You are on page 1of 14

Nagagamit nang wasto ang

pang-abay, pandiwa at
Pang-uri sa pangungusap
BALIKAN Naalala mo pa ba ang ating nakaraang aralin tungkol sa pagsulat ng liham-pahintulot?
Balikan natin ang iyong natutuhan tungkol dito
Panuto: Isulat sa wastong pagkakaayos ang liham-pahintulot. Tiyakin na tama ang pagkasunod-sunod
ng mga bahagi nito.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A.
Lubos na gumagalang,
Dolores R. Andalis
B.
Mahal na Gng. Cruz,
C.
Iriga Central School
Lungsod ng Iriga
Oktubre 19, 2020
D.
Gng. Maria Isabel Cruz
Katiwala ng Aklatan
E.
Magandang araw po, ang inyo pong lingkod ay humihingi nang pahintulot na kung maaari po
sana ay payagan kaming gumamit ng silid-aklatan ng ating lungsod tuwing tanghali para sa aming
pananaliksik sa asignaturang Filipino.
 
Maraming salamat po sa inyong pagtugon.
PAGGANYAK/PANIMULANG GAWAIN
Basahin ang tula
Si Bong at ang Kanyang Bisikleta
 
Si Bong ay nabigyan din ng magandang bisikleta
Araw-araw ito’y kanyang dinadala
Kapag siya’y pumapasok sa eskuwela
O kung siya’y inuutusan ng nanay niya.
 
Ang bisikleta’y talagang iningatan niya
Maingat na pinupunasan agad kapag marumi na
Hindi niya hinahayaang sa labas ay Mabasa
Kaya naman maayos lagi at di nasisira.
 
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa kuwento.
1. Paano iniingatan ni Bong ang kanyang bisikleta?
2. Ikaw, maingat ka rin ba sa iyong mga gamit?
3. Paano mo iniingatan ang iyong mga gamit?
4. Bakit dapat nating lagging ingatan ang ating mga gamit?
PAGLALAHAD

Batay sa binasang tula, ano-ano ang mga salitang


nakasulat nang madiin?

Ano ang isinasaad ng mga salitang ito?


Alam mo ba ang tawag sa mga salitang ito?
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasabi ng kilos o galaw.
Halimbawa: takbo
Ang pang-uri naman ay bahagi rin ng pananalita na naglalarawan sa
pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Maaari din itong
magbigay turing sa panghalip.
Halimbawa: mabilis tumakbo
Ang pang-abay naman, gaya ng nabanggit na sa itaas ay mga salitang
naglalarawan o nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa
pang-abay.
Halimbawa: mas mabilis tumakbo
ASPEKTO NG PANDIWA
 
Ang pandiwa ay may tatlong aspekto.
1. Naganap na (Perpektibo)– ang kilos ay tapos na o naisagawa na.
Hal. naglaba, nagluto, nagsaing, tumakbo
2. Nagaganap (Imperpektibo)– ang kilos ay kasalukuyang
ginagawa.
Hal. naglalaba, nagluluto, nagsasaing, tumatakbo
3. Magaganap (Kontemplatibo)– ang kilos ay gagawin pa lamang.
Hal. maglalaba, magluluto, magsasaing, tatakbo
SURIIN

Gawain 1
Isulat ang mga pandiwa na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Tumatakbo nang matulin ang mga manlalaro.
2. Umawit si Ana sa palatuntunan ng kanilang paaralan..
3. Sumali muli siya sa paligsahan noong nakaraang Linggo.
4. Nagsuklay ng buhok si Aurielle bago pumasok ng paaralan. .
5. Kumain si Lester ng hapunan sa karinderya.
Gawain 2

Isulat sa patlang ang salitang may salungguhit kung ito ay ginagamit bilang pang-uri o
pang-abay. Gawin sa ito sa iyong sagutang papel.
_____________ 1. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
_____________ Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.
_____________2. Minamahal niya nang wagas ang kanyang inang-bayan.
_____________ Ang pagmamahal niya sa kanyang inang-bayan ay wagas.
_____________3. Mahigpit na niyakap ng ina ang kanyang mga anak.
_____________ Mahigpit ang yakap ng ina sa kanyang mga anak.
_____________4. Ang lalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali.
_____________ Nagmamadaling lumabas ang lalaking nagnakaw ng bag.
_____________5. Nakatutuwang alalahanin ang bakasyon natin noong isang taon.
PAGYAMANIN
Bumuo ng limang (5)pangungusap na nagsasalaysay ng mga mabubuting kilos na
nasaksihan/ nakita/ naobserbahan na ginagawa ng sumusunod na tao sa iyong paligid.
Gumamit ng angkop na panahunan/aspekto ng pandiwa sa pagsasalaysay. Gawin ito sa iyong
sagutang-papel.
Mga mabuting kilos na nasaksihan/ nakita/naobserbahan na  
ginagawa ng:
 
Pangungusap

1. iyong guro  

2. magulang o kapamilya mo  

3. iyong kaibigan  

4. fronliners (gaya ng doctor, nurse, at lahat ng manggagawa  


sa panahon ng pandemya)

5. isang hinahangaan mong tao  


ISAGAWA

Sumulat ng isang talata na may lima (5)hanggang anim (6) na pangungusap tungkol sa
inyong mag-anak. Bilugan ang mga pandiwang ginamit at salungguhitan ang mga pang-abay.
Gawin

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________
PAGLALAHAT

Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.


 

Ang 1.____________ay nagsasaad ng salitang kilos. Ito ay


binubuo ng tatlong aspekto, 2.____________,
3.______________ at 4.____________. Ang 5. ___________
naman ay bahagi rin ng pananalita na naglalarawan sa
pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Maaari
din itong magbigay turing sa panghalip. Ang 6.
_______________ naman, gaya ng nabanggit na sa itaas ay
mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pandiwa,
pang-uri, at kapwa pang-abay.
PAGTATAYA

Basahin ang pangungusap at isulat ang PU kung ang salitang may salungguhit ay
Pang-uri at PA kung ito ay pang-abay. Bilugan ang pangalan/panghalip/pandiwang
tinututukoy ng salitang nakasalungguhit. Gawin sa sagutang papel.

_________ 1. Maraming bata ang nanonood ng palabas sa parke.


_________ 2. Mabilis ang dyip na nasakyan namin sa palengke.
_________ 3. Iginuhit ng makulay ni Patricia ang larawan.
_________ 4. Hinati ng nanay sa dalawa ang mangga.
_________ 5. Kami ay pumunta sa probinsiya tuwing bakasyon.
_________ 6. Masarap kumain si Rodlan kaya siya ay malusog at malakas.
_________ 7. Ginupit ng pabilog ni Lara ang papel upang gamitin sa kanyang
proyekto.
_________ 8. Bumili si nanay ng dalawang pirasong tinapay.
_________ 9. Mabigat ang iniuwi kong libro kahapon kaya sumakit ang aking
likod.
_________ 10. Maraming magagandang tanawin sa Tanay, Rizal.
TAKDANG-ARALIN
Basahin ang pangungusap isulat ang PU kung ang salitang nakasalungguhit ay Pang-uri at
PA kung ito ay pang-abay.
_____1. Siya ba ay mapagkakatiwalaan?
_____ 2. Bahagyang bumaba ang mga kaso ng COVID sa buwan na ito.
_____ 3. Magaling siya magluto.
_____ 4. Ikaw ay mahalaga sa akin.
_____ 5. Kusang-loob na ibinigay ni Anton ang kanyang upuan sa matanda.
_____ 6. Maluwag na ang pantalon ko.
_____ 7. Pwede ba tayong manood ng sine bukas?
_____ 8. Si Anna ay palaging masayahin.
_____ 9. Ano ang pinakamalamig na rehiyon sa bansa ninyo?
_____ 10. Parating naglalaro ang magkakaklase.

You might also like