You are on page 1of 88

FILIPINO 4

D
Paggamit nang Wasto at
A
Angkop na Pangatnig Y
1
QUARTER 3 WEEK 7
Balik-aral :

Ano ano ang dapat nating tandaan sa


pagbibigay ng angkop na pamagat sa
tekstong nabasa ?
Naranasan na ba ninyong sumama sa piknik ng
inyong mag-anak ?

Ano anong paghahanda ang ginagawa ninyo


kapag kayo ay
sasama ?

Ano naman ang nararamdaman ninyo ?


Ngayon ay babasa tayo ng maikiling kuwento
tungkol sa piknik sa paaralan.

Biglang nagising si Toto sa ingay na galing sa


kusina. Lumabas siya upang alamin kung ano
pinagmulan ng ingay. Naroon sina Nora at Anna
na tumutulong sa kanilang nanay sa
paghahanda ng kanilang baon para sa piknik sa
paaralan. Pinuno ni Nora ang tubig sa pitsel
habang isinisilid ni Anna sa basket ang mga
tinapay. Binalot ng nanay sa dahon ng saging
ang kanin, masarap daw kumain sa dahon.
Inilagay din niya ang adobong manok sa isang
plastic na baunan. “ Kapag
Saan binalot ng nanay ank kanin ?
malaki ka na, isasama ka na namin sa aming
piknik sa paaralan, sabi ni Anna sa
nakababatang kapatid.

Sino ang biglang nagising sa ingay sa kanilang


kusina ?
Ano ang ginagawa nina Nora at Anna ?

Saan kaya sila pupunta ?

Saan binalot ng nanay ang kanin ?


Pansinin ang mga salitang nakadiin at nakaguhit.
Basahin natin ang mga ito.
upang para habang
daw kapag kung

Ano kaya ang tawag nating sa mga salitang ito ?


Ang tawag sa mga salitang ito ay pangatnig.

Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-


uugnay ng salita sa kapwa salita, sa parirala sa
kapwa parirala o ng pangungusap sa kapwa
pangungusap upang mabuo ang isang diwa o
kaisipan.
Pangkatang Gawain :

Bawat pangkat ay pipili ng 5 pangatnig at


gamitin ito sa pangungusap.
Salungguhitan ang ginamit na pangatnig sa bawat
pangungusap.
1. Mag-aral ka mabuti para tumaas ang iyong
marka.
2. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada
naman.
3. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang
ulan.
4. Si nanay ay naglalaba habang si tatay naman
ang nagluluto.
5. Kapag umulan, hindi makakapunta rito si
Boyet.
Pinayagan ka ng iyong mama na sumama sa
piknik sa paaralan, ano ano ang mga dapat
mong tandaan na bilin ng iyong nanay ?
Ano ang pangatnig ?
Ano ano ang halimbawa ng pangatnig ?
Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay
ng salita sa kapwa salita, sa parirala sa kapwa parirala
o ng pangungusap sa kapwa pangungusap upang
mabuo ang isang diwa o kaisipan.
Bilugan ang tamang pangatnig sa loob ng
panaklong.
1. Naglalaro ang anak niya sa labas (pero,
para, habang) may kinakausap siya sa
telepono.
2. Binigyan niya ng biskwit ang bata (nang,
bagama’t, subalit) patuloy ang pag-iyak
nito.
3. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang,
ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi
galing eskuwelahan.
4. Tatawag muli si Alma (kasi, bago, para)
makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.
5. Lahat ng bagay ay kumukupas sa
paglipas ng panahon, (maging, subalit,
kapag) ang kagandahan
FILIPINO 4
Pagpapakita ng Pag-unawa sa Pinanood sa D
Pamamagitan ng Pagbibigay ng Ibang A
Pagwawakas ayon sa Sariling Saloobin o Y
Paniniwala
2
QUARTER 3 WEEK 7
Balik-aral :
Piliin sa ibaba ang angkop na pangatnig sa
bawat pangungusap.
at kaya kung
sa wakas kahit

1. _______tapos na ang pagpupulong.


Balik-aral :
2. Yumaman si Arriane________ galing siya sa
hirap.
3. Singkamas____ talong ang paborito kong
gulay.
4. Umamin na si Mando ______ makakalaya na
ang napagbintangang si Rico.
Balik-aral :
5. Gawin mo agad ang sinabi ni itay
______ayaw mong mapalo.
Mayroon ba kayong kapatid ?

May pagkakataon din ba na napapagalitan kayo


ng inyong mga magulang ?

Bakit kayo napapagalitan?


Halina’t sabay-sabay nating panoorin ang
palabas na pinamagatang “Tatlong Batang Sutil”
sa inyong video lessons o sa link na ito.
https://www.youtube.com/watch?
v=omwg9Gqsgwc
Sa inyong sariling saloobin o opinyon, ano
kaya ang magiging wakas ng kuwentong
inyong napanood?

Ano kaya ang mangyayari sa Tatlong


Batang Sutil?
Ano ang wakas ng pinanood na kuwento?

Ano ang ibig sabihin ng wakas ng isang


pinanood na kuwento?

Ano ang saloobin o opinyon sa pinanood


na kuwento?
Halimbawa ng pagbibigay saloobin o
opinyon tungkol sa kuwento ng Tatlong
Batang Sutil.
• Sa aking palagay ay hindi na magbabago
ng ugali ang
magkakapatid.
Ang wakas ay ang huling bahagi o
katapusan ng isang kwento o palabas. Ito
kinalabasan o bunga ng kwento o palabas.
Ito rin ang resolusyon o ang kahihinatnan
ng kwentong binasa. Dapat ay may
kinalaman ang wakas sa kuwentong
napanood. Alamin
kung maganda o angkop ba ang ibibigay
nating wakas sa kuwentong binasa o
pinanood.
Ano ang ibig sabihin ng saloobin o
opinyon sa isang pinanood na kuwento?
 Ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay
ng wakas at saloobin o opinyon sa pinanood?
 Maunawaan at maintindihan ang buong
pangyayari sa pinanoood.
 Alamin ang tema ng pinanood at ang lahat
ng mga mahahalagang pangyayari.
 Mailagay ang sariling sitwasyon sa pinanood
para maibigay ang angkop na wakas.
 Makakabuti na tayo ay may sapat na
kalaaman sa paksa upang masusing
mapagtimbang-timbang ang mga bagay at
maging katanggap-tanggap ang iyong wakas at
opinyon o saloobin.
 Sa pagbibigay opinyon o saloobin,
mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng
mga salita upang maging kapani-paniwala o
kahika-hikayat ang
pahayag.
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa
mga paliwanag lamang batay sa totoong pangyayari.
Ito ay mga impormasyon na batay sa saloobin at
damdamin ng tao. Ginagamitan ito ng mga salita o
parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin,
sa ganang akin, at iba pa.
Pangkatang Gawain :
Sumulat ng angkop na wakas ng kuwentong
nasa ibaba. Isulat sa kahon.
Sa umaga, magkasabay na pumapasok si Annie
at Greg sa paaralan. “Tara, maglakad na tayo
para hindi tayo mahuli sa klase,” yaya
ni Greg. “Sige” sagot ni Annie. ”Meron nga
pala tayong pagsusulit ngayon sa Filipino. Nag-
aral ka ba?” sabi ni Greg. “Oo naman,
pinaghandaan ko ang araw na ito.”

Wakas:
Bumuo ng sariling opinyon tungkol sa
kwentong nasa ibaba.
May tatlong magkakaibigan na sina Erwin, Ben
at Raffy. Sila ay laging magkakasama. Isang
araw, sila ay pumunta sa opisina ng Punong-
guro ng walang paalam at sinira nila ang mga
papeles ng Punong-guro.
Ano anong aral ang natutunan natin sa
napanood?

Dapat ba nating tularan ang tatlong batang


sutil ?
Ang wakas ay ang huling bahagi o
katapusan ng isang kuwento o palabas. Ito
kinalabasan o bunga ng kuwento o palabas.
Ito rin ang resolusyon o ang kahihinatnan
ng kuwentong binasa. Dapat ay may
kinalaman ang wakas sa kuwentong
napanood.
Alamin kung maganda o angkop ba ang
ibibigay nating wakas sa kuwentong binasa
o pinanood.
Panoorin ang palabas na “Ang Oso at Ang
Dalawang Magkaibigan” sa video lesson o
sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?
v=lgkKuMZ-mBs.
Magbigay ng tatlong (3) opinyon o
saloobin tungkol sa pinanood na palabas at
dalawang (2) maaaring wakas nito. Isulat
sa patlang ang sagot.
Opinyon 1:___________________
Opinyon 2:___________________
Opinyon 3:___________________

Wakas 1:_____________________
Wakas 2: ____________________
nagiging sanhi ng pagka-obesity,
pangalawa, Insulin at type 2 diabetes.
Pangatlo, fats at cardiac events. Ngunit
nakapagtataka sapagkat ito ay naibebenta
pa rin at patok sa panlasa ng nakararami.
Ang mga advertisement nito ay
FILIPINO 4
D
Paggamit ng Simuno at A
Panaguri sa Pangungusap Y
3

QUARTER 3 WEEK 6
Balik aral:

Ano ang tawag natin sa pinakahuling


bahagi ng kuwento o napanood ?
Tumawag ng mga mag-aaral para buuin ang
picture puzzle at idikit ito sa pisara.
Ano ang nabuo ninyong larawan sa unang
picture puzzle ?
Sino sino ang bumubbuo sa isang tahanan ?
Ano naman ang nabuo ninyo pangalan picture
puzzle ?
Sino sino naman ang makikita sa paaralan ?
Anong katangian ang maipagmamalaki natin sa
talatang narinig ?

Ano anong paghahanda ang gingawa ng ating


pamilya kapag may inaasahan tayong bisita o
panauhin ?
Ngayon ay babasa tayo ng isang kuwento
tungkol sa “ Tahanan at Paaralan “
Ang tahanan at paaralan ay mahalaga sa
atin. Ang pagmamahalan ng isang mag-anak ay
nabubuo sa tahanan. Ang magagalang na
pananalita at
pakikipag-usap ay unang natutunan sa tahanan.
Pandayan ng karunungan ang paaralan. Ang
lahat ng unang natutunan sa tahanan ay
hinahasa ng paaralan. Kapitkamay sa
kinabukasan ng kabataan ang ating tahanan at
paaralan. Sila ay gabay ng mga Kabataan sa
bawat tagumpay
Ano ang pamagat ng kuwentong binasa ?

Bakit mahalaga sa atin ang tahanan at


paaralan ?

Ano ano ang mga natutunan natin sa ating


tahanan ?
Ano naman ang unang natututunan natin sa
paaralan ?

Magiging ganap na matagumpay ba ang isang


mamamayan kung wala ang isa sa tahanan o
paaralan ?

Bakit ninyo ito nasabi ?


Pansanin ang mga lipon ng mga salita sa
kuwentong ating binasa. Basahin natin.
-Ang tahanan at paaralan ay mahalaga sa atin.
-Ang pagmamahalan ng isang mag-anak ay
nabubuo sa tahanan.
-Pandayan ng karunungan ang paaralan.
-Kapitkamay sa kinabukasan ng kabataan
ang ating tahanan at paaralan.
Ano kaya ang tawag natin sa mga binasa
natin ?
•Pangungusap ay salita o lipon ng mga
salitang nagpapahayag ng buong diwa.
Nagsisismula ito sa malaking titik at
nagtatapos sa bantas.
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
1. Simuno- bahagi ng pangungusap na
pinag-uusapan. Maaari itong pangngalan o
panghalip. Ang simuno ay maaaring may
pantukoy gaya ng: ang, ang mga, si, sina sa
unahan ng mga pangungusap.
Halimbawa:
Sina Anna at Franz ay magkapatid.
Matamis ang mangga.
2. Panaguri- ay bahagi ng pangungusap na
nagsasabi tungkol sa simuno. Maari tong
pandiwa, pang-uri, pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ang mga bata ay naglalaro.
( pandiwa )
Sina John at Jack ay magkaibigan.
( pangngalan )
Si Francis ay mabait. ( pang-uri )
Anong bahagi ng pangungusap ang pinag-
uusapan ?
Anong bahagi ng pangungusap ang
nagsasabi tungkol sa simuno?
Pangkatang Gawain :
Pangkat I at II– Hagdan ng Halimbawa
Mag-isip ng halimbawa ng pangungusap.
Isulat ito sa hagdan ng halimbawa. Ikahon
ang ang simuno at bilugan ang panaguri.
Pangkat III at IV-Basahin nang malakas ang
maikling talata. Bilugan ang simuno ang
simuno ikahon ang panaguri.
Tukuyin ang simuno at panaguri sa
pangungusap.
Tuwing umaga ay maaga kang gumigising
para pumasok sa paaralan. Bilang isang
bata , bakit kailangan mong pumasok sa
paaralan?

Ano ano ang mga natutunan mo sa paaralan ?


Ano ang pangungusap ?

Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap ?


Salungguhitan ang simuno at bilugan ang
panaguri sa bawat pangungusap.
1. Si Nanay ay masarap magluto.
2. Ang aking lolo ay maunawain.
3. Sina Karen at Victoria ay matalik na
magkaibigan.
4. Mahimbing na natutulog ang sanggol.
5. Ang mga mag-aaral ay naglilinis
Sumulat ng limang halimbawa ng
pangungusap. Salungguhitan ang
simuno at ikahon ang panaguri.
FILIPINO 4
D
Paggamit ng Simuno at
A
Panaguri sa Pangungusap Y
4

QUARTER 3 WEEK 7
Balik aral

Ano ang pangungusap ?

Ano ang dalawang bahagi ng


pangungusap ?
Nakakita na ba kayo ng paru-paro?

Ano ang masasabi ninyo tungkol dito ?

Ngayon ay babasa tayo ng isang kuwento


tungkol sa paru-paro ?
Isang araw napagkasunduang pumunta sa
bukid ng matalik
na makaibigang sina Lanie at Ranie. Marami
silang nakitang magagandang bulaklak.
Nakita rin nila ang mga paruparo na
dumadapo sa mga bulaklak. Nais
manghuli ng paruparu ni Lanie, subalit
pinigilan siya ni Ranie at pinagsabihang ang
mga paruparu ay hindi dapat hinuhuli,
sapagkat sila ay may buhay rin at
nakatutulong din ang mga ito sa
pagpaparami ng mga bulaklak. Bukod pa
duon ang
Mga paru-paro ay nagsisilbing buhay na
organismo na nakatutulong sa paglago ng
isang halaman. Napa-isip ng malalim si
Lanie sa tinuran ni Ranie patungkol sa
kahalagahan ng mga paru-paru sa
kapaligiran. Dahil duon higit pang
naintindihan ni Lanie
kung paano magbigay halaga sa mga
importanteng bagay sa kapaligiran. Kaya
nagpasya si Lanie na huwag ng manghuli ng
mga paruparo.
Ano ang pamagat ng kuwento?

Sino ang dalawang matalik na magkaibigan


na binanggit sa kuwento?

Ano ang nais gawin ni Lanie na hindi


pinahintulutang gawin ni Ranie?
Tama ba ang ginawa ni Ranie?

Kung ikaw si Lanie, itutuloy mo pa rin ba


ang panghuhuli ng paru-paro? Bakit?
Ano ang simuno at panaguri?
Ang simuno ay ang paksa o pinag-uusapan
sa pangungusap.
Siya rin ang gumagawa ng kilos sa isang
pangungusap.
Samantala, ang panaguri naman ay ang
nagsasabi o naglalarawan
tungkol sa paksa ng pangungusap.

Paano ginagamit ang simuno at panaguri sa


pangungusap?
Pangkatang Gawain :
Pangkatang Gawain :
Basahin at unawain ang bawat pangungusap
sa bawat bilang. Salungguhitan ang simuno
at ikahon ang panaguri sa pangungusap.
1. Ang bata ay nahulog sa hagdan habang
siya ay bumababa.
2. Sila ay magagaling sumayaw ng
makabagong sayaw.
3. Ang ating pambansang bayani ay si
Dr.Jose Rizal.
4. Mabait sa mga bata ang drayber ng
kanilang service.
5. Masarap magluto ang aking nanay.
Bilang isang tao may mga obligasyon tayo
na dapat
nating sundin, at gawin lalo na ang
pagpapahalaga sa ating kapaligiran. Ano ano
ang mga ito ?
Ang pangungusap ay naghahayag ng
kumpletong diwa. Ito rin dapat ay
gumagamit ng wastong bahagi o sangkap sa
pagpapahayag, upang malinaw na
maunawaan ang ideyang inihahayag nito.
Maging ito man ay ginagamit sa larangan ng
pagbasa o pagsulat.

You might also like