You are on page 1of 16

4

Edukasyong Pangkatawan
Ikalawang Markahan- Modyul 2
Pagpapalakas at Pagpapatatag ng Kalamnan
Sa Larong Agawang Base
Code: PE4GS-IIc-h-4
Edukasyong Pangkatawan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagpapatatag at Pagpapalakas ng Kalamnan sa
Larong Agawang Base
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gerald O. Bonustro, Ronnie V. Magbitang


Patnugot: Gliceria S. Reyes, Romulo J. Roxas Jr.
Tagasuri: Melanie M. Ramirez, Monica L. Perez, Ma Leonor D. Victor, Concepcion C. Reyes,
Jose Patricio B. Perez, Dolor Divina S. Martin
Tagaguhit: Emilio C. De Lara, Jerry T. Santos
Dibuhista: Gerald O. Bonustro, Ronnie V. Magbitang

Tagapamahala:

Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Marquez T. Cartel
EPS – MAPEH
Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan Email address:
lrmdsbulacan@deped.gov.ph
4
Edukasyomg Pangkatawan
Ikalawang Markahan- Modyul 2
Pagpapalakas at Pagpapatatag ng Kalamnan
Sa Larong Agawang Base
Code: PE4GS-IIc-h-4
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pangkatawan 4 Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagpapatatag at Pagpapalakas ng
Kalamnan
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit


sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pangkatawan 4 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Pagpapalakas at Pagpapatatag ng Kalamnan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng layunin sa


Alamin pagkatuto na inihanda upang maging gabay sa
iyong pagkatuto.

Ito ay mga pagsasanay na sasagutin upang


Subukin masukat ang iyong dating kaalaman at sa
paksang tatalakayin

Ang bahaging ito ay may kaugnayan sa


Balikan nakaraang aralin at sa iyong bagong
matututunan

Ipakikilala ang bagong aralin sa pamamagitan


Tuklasin ng gawaing pagkatuto bago ilahad ang paksang
tatalakayin

Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan ng gawain


Suriin sa pagkatuto upang malinang ang iyong
natuklasan sa pag-unawa sa konsepto.

Ito ay mga karagdagang gawain na inihanda


para sa iyo upang ikaw ay magiging bihasa sa
mga kasanayan.
Pagyamanin

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

iii
Ito ay mga gawaing dinisenyo upang maipakita
Isagawa ang iyong mga natutunan na kasanayan at
kaalaman at ito ay magamit sa totoong
sitwasyon.

Ang pagtatasang ito ay ginamit upang masusi


Tayahin ang inyong antas ng kasanayan sa pagkamit ng
layunin sa pagkatuto

Ito ay mga karagdagang gawaing pagkatuto na


Karagdagang dinisenyo upang mas mahasa ang iyong
kasanayan at kaalaman.
Gawain

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


A. natatalakay ang larong Agawang Base;
B. natutukoy ang kahalagahan ng laro sa pagpapaunlad ng mga
sangka ng physical fitness;
C. natutukoy ang kahalagahan ng bilis sa pagkapanalo sa laro.

Subukin

Panuto: Isulat sa sagutang papel. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang larong Agawang Base ay isang invasion game, tulad ng


___________________.
A. luksong baka B. patintero
C. piko D. tagu-taguan

2. Kailangan ng _________ upang maihanda ang katawan sa larong


Agawang Base.
A. bola B. lubid
C. tagpuan D. warm up

3. Nakakatulong sa pagpapalakas at pagpapatatag ng _________ ang


paglalaro ng Agawang Base.
A. buto B. kalamnan
C. isip D. paningin

4. Ang larong Agawang Base ay nagpapaunlad sa ______ at _____


sa pagtakbo at paggalaw.
A. bagal at usad B. bilis at liksi
C. hila at tulak D. pag-upo at pagtayo

5. Kailangan ng _______ at pag-iingat sa larong Agawang Base.


A. bagal B. dunong
C. husay D. liksi

1
Balikan

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga gawaing pisikal na nagpapalakas ng kalamnan?


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Ano-ano naman ang mga gawaing pisikal na nagpapatatag ng


kalamnan?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Tuklasin

Ang Agawang Base ay isang larong Pinoy. Ito ay isang halimbawa ng


invasion game, tulad ng patintero. Ito ay karaniwang nilalaro ng dalawang
koponan. Ang bawat koponan ay binubuo ng lima o higit pang manlalaro.
Ang layunin ng larong ito ay maagaw ang base ng kalabang pangkat. Isa
pang layunin nito ay mataya ang manlalaro ng kabilang koponan para
gawing preso.

2
Pamamaraan sa Paglalaro ng Agawang Base

1. Bumuo ng dalawang (2) pangkat na may parehong dami ng manlalaro.


2. Ang bawat pangkat na may base o bahay. Ito ay maaaring puno ng
palatandaang kahoy, malaking bato, o anumang puwedeng gawing
base ng bawat koponan.
3. May guhit na linya sa gitna na maghahati sa dalawang base ang bawat
pangkat o koponan.
4. Kailangang may maiiwang isa na tagababantay sa kanilang base para
hindi ito makuha o maagaw, habang ang ibang kasapi ng pangkat ay
susubukang agawin ang base ng kabilang koponan.
5. Kapag lumampas sa linya ang isang kasapi ng koponan o manlalaro,
kailangang habulin ng kalaban upang hulihin. Ito ay dadalhin sa
kanilang base bilang preso at kailangang bantayan upang hindi
makatakas.
6. Maaari lamang makalaya ang presong manlalaro kung mahahawakan
ng kakampi at maaari na itong maglaro muli.
7. Kapag ang baseline ng pangkat ay nataya ng kalaban nang hindi siya
natataya, maaari ding manalo kung lahat ng kasapi sa kabilang
koponan ay nahuli na.

3
Ang Agawang Base tulad ng piko, habulan, patintero, at iba pang laro
kasama ang mga kaibigan o kamag-aral ay kasiya-siya. Bukod sa
kasiyahan, nililinang din ang iba’t ibang mga sangkap ng fitness tulad ng
lakas ng kalamnan, tatag ng kalamnan, bilis, at liksi.

Kailangang maliksi at mabilis ang mga manlalaro ng Agawang Base


upang maagaw ang base at hindi mahuli ng kalaban. Sapagkat sa oras
na malibang ang isa sa mga manlalaro, maaagaw ang base at matatalo
ang kalabang koponan.

Suriin

Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at


MALI kung mali.

______1. Layunin ng larong Agawang Base ang maagaw ang pinuno ng


kalabang koponan.
______2. Kailangang mayroong maiwang tagapagbantay sa bawat base
ng koponan o manlalaro.
______3. Preso ang tawag sa nahuling kasapi ng kalabang koponan.
______4. Kailangang magkaiba ng bilang ang bawat manlalaro sa
Agawang Base.
______5. Isang uri ng larong pinoy ang larong Agawang Base.

4
Pagyamanin

Malayang Gawain 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung tama ang pahayag at
malungkot na mukha kung mali.

_______1. Ang larong pinoy tulad ng Agawang Base ay kinapapalooban


ng mga kakayahang sumusukat sa physical fitness.
_______2. Kailangan ng liksi sa paglalaro ng Agawang Base.
_______3. Ang larong Agawang Base ay sumusukat din sa lakas ng
kalamnan at tata ng alooban.
_______4. Ang mahusay na manlalaro ay handang tanggapin ang
pagkatalo sa bawat larong sasalihan nito.
_______5. Ang bilis at koordinasyon ay mga sangkap din ng physical
fitness na nagagamit sa larong Agawang Base.

Malayang Gawain 2

Panuto: Punan ang mga patlang ng mga salita at piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

Agawang Base bilis at liksi masakop at maagaw


physical fitness taya tagabantay

1. Ang larong Agawang Base ay nakatutulong sa pagpapatibay ng lakas


ng kalamnan na siyang sangkap sa _____________________.
2. Kailangan ng _________ at ________ sa larong Agawang Base.
3. Ang _____________ ay isang larong Pinoy. Ito ay isang halimbawa ng
invasion game, tulad ng patintero.
4. Kailangan na may maiiwang isa na ______________ upang hindi
maagaw ang kanilang base ng kalabang koponan.
5. Layunin ng larong Agawang Base ang ___________ at ___________
ang base kalabang koponan.

5
Malayang Gawain 3

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel

1. Batay sa iyong natutunan, ano-ano ang mabuting naidudulot ng


paglaro ng Agawang Base sa kalusugan?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Anong magandang kaugalian ang kailangang taglayin ng isang
manlalaro ng Agawang Base?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

1. Paano nilalaro ang Agawang Base?


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Paano nakakatulong sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng physical
fitness ang paglaro ng Agawang Base?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang bilis sa paggalaw sa ganitong laro?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

6
Isagawa

Panuto: Isagawa ang mga pisikal na gawain. Lagyan ng tsek (√ ) kung


naisagawa at ekis ( x ) kung hindi.

Mga Gawain Naisagawa Hindi Naisagawa


1. Maliksing kilos sa pagtakbo
2. Mabilis na paraan ng paglalakad
3. Pag - unat ng mga kamay at paa
4. Tamang paghinga ng malalim
5. Tamang pagbuga ng hangin

Tayahin

Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) kung ang pahayag ay tama, at ekis (×) naman
kung mali.

______1. Ang larong Agawang Base ay kinapapalooban ng mga sangkap


na nagpapaunlad ng physical fitness at sumusukat sa
pagkakaisa ng miyembro ng koponan.
______2. Ang Agawang Base ay isang larong Pinoy kung saan aagawin
ng isang koponan ang pinuno ng kalabang koponan.
______3. Maliban sa kasiyahang nadudulot ng paglalaro, nalilinang din
ang lakas ng kalamnan, tatag ng kalamnan, bilis, at liksi sa
paggalaw.
______4. Mahalaga ang bilis at liksi sa paggalaw upang manalo sa larong
ito.
______5. Walang mabuting naidudulot sa kalusugan ang paglalaro ng
Agawang Base.

Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga natutunan o naging


karanasan mo sa paglalaro ng Agawang Base.

7
8
Pagyamanin
Gawain 3
Maaaring magkakaiba ang
sagot
Tayahin Pagyamanin
Gawain 2
1. / 1. physical fitness
2. X 2. bilis at liksi
3. / 3. agawang Vase
4. tagapagbantay
4. / 5. masakop at maagaw
5. X
Pagyamanin
Gawain 1
1.
Isagawa
2.
Maaaring magkakaiba ang 3.
sagot
4.
5.
Suriin Subukin
1. MALI 1. B
2. TAMA 2. D
3. TAMA 3. B
4. MALI 4. B
5. TAMA 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ampong, Amphy B., Evangelista, Teresita T., Forniz, Grace M., Jimero, Ruby T., Meneses Jr.,
Sonny F., Pena, Rhodora B., Sabas, Julia B., Santos, Genia V. Ph.D. Edukasyon,
Kagawaran ng “Kagamitan ng Mag-aaral” sa Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan – Ikaapat na Baitang: Kagamitan ng Mag-aaral, VICARISH Publication
and Trading, Inc., 2015

Evangelista, Teresita T., Forniz, Grace M., Jimeno, Ruby T., Meneses Jr., Sonny F., Sabas,
Jullia B., Santos,Genia V. Ph.D., Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang
Pilipino: Kagamitan ng Mag-aaral,Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, pp.4-11.
VICARISH Publication and Tradig, Inc., 2015

Department of Education, Most Essential Learning Competencies in P.E. (Physical Education)


page 322

9
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like