You are on page 1of 22

ESP 4 YUNIT 2

Aralin 5

Kapuwa Ko, Nandito Ako!


Layunin:
Naisabubuhay ang pagiging
bukas-palad para sa mga
nagangailangan at sa panahon
ng kalamidad.
Kapuwa Ko, Nandito Ako!
Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kaniyang
sarili kundi para sa kaniyang kapuwa. Mahirap man o
mayaman, may kakayahan ang tao na tumulong sa
mga nangangailangan.
Pakinggan natin ang kuwento ni Paola.
Ako si Paola. Galing ako sa Mindanao. Lumipat kami
sa inyong pook sapagkat isa ang pamilya namin sa
nakaranas ng maraming kalamidad. Ang iba’y gawa
ng tao at ang iba nama’y dahil sa bangis ng kalikasan.
Ito ang larawan ng karanasan ng aming pamilya.

Kaguluhan sa Pamilya na nakatira


Mindanao Sa ilalim ng tulay
Ang nasa unang larawan ay nangyari noong
bata pa ako. Sabi ni Inay, dalawang taon pa
lamang daw ako nang mangyari ito. Nalaman
ko ito dahil ikinuwento nila. Napakarami raw
ng naapektuhan ng gulong ito sa Mindanao.
Subalit ang gulo sa aming bayan ay nagpaulit-
ulit. Noong nakaraang taon ay muling sumiklab
ang kaguluhan at nadamay pati ang aming
paaralan. Nasunog ito kasama ng iba pang mga
bahay at gusali. Ang aming mga klase ay
pansamantalang ginagawa sa mga dampa
habang itinatayong muli ng pamahalaan ang
aming silid-aralan. Sapagkat wala na rin kaming
bahay na matitirahan kaya’t napilitan kaming
lumipat dito upang makaiwas sa kaguluhan at
makapagpatuloy kaming magkapatid ng aming
pag-aaral.
Dahil wala kaming bahay, natutulog
kami sa ilalim ng tulay kasama ang iba
pang biktima ng iba’t ibang kalamidad.
Naglalatag kami ng karton at banig sa
aming kariton. Nagtitiis kaming mabasa
kapag umuulan.
Upang matustusan ang aming pagkain sa
araw-araw, nangongolekta ng bote at
plastik ang aking mga magulang mula sa
mga tambak ng basura. Ibinibenta nila ito
sa junk shop upang may maibili ng bigas
at ulam.
Nag-aaral akong mabuti sapagkat nais kong
matupad ang aking mga pangarap sa buhay.
Nais ko ding makatulong sa aking mga
magulang. Kapag walang pasok, nagtitinda ako
ng mga basahan sa kalye. Nag-iingat naman
ako sapagkat iyon ang laging bilin sa akin ng
aking mga magulang. Naniniwala ako na
pagpapalain din kami ng Diyos sapagkat
nagsisikap kami at naghahangad ng mabuti
para sa aming kapuwa.Ipinagdarasal ko rin na
sana magkaroon ako ng mga kaibigan dito.
Matapos mong marinig ang kuwento ni Paola,
ano ang nais mong itanong sa kaniya?

Magbigay ng tatlong tanong:


1. _____________________________________________?
2. _____________________________________________?
3. _____________________________________________?

1. Ano ang iyong naramdaman habang tinitingnan ang mga


larawan? Naawa ka ba sa kanila? Bakit? Ano ang maaari mong
gawin para sa mga katulad ni Paola?
2. Kung isa ka sa kanila, ano ang iyong mararamdaman?
Kanino ka lalapit at hihingi ng tulong?
2. ____________
____________
____________
1.__________
__________
___________ 3. ____________
____________
____________

Ang aking
plano upang
matulungan si
Paola
Gawain 1
Basahin ang diyalogo nina Marla at Rolan.
Marla: Rolan, binabati kita. Pinuri ni Gng. Rosales ang
iyong ginawang plano ng pagtulong sa mga nakatira
sa ilalim ng tulay.
Rolan: Salamat Marla. Maganda rin naman ang plano
mo. Siguro may nakalimutan ka lang isulat kaya may
mga punang hindi maganda.
Marla: Naisip ko rin iyon, marami pa ang kulang sa
aking plano kaya kailangan ko pang baguhin at
ayusin. Kapag nagawa ko na nang higit na maganda,
ipakikita ko ulit sa inyo. Paano ka nga ba tutulong kina
Paola?
Rolan: Susulatan ko ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad
ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Di
ba may napag-aralan tayo tungkol sa programa nilang
"Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)?" May mga
kaklase nga tayo na kasali roon.
Marla: Ang galing mo naman, Rolan. Naisip mo silang ilapit sa
DSWD para maisali sa 4Ps. Ito iyong programa ng pamahalaan
na tumutulong sa mahihirap.
Rolan: Alam mo, hindi lang naman sila ang nangangailangan
ng tulong. Napakarami pa nating kababayan na talagang
nakakaawa ang kalagayan, tulad ng mga nabiktima ng
kalamidad sa Tacloban, lindol sa Bohol, at madalas ding may
nasusunugan.
Marla: Pero marami naman ang nagpapadala ng tulong mula
sa ibang bansa, di ba? Napanood ko nga sa telebisyon, marami
ang nanggagaling sa malalaking kompanya at mayayamang
tao.
Rolan: Marami nga pero mas kailangan ng ating mga
kababayan ang dadamay sa kanila nang may
pagmamahal. Hindi lang basta nagpapadala ng mga
pagkain. Kailangang nararamdaman natin ang
kanilang paghihirap at dapat bukal sa loob ang ating
pagbibigay.
Marla: Bilib na talaga ako sa iyo. Pero sabi ni Inay,
mayroon daw umaabuso. Iyon bang umaasa na lang
sa ibibigay ng kapuwa, hindi na naghahanapbuhay.
Dapat pala, alam natin kung sino talaga ang dapat
tulungan.
Rolan: Oo nga. Hindi bale, tatalakayin pa naman natin
ang tungkol sa pagtulong sa mga darating na araw.
Gawain 2
Maglaro tayo ng "Regalo’t Hagdan." Bumuo ng apat na pangkat
at sundin ang panuto ng laro.
Pumunta sa iyong pangkat.
Bawat miyembro ay bibigyan ng isang pirasong papel na hugis
bilog. Ito ang magsisilbing butil mo sa paglalakbay sa "Regalo’t
Hagdan."
Gamit ang dice, ihahagis ito ng bawat miyembro pataas upang
malaman kung pang-ilan siya sa pila ng mga aakyat sa
"Regalo’t Hagdan."
Ilagay ang iyong butil sa tamang bilang ayon sa lumabas nang
inihagis ang dice. Kung dalawang tuldok (dots) ang nasa
ibabaw ng dice dapat ang iyong butil ay aakyat sa ikalawang
kahon sa "Regalo’t Hagdan" at ikaw ang ikalawang aakyat
pagkatapos ng unang miyembro na ang lumabas sa ibabaw ng
dice ay isang tuldok (dot).
5. Basahin ang nasa kahon. Ayon sa iyong sagot
maaari ka na namang umakyat sa ibang kahon.
6. Ang lider ng bawat pangkat ang magsasabi kung
saang kahon ka makakapunta ayon sa iyong sagot.
7. Ulitin ang paghagis ng dice kapag lahat ng
miyembro ay nakaakyat na para sa susunod na bilang
at pila ng pag-akyat.
8. Ang mag-aaral na unang makaakyat sa kahon
bilang 25 ang siyang mananalo.
MAPA ng "Regalo’t Hagdan"
21 22 23 24 25
Walang aalalay sa lola kailangang tumulong sa Kahanga-hanga ka!
Paano maipakikita
na tatawid sa kalye. Ano nangangailangan Ipagpatuloy ang
ang pagiging bukas-
ang gagawin mo? pagiging, matapat,
palad? totoo, at bukas-palad!

20Kailan maaaring 19May maitutulong 17 16 Sa bahay ninyo


ipakita ang ka ba sa mga
18 Sori, kailangang bumalik ka iniimbak ang relief goods
sa kahon 11 para sa nasalanta ng
pagiging bukaspalad? nasalanta ng
bagyo? bagyo. May nagustuhan
kang laruan sa mga ito.
Ano ang gagawin mo?

13 15
11 12 14 Maaari kang
Sori,kailangang umakyat sa
Ano ang gagawin mo sa
natirang baon? Bakit ito ang bumalik ka sa kahon kahon 23
gagawin mo? 6
10Magbigay ng 7May outreach
9 8 Program ang iyong
6
isang bagay na kaya
mong ibahagi sa
Kanino ka dapat Paaralan para sa mga
nasunugan.Alin sa iyong
mga nasunugan. tumulong? Mahalagang mga gamit
ang kaya mong ibiga y
1Maaari kang 2Paano mo 3May batang 4 Magbigay ng 5Ano ang
matutulungan ang walang pagkain isang bagay
umakyat sa isang tinderang sa oras ng na kaya gagawin mo
kahon 6 meryenda at mong gawin kapag may
nakita mong nasa isang para sa mga
kinukupitan ng sulok lang. Ano nasalanta ng batang nadapa
mga paninda ng ang gagawin mo? bagyo sa kalye?
isang bata?
Pagnilayan at sagutin.
Ano ang naramdaman mo habang naglalaro ng
"Regalo’t Hagdan?" Nasiyahan ka ba?
Ipaliwanang ang sagot.
May napulot ka bang magandang aral sa larong
ito? Ibahagi sa klase.

You might also like