You are on page 1of 4

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paraňaque

FILIPINO 6 IKAANIM NA LINGGO


Kwarter 3
ANG ISANG BATANG KATULAD KO

Unawain Natin
Isa sa mga paraan upang mas maintindihan mo ang iyong binasa ay iugnay mo ito
sa iyong sariling karanasan. Nagkakaroon din ng interaksyon ang mambabasa sa teksto
kung naiuugnay nito ang kanyang karanasan sa kanyang binabasa.

Pag-aralan ang sumusunod na mga pangyayari sa pangungusap. Bilugan ang


bilang ng pangungusap na naranasan mo na.
1. Sumasakay sa pampublikong sasakyan sa pagpasok sa paaralan.
2. Bumili ng bagong cellphone ang ina upang may magamit sa pag-aaral.
3. Araw-araw nagdidilig ng mga pananim na halaman sa paso.
4. Madalas nauutusang maghugas ng pinagkainang pinggan.
5. Nagpapakain ng alagang aso at pusa.
Kung ang mga nabilugan mo ay mga pangungusap na iyong naranasan o nasaksihan
tiyak magkakaroon ka ng koneksyon sa iyong binabasa.Sa pamamagitan ng koneksyon
na ito ay mas lalo mong maiintindihan ang iyong binabasa.

Tandaan: Ang pag-uugnay ng iyong karanasan ay magsisilbing tulay upang


higit mo pang maiintindihan at mapapahalagahan ang layunin ng
tekstong binabasa.

Atin namang talakayin ang iba’t-ibang uri ng pangungusap at kung paano sila
magagamit sa iba’t-ibang uri ng sitwasyon.
Ang Pangungusap ay binubuo ng pangkat ng mga salitang nagsasaad ng
buong diwa.

MGA URI NG PANGUNGUSAP


1. Pasalaysay
Pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa
tuldok (.)
Halimbawa: Ang pandemyang nararanasan natin ngayon ay labis na
nakakabahala sa lahat.
2. Pautos
Nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Halimbawa: Diligan mo ang mga halaman sa paso.
3. Pakiusap
Pangungusap na maaring nagsasaad ng paghingi ng pabor. Ito’y ginagamitan ng
magagalang na salita upang makiusap. Maaring nagtatapos sa tuldok o
tandang pananong (.?)
Halimbawa: Maaari mo bang iabot ang damit na nasa harap mo?
4. Patanong
Pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot. Ito ay nagtatapos sa
tandang pananong (?).
Halimbawa: Nasagutan mo na ba ang modyul mo sa asignaturang Filipino?
5. Padamdam
Nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng tuwa, takot o pagkagulat.
Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Halimbawa: Yehey! Nakapasa ako sa mahabang pagsusulit.
1
Mahalagang maintindihang mabuti ang iba’t-ibang uri ng pangungusap upang magamit
at mailahad ang kaisipang nais ipabatid na naayon sa sitwasyon.

Ilapat Natin
A. Panuto: Iugnay ang sariling karanasan sa mga teksto na nasa ibaba sa
pamamagitan ng pagbibigay ng iyong saloobin, opinyon o katotohanan
hinggil sa paksa ng teksto.

1. Itinakda ang pagpasa ng mga modyul ngayong Biyernes. Ngunit nakalimutan mo


itong ipaalala sa iyong magulang kaya inabot na ng isang buwan bago mo naipasa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________.

2. Dahil sa patuloy na pag-ulan, ilan sa mga lugar sa Paranaque ay nakaranas ng


pagbaha.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________.

B. Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos o


Pakiusap, Patanong at Padamdam. Isulat ang sagot sa patlang at lagyan ng tamang
bantas ang bawat pangungusap.
______________ 1. Nagsusuot ng facemask at face shield ang aking ina
kapag siya ay lumalabas sa aming tahanan__
______________ 2. Maari po ba akong maglaro sa labas_
______________ 3. Sige, Alex, mag-iingat ka_
______________ 4. Paano mo iingatan ang iyong sarili sa panahon ng
pandemya_
______________ 5. Naku_ pumasok na ang baha sa loob ng bahay

Suriin Natin
Basahin at unawaing mabuti ang tula na pinamagatang “Ang Batang Katulad Ko” at
sagutan ang mga tanong sa susunod na pahina

2
Ang Batang Katulad Ko!
ni: G.E.D.

Laging paalala ng aking ama’t ina,


Ingatan ang sarili lalo’t sa panahon ng pandemya,
Kumain ng musustansiya, matulog nang tama
Uminom ng walong basong tubig at uminom ng bitamina.

Magsuot ng face mask kapag ikaw ay lalabas


Ugaliing maligo o maghugas kapag galing sa labas
Para ikaw ay laging ligtas, “mag-alcohol”, ang pahabol na bilin ni utol!
Dumistansiya sa iba at laging mag-sanitize ang sabi ni ina.

Lagi nating sundin kanilang paalala,


Upang maiwasan ang sakit at anumang sakuna
Ikaw, na kagaya kong bata.sinusunod mo ba,
Ang mga paalala ni ama at ina?

1. Tungkol saan ang tula?


_____________________________________________________________________
2. Anong uri ng mga pangungusap ang ginamit dito?
_____________________________________________________________________
3. Ano-anong bantas ang napansin mo na ginamit sa tula?
______________________________________________________________________
4. Sa iyong maliit na pamamaraan, ano ang iyong maiaambag upang bumaba ang kaso ng
COVID-19 sa inyong lugar?
______________________________________________________________________
5. Magbigay ng isang pagkakataon na sinuway mo ang iyong mga magulang na nagresulta sa
hindi magandang pangyayari.
_______________________________________________________________________

Tayain Natin

Panuto: Gumawa ng pangungusap ayon sa mga sumusunod na sitwasyon gamit ang iba’t-
ibang uri ng pangungusap at tamang bantas.

1. Sasabihin mo sa iyong kaibigan na mahalagang manatili sa loob ng bahay sa panahon


ngayon.
______________________________________________________________________
________________________________________________________

3
2. Nais mong humingi ng pabor sa iyong kapatid na siya muna ang gumawa sa gawaing
bahay sapagkat sa oras na iyon ay mayroon kang kailangang tapusing takdang-aralin.
______________________________________________________________________
________________________________________________________

3. Ikaw ay bago sa isang lugar at nais mong magtanong sa isang tindero kung saan ang
bahay ng iyong kaibigan.
______________________________________________________________________
________________________________________________________

4. Uutusan mo ang iyong bunsong kapatid na bumili ng meryenda.


______________________________________________________________________
________________________________________________________

5. Ikaw ay tuwang-tuwa sapagkat may nagmagandang loob na bigyan ka ng tablet upang


magamit mo sa online class.
______________________________________________________________________
________________________________________________________

Likhain Natin

Panuto: Gumawa ng isang dayalogo na iyong naranasan sa loob ng inyong tahanan ukol
sa mga dapat gawin upang makaiwas sa banta ng COVID-19. Gamitin ang iba’t-ibang uri ng
pangungusap na iyong natutunan sa modyul na ito upang makabuo ng dayalogo. Gawin ito sa
sagutang papel.

Ano ang dayalogo?


Ito ay ang tuloy-tuloy na pagsisiwalat ng mga pangyayari sa pamamagitan
ng mga salitaan o usapan ng dalawa o higit pang mga tao upang magkabuhay
ang pagsasalaysay.

Halimbawa ng dayalogo:
Ana: Uy! Napanood mo ba ang balita sa telebisyon?
Bea: Ang ano?
Ana: May paparating daw na bagyo at inaasang sa makalawa ito
papasok sa Pilipinas.
Bea: Parang narinig ko rin yan sa balita kanina. Kinakailangan
nating maghanda.
Ana: Oo nga, kailangan nating maghanda. Maari ka bang bumili
mamaya ng baterya para sa flashlight natin.
Bea: Oo naman, walang problema.

You might also like