You are on page 1of 32

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Teritoryo ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Ang Teritoryo ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat : Imelda S. Ramos


Tagasuri ng Nilalaman : Rebecca K. Sotto, PhD / Rosanna P. Querijero
: Helen G. Laus, EdD / Marie Ann C. Ligsay, PhD
Tagasuri : Lily Beth B. Mallari
: Angelica M. Burayag, PhD
Tagaguhit : Gizelle R. Libed / Jeremy Daos
Tagalapat : Jenn Eicel S. Lopez / Jay Ahr E. Sison

Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD
Librada M. Rubio, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Robert E. Osongco, EdD
Lily Beth B. MallarI
Rebecca K. Sotto, PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Teritoryo ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang
Teritoryo ng Pilipinas.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tal a para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa


konsepto ng pagka-bansa. Ipinaliliwanag dito and
kalagayan ng Pilipinas bilang isang bansa.
Inaasahang mabigyan ng wastong gabay at
maituro ang pagiging tapat sa mga mag-aaral sa
pagsagot ng modyul na ito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

ii
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang
Teritoryo ng Pilipinas.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo
Alamin ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


Subukin natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o


Balikan balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing


Pagyamanin
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

iv
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang


Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may
iv pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

v
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha
ka nang malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Isang magandang araw sa iyo!

Karamihan sa mga Pilipino ay may kamag- anak o


kaibigang nakatira sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng mapa at
mga batayang heograpiya, matutulungan mo silang matalunton
ang kinalalagyan ng Pilipinas at maging ang hangganan at lawak
nito.
Sa modyul na ito ay ating tatalakayin Ang Teritoryo ng
Pilipinas.

Sa araling ito, inaasahang:

1) Matutukoy ang mga nasasakupang teritoryo ng Piipinas.

2) Matatalunton ang hangganan at lawak ng teritoryo ng


Pilipinas gamit ang mapa.

3) Maipamamalas ang kawilihan sa paggawa ng iba’t ibang


gawain

Mga Tal a para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa


konsepto ng pagka-bansa. Ipinaliliwanag dito and
kalagayan ng Pilipinas bilang isang bansa.
Inaasahang mabigyan ng wastong gabay at
maituro ang pagiging tapat sa mga mag-aaral sa
pagsagot ng modyul na ito.

1
Subukin

PANUTO: Pumili ng isang bansa na ihahambing sa Pilipinas.


Suriin at isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng lawak,
lokasyon, at itsura ng mga ito gamit ang Venn Diagram. Gawin sa
sagutang papel.

2
Balikan
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang kinalalagyan ng
bansang Pilipinas sa Asya at sa mundo. Natukoy mo rin ang
relatibong lokasyon nito gamit ang mga pangunahin at
pangalawang direksyon na nagpapakita bilang isang bansa, ang
Pilipinas ay may sariling teritoryo.

PANUTO: Tukuyin ang mga lugar na makikita sa Pilipinas batay


sa pangunahing direksiyon at sa pangalawang direksiyon.
Kopyahin ang graphic organizer sa papel at dito rin isulat ang
iyong sagot.

3
Tuklasin

Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa


likas na yaman. Ang heograpiya nito ay puno
ng kagandahan sa lupa, tubig at himpapawid.
Ang kabuuan ng teritoryo ng Pilipinas ay isang
arkipelago na mayroong tatlong malalaking
kapuluan, ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Napapaloob dito ang mahigit pitong libong mga
isla, malalaki at maliliit.
Halina at ating tuklasin ang kagandahan ng ating bansa!

Banaue Rice Terraces Pagsanjan Falls Mayon Volcano

Lion’s Head Baguio City Underground River Cave, Palawan Vintas of Zamboanga

Lighthouse Batanes Boracay Beach Chocolate Hills, Bohol

4
Suriin

Ang heograpiya ay ang panlabas o pisikal na katangian ng


isang bansa.

Ang teritoryo ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng


isang lugar. Kasama rito ang mga katubigan na nakapaloob at
nakapaligid sa kalupaan, at ang mga kalawakang itaas na
katapat nito.

Ang Pambansang Teritoryo

Itinatadhana sa Artikulo I ng
1987 Konstitusyon ng Republika ng
Pilipinas na binubuo ng mga
sumusunod (De Leon, 2014):
1. kapuluang Pilipinas
2. mga teritoryong nasa ganap na
kapangyarihan o hurisdiksyon ng
Pilipinas kasama ang kalupaan,
katubigan, at himpapawirin
3. mga dagat na nakapaligid,
nakapagitan, at nag-uugnay sa
mga pulo ng bansa.
4. dagat teritoryal , ang ilalim ng
dagat, ang kailaliman ng lupa, ang
mga kalapagang insular, at iba
pang pook submarina.

Mga Bumubuo sa Pambansang Teritoryo

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7,100 mga pulo.


Ang lawak nito ay umaabot sa 300, 000 kilometro kuwadrado.
May 1,851 kilometro ang haba mula sa hilaga pa-timog at

5
umaabot naman sa 1,107 kilometro ang lawak nito mula
kanluran pa-silangan.

Kalupaan (Terrestrial)

Ito ay kabuuan ng lupang nasasakupan ng isang bansa.

May dalawang uri ng kalupaan: Landmass (buong lupa) at


Archipelago (Arkipelago). Ang Landmass ay isang buong lupa na
walang pulo-pulo. Halimbawa nito ay ang bansang Australia,
mga bansa sa Europa, at Mainland China. Samantala, ang
arkipelago ay binubuo ng mga isla. Halimbawa ay Indonesia,
Japan, at Pilipinas.
Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking kapuluan,
ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa kabuuan, mayroong
mahigit 7,100 isla ang bansa.
Nasasakupan din ng kalupaan ang kailaliman ng lupa. Ito
ay ang ilalim na bahagi ng lupa kasama ng mga bagay na
matatagpuan sa kailalimang ito tulad ng mga mineral at
mahahalagang bato. Kabilang din ang kalapagang insular o ang
mga pulong nakalubog sa kailaliman ng dagat.
Tunghayan mo ang talaan ng mga pinakamalalaking pulo
sa Pilipinas.

Mga Pulo Sukat (sa Kilometro


Kwadrado)
1. Luzon 109,965
2. Mindanao 97,530
3. Samar 13,429
4. Negros 13,310
5. Palawan 12,189
6. Panay 12,011
7. Mindoro 10,572
8. Leyte 7,368
9. Cebu 4,468
10. Bohol
Sanggunian: Islands by Land Area, United Nations Environmental Program, March 1998

6
Katubigan (Fluvial)
Ang katubigan ng
Pilipinas ay tumutukoy sa
panloob at panlabas na
nasasakupan nito. Ang
panlabas na karagatan o
Dagat Teritoryal ay ang
bahagi ng dagat sa lawak na
labindalawang milya
(nautical miles)mula sa
dalampasigan. Ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ay
hanggang 200 nautical miles mula sa dalampasigan. Dito
maaaring mangisda ang mga mangingisda ng ating bansa.
Malayang naglalayag ang mga barko ng Pilipinas sa ating
teritoryong katubigan.

Kabilang din sa katubigang nasasakupan ng bansa ang ilalim ng


dagat. Ito ay tumutukoy sa lahat ng bagay sa ilalim ng dagat-
lupain, mineral, halaman, at iba pang likas na yaman sa
katubigan.

Ang iba pang pook submarina ay ang mga pook na


nakapaloob sa dagat teritoryal ng bansa tulad ng mga batuhan o
yungib sa ilalim ng dagat.

Ang panloob ng katubigan ay ang mga nakapaligid at nag-


uugnay sa buong bansa. Kabilang dito ang mga anyong tubig na
nakapaloob sa teritoryong
kalupaan tulad ng lawa, talon,
ilog, at batis.

Ang mga dagat na hindi


teritoryal ay tinatawag na
International Waters (high
seas). Dito maaaring maglayag
ang kahit na anong sasakyang
pandagat. Maaari itong
galugarin, kumuha ng isda at

7
gumawa ng ibang mga gawaing pang ekonomiya sapagkat walang
may-ari nito.

Himpapawirin (Aerial)
Ang himpapawirin ay
tumutukoy sa itaas na bahagi
(airspace) ng pinagsamang
teritoryong kalupaan at
katubigan. Ang hangganan nito ay
kung saan ang maaabot na
pakinabang ng tao. Samantalang
ang araw, buwan, mga bituin, at
planeta o heavenly bodies naman
ay itinuturing na Res Nulius, o
walang sinumang nagmamay-ari.

Malayang lumilipad ang mga eroplano ng Pilipinas sa


himpapawirin nito.

Pagyamanin

A. PANUTO: Piliin ang bumubuo ng teritoryo ng Pilipinas mula


sa kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.

A. Kalupaan B. Katubigan C. Himpapawirin

1. Isla ng Romblon. ______


2. Lawa ng Laguna. _____
3. Manila Bay. _____
4. Malayang nakakalipad ang mga eroplano. _____
5. Underground River ng Palawan. ______
6. Mindanao. ______
7. Lungsod ng Davao. ______
8. Exclusive Economic Zone. ______
9. Tarlac City. ______
10. Malayang nakapaglalayag ang mga barko. _____

8
B. PANUTO: Isulat sa papel ang mga salitang mahahanap sa loob
ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

W T O J D F B N B E L
H E Y O G R A P I Y A
L R V N S W N U S P W
A I C Q K F S L U P A
S T A P R V A O K A K
P O S U K A T U A V M
R R O S G C Z X M A L
T Y D A G A T N M S S
Y O M W E R Y P A Y C
M N P I L I P I N A S
1 6
2 7
3 8
4 9
5 10

C. PANUTO: Tingnan ang mapa ng Asya sa ibaba. Tukuyin ang


mga pinakamalapit na kalupaan at katubigang nakapalibot sa
Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

MAPA NG ASYA

9
Direksiyon Kalupaan Katubigan
Kanluran
Silangan
Hilaga
Timog
Hilagang-
Kanluran

Hilagang-
Silangan

Timog-
Kanluran
Timog-
Silangan

D. PANUTO: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang at


piliin ang impormasyong bubuo sa diwa nito. Gawing batayan
ang mapa ng Asya na makikita sa titik C. Isulat ang letra ng
sagot sa sagutang papel.

1) Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ______.


a) Timog Asya
b) Silangang Asya
c) Kanlurang Asya
d) Timog- Silangang Asya

2) Ang anyong tubig na nasa Timog na bahagi ng Pilipinas ay ang


________.
a) Bashi Channel
b) Dagat Celebes
c) Karagatang Pasipiko
d) Dagat Kanlurang Pilipinas

10
3) Ang direksyon ng Vietnam mula Pilipinas ay nasa gawing
______.
a) Hilaga
b) Silangan
c) Timog
d) Kanluran
4) Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang
____.
a) China
b) Japan
c) Taiwan
d) Hongkong
5) Ang pinaka malayong bansa mula sa kanluran ng Pilipinas ay
ang ____.
a) Laos
b) Thailand
c) Myanmar
d) Cambodia

6) Ang Pilipinas ay kapuluang napaliligiran ng ___.


a) Tao
b) Lupa
c) Tubig
d) Hayop

7) Ang Estados Unidos ay masasabing ____.


a) Malapit sa Pilipinas
b) Malayo sa pilipinas
c) Napakalayo sa Pilipinas
d) Napakalapit sa Pilipinas

8) Kung manggagaling ka sa Pilipinas, ang iyong lalakbayin


papuntang South Korea ay masasabing ________.
a) Malapit
b) Medyo malayo
c) Malayong malayo
d) Malapit na malapit

11
9) Kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia, ang lawak ng
Teritoryo ng Pilipinas ay masasabing _____.
a) Kasinlaki
b) Mas maliit
c) Mas malaki
d) Malaking malaki

10) Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay


masasabing __________.
a) Buong kalupaan na napaliligiran ng tubig
b) Matubig at watak - watak ang mga isla
c) Maliit na isla ngunit matubig
d) Layo-layo ang mga isla

E. PANUTO: Gamit ang mapa ng mundo, sukatin ang distansya


o layo sa Pilipinas ng mga bansa o lugar sa ibaba gamit ang
batayang iskalang 1 cm = 5 000 km. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1) Australia _____________________________
2) India _____________________________
3) Indonesia _____________________________
4) Japan _____________________________
5) Saudi Arabia _____________________________

1.2. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar


at kasama rito ang katubigan na nakapaloob at nakapaligid sa
kalupaan, at ang mga kalawakang itaas na katapat nito.
a. lugar
b. teritoryo
c. lawak ng bansa
d. laki ng bansa

12
2. Ang Pilipinas ay may 1851 kilometro ang haba mula sa hilaga
patungo pa-timog. Gaano naman kalawak ang kalupaan nito
mula sa kanluran pa-silangan.
a. 1 100 kilometro
b. 1 107 kilometro
c. 1 500 kilometro
d. 2 000 kilometro

3. Gaano kalawak ang teritoryo ng Pilipinas?


a. 200, 000 kilometro kuwadrado
b. 350, 000 kilometro kuwadrado
c. 500,000 kilometro kuwadrado
d. 300,000 kilometro kuwadrado

4. Alin sa ibaba ang maling paglalarawan tungkol sa teritoryo ng


Pilipinas?
a. Ang pulo nito ay nakadugtong sa Taiwan at Japan.
b. Ito ay isang kapuluang napaliligiran ng mga anyong
tubig.
c. Ito ay bahagi ng Karagatang Pasipiko at ito ay malayo sa
mga bansang nasa kontinente ng United States of America
at Europe.
d. Bahagi ng kontinente ng Asya at napabilang sa mga
bansa sa rehiyong Timog-Silangang Asya.

5. Anong kalupaan ang pinakamalapit sa Pilipinas ?


a. Australia
b. Europe
c. Indonesia
d. Russia

13
F. PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa
sagutang papel(10puntos).

Masasabi bang mainam


Ano-ano ang bumubuo sa
ang lokasyon ng bansa?
teritoryo ng Pilipinas?
Ipaliwanag

Isaisip

PANUTO: Magtala ng limang kaisipan, pahayag o pangungusap


na iyong natutunan sa araling ito. Gawin sa sagutang papel.

Kaisipang Natutunan

14
Isagawa

PANUTO: Basahing mabuti ang isinasaad sa teksto. Sagutin sa


isa hanggang dalawang talata ang katanungan sa ibaba. Gawin
sa sagutang papel.

Mga Teritoryong Pinag-aagawan

Sa mga nakalipas na taon, may mga bansang patuloy na


nag-aagawan sa mga teritoryo at nasasakupan. Nariyan ang
Palestine at Israel na panahon pa ni Haring David sa Bibliya ay
pinag-aawayan na kani-kanilang mga teritoryo. Bawat isa ay
nais sakupin ang magkabilang teritoryo.

Nariyan din ang China kaagaw ang maraming bansa sa


Asya tulad ng Malaysia, Vietnam, Singapore, Indonesia at
Pilipinas, na pinag-aagawan ang grupo ng mga isla sa West
Philippine Sea, na mas kilala sa tawag na Spratly Islands.

Dahil dito, hindi nagkakasundo ang mga bansang kasali


sa pag-aagawan ng teritoryo.

Sa iyong palagay, bakit pinag- aagawan nang maraming bansa


ang mga isla sa West Philippine Sea na mas kilala sa tawag ng
Spratly Islands ?

15
Tayahin

PANUTO: Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.

teritoryo 300, 000

katubigan heograpiya

insular at Saligang Batas ng


bisinal 1987 (Artikulo 1,
Seksyon 1)
Luzon
himpapawirin
kalupaan

1. Ito ang panlabas o pisikal na katangian ng isang bansa.


________________________.
2. Ito ang tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar.
________________________.
3. Ang nagtatakda ng hangganan at lawak ng teritoryo ng
Pilipinas ay ang ____________________.
4-6. Ang Pilipinas ay binubuo ng _______________________,
_______________________, at _______________________.
7-8. Ito ang dalawang lokasyon ng Pilipinas.
_______________________, at_______________________
9. Ang lawak Pilipinas ay umaabot sa _______________________
kilometro kuwadrado.
10. Ito ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
________________________

16
Karagdagang Gawain

Paggamit ng Paper Mosaic sa Mapa ng Pilipinas

Mga Kagamitan:
⅛ illustration board/ bond paper art paper
glue mapang pisikal ng Pilipinas
lapis

Paraan ng paggawa:

1. Iguhit ang mapa ng Pilipinas sa


illustration board/ bond paper.
2. Gupitin nang maliliit na
pakuwadrado ang mga art paper.
Ilagay ang mga ito sa containers
ayon sa kulay.
3. Isa- isang idikit ang maliliit na
piraso ng art paper sa nakaguhit
na mapa ng Pilipinas.
4. Sikaping hindi lalagpas sa mga
guhit ng mapa ang mga ididikit
mong art paper.
5. Pangalanan ang bawat pulo ng
Pilipinas at ilagay ang kanilang
sukat
( sa kilometro kuwadrado)
6. Pagkatapos ay gumawa ng sariling
caption at ilagay ito sa ibaba ng
mapa.

17
Rubrics:

1 2 3 4
Pamantayan Hindi Katamtamang Mahusay Napakahusay
Mahusay Mahusay

Nilalaman
Kaangkupan ng
Konsepto
Orihinal at
pagkamalikhain
(Originality &
Creativity)
Kabuuang
Presentasyon
(Malinis at
maayos ang
kabuuang
presentasyon)
Kabuuan

18
19
BALIKAN PAGYAMANIN B C
A
Taiwan 1. B Pilipinas Hilaga- Taiwan, Bashi Channel
Bashi Channnel 2B Asya Silangan- Karagatag Pasipiko
Karagatang Pasipiko 3B lawak Timog- Indonesia, Dagat Celebes at
Sulu Sea 4C heograpiya Dagat Sulu
Celebes Sea 5B pulo Kanluran- Vietna, Dagat Kanlurang
Indonesia 6A sukat Pilipinas
Dagat Kanlurang 7A lupa Hilagang- Silangan- Dagat Pilipinas
Pilipinas 8B dagat Timog- Silangan- Isla ng Palau
Vietnam 9A bansa Hilagang-Kanluran- Isla ng Paracel
10 B teritoryo Timog- Kanluran- Borneo
D E F
1. d
Ang sagot ay nakadepende Ang pambansang teritoryo ay
2. b
sa mapang gagamitin. Sa itinatadhana sa Artikulo I ng 1987
3. d pagwawasto ng sagot ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
4. c mga mag aaral gamitin na binubuo ng mga sumusunod (De
5. b ang iskalang 1cm = 5 000
Leon, 2014):
6. Tubig km.
 kapuluang Pilipinas.
7. Napakalayo sa
1.2  mga teritoryong nasa ganap na
Pilipinas
1. b kapangyarihan o hurisdiksyon
8. Medyo malayo 2. b ng Pilipinas kasama ang
9. Mas maliit 3. d kalupaan, katubigan, at
10. Mainam sa 4. a
himpapawirin
kalakalan at mayaman 5. c likas.
 mga dagat na nakapaligid,
sa yamang likas.
nakapagitan, at nag-uugnay sa
Isaisip mga pulo ng bansa.
Posibleng sagot:  dagat teritoryal , ang ilalim ng
dagat, ang kailaliman ng lupa,
Ang teritoryo ay tumutukoy sa sukat ng ang mga kalapagang insular, at
lupaing sakop ng isang lugar. Kasama rito iba pang pook submarina.
ang mga katubigan na nakapaloob at Oo. Ang lokasyon ng ating bansa ay
nakapaligid sa kalupaan, at ang mga mayaman sa anyong lupa at anyong
kalawakang itaas na katapat nito. tubig.
Ang Pambansang teritoryo ay Itinatadhana Isagawa Tiyahin
sa Artikulo I ng 1987 Konstitusyon ng
Ang mga isla sa Spratly Islands 1. heograpiya
Republika ng Pilipinas.
2. teritoryo
ay nag aangkin ng mga naural
3. Saligang
Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa na tanawin na pwedeng gawing Batas ng 1987
7,100 mga pulo. parke at pook pasyalan para sa (Artikulo 1,
mga turista at dayuhang Seksyon 1)
Ang lawak nito ay umaabot sa 300, 000 mangangalakal mula sa ibang 4. kalupaan,
kilometro kuwadrado. bansa. Espesyal ang mga uri 5. katubigan,
6. at
ng mga yamang gubat, lupa at
himpapawirin
May 1,851 kilometro ang haba mula sa tubig dito.May katangi tanging 7. insular
hilaga pa-timog at umaabot naman sa isla dito na may langis kung 8. bisinal
1,107 kilometro ang lawak nito mula kaya pinag aagawan ng 9. 300, 000
kanluran pa-silangan. maraming bansa . 10. Luzon
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education. Araling Panlipunan 4: Learning
Material. Pasig City, Philippines:Vibal Group Inc.,2015.

Department of Education. Araling Panlipunan 4: Patnubay ng


Guro. Pasig City, Philippines:Vibal Group Inc.,2015.

Milambiling, RM. “Bansang Pilipinas: Edisyong k to 12”. Manila,


Philippines :Innovative Educational Materials Inc.,2015.

Fabian, Edgardo.LAHING KAYUMANGGI:Batayang Aklat sa


Araling Panlipunan 4.Quezon City, Philippines:The Library
Publishing House, Inc, 2015.

Tuico, A. “Yaman ng Lahi 6” www.google-images

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III – LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Governement Center


Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like