You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO V

I. Layunin

Sa loob ng limampung minutong talakayan, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy/ naipapaliwanag ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.


B. Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri ng pangungusap.
C. Naipapakita ang kooperasyon at pagpapahalaga sa pangkatang gawain.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Mga uri ng pangungusap


B. Sanggunian: Alab Filipino pahina 178-179
C. Kagamitan: Laptop, Projector/Manila paper at mga larawan.
D. Pagpapahalaga:

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain

Magsitayo ang lahat para sa ating pambungad na panalangin.


Amen.
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga rin po sir Calvin.
Maaari na kayong magsiupo ng maayos.

2. Pag-uulat ng liban

Mayroon bang lumiban ngayong araw?


Wala po sir.
Magaling! At dahil dyan bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng
“Mommy Dionisia Clap”.
(Ginawa ng mga bata ang palakpak.)
A. Balik-aral

Bago tayo magsimula sa ating paksang aralin ngayong araw ay


nais ko munang tayo ay magbalik-aral. Meron akong
ipapakitang ilang mga larawan at ang kailangan nyo lang gawin
ay bumuo ng pangungusap mula sa larawan at tukuyin ang
simuno at panaguri. Naintindihan ba mga bata?
Opo sir.
(Ipinakita ang mga larawan)

Magaling mga bata, nakita ko na kayo ay natuto sa ating


nakalipas na aralin. Ngayon ay dadako na tayo sa ating
susunod na aralin.
B. Pagganyak

Mga bata meron akong ipapanood sa inyong video tungkol sa


kalamidad gaya ng bagyo.
(Ipapakita ang larawan)
Ngayon mga bata ano ang ipinakita ng video?
Sir ipinapakita po ngvideo ang isang kalamidad.

Ano ang karaniwang nangyayari sa isang lugar na naapektuhan


ng isang kalamidad? Sir yong iba po ay nawawaalan ng tahanan.
Maraming nasasaktan o kung minsan ay namamatay.
C. Paglalahad Maaaring magkaroon ng pagguho ng lupa.

Ngayon ay magbabasa tayo ng isang kwento. Bago tayo


magsimula, maaari bang ibigay ninyo ang ilang pamantayan sa
pagbabasa ng tahimik.
(Ibibigay ng mga bata ang mga pamantayan sa pagbabasa ng
Mahusay mga bata! tahimik.)
D. Pagtalakay ng mga tanong

Ngayon mga bata ay aking titingnan kung lubos ninyong


naunawaan ang inyong kwentong binasa. Upang aking
malaman ay kailangan masagot ninyo ng tama ang ilan sa mga
katanungan tungkol sa kwentong inyong nabasa.

1. Ano ang pamagat ng kwento? Sopas na bato po.


2. Ano ang naranasang kalamidad sa baryo Tahimik? Sir Bagyo po.
3. Sino ang dumating sa baryo? Isang matandang manlalakbay po.
4. Ano ang ginawa ng mga tao ng humungi ng pagkain ang Wala ni isa ang nagbigay.
matanda?
5. Ano naman ang aral na natutunan ninyo sa kwento, sige nga Mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa dahil ito ay susi sa
____? tagumpay na minimithi.

Mahusay mga bata!

E. Paglinang ng Kasanayan

Buhat sa kwentong binasa kanina, talakayin natin kung paano


ipapahayag ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

Narito ang iba’t ibang uri ng pangungusap mula sa kwento ng


Sopas na Bato. Pakibasa ng unang pangungusap.

Ang matanda ay pagod na pagod at gutom na gutom.

Ngayon, ano ang isinasaad ng pangungusap? Nagsasaad po ng pangyayari.


Magaling! Sa anong bantas nagtatapos ang pangungusap? Tuldok po (.)

Tama! Ang unang pangungusap ay isang halimbawa ng


pangungusap na Paturol o Pasalaysay.

1. Paturol o pasalaysay - uri ng pangungusap na ginagamit


sa pagsabi ng pangyayari o katotohanan. Nagtatapos din ito
sa tuldok.

Ngayon ay maaari ba kayong magbigay ng halimbawa? (Nagbigay ng halimbawa)

Magaling mga bata! Tama lahat ng inyong kasagutan.

Ngayon, basahin naman ang susunod na pangungusap.

Wala naman siguro kayong karne ng baka?

Ano naman ang masasabi niyo sa pangungusap na iyan? Sir ang pangungusap po ay nagtatanong.
Magaling! Sa anong bantas naman nagtatapos ang
pangungusap? Sir nagtatapos po sa tandang pananong.

Mahusay!

Ang pangungusap na inyong nabasa ay halimbawa ng


pangungusap na patanong.

2. Patanong - ginagamit ito sa pananong/pagtatanong at


ginagamitin ito ng tandang pananong (?) sa hulihan.

Maaari ba kayong magbigay ng ilang halimbawa? (Nagbigay ng halimbawa.)

Magaling mga bata!


Ngayon naman ay basahin nyo ang pangungusap na ito.

Kunin mo ang mais doon sa lagayan ng pagkain.

Anong naman ang isinasaad ng pangungusap na iyan? Sir ang pangungusap po ay naguutos.
Sa anong bantas naman nagtatapos ang pangungusap? Sir sa tulodok po (.)

Mahusay, tama na naman ang inyong mga kasagutan.

Pakibasa ng kasunod na pangungusap.

Pakikuha ng ating gulay anak.

Ngayon ano naman ang isinasaad ng pangungusap na iyan? Sir nakikiusap po.
At sa anong bantas nagtatapos ang pangungusap? Sa tuldok po sir.

Mahusay mga bata!


Ang tawag natin sa dalawang pangungusap na iyan ay
Pangungusap na Pautos/pakiusap.

3. Pautos/pakiusap - ginagamit sa paguutos o pakikiusap at


nagtatapos sa tuldok (.) .

Maaari ba kayong magbigay ng mga halimbawa? Nagbigay ng halimbawa

Mahuhusay talaga kayo mga bata! Ngayon naman ay basahin


nyo ang huling pangungusap na ito.

Wow! Nanay ang bango ng ulam!

Ano ang ipinapakita ng pangungusap? Nagpapakita ito ng matinding damdamin.


Tama! At sa anong bantas naman ito nagtatapos? Sir nagtatapos po ito sa tandang padamdam po (!)

Tama na naman! Ang tawag sa pangungusap na ito ay


pangungusap na Padamdam.

4. Padamdam - ginagamit sa pagpapakita ng matinding


damdamin gaya ng tuwa, galit, gulat, sakit at iba pa.
Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!)

Magbigay nga kayo ng ilang halimbawa. Nagbigay ng halimbawa.

Tama lahat ng inyong mga kasagutan.


Bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng Onyok Clap Papalakpak ang mga bata.

F. Paglalahat

Kung inyong lubos na naunawaan ang paksa natin ngayong


araw ay anu-ano nga ang mga uri ng pangungusap na ating
tinalakay ngayong araw? Sir ang mga uri po ng pangungusap na tinalakay natin ngayong
araw ay ang mga pangungusap na Paturol/pasalaysay,
patanong, pautos/pakiusap, at padamdam.
Mahusay!
Sino ang makapagbibigay ng kahulugan ng pangungusap na
Paturol/pasalaysay? Sige nga ________. Sir ang pangungusap na paturol/pasalaysay ay naglalahad ng
katotohanan at pangyayari at nagtatapos sa tuldok.
Magaling ____ !
Kahulugan naman ng pangungusap na patanong. Sir ang pangungusap na patanong ay ginagamit sa pagtatanong
at nagtatapos sa tandang pananong.
Mahusay ____!
Sino naman ang makapagbibigay sa inyo ng kahulugan ng
pangungusap na pautos/pakiusap? Sir ang pangungusap na pautos/pakiusap ay ginagamit sa pag-
Mahusay! uutos o pakikiusap at nagtatapos sa bantas na tuldok (.)
Ibigay naman ang kahulugan ng pangungusap na padamdam,
sige nga _____ . Sir ang pangungusap na padamdam ay ginagamit sa
pagpapahayag ng matinding damdamin at nagtatapos sa
bantas na tandang padamdam (!)
Napakahusay ninyong lahat!
Ngayon ay dumako naman tayo sa inyong pangkatang gawain.

G. Pagsasanay

A. Malayang Pagsasanay
Panuto: Lagyan ng masayang mukha kung ang pangungusap ay
nagtatapos sa tamang bantas at malungkot na mukha naman
kung hindi.

__1. Kahapon ka ba dumating Ester?


__2. Mas mabait si Louise kaysa kay Ester.
__3. Kuhain mo ang itlog ng sa puno ng kamatis.
__4. Masaya ka ba sa buhay mo ngayon.
__5. Sobrang ginaw, woaaah!

B. (Pangkatang gawain)

Ngayon ay hahatiin ko kayo sa dalawang grupo, bawat grupo


ay pipili kayo ng inyong lider na siyang mag-uulat ng inyong
mga ginawa. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para tapusin
ang inyong gawain.
Ngayon ay bibigyan ko kayo ng mga envelop at diyan
nakapaloob ang panuto at mga kagamitan sa inyong
pangkatang gawain. Mayroon kayong isang minuto para
ipaliwanag ang inyong ginawa.
Naintindihan ba mga bata?

Mahusay mga bata! Bigyan niyo ang inyong mga sarili ng


tatlong palakpak. Opo sir!

(iuulat ang ginawa sa harapan ng klase)


IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap ayon sa
gamit. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS kung ito ay
Pasalaysay, PT kung ito ay patanong, PU kung ito ay pautos, PD
kung ito ay padamdam at lagyan ng angkop na bantas sa
hulihan ng pangungusap.

V. Takdang Aralin:

Panuto: Gumawa ng tig-iisang halimbawa ng pangungusap na


paturol/pasalaysay, pautos/pakiusap, patanong at padamdam.

Inihanda ni:
CALVIN G. VILLARUEL
Guro I

Inihanda kay:

MA. LILA MEDEA L. LABIOS, Ed.D


Punong Guro I

You might also like