Professional Documents
Culture Documents
Aralin 5
Marvie T.Blanco
Four-Kindness
Urdaneta I Central School
Urdaneta City,Pangasinan
Layunin:
Naisabubuhay ang pagiging
bukas-palad para sa mga
nagangailangan at sa panahon
ng kalamidad.
Kapuwa Ko, Nandito Ako!
Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kaniyang
sarili kundi para sa kaniyang kapuwa. Mahirap man o
mayaman, may kakayahan ang tao na tumulong sa
mga nangangailangan.
Pakinggan natin ang kuwento ni Paola.
Ako si Paola. Galing ako sa Mindanao. Lumipat kami
sa inyong pook sapagkat isa ang pamilya namin sa
nakaranas ng maraming kalamidad. Ang iba’y gawa
ng tao at ang iba nama’y dahil sa bangis ng kalikasan.
Ito ang larawan ng karanasan ng aming pamilya.
Ang aking
plano upang
matulungan si
Paola
Gawain 1
Basahin ang diyalogo nina Marla at Rolan.
Marla: Rolan, binabati kita. Pinuri ni Gng. Rosales ang
iyong ginawang plano ng pagtulong sa mga nakatira
sa ilalim ng tulay.
Rolan: Salamat Marla. Maganda rin naman ang plano
mo. Siguro may nakalimutan ka lang isulat kaya may
mga punang hindi maganda.
Marla: Naisip ko rin iyon, marami pa ang kulang sa
aking plano kaya kailangan ko pang baguhin at
ayusin. Kapag nagawa ko na nang higit na maganda,
ipakikita ko ulit sa inyo. Paano ka nga ba tutulong kina
Paola?
Rolan: Susulatan ko ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad
ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Di
ba may napag-aralan tayo tungkol sa programa nilang
"Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)?" May mga
kaklase nga tayo na kasali roon.
Marla: Ang galing mo naman, Rolan. Naisip mo silang ilapit sa
DSWD para maisali sa 4Ps. Ito iyong programa ng pamahalaan
na tumutulong sa mahihirap.
Rolan: Alam mo, hindi lang naman sila ang nangangailangan
ng tulong. Napakarami pa nating kababayan na talagang
nakakaawa ang kalagayan, tulad ng mga nabiktima ng
kalamidad sa Tacloban, lindol sa Bohol, at madalas ding may
nasusunugan.
Marla: Pero marami naman ang nagpapadala ng tulong mula
sa ibang bansa, di ba? Napanood ko nga sa telebisyon, marami
ang nanggagaling sa malalaking kompanya at mayayamang
tao.
Rolan: Marami nga pero mas kailangan ng ating mga
kababayan ang dadamay sa kanila nang may
pagmamahal. Hindi lang basta nagpapadala ng mga
pagkain. Kailangang nararamdaman natin ang
kanilang paghihirap at dapat bukal sa loob ang ating
pagbibigay.
Marla: Bilib na talaga ako sa iyo. Pero sabi ni Inay,
mayroon daw umaabuso. Iyon bang umaasa na lang
sa ibibigay ng kapuwa, hindi na naghahanapbuhay.
Dapat pala, alam natin kung sino talaga ang dapat
tulungan.
Rolan: Oo nga. Hindi bale, tatalakayin pa naman natin
ang tungkol sa pagtulong sa mga darating na araw.
Gawain 2
Maglaro tayo ng "Regalo’t Hagdan." Bumuo ng apat na pangkat
at sundin ang panuto ng laro.
Pumunta sa iyong pangkat.
Bawat miyembro ay bibigyan ng isang pirasong papel na hugis
bilog. Ito ang magsisilbing butil mo sa paglalakbay sa "Regalo’t
Hagdan."
Gamit ang dice, ihahagis ito ng bawat miyembro pataas upang
malaman kung pang-ilan siya sa pila ng mga aakyat sa
"Regalo’t Hagdan."
Ilagay ang iyong butil sa tamang bilang ayon sa lumabas nang
inihagis ang dice. Kung dalawang tuldok (dots) ang nasa
ibabaw ng dice dapat ang iyong butil ay aakyat sa ikalawang
kahon sa "Regalo’t Hagdan" at ikaw ang ikalawang aakyat
pagkatapos ng unang miyembro na ang lumabas sa ibabaw ng
dice ay isang tuldok (dot).
5. Basahin ang nasa kahon. Ayon sa iyong sagot
maaari ka na namang umakyat sa ibang kahon.
6. Ang lider ng bawat pangkat ang magsasabi kung
saang kahon ka makakapunta ayon sa iyong sagot.
7. Ulitin ang paghagis ng dice kapag lahat ng
miyembro ay nakaakyat na para sa susunod na bilang
at pila ng pag-akyat.
8. Ang mag-aaral na unang makaakyat sa kahon
bilang 25 ang siyang mananalo.
MAPA ng "Regalo’t Hagdan"
21 22 23 24 25
Walang aalalay sa lola kailangang tumulong sa Kahanga-hanga ka!
Paano maipakikita
na tatawid sa kalye. Ano nangangailangan Ipagpatuloy ang
ang pagiging bukas-
ang gagawin mo? pagiging, matapat,
palad? totoo, at bukas-palad!
13 15
11 12 14 Maaari kang
Sori,kailangang umakyat sa
Ano ang gagawin mo sa
natirang baon? Bakit ito ang bumalik ka sa kahon kahon 23
gagawin mo? 6
10Magbigay ng 7May outreach
9 8 Program ang iyong
6
isang bagay na kaya
mong ibahagi sa
Kanino ka dapat Paaralan para sa mga
nasunugan.Alin sa iyong
mga nasunugan. tumulong? Mahalagang mga gamit
ang kaya mong ibiga y
1Maaari kang 2Paano mo 3May batang 4 Magbigay ng 5Ano ang
matutulungan ang walang pagkain isang bagay
umakyat sa isang tinderang sa oras ng na kaya gagawin mo
kahon 6 meryenda at mong gawin kapag may
nakita mong nasa isang para sa mga
kinukupitan ng sulok lang. Ano nasalanta ng batang nadapa
mga paninda ng ang gagawin mo? bagyo sa kalye?
isang bata?
Pagnilayan at sagutin.
Ano ang naramdaman mo habang naglalaro ng
"Regalo’t Hagdan?" Nasiyahan ka ba?
Ipaliwanang ang sagot.
May napulot ka bang magandang aral sa larong
ito? Ibahagi sa klase.
Gumawa ng sulat sa
isang ahensiya ng
pamahalaan na nais
mong hingan ng
tulong para sa mga
katulad ni Paola.
Banggitin mo sa iyong
sulat kung bakit nais
mo silang matulungan
ng pamahalaan.
Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasa
kaniya na ang lahat. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang
wala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga
kaibigan. Wala ring taong sobrang yaman na hindi na
mangangailangan ng tulong ng iba.
Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang
mayroon ka nang bukal sa kalooban.
Ang mga munting regalo na kayang ibigay, tulad ng pagtulong
sa pag-akyat ng hagdan, ay isang kaginhawaan. Lahat ay
magiging masaya at walang maiiwan.
Ang mga gawa ni Mother Theresa, isang Santa mula sa
Calcutta India, noong siya ay buhay pa ay likas na pagiging
bukas-palad. Hanggang sa huling mga sandali ng kaniyang
buhay ay tumulong siya sa mga may sakit at wala siyang
inasahang kapalit. Hindi kayamanan ang ibinahagi niya kundi
ang kaniyang oras, serbisyo, at pagmamahal, na maluwag sa
kaniyang puso. Ang kaniyang mga gawain ay nagsilbing
inspirasyon sa maraming tao upang maging bukas-palad din sa
pakikisalamuha sa kanilang kapuwa.
Ibahagi sa iba ang biyayang mayroon
ka na maluwag sa damdamin at
walang inaasahang kapalit. Lubos na
kasiyahan ang maidudulot nito sa iyo.
Kapag tapat at totoo ang damdamin
sa pagbibigay o pagbabahagi, tiyak
na pagpapalain ka ng Maykapal at
mapasasaya mo ang iyong kapuwa.
Muling balikan ang ginawa ninyong plano sa
pagtulong kay Paola at sa iba pang batang natutulog
sa ilalim ng tulay. Pag-usapan ang maaaring maging
sagot ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) sa inyong liham. Maglikom ng
mga tulong na maaaring ipadala sa mga naging
biktima ng kalamidad at sa mga tunay na
nangangailangan ng inyong tulong. Ilagay sa gift box
ang inyong mga ibibigay upang madala ito sa susunod
na buwan. Kasama ng materyal na tulong, padalhan
din sila ng card at sulat upang ipadama mo sa kanila
ang iyong pagmamahal .
Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdamin
mayroon sa sumusunod na uri ng pagbibigay:
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay