You are on page 1of 22

4

MAPEH-ARTS
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Pagpipinta :
Kultura ng Pangkat Etniko

1
Arts – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Kultura ng Pangkat Etniko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Agnes V. Castañeda

Editor: Gina DG. Siapco


Ma. Cristina T. Marcelo

Tagasuri: Mark Anthony B. Vasallo

Tagaguhit: Roderick L. Valondo

Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr..Ed.D.


Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, Ph.D
Education Program Supervisor-LRMDS
Agnes R. Bernardo, Ph.D.
EPS-Division ADM Coordinator
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Marquez T. Cartel
EPS-MAPEH Arts
Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Capitol Compound Guinhawa
St., City of Malolos, Bulacan Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

1
4
Arts
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Kultura ng Pangkat Etniko

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts sa Ika-apat na
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pagpipinta: Kultura ng Pangkat –Etniko.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,


makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

3
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts sa Ika-apat na
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagpipinta: Kultura ng Pangkat- Etniko.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

4
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung ano ang natutuhan
mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

5
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot


Pagwawasto sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul


na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang


gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

6
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

7
Alamin

Ang modyul na ito ay nilikha upang palawakin ang kaalaman at


hubugin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-apat na baitang sa
larangan ng pagpipinta .
Ito ay inihanda upang pagyamanin ang iyong kaalaman at
kasanayan ukol sa pagpipinta ng mga larawang nagpapakita ng
pagpapahalaga sa Kultura ng Pangkat Etniko.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natatalakay ang kultura ng mga pangkat- etniko sa


pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-IIC)
2. Naiguguhit at naipipinta ang larawan ng kultura ng mga
pangkat –etniko sa pamamagitan ng water color.
3. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kultura ng mga pangkat
–etniko sa pamamagitan ng watercolor painting.

8
Subukin

Suriin natin ang iyong angking kaalaman sa katangian ng


kulay.

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na mga salita. Pumili ng sagot


mula sa mga salita sa kahon sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang isang kulay ay maaaring magkaiba-iba sa paningin dahil sa


iba’t ibang katangian nito na tinatawag na kapusyawan o
kadiliman ng kulay o __________________.
2. Ang _____________ na kulay ay maliwanag tingnan.
3. Ang madilim na kulay naman ay ____________ tingnan.
4. Ang kapusyawan o kadiliman ng kulay ay magagawa sa
pamamagitan ng ____________ ng puti, abo o itim sa orihinal na
kulay.
5. Sa watercolor painting, naipakikita ang tamang value sa
pagkulay sa pamamagitan ng pagdadagdag ng _____________.

tubig malungkot value of color kulay

mapusyaw pagdadagdag pagbabawas

9
Aralin Pagpipinta: Kultura ng
3 Pangkat-etniko

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutuhan natin ang paggamit ng


overlapping technique sa pagpipinta. Narito ang maikling
pagsubok.

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang guhit kung ang larawan ay


ginamitan ng overlapping technique at ekis ( X) kung hindi. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

1. 4.

2. 5.

.
3.

10
Tuklasin

Tingnan ang mga larawan sa ibaba.


Ano anong mga gawain ang ipinakikita dito?

Ang mga gawaing ito ay ilan lamang sa mga gawain na ginagawa ng


mga tao sa pamayanang kultural bilang bahagi ng kanilang kultura.

11
Suriin

Ang iba’t ibang pang pangkat–etniko sa pamayanang kultural ay


may mga sinaunang kultura na pinagyayaman pa rin hanggang sa
kasalukuyan . Karamihan ay sinaunang gawain o nakagisnang gawain
upang ipagdiwang ang kahalagahan ng buhay.

Kadalasan, ang kultura ng mga pangkat-etniko ay may kaugnayan


sa kanilang hanapbuhay. Pagkakaingin, pagsasaka, pangingisda at
pangangaso ang pangunahing pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay.

Maraming pangkat-etniko ang naniniwala sa dasal at


pananampalataya. Sila ay nagdaraos ng selebrasyon at ritwal tuwing may
kasalan, sa panggagamot, kapanganakan, paglilibing, at paglalakbay.
Nag-aalay din sila ng hayop bilang pasasalamat sa mga pangyayari.

Suriin ang mga larawan ng pangkat-etniko sa ating bansa sa ibaba.

12
Kilala ba ninyo ang mga pangkat–etnikong ito?

Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan? Tama kayo. Makukulay


ang mga larawang ito na nagpapakita ng mga kasuotan at gawain ng mga
pangkat etniko. Ang mga larawang ito ay ginawa sa pamamagitan ng
pagpipinta.

Alam ba ninyo na ang sining ng pagpipinta ay nakatutulong upang


maipahayag ang pagiging malikhain sa pagpapakita ng value sa pag-
kulay? Sa watercolor painting, maaaring makalikha ng ibang epekto sa
likhang sining.

Ang value ay sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawan at


kadiliman nito. Ang bahagi ng larawan na maliwanag ay may mapusyaw
na kulay subalit ang malalayong bagay at di naabot ng sinag ng araw ay
may madilim na kulay.

Sa watercolor painting, naipakikita ang tamang value sa pagkulay


sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tubig. Ang pagpahid ng watercolor
na may kakaunting tubig o ang paghahalo ng itim ay nakapagpapalabas
ng madilim na kulay. Maaari namang dagdagan ng tubig o maghalo ng
puti upang maipakita ang mapusyaw na kulay.

13
Suriing muli ang larawang ito. Ano anong kulay ang makikita rito?
Paano kaya nagawang maging mapusyaw ang madilim na kulay? Paano
naman nagawang maging matingkad ang malamlam na kulay?

Pagyamanin

Upang pagyamanin ang iyong natutunan sa aralin, ihanda ang


sarili sa pagsasagawa ng sumusunod na gawaing pansining. Gamitin
ang watercolor sa pagkukulay.

Gawin A.

Panuto: Gamitin ang kasanayang natutunan sa kapusyawan at


katingkaran ng kulay sa pagkukulay ng mga larawan sa ibaba. Gawing
basehan ang mga larawang may kulay sa kaliwa. Isagawa ito sa isang
puting papel.

14
Naisagawa mo na ang wastong pagkukulay sa Gawain A. Ngayon
naman, bilang pagpapahalaga sa mga pangkat-etniko sa ating bansa,
gawin ang sumusunod na gawain.

Gawain B. Value sa Pagkukulay

Kagamitan: lapis, watercolor, lalagyan ng tubig, brush, bondpaper

Mga pamamaraan:
1. Umisip ng disenyo mula sa napag-usapan o nakitang larawan sa
Luzon, Visayas at Mindanao ng komunidad na nais mong iguhit. Ito
ay maaaring gawain sa araw-araw o tradisyon na ginagawa sa
inyong lugar.
2. Iguhit sa pamamagitan ng lapis.
3. Maglagay ng dyaryo sa ilalim ng papael bilang sapin sa mesang
paggagawaan.
4. Isawsaw ang brush sa watercolor at ipangkulay ayon sa kulay na
bagay. Ulit ulitin ang pagpipinta hanggang makuha ang nais na
value.
5. Dagdagan ng kulay kung nais na maging madilim at tubig at puti
naman kung gusting maging mapusyaw.
6. Patuyuin.
7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

15
Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang antas ng iyong naisagawa
batay sa rubrik at pamantayan na nasa ibaba.

Napakahusay Mahusay Nangangailangan


ng karagdagang
PAMANTAYAN pagsasanay

(3) (2) (1)


1. Naiguhit at
nakulayan ko ba ang
larawan ng kultura sa
sariling komunidad?
2. Naipakita ko ba sa
aking larawan ang
kapusyawan at
kadiliman ng kulay?

3. Nasiyahan ba ako sa
paggamit ng
watercolor bilang
midyum sa paggawa
ng likhang-sining?
4. Naipagmalaki ko ba
ang aking likhang-
sining sa
pamamagitan ng
watercolor painting?

Isaisip

Sa isinagawang gawain, ano ang iyong natutunan?


Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa sagutang papel
ang tamang sagot.

1. Paano naipakikita ang value ng kulay sa pagkukulay?

16
2. Paano mo nagagawang madilim at mapusyaw ang kulay ng
disenyo?

3. Paano mo mapahahalagahan ang kultura ng mga pangkat–etniko


sa ating bansa?

Tandaan:

Sa watercolor painting, naipakikita ang tamang value sa pagkulay


sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tubig. Ang pagpahid ng watercolor
na may kaunting tubig ay nakapagpapalabas ng madilim na kulay. Maaari
namang dagdagan ng tubig upang maipakita ang mapusyaw na kulay. Sa
pamamagitan ng value, nagiging makatotohanan ang dating ng larawan.

Isagawa

Ang pagdaraos ng kapistahan ay bahagi ng kultura ng iba’t-ibang


pangkat-etniko sa Luzon tulad ng pangkat –etnikong Tagalog. Nagiging
masaya ang pagdaraos ng pista sa pamamagitan ng pagsasabit ng
mga makukulay na banderitas sa bawat barangay.

Upang magamit ang iyong natutunan sa aralin sa value ng kulay,


iguhit ang banderitas na nais mo para sa pista ng inyong barangay.
Gawing makulay at makatotohanan ang iyong ipipintang banderitas sa
paggamit ng value ng kulay.

Kagamitan: lapis, watercolor, lalagyan ng tubig, brush, bondpaper

Mga Pamamaraan:
1. Iguhit ang banderitas sa isang puting papel.
2. Maglagay ng dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang
paggagawaan.
3. Isawsaw ang brush sa watercolor at ipangkulay ayon sa kulay ng
banderitas na iyong nais. Ulit ulitin ang pagpipinta hanggang
makuha ang nais na value.
17
4. Dagdagan ng kulay kung nais na maging madilim ang kulay at tubig
at puti naman kung gustong maging mapusyaw. Gawing makulay
ang iyong banderitas.
5. Patuyuin.
6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

18
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong


sagutang papel.
1. Anong sangkap ng kulay ang tumutukoy sa paglalagay ng
mapusyaw at madilim na kulay sa isang larawan?
a. Hue c. Value
b. Intensity d. Contrast
2. Bukod sa linya at hugis, ano ang nagbibigay ganda sa isang
disenyo lalo na sa disenyong palamuti at kasuotan?
a. Tekstura c. Espasyo
b. Kulay d. Porma

3. Sa paanong paraan nakalilikha ng mapusyaw na kulay?


a. Pagkukuskos ng pintura
b. Paghahalo ng puting kulay
c. Paglalagay ng ibang kulay
d. Pagpapatuyo sa mga kulay
4. Kung hinahaluan ng itim na kulay ang isa pang kulay, anong kulay
ang maaaring malikha?
a. Malamlam na kulay
b. Mapusyaw na kulay
c. Matingkad na kulay
d. Maliwanag na kulay
5. Sa watercolor painting, paano nagiging mapusyaw ang isang kulay?
a. Dagdagan ng tubig ang pintura
b. Dagdagan ng matingkad na kulay ang tubig
c. Dagdagan ng dilaw ang isang kulay
d. Dagdagan ng itim ang isang kulay

19
Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang gawain o tradisyon na ginagawa sa


inyong tahanan.Pintahan ito sa pamamagitan ng watercolor.

Mga Tala para sa Guro


Gabayan ang mga bata sa kanilang gawain na
makikita sa rubrik.

Gawain Pinakamahusay Mahusay Nangangailangan


(3) (2) ng Pagpapaunlad
(1)
1.Naiguguhit at
nakulayan ang
larawan ng kultura
sa sariling
Komunidad
2. Naipakita sa
larawan ang
kapusyawan at
kadiliman ng kulay
3. May tiwala sa
sarili sa pagguhit at
pagkulay ng tama
4. Natapos ang
sining ayon sa
takdang oras o
panahon.
5. Naipagmalaki
ang likhang sining
sa pamamagitan ng
watercolr panting.

20
Susi sa Pagwawasto

tubig 5. 5. x 5. a
pagdadagdag 4. 4. x 4. c
malungkot 3. 3. 3 .b
mapusyaw 2. 2. 2. b
value of color 1. 1. 1. c

Subukin Balikan Tayahin

Sanggunian
Musika at Sining 4-LM pahina 186-188
Musika at Sining 4-TG pahina 235-238

https://www.slideshare.net/edithahonradez/mapeh-quarter-2-autosaved
https://philippineculturaleducation.com.ph/cordillera-administrative-region-car/
https://www.pinterest.ph/pin/382383824590197256/
https://www.pinterest.ph/pin/43839796356221676/
http://clipart-library.com/clipart/8iEb9d44T.htm
https://image.freepik.com/free-photo/pineapple-isolated-white-background_88281-232.jpg
https://in.pinterest.com/pin/712553972275092068/
https://www.thesprucecrafts.com/painting-color-class-tones-or-values-2578064

21

You might also like