugby boys na
nagtatago sa ilalim ng tulay.

Tuklasin

Basahin ang maikling kwento at alamin kung paano ipinakita ng isang bata
ang ginawang pagtulong para sa kabutihan ng kapwa at sa pamayanang
kinabibilangan.

Si Moymoy
ni: Juevilyn Q. Austero

Nanonood ng telebisyon si Moymoy isang gabi at biglang may nag-flash


report tungkol sa buhawing tumama sa isang lugar. Ipinakita ng reporter ang
epektong dulot ng buhawi. May mga pamilya na nawalan ng bahay dahil sa inanod
ng baha. May ilang matitirik na lugar din ang gumuho dahil sa nakakalbong
kagubatan malapit dito. Nanlumo si Momoy sa nakita. Awang-awa siya sa mga
batang umiiyak dahil sa takot at peligrong nararanasan nito. May ilang miyembro ng
pamilya ang nawawala at hindi pa nakita. Hindi nila makita dahil inanod ito kasama
ng bahay nila. Malaking dagok ito para sa mga apektadong pamilya.
Napaisip si Moymoy sa pangyayari, sino ang dapat sisihin dito? Sino ang
mananagot? Ano ang kanyang magagawa? Dali-dali siyang tumayo at pinuntahan
ang mga magulang na nasa kwarto. Kinausap niya ito at sinabing gusto niyang
tumulong para sa mga pamilyang apektado. Kinuha niya ang kanyang alkansiya at
ibinigay sa kanyang nanay. Natuwa ang kanyang mga magulang dahil sa ipinakitang
kabutihan ng anak.

3 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Kinabukasan, pumunta sila sa grocery store para mamimili ng mga
ipamimigay na mga groceries. Pagkauwi sa bahay ay agad nila itong inilagay sa tig-
iisang supot. Pagkatapos ay dali-daling pumunta sa evacuation center ang buong
pamilya upang mamahagi ng tulong. Nagpasalamat ang mga taong nabigyan nila ng
tulong. Bakas sa kanilang mukha ang saya na naramdaman nito. Masayang umuwi
ng bahay ang pamilya ni Moymoy pagkatapos nilang mamigay ng tulong. Hindi nila
inalintana ang pagod na naramdaman, makapaghatid lamang sila ng kaunting tulong
para sa mga nangangailangan.

Suriin
n
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


2. Ano ang nakitang balita ni Moymoy sa telebisyon?
3. May ginawa ba si Moymoy na kasiya-siya? Ano ito?
4. Kung ikaw si Moymoy, gagawin mo rin ba ito? Bakit?
5. Maliban sa pamimigay ng relief goods, ano pa kaya ang pwedeng magawa
ni Moymoy para makatulong sa nangangailangan?

Pagyamanin

Isulat ang Tama o Mali ayon sa pahayag sa bawat pangungusap.

_____1. Nagbigay ng sirang laruan si Dulce bilang donasyon niya sa bahay


ampunan.

_____2. Nilayuan ni Ben ang mga katutubong namamalimos sa kalsada.

_____3. Mabilis na inubos ni Joshua ang kinakain bago dumating ang isang batang
pulubi.

_____4. Bumili si Celia ng popcorn sa batang tindera sapagkat alam niyang ang
kikitain nito ay idadagdag sa kanyang pambaon sa paaralan.

_____5. Napansin ni Andrea ang kaklase na nakaupo lamang at hindi kumakain sa


oras ng reses. Nilapitan niya ito at inalok ng kanyang kinakain.

_____6. Nagdiwang ng kaarawan si Lloyda sa Home for the Angels o ang lugar
kung saan nakatira ang mga batang may sakit sa halip na pumunta sa
Disneyland.

_____7. Itinapon na ni Felix sa basurahan ang mga luma niyang pangkulay at iba
pang kagamitan sa paaralan noong nakaraang taon sapagkat ibinili siya ng
bago ng kanyang mga magulang.
4 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
_____8. Namigay ng mga kumot at unan sina Erika at ang kanyang pamilya sa
bahay ampunan ngayong panahon ng tag-lamig.

_____9. Nakasimangot si Vina habang namimigay ng mga pagkain sa mga nilindol.

_____10. Hindi nagbigay ng anumang gamit si Tricia sa paaralan para sa


Proyektong “Donasyon mo’y Malayo ang Mararating” sapagkat hindi siya
sang-ayon sa mga ganoong uri ng proyekto ng paaralan.

Isaisip

Maipapakita natin ang tunay na pagmamahal sa ating kapwa sa pamamagitan


ng pagsasaalang-alang sa kanilang kapakanan at sa pamayanang kinabibilangan.
Tulungan natin at ipakita ang ating malasakit sa ating kapwa lalo na sa mga taong
may kapansanan, matatanda at sa mga nangangailangan. Ibigay ang nararapat na
benepisyo sa mga taong tulad nila. Magboluntaryo sa mga proyekto ng pamayanan
kaugnay sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng ating kapwa at pamayanan.
Gumawa tayo ng mabuti para sa ating pamayanan sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga alituntunin at paglahok sa mga bayanihan at proyekto na makakatulong sa
kaayusan at kapayapaan. Ito ay tanda ng pagmamahal sa kanila at sa iyong
pamayanang kinabibilangan.

Isagawa

Punan ang hinihingi ng tsart.

Sariling Paraan ng Sariling Paraan ng


Pagpapakita ng Pagpapakita ng
Mga Sitwasyon Pagsasaalang-alang Mga Sitwasyon Pagsasaalang-alang
sa Kapakanan ng sa Kapakanan ng
Kapwa Pamayanan
1.Isang matandang 2.May proyekto sa
babae na walang inyong pamayanan
maupuan sa bus. kaugnay sa
pagpapanatili ng
kalinisan at
kaayusan.
3.Maysakit ang iyong 4.Pagkasira ng
ina at kailangan mga poste,
niyang magpahinga simbahan, at iba pa
ngunit marami pang pang pampublikong
kailangang gawin sa lugar sa inyong
bahay. pamayanan dulot
ng bagyo.

5 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Tayahin

Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang bilang ay nagpapakita ng pagmamahal sa


kapwa at pamayanan at ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa kwaderno.

_____1. Mabagal humakbang ang batang pilay sa pag-akyat sa hagdan kaya


inunahan na lamang ito ni Fe.

_____2. Pinaupo ni Gino ang matandang babae na kakasakay lamang sa bus


sapagkat wala nang bakanteng upuan.

_____3. Hirap na hirap sa pagbitbit si Aling Sonya sa kanyang mga pinamili ngunit
nakatingin lamang ang mga kabataan sa kanya.

_____4. Nililinis palagi ni Mang Paeng ang kanilang bakuran upang di pamahayan
ng mga lamok at daga.
_____5. Hindi nagpapatugtog ng malakas si Bing tuwing hapon sapagkat alam
niyang natutulog ang kanilang kapitbahay sa ganoong oras.
_____6. Pinatid ni Vina ang kaklaseng bulag at pinagtawanan nila ng kanyang
mga kaibigan.

_____7. Tanghali na kung ilabas ni Nora ang kanilang mga basura kaya hindi ito
nakokolekta ng mga basurero.

_____8. Anumang proyekto ng pamayanan ay di nakikiisa si Ben sapagkat para


sa kanya ay sayang lamang ang kanyang oras dito.

_____9. Nagboboluntaryo si Billy na tutulong sa pagrerepake ng mga relief goods


na ipamahagi sa mga kababayan niyang nasalanta ng bagyo.

_____10. Ipinahayag din ni Loisa ang kanyang di pagsang-ayon sa pagpapatayo ng


pabrika sa kanilang lugar.

6 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Karagdagang
Gawain

Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagsasaad ng


pagmamahal sa kapwa at pamayanan at malungkot na mukha naman kung
hindi.

___________ 1. Binibigyan si Fe ng kanyang ina nang panghulog sa tuwing sisimba


siya ngunit hindi niya ito inihuhulog bagkus ay inilalagay sa kanyang
sariling bulsa.

___________ 2. Nagtulug-tulugan si Anya nang pumasok sa loob ng bus ang


matandang babae sapagkat wala ng bakanteng upuan.

___________ 3. Ipinagbitbit ni Greg ang kanyang guro ng dala-dala nitong


mabibigat na aklat.

___________ 4. Maagang gumising si Jasmine sapagkat sa kanya nakatoka ang


paglalabas ng kanilang basura upang kolektahin ng mga basurero.

___________ 5. Ginagampanang mabuti ni Floyd ang kanyang tungkulin na


siguraduhing nakatali ang kanilang aso sa kanilang bakuran
upang hindi makaabala sa iba.

___________ 6. Agad idinulog ni Fay sa kapitan ng barangay ang mga di kilalang


tao na nagpuputol ng puno sa kanilang pamayanan.

___________ 7. Sa halip na pagtawanan ni Gina ang matandang nadapa ay agad


siyang tumakbo upang alalayan ito.

___________ 8. Napansin ni Troy ang matandang babae na nakapila sa kanyang


likuran ngunit nagsawalang kibo na lamang siya sapagkat pareho
naman silang matagal nang nakapila.

___________ 9. Lumahok si Althea sa proyektong Clean and Green ng kanilang


barangay at inanyayahan pa ang iba niyang kaibigan.

___________ 10. Ipinagtabuyan ni Colleen ang mga batang gusgusing naglalaro


sa harap ng kanilang tahanan.

7 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Pagpapayaman/
Pagninilay

Isulat sa kwaderno ang sariling pahayag o ideya tungkol sa iyong natutunan


sa aralin.

Natutunan ko ang _______________________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Naisip ko na
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Mula ngayon gagawin ko na ang____________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Talahulugan

bagkus - lalo na, sa halip


buhawi - unos, bagyo, sigwa
kapayapaan - katahimikan, katiwasayan, kapanatagan
kibo - imik, salita, sabi, kimbot, kislot, galaw, kilos, aksyon, tinag
gusgusin - nanlilimahid, punit-punit at maruming damit, marumi at mailbag
na katawan
lote - isang sukat ng lupa
patrol - tanod, bantay, gwardiya, ronda

8 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2 9
Tayahin Isagawa Pagyamanin
Maaaring iba-iba 1. Mali
ang sagot 2. Mali
1. X 3. Mali
2.  4. Tama
3. X 5. Tama
4.  6. Tama
5.  7. Mali
6. X 8. Tama
7. X 9. Mali
8. X 10. Mali
9. 
10. 
Pagninilay Suriin Balikan Subukin
Maaaring iba-iba 1. Moymoy
ang sagot. 2. Maaring
iba-iba 1.  1. Oo
ang sagot 2.  2. Hindi
3. Maaaring 3. X 3. Hindi
iba-iba 4.  4. Oo
ang sagot 5.  5. Oo
4. Maaaring 6. Oo
iba-iba 7. Hindi
ang sagot 8. Oo
5. Maaaring 9. Hindi
iba-iba 10. Oo
ang sagot
Pagwawasto
Susi sa
Sanggunian

Ylarde, Zenaida R. and Peralta, Gloria A., Ed.D. 2016. Ugaling Pilipino sa
Makabagong Panahon 5 Batayang Aklat, pp.116-129. Quezon City,
Philippines: Vibal Group, Inc.

Ylarde, Zenaida R. and Peralta, Gloria A., Ed.D. 2016. Ugaling Pilipino sa
Makabagong Panahon 5 Manwal ng Guro, pp.48-49. Quezon City,
Philippines: Vibal Group, Inc.

Reyes, Hap S. and Olivarez, A. 2017. Lesson Plan sa Edukasyon sa Pagpapakatao


5, pp.395-396, 398. Reevee Book Supply.

Division of Negros Oriental EsP V DLP Initiated

Siverio, Julio F. Diksiyunaryong Pilipino-Pilipino. National Bookstore, C. 198.

10 NegOr_Q4_EsP5_Modyul2_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like