You are on page 1of 2

YUNIT 7

PANAHON MULA NANG MATAMO ANG KALAYAAN HANGGANG SA


K ASALUKUYAN

Pangalan: Regina O. Galvez Petsa: 09/05/21 Iskor:______________

1. MGA AWITING FILIPINO

1.1 Freddie Aguilar (ANAK)

Nung isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y


Di malaman ang gagawin
Minamasdan
Pati pagtulog mo

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay


Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong
Amang tuwang-tuwa sa yo'

Ngayon nga ay malaki ka na


Nais mo'y maging Malaya
Di man sila payag
Walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago


Nagging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y
Sinuway mo

Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa yo


Pagka't ang nais mo'y masunod
Ang layaw mo dimo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw


At ang landas mo'y maligaw
Ikaw ay nalulong
Sa masama bisyo

At ang una mong nilapitan


Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong nila ANAK
Ba't ka nagkaganyan?

At ang iyong mata'y biglang lumuha


Ng di mo napapasin
Pagsisisi at sa isip mo't nalaman
Mong ika'y nagkamali

Tugon sa Pag-unawa

1. Ano ang pangkalahatag mensahe ng awitin?

Ang pangkahalatang mensahe ng awiting ANAK ay tungkol sa pagmamahal ng


magulang sa kanyang anak. NA kahit ano pang gawing kasalanan nito ay
mapapatawad parin ito ng magulang.

2. Ikaw, bilang anak, paano ka naantig sa mensahe ng awitin?

Bilang isang anak, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng isang


magulang. Ang kantang ito ay nagpapaalala sa’kin na dapat na’ting
pahalagahan ang ating Pamilya habang sila ay buhay pa.

3. Patunayan na ang awiting ito ay sumasalamin sa kabataan mula noong ito nilikha
magpahnggang ngayon.

Tunay nga’t ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit sa panahon ngayon
kabataan din ang nalululong sa mga masasamang bisyo. Kagaya lamang ng
droga, alak, sigarilyo, at iba pa. Ang kanatang ito ay nagpupukaw ng natutulog
na damdamin, na kaialangang maunawaan ng mga kabataan na iwasan ang
masasamang bisyo.

4. Naniniwala ka ba sa kawikaang, walang magulang ang nakatitiis sa mga anak bagkus may
mga anak na naktitiis sa magulang? Pangatwiranan

Sa aking palagay, ito ay tunay sa ibang bahagi ng buhay, sa iang tao. Bilang
isang anak, kapag may malaking kasalanan nagawa ang aking magulang,
parang mahirap sa’kin patawarin sila. Mapapatawad ko man pero hindi na
tulad ng nakasanayan ko ang tingin ko sa kanila. Magpakatotoo tayo, halos
lahat naman ganon ang mararamdaman ng anak.

5. Anu-anong sakripisyo ang kayang ibigay ng magulang alang-alang sa kapakanan ng mga


anak?

Bilang isang magulang, kaya niyang isugal o isakripisyo ang kanyang buhay
para lamang masustentuhan o maibigay ang gusto ng anak. Kahit mismo sarili
nilang kaligayan, kung dati ay nakakagala ka, ngayon ay hindi dahil mas
nanaisin mong bantayan ang iyong anak sa bahay. Hindi lang anu-ano ang
kanilang sakripisyo, hindi mo masusukat ang kanilang kayang gawin, sa
kabuuan, kaya nilang ibigay ang kanilang uhay.

You might also like