You are on page 1of 26

4

ARALING PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan-Modyul 4:
Kahalagahan ng Matalinong
Pagpapasya sa Pangangasiwa at
Pangangalaga ng mga Pinagkukunang
Likas na Yaman sa Pag-unlad ng Bansa
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self- Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kahalagahan ng Matalinong Pagpapasya
sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng mga Pinagkukunang ng Likas na Yaman ng
Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Anabelle N. Nimer, Imee P. Cacpal
Editor: Prescilla G. Cabrillos, Minasol Quirimit, Gina L. Lanticse, Elsie A.
De Juan, Baibon M. Ayunan
Tagasuri: Mary Anne A. Barientos, Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang,
Sheryl B. Bautista, Aida S. Delon, Ma. Kristine B. Latris, and Eloisa
R. Agni, Maria Jane N. Agrave
Tagaguhit: Federico P. Lacia, Jr.
Tagalapat: Glen D. Napoles, Jay Ar O. Espartero, Alex C. Macale, and
Mark Daryl T. Lazaro
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, CESO V – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – CLMD Chief
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Elpidio D. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – EPSVR, LRMDS
Marilou P. Mangansakan – EPSVR – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCSARGEN REGION

Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Coronadal


Telefax: (083) 2288825/ 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

i
Alamin

Binabati kita batang magaling! Nais mo bang matutunan


kung paano makatulong ang matalinong pangangasiwa ng likas
na yaman sa pag-unlad ng bansa?
Ang araling ito ay tumatalakay tungkol sa kahalagahan ng
matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng
bansa. Mapag-aralan din dito na kung sagana sa likas na yaman
ang isang bansa ay maituturing ba itong mayaman na bansa o
kahit kakaunti ang likas na yaman kung matalinong
pangangasiwa ito ay nagdudulot ng kayamanan sa isang bansa.
Most Essential Learning Competency (MELC)
• Nasusuri ang kahalagahan ng matalinong pagpapasya sa
pangangasiwa at Pangangalaga ng mga Pinagkukunang likas
na yaman sa pag-unlad ng bansa (AP4LKE-IIb-d-3).
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• naiuugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman
sa pag-unlad ng bansa; at
• natutukoy ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa
pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang-yaman
ng bansa.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng


wastong sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang dapat gawin sa mga bakanteng lote na nagpapakita ng
matalinong pangangasiwa sa likas na yaman ng bansa?
A. Hayaang nakatiwangwang ang bakanteng lote.
B. Itambak ang mga basura sa nakatiwangwang na lote.
C. Ilagay ang mga basurang bote sa nakatiwangwang na lote.
D. Magtanim ng mga punongkahoy o mga gulay sa
bakanteng lote.

1
2. Ito ang pangunahing pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng
mga tao.
A. Lugar
B. Pag-unlad
C. Likas na yaman
D. Matalinong pangangasiwa
3. Tinutugunan ng likas na yaman ang ilang pangangailangan
ng mga mamamayan.
A. Malamang
B. Mali
C. Marahil
D. Tama
4. Ito ay lalawigan na kilala dahil sa mga magagandang lugar,
masaganang yamang dagat, malinis na kapaligiran at makikita
dito ang El Nido.
A. Cebu
B. Davao
C. Mindoro
D. Palawan
5. Kilala bilang maunlad at masaganang lungsod dahil pinagku-
kunan ito ng maraming prutas at iba pang produkto na ipinag-
bibili sa loob at labas ng bansa.
A. Cebu
B. Davao
C. Palawan
D.Tagaytay
6. Isa sa mga dahilan kaya maraming nagnanais na magnegosyo
o mag-invest sa isang lugar.
A. Pagiging makalat
B. Polusyon sa tubig
C. Kawalan ng disiplina
D. Matalinong pangangasiwa sa mga likas na yaman

2
7. Nakita mong nagsusunog ng basura ang iyong kapitbahay. Ano
ang iyong gagawin upang maipakita mo na ikaw ay may
pagpapahalaga sa ating likas na yaman?
A. Hahayaan ko na lang sila.
B. Pagsabihan ko sila tungkol sa pagsusunog.
C. Kausapin ko sila na ang basura ay dapat itambak sa
iisang lugar at huwag sunugin ito.
D. Pagsabihan ko sila na ang pagsusunog ng mga basura ay
isang dahilan sa pagkasira ng ating mga likas na yaman.
8. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng iyong magulang.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na may pagpapahalaga
ng matalinong pangangasiwa sa likas na yaman?
A. Gumamit ng kemikal upang malason lahat ng isda.
B. Gumamit ng dinamita para marami ang mahuhuling isda.
C. Kailangang maraming isda ang tatay ko para matustusan
ang aming pangangailangan.
D. Gumamit ng lambat na may tamang butas upang hindi
mahuhuli ang maliliit na isda para may mahuhuli ulit sa
mga susunod na araw.
9. Ikaw ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang. Ano ang iyong
maitutulong bilang pagpapahalaga sa matalinong pangangasiwa
sa likas na yaman ng bansa?
A. Makilahok sa mga tagisan ng talino.
B. Hindi ko papansinin ang mga programang kalikasan.
C. Hayaan ko na ang mga matatanda kung anong gagawin
nila para sa ating likas na yaman.
D. Hikayatin ko ang aking kapwa bata na makilahok sa mga
simpleng gawaing lumilinang sa mabuting pangangasiwa
ng likas na yaman tulad ng tamang pagbabasura, ang
3R’s Reduce, Reuse at Recycle.

3
10. Bakit matalinong pangangasiwa sa likas na yaman ng bansa
ang kailangan?
A. Upang umunlad ang bansa
B. Upang bumaba ang ating ekonomiya
C. Upang mapanatili ang likas na yaman at mapaunlad ang
isang bansa
D. Upang ang mga likas na yaman ay hindi na masilayan ng
mga sumusudod na henerasyon
Aralin Pangangasiwa ng mga Pinagkukunang
likas na yaman ng bansa.
1

Balikan

Gawain “MULING IBALIK ANG KAHAPON”


Panuto: Tingnan ang bawat larawan at isulat ang MP kung
nagpapakita ng matalinong paraan at DMP kung di- matalinong
paraan ng pangangasiwa sa likas na yaman ng bansa. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. 3.

2. 4.

4
Tuklasin

Gawain: “TEXT TWIST”


Pamaraan:
1. Basahin at unawain ito.
2. Ayusin ang mga titik na ayon sa kahulugan nito.
3. Ang mga salitang mabuo ay isusulat sa iyong sagutang papel
ayon sa gabay na pagkasunud-sunod: (1)_________NG
(2)____________ sa (3)___________ ng (4)______________, na
(5)_____________ ng bansa.

1. MTNALAIO – matalas ang pag-iisip


2. AAAGAPPSYP – disisyong nararapat sa isang sitwasyon
3. IAASNNGGPAWA – pagkuhang impormasyon hingil sa isang
pangyayari.
4. SALKI – sadyang nandiyan na, hindi na kinakailangang
gawin ng tao
5. MANAY – mga material o di-materyal na sobrang
pinapangalagaan ng tao

Suriin

Paano natin mapangangasiwaan at mapangalagaan ang mga


likas na yaman para umunlad ang isang bansa?
Ang ating mga kalupaan at katubigan ang mga
pinagkukunan ng likas na yaman ng bansa. Sa matalinong
pangangasiwa ng mga ito nakasalalay ang kaunlaran ng bansa.
Yumayaman ang isang bansa kung wasto ang pangangasiwa ng
mga mamamayan sa kanilang mga likas na yaman at sila ay
nagkakaisa sa pangangalaga ng mga ito.
Ibang iba ang kalagayan ng mga rehiyon sa ating bansa
hinggil sa pinagkukunang yaman at produkto. May mga rehiyon
na sagana sa likas na yaman ngunit kulang naman sa yamang tao.
May mga rehiyon namang may makabagong teknolohiya ngunit

5
salat sa mga likas na yaman o sa mga magagaling na maggagawa.
Mayroon ding rehiyon na may mahuhusay na maggagawa at
sagana sa likas na yaman ngunit may kakulangan at suliranin sa
teknolohiya o kagamitang kinakailangan sa paggawa.Dahil dito,
kailangang magsikap ang mga mamamayan na magamit at
malinang nang maayos at wasto ang kanilang pinagkukunang-
yaman. Dito nakasalalay ang pagkakaroon ng isang maunlad at
matatag na kabuhayan na hindi para sa pansariling kapakanan
kundi para na rin sa kabutihan ng buong sambayanan sa
kasalukuyan at maging sa darating na panahon.
Nagpatupad ang DENR (Departmant of Environment and
Natural Resources) ng proyekto at programa upang maisaayos ang
kapaligiran at likas na yaman ng bansa. Ang mga gawaing ito ay
nakatuon sa pangangalaga, pagpapanatili, pangangasiwa,
paglinang, pagprotekta, at pagtataguyod ng wastong paggamit ng
mga likas na yaman sa ating bansa.

Ang likas na yaman ang pangunahing pinanggagalingan ng


ikabubuhay ng mga tao. Isa ito sa mga sangkap sa pagkakaroon
ng maunlad at masaganang kabuhayan ng isang lugar.
Tinutugunan nito ang ilang pangangailangan ng mga
mamamayang nakatira dito. Maraming lugar, lungsod at lalawigan
sa ating bansa ang maunlad dahil sa matalino at wastong
pangangasiwa ng kanilang likas na yaman. Isa na rito ang
lalawigan ng Palawan na kilala at tampok sa magagandang lugar,
masaganang yamang-dagat, gubat at malinis na kapaligiran. Sa
patuloy na pag-unlad ng kanilang lugar, hindi nila hinahayaan na
masira ang kanilang kabundukan, yamang tubig na dinarayo ng
mga turista. Isa pang halimbawa ay ang maunlad at masaganang
Lungsod ng Davao. Ang lugar na ito ang pinagkukunan ng
maraming prutas at iba pang produkto na ipinagbibili sa loob at
labas ng bansa. Dahil na rin sa maingat na pangangasiwa ng mga
yaman nito kaya dumarami pa ang nagnanais magnegosyo o mag-
invest dito. Kaakibat ng pag-unlad ng mga lugar sa bansa, hindi
nalilimutan ng mga Pilipino na ingatan ang mga likas na yaman
upang mapaunlad ang kalakalan at turismo. Kabilang sa mga
pook na ito ay ang Lungsod ng Baguio, Lungsod ng Tagaytay,
Lungsod ng Cebu, at Isla ng Camiguin. Ang turismo ay
pangunahing susi sa pag-unlad ng isang bansa.

Pagyamanin

6
Gawain: “HULA TITIK”
Panuto: Hulaan ang unang titik ng bawat salita upang mabuo
ang islogan. Ang unang titik lamang ng salita ang
iyong itala sa iyong sagutang papel.

a. alikasan ating ingatan sapagkat pangunahing


pangangailangan ito ang pinagkukunan.
b. lagaan nating mamamayan ang ating likas na
yaman biyaya ito ng maykapal.
c. ikas na yaman ating nasilayan kaya dapat nating
ingatan
d. ngatan ang kapaligiran natin dahil bigay ito ng
Diyos tulad ng sariwang hangin.

e. apaligiran na puno nang kagandahan kahit kailan


masisilayan kung mga tao’y pinaka-iingatan.
f. asahan kita kaibigan, katuwang sa pangangalaga
ng ating kapaligiran.
g. asagipin natin mga nasirang tanawin, makilahok
programang kalikasan ating palawigin.
h. bot kamay nating gawin, mapanatiling malinis
kapaligiran upang turista’y maakit sa lugar natin.

i. akasalalay ang lahat, mabuting pangangasiwa sa


likas na yaman ng bansa siguradong aangat.

Tingnan ang mga titik na iyong sagot, may nabuo ka bang salita?
Anong salita ito? Ano ang kahulugan ng salitang iyong nabuo?

Isaisip
Gawain : “ PUZZLE O PALAISIP-AN ”
Sagutin ang hinihinging impormasyon sa bawat
Panuto: bilang upang mabuo ang mga salita sa kahon.
Bilugan ang mga hinahanap na salita sa palaisipan.

7
1. Ito ay natural na nilikha ng Diyos na nagbibigay ng mga
pangangailangan ng tao.
2. Anong pangangasiwa ang dapat gawin sa ating likas na
yaman upang umunlad ang bansa?
3. Maliban sa salitang alagaan, ito ay dapat nating gawin sa
ating mga likas na yaman.
4. Ano ang uunlad kung mabuti ang pangangasiwa sa likas
na yaman?
5. Sino ang may likha ng ating mga likas na yaman?
H Y S A N O S U M B H F J K F C A E B A
G A O G I N A G H I I B I G I N B N W U
I M N K S A N G A S D F G H J J K I Z J
N A O A M P A N G I N O O N Q G S B X N
X N A L A L I B A N S A I E W A A N C M
S B N I K L I K A S R T Y G G U I U V P
A N G K U N J K G S C G H N T U B Y B F
G N M A T A L I N O N G A N S A P T N N
Q G A S G A N I D C A G E L I G A R N A
S A T N N L A G R G N L I K A N N A N H
A T U A A A K M E A G I N K A A H K G A
W A R Y H G R I P N W M M N A A N A M G
I U A A K A I G N Q K A A G G K O H A A
A H L M I N N H A Y R Y S A L A A A B L
O A A A L I O G R L I G L I W A T L U A
M G N N T J A A E E Z A T U U N I A T H
S H G U S G L B N N H N D A P A N G I A
I B B G B S A H I A L A H I B A G A H P
N A I N A Y S A P N B A M A L I B A O N
M D S A G A G N G I S N N N G M G A N X

Isagawa

Napag-aralan mo na kung ano ang kahalagahan ng matalinong


pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng bansa.
Bilang isang mag-aaral, sumulat ng islogan sa kapat ng kartolina
na may buod tungkol sa kahalagahan ng matalinong pagpapasya
sa pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng bansa.
Rubric sa Paggawa ng Islogan
Mahusay na Mahusay Hindi Mahusay
Batayan Puntos
Mahusay (2 puntos) (1puntos)

8
(3puntos)

Nakasulat ng Nakagawa ng Hindi naipakita


Pagkamalikhain isang islogan sa isang islogan sa ang
50% pinakamalik- malikhaing pagkamalik-
haing paraan paraan haing paraan
Kalinisan at Malinis ngunit Hindi malinis at
Malinis at
kaayusan sa hindi gaanong walang
maayos ang
pagsulat maayos ang kaayusan ang
pagkasulat
30% pagkasulat pagkasulat
Naipaliwanag sa
Naipaliwanag Hindi
pinakamalinaw
sa maayos na naipaliwanag
Integrasyon at
paraan ang nang malinaw
20% pinakamaayos
ginawa na ang ginawang
ang ginawa na
islogan islogan
islogan

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng likas na yaman?
A. Ito ay mga bagay na natural na nagmumula sa
kapaligiran.
B. Ito ay ang mabuting pangangasiwa sa likas na yaman
ng bansa.
C. Ito ay ang pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng
mga tao kung magkakaroon ng sakit.
D. Ito ay dumarating na hindi natin namamalayan sa ating
kapaligiran katulad ng pandemya na COVID-19.
2. Anong ahensya ang may programang pagtatanim ulit ng
mga punongkahoy sa mga kalbong kabundukan?
A. DENR
B. DepEd
C. DOH
D. DPWH
3. Ano ang magiging kinalabasan kung matalino ang
pagpapasya sa pangangasiwa ng mga likas na yaman sa
pag-unlad ng bansa?
A. Mabilis ang pag-unlad ng isang bansa.
B. Magkakaroon ng negosyo ang bawat pamilya.

9
C. Maraming tao ang makikinabang dahil sa pag-unlad ng
bansa.
D. Magkakaroon ng kaguluhan sa isang bansa dahil sa
mabuting pamumuno ng mga nakaupong mga
opisyales.
4. Ang matalinong pagpapasya sa pangangasiwa ng mga likas
na yaman ng bansa ay nakakatulong ba sa ating ekonomiya?
A. Ewan
B. Hindi
C. Opo
D. Siguro
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga
ng matalinong pagpapasya sa pangangasiwa ng likas na
yaman sa pag-unlad ng bansa?
A. Pagtatapon ng mga bagay sa lupa na maaring maging
sanhi ng polusyon.
B. Ibaon ang mga basurang nabubulok tulad ng dahon,
balat ng prutas, at papel.
C. Pagtatapon ng solid waste sa katubigan nang walang
kaukulang pahintulot mula sa pamahalaan.
D. Pagpuputol ng mga punong kahoy sa kabundukan
upang gamitin sa pagpapabahay at panggatong.
6. Ano ang maidudulot ng pagtatanim ng mga puno at
halaman sa paligid?
A. Ito ay nakakatulong sa pagpigil ng pagdumi ng hangin.
B. Ito ay nakabibigay ng usok at polusyon ng kapaligiran.
C. Nakakasira ito sa ating kalikasan dahil nagbibigay ng
dilim ng ating kapaligiran.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
7. Dahil sa COVID-19 walang face to face learning, kaya ikaw
ay nasa bahay. Ano ang maitutulong mo bilang isang mag-
aaral tungkol sa pagpapahalaga ng matalinong
pangangasiwa ng tamang pagtatapon ng basura?
A. Itatapon ko ang aking basura kahit saan.
B. Itatapon ko ang patay na hayop sa may kanal.
C. Magsusunog ako ng mga plastik at mga papel.

10
D. Maglalagay ako ng tatlong basurahan na may nakasulat
na Nabubulok, Di- Nabubulok, at mapakikinabangan at
ituturo ko ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng
basura sa buong pamilya.
8. Paano nakalalahok ang mga mamamayan sa mga programa
ng pamahalaan na may kinalaman sa pangangasiwa ng mga
likas na yaman?
A. Sumunod sa mga proyekto at programa na inilunsad
ng pamahalaan tulad ng programa ng DENR.
B. Ipagwalang bahala ang proyekto at programa na
natutunan lalo na sa pangangasiwa ng likas na yaman.
C. Gawin ang gusto mo sa mga nakikita mo sa iyong
kapaligiran, mabuti o di-mabuti para sa iyong sariling
kapakanan.
D. Gawin ang gusto mo sa mga nakikita mo sa iyong
kapaligiran, mabuti o di-mabuti para sa iyong sariling
kapakanan.
9. Anong pangangasiwa ang dapat gawin sa likas na yaman
upang umunlad ang isang bansa?
A. Hindi mabuting pangangasiwa sa likas na yaman
B. Pagpapahalaga sa matalinong pangangasiwa sa likas na
yaman upang umunlad ang isang bansa
C. Pagpapabaya na pangasiwa ng likas na yaman upang
may pagkakataon ang mga taong mapagsamantala
D. Pansariling pangangasiwa ang kailangan upang maging
mayaman ang bawat mamamayan
10. Bakit kailangang pahalagahan ang matalinong
pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng isang
bansa?
A. Upang maging masaya ang bawat pamilya
B. Upang makapaglakbay ang mga tao sa iba’t ibang lugar
C. Upang maging mayaman ang lahat ng mga tao sa bansa
D. Upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga tao

Karagdagang Gawain

11
Panuto: Isaulo ang tulang ito.
Kahalagahan Likas na Yaman
ni: Anabelle N. Nimer
Kalikasan nagbibigay ng pangangailangan
Likha ng Diyos ating pahalagahan
Mga bagay na natural na nagmula sa kapaligiran
Likas na yaman dapat iingatan.

Tayong mga tao na binigyan ng kaisipan


Matalinong pangangasiwa sa ating likas na yaman
Bagkus ito’y pangangailangan, pinagkukunan
Kahalagahan nito’y isabuhay at itanim sa kaisipan.
Buhay ng kalikasan ay buhay na walang hanggan
Kung mapapanatili at mapaunlad ang kagandahan
Magagawa ito ng mga taong kasalukuyan
Upang mga susunod na henerasyon kanilang masisilayan.
Likas na yaman, buhay ng mamamayan
Ito’y pinagkukunan ng pangunahing pangangailangan
Kaya tayong Pilipino ugaliing alagaan
Mga likas na yaman, ito’y ating kayamanan.

Aralin Pangangasiwa at Pangangalaga ng


2 Pinagkukunang Yaman ng Bansa.

Balikan

“Ipares Mo Ako”
Panuto: Pagdugtungin ang salita sa Hanay A sa kanyang
katuturan na nasa Hanay B. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
A B
1. Pamilya A. isang lugar kung saan ang mga
estudyante o mag-aaral ay
magkakaroon ng kaalaman
2. Paaralan B. lugar kung saan ang mga taong
naniniwala ay
sama-samang sumasampalataya
sa Panginoon

12
3. Pamahalaan C. pinakamaliit na kasapi
ng lipunan
4. Simbahan D. isang organisasyon na may
kakayahan na gumawa at
magpatupad ng batas sa
isang nasasakupang teritoryo
5. Mamamayan E. tumutukoy sa grupo
ng mga tao sa isang yunit ng
pamayanan
F. ito ang isa sa malaking
pinagkukunan ng trabaho
at suporta ng mga mamamayan
maliban sa naibibigay na
serbisyo ng gobyerno.

Tuklasin

Basahing mabuti ang tula. Intindihin itong mabuti upang


masagot ang mga katanungan tungkol dito.

Kalikasan Ating Pangalagaan


ni: Imee P. Cacpal
Ako ay isinilang sa isang liblib na baryo
Kung saan ang mga punong kahoy ay malalago
Mga ibong pagod sa kalilipad doon dumadapo
Ganito ko ilarawan ang baryong nakagisnan ko.

Tuwing umaga pagdungaw ko sa bintana


Lamig ng simoy ng hangin aking nadarama
Sikat ni Haring araw aking nakikita
Na tila ba pati siya ay masayang-masaya.

Habang papataas ang sikat ng araw


Oras na naman upang sa ilog ay magtampisaw
Sa kulay asul na tubig na sobra ang linaw
Kitang-kita ang mga isda na tila ba’y sumasayaw.

Pag-uwi sa bahay ako’y lubos na natutuwa


Nakahandang pagkain sa hapag na luto ni ina
Dagdagan pa ng prutas na sariwang-sariwa
Mula sa mga pananim ng masipag kong ama.

Mga kaibigan dapat ninyong malaman

13
Tayo ay may pananagutan bilang isang mamamayan
Kalikasang bigay ng Maykapal ating pangalagaan
Dahil ito ang ating pinagkukunang yaman.
Panuto: Basahin ang mga tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1.Anong klaseng lugar ang kinalakihan ng may akda ng tula?
A. magulo
B. marumi
C. isang liblib na baryo
D. kakaunti ang mga pananim
2.Sa ikalawang saknong ng tula, ano ang kanyang nadarama
pagdungaw sa bintana?
A. pagkalungkot
B. init ng panahon
C. pagod sa trabaho
D. lamig ng simoy ng hangin
3.Aling saknong ng tula makikita ang mga yamang lupa?
A. ikaapat
B. ikalawa
C. ikalima
D. una
4.Ang mga sumusunod na pangungusap ay gustong iparating sa
atin ng tulang ito MALIBAN sa
A. Putulin ang mga kahoy upang magkapera.
B. Hayaan ang mga ibong dumapo sa mga
punongkahoy.
C. Panatilihing malinis ang ilog upang mabuhay ang
mga isda.
D. Ipagmalaki ang mga produkto na galing sa ating
kalikasan.

Suriin
May alam ka ba tungkol sa pananagutan ng bawat kasapi sa
pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang-yaman ng
bansa?
Panuto: Pagmasdan ang dalawang larawan. Sagutin ang
sumusunod na mga tanong sa sagutang papel.

14
Larawan 1 Larawan 2
• Ano ang nakikita mo sa unang larawan?
• Sa ikalawang larawan?
• Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng magandang
tanawin?
• Alin naman sa dalawang larawan ang hindi kanais-nais na
tanawin?
• Sa dalawang larawang nakita, alin ang gusto mo?
Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng
Pinagkukunang-Yaman ng Bansa
Ang kalikasan ay maituturing na pinakamahalaga at
pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoong Diyos sa atin. Ito
ay binubuo ng mga lupain tulad ng kabundukan, kagubatan at maging ng
magagandang tanawin. Gayundin naman ang bahaging tubig tulad ng ilog,
sapa, at karagatan ay biyaya ng Diyos. Ang lahat ng mga ito ay
pinagkukunan ng ating pagkain, inumin, at maging ang mga kagamitang
para sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ang sariwang hangin na ating
nalalanghap ay lubos na nakatutulong sa atin upang tayo ay mabuhay ng
maayos.Masakit isipin na ang ating kalikasan na ating pinagkukunang-
yaman ay unti-unti nang nasisira dahil sa mga taong iniisip lamang ang
kanilang sariling kapakanan. Dahil dito libo-libong mamamayang Pilipino
ang binabawian ng buhay sa pagkagutom at pagkasalanta dahil sa delubyong
naranasan. Ang sanhi ng pagkasira sa ating kalikasan ay halos laganap na
sa buong daigdig. Hayaan na lang ba natin ito?
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kasapi, kabilang dito ang
mga mamamayan, pamilya, samahang pribado, simbahan, at pamahalaan.
Ang bawat kasapi ng lipunan ay may bahaging dapat gampanan at may
pananagutan upang maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng mga
pinagkukunang-yaman ng bansa. Bilang tagapangalaga ng ating kalikasan,
lagi nating tandaan na ang pinagkukunang-yaman ay dapat pahalagahan sa
pamamagitan ng paggamit ng buong husay. Kinakailangan na ito ay
mapangalagaan, maparami at huwag sayangin sapagkat lahat tayo ay
nakikinabang.
Mga Pananagutan ng Pamahalaan

15
Ang pamahalaan bilang isa sa mga pangunahin at mahalagang kasapi
ng lipunan ay may pananagutan sa ating mga pinagkukunang-yaman. Ang
pamahalaan ay nagtalaga ng ahensiya na siyang nangunguna sa
pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran. Ito ay ang Department of
Environment and Natural Resources.(DENR) o Kagawaran ng Kapaligiran at
likas na yaman.

Ang ating pamahalaan ay gumawa ng isang malinaw na batas upang


maagapan ang ating mga pinagkukunang-yaman mula sa pagkawasak. Mula
sa artikulo II, Seksiyon 16 ng Saligang Batas ng 1987, “Dapat pangalagaan
at isulong ng Estado ang karapatan ng sambayanan sa timbang at kanais-
nais na ekolohiya na tugma sa kalikasan.”Dahil sa nasasaad na batas sa
ating Saligang Batas, napakahalagang magkaroon ng maraming batas na
naglalayong panatilihin at proteksiyunan ang mga likas na yaman ng
Pilipinas. Ilan sa mga batas ang PD 1219, RA 428, at PD 705.Coral
Reasources Development and Conservation Decree (PD 1219/PD1698)
Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa
katubigan ng Pilipinas.Republic Act 428. Ito ay isang batas na nagbabawal
sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa
pamamagitan ng dinamita o paglalason.
PD 705 o Selective Logging. Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang
batas ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang
maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan. Ang walang tigil na
pagpuputol ng mga punong kahoy ay dahilan ng pagbaha sa mababang lugar.
Ang mga ugat ng mga puno ang sumisipsip sa mga tubig-ulan at pumipigil
sa pag-agos nito pababa sa kapatagan na nagdudulot ng pagbaha.

Upang lalong mapaigting ang kampanya ng pamahalaan para sa


pinagkukunang-yaman, may mga proyektong ipinatutupad ang pamahalaan
para sa kalikasan gaya ng Oplan Sagip Gubat, Sloping Agricultural Land
Technology (SALT), at Clean and Green Project.
Pananagutan ng Paaralan
Nakasaad sa saligang Batas ng Pilipinas (1987) Artikulo XIV-
Edukasyon, Siyensya at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Sec. 1) –
“Pangangalagaan at itaguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng
mamamayan sa lahat na uri ng edukasyon sa lahat ng antas at magsasagawa
ng mga kaukulang hakbang upang ang nasabing mataas na uri ng edukasyon
ay maging bukas para sa lahat.”Bilang sektor na may direktang ugnayan sa
mga mamamayan lalo’t higit sa mga kabataan, pananagutan ng paaralan na
bigyan ng mataas na uri ng edukasyon at kaalaman ang mag-aaral sa lahat
ng antas ukol sa mga tamang paraan ng pangangasiwa ng bansa at yaman
nito. Tungkulin ng bawat kawani ng sektor ng edukasyon lalo’t higit ng mga
guro na isama sa kanilang kurikulum at pagtuturo ang pagpapahalaga sa
mga yaman ng bansa.

16
Gayundin ang mga paaralan ay dapat manguna sa pakikilahok sa mga
proyektong inilunsad ng pamahalaan tulad ng “Basura Ko, Sagot Ko”, na ang
ibig sabihin ay pananagutan nating itapon ang ating basura sa tamang
paglalagya

Pananagutan ng Simbahan
Ang simbahan ay samahan ng mga taong may iisang paniniwala.
Bilang isang isang kasapi sa lipunan ang simbahan ay may pananagutan na
manghimok sa kanyang mga kasapi na magkaroon ng mataas na
pagpapahalaga sa mga likas na yaman na siya nating pinagkukunan ng
yaman. Gayundin, ipakita ang paniniwala sa pamamagitan ng mga kilos,
prinsipyo, at mabuting gawa lalo na para sa lahat ng bagay na may buhay
gayundin ang pagtatama sa maling gawa ng mga kasapi.

Pananagutan ng Pribadong Samahan


Ang pangangalaga ng kapaligiran at likas na yaman ay higit na
pinalawak sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga pribadong
samahan o ahensiya. Isang halimbawa nito ay ang media na may
pananagutan na maging instrumento sa paglalahad sa mga taong bayan ng
lahat ng kaganapan sa paligid at mga posibleng epekto nito sa kabuhayan ng
bansa. Pananagutan din nila na maglunsad ng mga programang
pantelebisyon o panradyo na maaaring magturo ng iba’t ibang paraan ng
pangangalaga sa ating mga pinagkukunang-yaman. Maaari ding sa
pamamagitan ng mga awitin at dula ay maipabatid sa publiko ang mga
mensaheng pangkapaligiran.
Pananagutan ng Pamilya
Ang pamilya o mag-anak ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng
lipunan, subalit may malaking tungkulin para sa bansa. Pananagutan ng
bawat pamilya na simulan sa kanilang sariling tahanan ang mga wastong
paraan ng pangangalaga sa ating yaman. Tungkulin ng mga magulang na
hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa kalikasan.
Pananagutan ng Mamamayan
Sa mga pangangalaga sa mga pinagkukunang-yaman,nararapat na
kaagapay at katuwang ang mamamayan sa pagpapanatili ng kapaki-
pakinaabang ng likas na yaman ay dapat nang matigil upang mapanatili
ang timbang na ekonomiya ng bansa.
Bilang mamamayan ng bansa, pananagutan natin na:
• hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na makiisa sa pagpapaunlad
at pagliligtas ng kalikasan;
• isabuhay ang anumang natutuhan o nalalaman ukol sa pangangasiwa
ng kalikasan at mga pinagkukunang-yaman;
• tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa hangin, sa
lupa, at sa tubig.
• Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan o kaya ay bumuo ng
samahan ng mga kabataan na tutulong upang mabawasan ang
mga suliranin sa kalikasan.

17
• Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing
pangkalikasan, at
• Magkaroon ng sariling disiplina at gawin ang tama para sa ikabubuti
ng mundong ating ginagalawan.
Ang pagkakaroon ng pananagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao.
Habang maaga, ay simulan natin ang pagtupad sa ating mga pananagutan.
Huwag nating hayaang masira ang ating inang kalikasan. Dapat tayong
kumilos upang tugunan ang problemang ito. Kaya’t sa hamon ng araling ito,
tutugon ka ba?

Pagyamanin

Gawain: “Sagot Mo, Iguhit Mo”


Panuto: Tukuyin kung anong kasapi ng bansa ang gaganap sa mga
sumusunod na pananagutan sa pangangasiwa at pangangalaga sa
likas na pinagkukunang-yaman ng bansa. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

pamahalaan simbahan pamilya paaralan

mamamayan pribadong samahan

1.``Disiplinahin ang miyembro ng pamilya.


2. Ipinatupad ng DENR ang tungkulin nito.
3. Gumawa ng balita tungkol sa kalikasan.
4. Makibahagi sa proyekto ng pamayanan.
5. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mga paraan ng
wastong pangangasiwa ng mga pinagkukunang-yaman.

Isaisip
“Kumpletuhin Mo Ako”
Panuto: Basahing mabuti ang talata. Punan ang bawat patlang
ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat sa sagutang papel.

ekolohiya pangangalaga kaagapay

pangangasiwa kasapi pinagkukunang-yaman

Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang (1)___________ na may kanya-


kanyang pananagutan sa (2)_____________at (3)____________ ng ating likas na

18
(4)_______________________ ng bansa upang maiwasan ang tuluyang
pagkawasak nito at
mapanatili ang timbang na (5)_______________ ng bansa.

Isagawa

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga sumusunod na


pangungusap. Isulat ang Deal sa sagutang papel kung ito ay
pagpapahalaga sa pinagkukunang-yaman, at No Dealnaman kung hindi.
1. Pagtatanim ng punongkahoy sa inyong bakanteng lote.
2. Huwag sumali sa paggawa ng mga materyales pang-adbokasiya tungkol
sa pangangalaga ng pinagkukunang yaman ng bansa.
3. Manghimok ng mga kaibigan na magkaroon ng pagpapahalaga sa
kalikasan.
4. Magtago kung may tumatawag sa iyo na sumali sa programang Tree
Planting sa inyong bayan.
5. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa, at sa
tubig.

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Anong ahensiya ang itinalaga ng pamahalaan upang manguna sa
pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran?
A. DENR
B. DepEd
C. DILG
D. DSWD

2. Ano ang ibig sabihin ng akronim na DENR?


A. Department of Energy and Natural Resources
B. Department of Environment and Natural Republic
C. Department of Environment and Natural Reformation
D. Department of Environment and Natural Resources
3. Anong batas ang naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa
katubigan ng Pilipinas?
A. PD 705
B. RA 428
C. PD 1219
D.RA 9003

19
4. Ito ay isang batas na nagbabawal ng pagbebenta o pagbibili ng isda o
ibang yamang-dagat na hinuli sa pamamagitan ng dinamita o lason.
A.PD 705
B.RA 428
C.PD 1219
D.RA 8749

5. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kasapi na tumutulong sa


pangangasiwa at pangangalaga sa ating likas na pinagkukunang
yaman. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali?
A. Paaralan
B. Palengke
C. Pamilya
D. Simbahan
6. Kayo ay nakatira sa bukid na malapit sa ilog. Nakita mo ang iyong
kapitbahay na nagtatapon ng kanilang basura dito. Bilang isang
mamamayan, paano ka makatutulong sa pangangalaga ng
pinagkukunang-yaman ng bansa?
A. Gayahin ang kanyang ginagawa.
B. Huwag pansinin ang kanyang ginagawa.
C. Tulungan siya upang hindi siya mahirapan.
D. Kausapin siya nang maayos at ipaliwanag sa kanya ang mga
pananagutan ng mamamayan sa pangangalaga sa
pinagkukunang-yaman.
7. Nakita mo ang mga kaibigan mo na pinaglalaruan ang mga maliliit na
puno sa bukirin. Ang iba naman ay pinuputol ito. Alam mong
ipinagbabawal ng gobyerno ang pagpuputol ng mga maliliit na mga
punong kahoy lalo’t wala itong pahintulot mula sa nakatataas. Alin sa
mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Makisali sa kanila.
B. Huwag mo silang isumbong.
C. Panoorin mo sila sa kanilang ginagawa.
D. Pagsabihan silang ihinto ang kanilang ginagawa dahil ito ay labag
sa batas.

8. Nasabi ng kaibigan mo na ang tatay niya ay palaging nakakahuli ng


maraming isda sa karagatan dahil gumagamit ito ng dinamita sa

20
panghuhuli ng isda. Bilang may alam sa batas, alin sa mga sumusunod
na pangungusap ang nararapat mong gawin?
A. Kainggitan ang kaibigan mo.
B. Pagtawanan lang ang sinabi ng kaibigan.
C. Sabihan ang tatay mo na gayahin din niya ang tatay ng iyong
kaibigan.
D. Payuhan ang kaibigan mo na pagsabihan niya ang kanyang ama na
ang paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda ay bawal sa batas
ng ating bansa.
9. Bilang mag-aaral, alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maaari
mong isagawa upang mapangalagaan mo ang likas na pinagkukunang-
yaman ng bansa?
A. Magtatapon ako ng mga basura sa ilog.
B. Sundin ang batas at pangangalagaan ang likas na pinagkukunang-
yaman ng bansa.
C. Sabihan ko si Tatay na magputol ng mga punong-kahoy sa bundok
upang ipabili.
D. Pagtataguan ko ang mga humihikayat na makiisa sa pangangalaga
ng likas na pinagkukunang-yaman.
10.Ang pamahalaan ay nagtalaga ng ahensiya na siyang nangunguna sa
pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran. Bakit kailangang
pangasiwaan at pangalagaan ang ating kapaligiran?
E. Maiwasan ang pagkasira nito.
F. May pagtatapunan ng basura.
G. Maraming mananakaw na punongkahoy.
H. Maraming mahuhuling isda gamit ang dinamita.

Karagdagang Gawain

Panuto: Muling basahin ang tula na “Kapaligiran Ko, Pangangalagaan Ko”.


Isaulo ito at isagawa ang mensaheng gustong iparating ng tulang ito.

21
22
Kagamitan ng Mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ph.327, 331, 333
Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan 4 ph. 66-70
Kagamitan ng mag-aaral sa Araling Panlipunan 4 ph. L.M. pp. 145-152
Antonio, Emilio L. Banlaygas, Jocelyn L. Lagarto.
Kagamitan ng Mag-aaral, Pasig City; Kagawaran ng Edukasyon. Eleanor D.
Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos. 2015 Araling Panlipunan,
Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F.
Edisyon pp.146-167
Kayamanan (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 4) – Binagong
Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral pp. 140-144
Araling Panlipunan 4 Gabay ng Guro pp. 65 -66
Sanggunian
Pagyamanin Tuklasin
Gawain 3 1. C
2. D
Isaisip 3. A
1. Pamilya
2. Pamahalaan 4. A
1. Kasapi
3. Pribadong
2. Pangangasi Suriin (Pangprosesong
wa Samahan
4. Mamamayan tanong)
3. Pangangalag
5. Paaralan
M,
a 1. Tanawinng
4. Pinagkukuna kalikasan
ng-yaman 2. Sirang kalikasan
5. ekolohiya 3. Unang larawan
Isagawa
4. Ikalawang larawan
Balikan 1. Deal 5. Unang larawan
Tayahin
2. No Deal Aralin 2
1. A 1. C 3. Deal
2. B 2. A 4. No Deal
3. C 3. F 5. Deal
Balikan Tayahin Isaisip
4. B 4. B
5. C 5. E 1. MP
Pagyamanin 1.A 1. LIKAS
6. D 2. HMP NA
7. D 3. MP 2.A
a.k YAMAN
8. D 4. HMP
Tuklasin 2. MATAL
9. B b.a 3.C INO
1. MATALINO 3. PAHAL
c.l 4.C
Subukin AGAHA
2. PAGPAPASYA N
d.i 5.B
1. B 4. BANSA
3. PANGANGASIWA
2. C f. k 6.A 5. PANGI
3. C 4.LIKAS NOON
4. D g. a 7.D
5. B 5. YAMAN
6. B h. s 8.A Isagawa
(1.) MATALINONG
7. D
i. a (2) PAGPAPASYA sa 9.B Iba iba ang
8. D
(3) PANGANGASIWA
9. D
Aralin 1
j. n ng (4) LIKAS na (5) 10.D
10. C YAMAN ng bansa.
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito
ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
prosesong paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Printed in the Philippines by Department of Education –
SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

You might also like