You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino VI

Inihanda ni: Mariko E. Kubo

I. Layunin
Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagtukoy sa simuno at panaguri sa pangungusap.
Sanggunian:
Kagamitan: tsart, laptap, prodyektor

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtetsek ng liban at hindi liban,pagsasaayos ng loob ng silid-aralan.
3. Drill: (Show me your card)

B. Panlinang na Gawain

1. Balik- Aral
Ano ang pang angkop?
Ano ang dalawang pang-angkop na ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita

2. Pagganyak
Mag bigay ng halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng pang angkop.

3. Paglalahad
a. Pagpapabasa sa depenisyon ng talakayin at pagtatanong kung ano ang
pagkakaunawa sa nabasa.

4. Pagtatalakay

Anu-ano ang mga bahagi ng pangungusap?

a. Simuno- ito ay ang paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap.


May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung
bagay, lunan, o pangyayari.
b. Panaguri- ito ang nagsasabi tungkol sa simuno.

5. Paglalahat
Anu-ano ang mga bahagi ng pangungusap?
Ano ang simuno?
Ano ang panaguri?

6. Paglalapat

Panuto: Lagyan ng angkop na simuno ang mga patlang para makabuo ng


pangungusap.

1. Mapurol na ang __________.


2. Ang _________ ay tumakbo.
3. Mapait ang __________.
4. Naglalaro _________ ng patintero.
5. Nakakalibang tingnan ang mga _________.

IV. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang simuno at kahunan ang panaguri.

1. Sariwa ang hangin sa probinsya.


2.Taga tondo si ana.
3. Ako ay mabait.
4. Nag-aaral ng Mabuti si Juan
5. Maliwanag ang buwan.

V. Takdang- Aralin

Magbigay ng limang halimbawa ng pangungusap. Salungguhitan ng isang beses ang


simuno, pangalawang beses naman salungguhitan ang panaguri.

You might also like