You are on page 1of 12

4th quarter

Ikaapat na Markahan

Performance Task # 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.

Ang Florante at Laura ay naisulat ni Balagtas noong 1838. Matapos mong pag-aralan ang
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura natitiyak kong namulat ka sa mga pangyayari o
kaganapan sa panahong nnaisulat ito.

Panuto: Ngayon, maglahad ka ng epekto nito sa iyo bilang mag-aaral sa pamamagitan ng isang
tula. Bumuo ng apat na saknong na may tig-aapat na taludtod at may sukat na labindalawang
pantig. Gumamit ng tugmang ganap sa pagbuo ng tula.
Tula para kay Laura

Ako’y nakatali sa punong higera

Hinagpis at sakit aking nadarama

Bakit mo ako ginawang pagtaksilan?

Ano ba ang nagawa kong kasalanan?

Napakahirap ang syang napagdaanan

Ngunit may taong handa akong tulungan

Nais ko pa rin silang pasalamatan

Sa walang hangganang pagkakaibigan

Makalipas ang mga araw na nagdaan

Ikaw pa rin ang nais na ipaglaban

Di man makamtan aking kaliyahan

Ikaw lang mahal ko hanggang kamatayan

Aking sinta, ngayong kapiling na kita

Ako sayo ay nangako’t sumusumpa

Aalagaan ka ng sapat at tama

At mamahalin ng walang pagdurusa


Performance Task # 2: Pagsulat ng Sanaysay Gamit ang Wika ng Kabataan.

Sa pagtatapos, gawin nating makabuluhan ang panibagong kaalamang natutunan mo ngayon sa


ating aralin . Inaasahan kong mailalapat mo ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang Sanaysay.

Gamit ang ilang wika ng kabataan , sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa kadakilaan ng
pag-ibig ng isang magulang sa kanyang anak. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong
Sanaysay upang lubos itong kaaya-aya sa mga makababasa. Ang Sanaysay ay binubuo ng apat
na talata. Ang isang talata ay binubuo ng limang pangungusap. Narito ang pamantayan sa
pagmamarka.

Kategorya 15 10 5 Puntos

1. Nilalaman Ang kaisipang Ang ilan sa mga Marami sa mga


napapaloob ay kaisipang kaisipang inilahad
naglalahad ng kadakilaan inilahad ay hindi ay hindi angkop sa
ng pag-ibig ng magulang angkop sa kadakilaan ng ng
kadakilaan ng magulang
pag-ibig ng
magulang

2. Organi- Lohikal at mahusay ang Lohikal ang Walang patunay na


sasyon pagkakasunudsunod ng pagkakaayos ng organisado ang
mga ideya; gumamit din mga ideya subalit pagkakalahad ng
ng mga transisyunal na ang mga ideya ay sanaysay
pantulong tungo sa hindi ganap na
kalinawan ng mga ideya. nadebelop.

3.Gramatika / Walang pagkakamali sa May 5-10 Napakarami ang


Balarila mga bantas, pagkakamali sa mga pagkakamali sa
kapitalisasyon mga bantas, mga
pagbabaybay at gamit ng kapitalisasyon bantas,kapitalisa s-
salita. pagbabaybay at yon pagbabaybay at
gamit ng salita gamit ng mga salita
Kabuuan

Pag-ibig ng Magulang sa kanyang Anak

Sisimulan ko ang sanaysay na ito sa pagpapasalamat ko sa aking mga magulang na


syang lagging nariyan upang ako’y gabayan sa aking mga ginagawa sa aking buhay. “Salamat”
ang isa sa mga salitang hinding hindi ako magsasawang sabihin sa kanila sapagkat kita ko ang
hirap na pinagdadaanan nila upang matustusan ang aming mga pangangailangan. Sa araw-araw
nilang pagod sa trabaho ay nagagawa pa rin nilang ngumiti at ipakita na sila ay hindi napapagod.
Tunay ngang ang kaligayahan ng isang magulang ay ang kanyang mga anak. Ang pag-ibig ng
isang magulang ay hindi matutumbasan ng kahit na sino man.

Natatandaan ko pa noong ako’y bata pa na mayroon akong gustong bilihin na laruan


ngunit walang nakalaan na pera para dito. Noong mga oras na yun ay naisip kong magsabi sa
aking magulang pagkauwi nila galing sa trabaho, hindi na ako nag-alinlangan pa at agad kong
sinabi na may gusto akong bilihin na laruan. Wala pang ilang minuto pumayag na agad ang
aking nanay kahit kita ko sa kanyang mukha na sapat lamang ang pera na kanyang kinikita para
sa aming pangunahing pangangailangan. Doon ko napagtanto na ang swerte ko sa magulang ko.
Ang swerte ko hindi dahil sa nakabili ako ng laruan, maswerte ako dahil sila ang nagging
magulang ko.

Sa paglipas ng panahon ay mas lalo kong nakita ang kadakilaan ng pag-ibig ng


magulang sa kanyang anak. Tama nga ang sinasabi nila na “walang magulang ang hindi
nagmahal sa anak” sapagkat base sa aking nakikita at nararanasan, kaya nilang gawin ang lahat
para sa anak. Kahit na minsan may mga bagay talaga na hindi pinagkakaunawaan ang magulang
at anak pero sa kabila nito mas nagiging malawak ang pang-unawa ng magulang. Kahit saan
natin tignan ay sobrang laki talaga ng utang na loob natin sa kanila dahil sila ang nagtuturo sa
atin kung paano natin haharapin ang ating buhay at sila rin ang nandyan para damayan tayo sa
ating mga problema. Sila ang bukod tanging kakampi natin sa iba’t-ibang sitwasyon na
kakaharapin natin sa ating buhay.

Bukod sa ating Panginoon, ang ating mga magulang lang ang may kakayahan na
magpakita sa atin ng kadakilaan ng pag-ibig. Kung tayo man ay may pagkakamali, andyan sila
upang magpatawad. Sa kabila ng pasakit na ibininigay natin sa kanila sa tuwing tayo ay hindi
nakikinig sa kanilang mga payo, ay hindi sila nagsasawa na kumbinsihin tayong muli. Para sa
akin, nararapat lamang na sila ay ating sundin dahil alam kong ito’y makakabuti para sa atin. Sa
pagtatapos ng aking sanaysay ay masasabi ko na ang pagmamahal ng ating mga magulang ay
kailangan nating pahalagahan at ibalik rin sa kanila ang kadakilaan ng pag-ibig ng isang anak.
Takdang-Aralin 1

1. Ano ang paksa ng Talumpati?

Ang paksang tinalakay sa Talumpati ay ang reaksyon ng mga mag-aaral sa


COVID-19 na kung saan ay binalikan ng nagsasanaysay ang buhay ng mga estudyante noong
walang pang COVID-19. Ayon dito maraming nasayang na pagkakataaon dahil sa pandemya
ngunit kinakailangan na lang na sumabay sa agos ng panahon. Para sa akin, gusto ko na rin
sanang maranasang muli ang pagkakaroon ng face to face classes dahil bukod sa mahirap
mag-aral gamit ang iba’t-ibang teknolohiya ay gusto ko na ring makasama ang aking mga
kaibigan.

2. Kumuha ng pangungusap mula sa talumpati at isulat ito sa nakalaang espasyo.


a. Pangungusap na nagsasaad ng pagsang-ayon.

Sa pagdating ng Covid-19 vaccine umaasa akong bumalik na ang dati bagamat


takot ako sa bakuna ay nanaisin kong magpabakuna upang maging ligtas sab anta ng
pandemya.
b. Pangungusap na nagbibigay ng konklusiyon

Samakatuwid dapat tayong magtulungan lahat at sumunod sa mga pinag-uutos ng


pamahalaan lalo na ang health protocol ng IATF.
c. Pangungusap na nagsasaad ng pagtutol o pagsalungat.

Nahihirapan ak sa sitwasyon ngayon lalo na sa distance learning pero wala akong


magagawa kundi sumunod sa agos ng panahon.

NATUTUNAN:
Marami akong natutunan sa mga aralin na aking nabasa. Natutunan ko ang kahalagahan
ng Nobela sa ating mag-aaral na kung saan ay tinalakay dito ang nobelang Florante at Laura na
sya naman talagang kakapulutan ng maraming aral. Natutunan ko rin ang paglalahad ng aking
damdamin o saloobin patungkol sa kadakilaan ng pag-ibig ng isang magulang sa anak. Bukod pa
dito ay ang karanasan ng mga estudyante noong wala pang pandemya at higit sa lahat natutunan
kong gumawa ng lap book.

REYALISASYON:

Pagkatapos ng araling ito ay marami akong nagging reyalisasyon sa buhay. Napagtanto


ko na kailangan nating ibalik ang pagmamahal na ginagawa sa atin ng ating magulang. Bukod pa
dito ay ang kahalagahan ng Florante at Laura sa ating mag-aaral. Napag-isipan ko rin ang
masasayang karanasan noong hindi pa nagkakaroon ng pandemya. Naisip ko na ang kailangan
pala nating pahalagahan ang bawat oras dahil hindi natin alam ang maaaring mangyari sa
hinaharap, katulad na lamang ay ang pagkakaroon ng COVID 19.

Performance Task # 3: Pag gawa ng LAPBOOK

( NOTE: Rona ppt na lang gawin mo, mag research ka sa Internet, copy paste mo na lang
un UNANG BAHAGI, Yon IKALAWANG at IKATLO BAHAGI ay gawin mo na lang
simple. TALASALITAAN ay pwede rin ma research or copy paste..

PAGGAWA NG
LAPBOOK
UNANG BAHAGI NG LAPBOOK
IKALAWANG BAHAGI NG LAPBOOK
IKATLONG BAHAGI NG LAPBOOK

HULING BAHAGI NG LAPBOOK

You might also like