You are on page 1of 6

Ybañez, Shiera Joy BEED 1-(4)

Medado, Ann Rhea

Isang Malamasusing Banghay Aralin

Sa Baitang Bilang 5

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin 85% ng mga mag-aaral ay inaasahan nang:

A. Maipapahayag kung ano ang Pang-abay

B. Naibibigay ang iba’t ibang uri ng pang-abay

C. Nakagagawa ng pangungusap gamit ang pang-abay.

II. Paksang Aralin:

A. Wika: Pang-abay

B. Panitikan: Maikling Kwento: Ang Pagong at ang Kuneho

C. Sanggunian:
Pabula:http://mgakwentongpambata.blogspot.com/2016/06/ang-pagong-
at-ang-kuneho:html?m=1

D. Kagamitan: Libro, handouts, kwaderno at papel

E. Pagpapahalaga: Sipag at Tiyaga

III. Pamaraan

A. Panimula

I. Panalangin

II. Pagtala ng liban at Pagsasaayos ng silid


Pagganyak:
Magbibigay ng handouts ang guro tungkol sa maikling kwento na
pinamagatang “Ang Pagong at Ang Kuneho” at bibigyan niya nga labing
limang minuto ang mga mag-aaral para basahin ito. Pagkatapos basahin
ng mga mag-aaral, mag bibigay ng ilang katanungan ang guro.

B. Paglalahad

Jackanapes mag tanong nga guro. Ipakilala ng guro ang Pang-abay.

Ibigay ang uri nito at Magbigay ng mga halimbawa.

C. Pagtatalakay

Ang Pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa

pang- abay.

Uri ng Pang-abay
1 . Pang-abay na Pamanahon - ito ay nagsasaad kung kailan
naganap o magaganap ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Kinabukasan, maraming nagsidalo sa paligsahan nina pagong at kuneho

2. Pang-abay na Pamaraan- ito ay naglalarawan kung paano


naganap o magaganap ang kilos na ipinahayag ng panduwa.
Halimbawa: Hinamon ni kuneho ng paligsahan si Pagong.

3. Pang-abay na Panlunan- ito ay tumutukoy sa pook ng


pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Unahan makarating sa tuktok ng ikatlong bundok.
D. Pagpapahalaga

Bakit kailangan nating maging masipag at matiyaga sa lahat ng bagay?

E. Pagsasanay
F.
Panuto: Punan ng tamang pang-abay ang patlang Piliin ang tamang sagot.

Maagang

TuwIng Hapon Sa Bahay.

Masayang Mabilis

1. Pumasok si Noel

2. Sinagot nang ang tanong ni Shiela.

3. Naglalaro ng tagu-tagoan ang mga magkakaibi

4.Dadalaw kami nina Manong Linda.

5. Naghahabulan ang mga magkaklase

IV. Pagtataya

Panuto: Bumuo ng pangungusap na may pang-abay. Pumili sa kahon ng 10

salitang gagamitin.
Kanina Kay Araw-araw

Mabilisan Kina Kahapon

Bukas Na Sa

Noon Ng

V. Takdang Aralin

Panuto: Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na hindi mo

malilimutan tula ng (pasko, pista, kaarawan at iba pa.) Gumamit ng mga

pang-abay. Isulat ito sa kwaderno.


Ang Pagong at ang Kuneho

Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong.


Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.

"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang
mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa.

Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na

nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.

"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako
matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan.
"Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho.

"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon."


Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.

Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni


Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera.
Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na
matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si Matsing ang
nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan.

"Handa na ba kayo".

Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".

"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni Matsing.


Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis
na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya
sa paanan ng bundok. Nang lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang
agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang
pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang
panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.

Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si Pagong sa


kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong.
Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng
mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok.
Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.

Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa


marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing
na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa
paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Nang
magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa
din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit
ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng
bundok. Naunahan na pala siya.

ARAL:
Ang kuneho ay labis ang tiwala na mananalo kaya tumigil ito sa gitna ng paligsahan at
nakatulog. Ang pagong kahit mabagal ay patuloy na naglakad at hindi tumigil hanggang
sa dulo ng karera. Gaya ng pagong, hindi basehan ang bilis upang manalo. Kahit
dahan-dahan basta't tuloy-tuloy ay kaya mong mapagtagumpayan anuman ang karera
ng buhay.

You might also like