You are on page 1of 5

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 6

PAARALAN TETUAN CENTRAL SCHOOL SPED CENTER ASIGNATURA FILIPINO

GURO MIZNA B. JANIHIM ORAS 50 minuto

ARAW Martes MARKAHAN IKAAPAT


March 02,2020

I- LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa tatas ng pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling idea, kaisipan, karanasan, at
damdamin.

B. Pamantayan sa pagganap Nakagagawa ng diagram diyoryama at likhang sining batay


sa isyu o paksang nabasa.

C. Learning Kompetensi/Layunin Nakalalahok sa mga gawaing kailangan ang madamdaming


pagpapahayag tulad ng sabayang pagbigkas, reader’s
theater at dula-dulaan
Code: (F6PS – Ivi – j – 11)

II- NILALAMAN

A. PAKSANG- ARALIN Paglahok sa mga gawaing kailangan ang madamdaming


pagpapahayag tulad ng sabayang pagbigkas, reader’s
theather, at dula-dulaan

Saloobin: Ugaliing maging magalang, iwasan ang pagsigaw sa kapwa


B. MGA SANGGUNIAN

1. Gabay pangkurikulum K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6

2. Mga aklat/online resources Landas sa Pagbasa 6, Internet(scribd.com)

C. MGA KAGAMITAN Slide Deck Presentation, Loptop, TV, Sound System

D. ESTRATEHIYA Differentiated Activity, Sabayang Pagbigkas, Reader’s


Theater, Dula-dulaan
III- PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagganyak a. Performance Chart
1. Ano ang ganap sa March 30, 2020?(Graduation Day)
2. Ano ang gusto nyong matanggap sa araw na iyon?
(Regalo)
3. Nasasabik na ba kayong tumanggap ng mga regalo?(Opo)
4. At dahil diyan, may inihanda ako ritong mga cut out na
regalo. Kung ang pangkat ninyo ay masigasig at
nakapagbibigay ng tamang sagot sa ating talakayan,
bibigyan ko kayo ng regalo. Gusto nyo ba iyon?(Opo)
b. Pangganyak
1. Sino dito ang mahilig magbasa?(Ako po!)
2. Ano ano ba ang inyong mga binabasa?(Mga kwento)
3. Sino naman dito ang mahilig sa pag akting o umarte?
(Ako po)
4. Kapag kayo ay nagbabasa paano nyo ba masasabing
madamdaming pagpapahayag ang inyong nabasang
kwento? (Masasabi naming madamdamin ang pag
papahayag ng kwento kapag nararamdaman namin ito sa
pamamagitan ng pagkatuwa, pag-iiyak at iba pang
emosyon.)
5. Paano naman kapag kayo ay umaakting? (Ganoon din po
sa pag arte, ito rin po ay nagpapahayag ng iba’t ibang
damdamin tulad ng pag iyak, pagsisigaw, at pagkatuwa.)
c. Value Infusion:
1. Kung sa inyong nababasa ay may mga pasigaw na
pagsasalita, sa tingin nyo tama ba na ugaliin nyo rin ito sa
totoong buhay?Bakit? (Hindi po, dahil ang pagsisigaw ay
gawain lamang ng mga hindi magalang na bata.)

B. PANLINLANG NA GAWAIN

1. Paglalahad Kaya ko kayo tinatanong tungkol sa hilig sa pagbabasa at


pag-aarte dahil magagamit ninyo ito sa ating talakayan
ngayon.

Ilahad ang tsart.

SABAYANG PAGBIGKAS
READER’S THEATER
DULA-DULAAN

2. Pagtatalakay 1. Sabayang Pagbigkas


- Ang sabayang pagbigkas ay masining na
pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng
panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa ng
malakas ng isang koro o pangkat.
-Kawili-wiling pamamaraan ng pagpapahalaga sa
panitikan sa pamamagitan ng pagsanib sanib ng mga tinig
ng koro ayon sa wasto nilang tunog, pwersa, at lakas.

a. Ang pagbabasa nang may madamdaming


pagpapakahulugan.
-Isang uri ito ng madamdaming pagbabasa ng isang
pangkat sa isang piyesa.
-Maaaring bumuo ng dula buhat sa tula; May pangkat na
nagbabasa bilang tagapagsalaysay habang may tauhang
nagsasadula o gumagamit ng dayalogo o usapang patula.
2. Reader’s Theater
- isang dramatikong pagtatanghal ng isang uri ng
panitikan a pamamagitan ng dayalogo o skrip.
- isang paraan o imahinasyon ng pagtakas ng mga tao
mula sa realidad papunta sa mundo ng pantasya.
- di tulad sa ibang uri ng panitikan, ito ay hindi
nangagailangan ng props o costume.

a.Mga sangkap ng reader’s theater.


-Iskrip/Dayalogo
-Paksa
-Aktor

3. Dula – dulaan
- isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang
tanghalan.
- ito ay aktingan o pagsasalaysay ng mga kwento
istoria sa pamamagitan ng kilos at salita.
a. Bahagi ng dula
- Yugto – Ito ay isang bahaging pinaghahati sa dula.
Inilalahad ang tabing bawat yugto upang makapagpahinga
ang mga nagtatanghal gayon din ang nanonood.
- Tanghal – Kung kinakailangan magbago ang ayos ng
tanghalan. Ito ang ipinaghahati sa yugto.
- Tagpo – Ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumanap
sa tanghalan.

3. Paglalahat

1. Paano ba ninyo gagawin ang sabayang pagbigkas?


(Sa pamamagitan ng pagsanib sanib ng mga tinig ng koro
ayon sa wastong tunog, pwersa, at lakas.)
2. Paano naman ninyo gagawin ang reader’s theater?
(Ang mga aktor/aktres ay nagbabasa lamang ng
nakahangdang skrip.)(Ang paksang ay tungkol sa
imahinasyon lamang o mga pantasya)
3. Paano nyo naman gagawin ang dula dulaan? ( Sa
pamamagitan ng mga kilos o salita ang pagsasalaysay ng
istoria.)
4. Paglalapat Pangkatang Gawain

a. Ilahad ang pangkatang gawain.


(Pabunutin ang bawat pangkat ng kanilang gagawin)

Sabayang Pagbigkas- Gumawa ng isang anyo ng panitikan at


ilahad sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas.

Readers Theater- Gumawa ng iskrip na tumutukoy sa mga


pantasya o imahinasyon lamang. Ilahad sa klase.

Dula-dulaan- Gumawa ng iskip ng dula-dulaan at ilahad sa


klase.

b. Pagbibigay ng pamantayan
Bago tayo magsimula, ano ano ang dapat ninyong tandaan
kapag kayo ay may pangkatang gawain?

Gumamit ng Behavioral Chart sa bahaging ito.

IV- PAGTATAYA Panuto: Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay dramatikong pagtatanghal at isang paraan o


imahinasyon ng pagtakas ng mga tao mula sa realidad
papunta sa mundo ng pantasya.
a. Reader’s Theater
b. Sabayang Pagbigkas
c. Dula- dulaan
d. Paksa

2. Ito ay mga bahagi ng dula - dulaan maliban sa isa.


a. Yugto
b. Tanghal
c. Tagpo
d. Iskrip

3. Ito ay aktingan o pagsasalaysay ng mga kwento istoria sa


pamamagitan ng kilos at salita.
a.Tanghal
b. Dula-dulaan
c. Readers Theater
d. Sabayang Pagbigkas

4. Kawili-wiling pamamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan


sa pamamagitan ng pagsanib sanib ng mga tinig ng koro
ayon sa wasto nilang tunog, pwersa, at lakas.
a. Reader’s Theater
b. Dula-dulaan
c. Sabayang Pagbigkas
d. Yugto

5. Ang sumusunod ay mga sangkap ng reader’s theater


maliban sa isa.
a. Reader’s Theater
b.Skrip
c.Paksa
d. Aktor
V- KASUNDUAN Pumili sa tatlo (Sabayang Pagbigkas, Readers Theater, at
Dulaan-dulaan). Gumawa ng maiksing iskrip . Isulat sa
bondpaper

You might also like