You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4


I. Layunin
1. Natutukoy ang mga panghalip na pamatlig.
2. nagagamit ang mgapanghalip na pamatlig sa pangungusap
3. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi

II. Paksang Aralin


A. Kasanayan: “Paggamit ng mga Panghalip na Pamatlig sa Pangungusap”
Mga kagamitan: worksheets, PowerPoint presentation

III. Pamamaraan
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panimulang Pagsasanay
Kilalanin ang panghalip na panao sa patlang na naaayon pangungusap. Isula ang letra ng tamang
sagot.

1. Alam na nila ang sikreto natin.


2. Makinig ka nang mabuti sa guro mo.
3. Ano ang sinabi niya tungkol sa proyekto natin?
4. Sila ba ang tuturuan namin ng sayaw?
5. Basahin mo ang aklat na ibinigay ko.

2. Balik-Aral
Anu-ano ang mga panghalip na panao?
Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o
"pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao.
Maaari itong gamitin bilang simuno at tagaganap.
3. Pagganyak
Nagpapakita ang guro ng mga video na may kinalaman sa panghalip na pamatlig.
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN
Magsasabi ang guro ng ilang salita na nagpapakita ng panghalip na pamatlig.

2. PAGLALAHAD
Magpapakita ang guro ng video patungkol sa panghalip na pamatlig.

3. GAWIN NINYO
Tutukuyin ng mga bata ang panghalip na pamatlig. Ang batang matatawag ay ilalagay ang sagot
sa pamamagitan ng pagtatype ng sagot sa laptop
“Nurturing with Discipline, Trust and Respect”
Address: Brgy. Kayrilaw, Nasugbu 4231, Batangas SCHOOL ID: 107505
0906-563-3618
Kayrilawelemschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST

1. Maganda at napapanahon ang binasa mong tula. Sino ang sumulat niyan?
2. Nagbakasyon ang mag-anak sa Baguio. Doon din nagtungo ang kapatid ko.
3. Nagustuhan ko ang ulam. Ito ba ang bago mong recipe?
4. Gusto mo raw ng tinapay. Hayan sa mesa. Kumuha ka.
5. Sa mesang may bilang 8 ko ipinatong ang aking gamit. Bakit wala na roon nang ako’y
bumalik?
6. Kailangan ng nanay ang pera. Heto, dalhin mo agad sa kanya.
7. Natatanaw mo ba ang kotseng nakaparada sa kanto? Iyon ang binili ni Mang Romy para sa
kanyang anak.
8. Nag-aaral ka pala ng beisbol. Ganito ang paghawak ng bat.
9. May napulot akong wallet kahapon. Ito ba ang nawala sa iyo?
10. Ganyan ang hinihingi ko kay Daddy. Magkakapareho tayo ng bisikleta.

4. Paglalapat
Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo. At ibigay sa bawat pangkat ang kanilang gagawin.

Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig na bubuo sa pangungusap. Pumili sa tatlong


panghalip sa loob ng panaklong.

Pangkat 1.
1. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?
2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang mga (ito, iyan, iyon).
3. Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang (ito, iyan, iyon).
4. Halika (rito, riyan, roon). May sasabihin akong sikreto sa iyo.
5. Huwag kang dumaan (dito, diyan, doon) dahil basa ang sahig na iyan.

Pangkat 2.
1. May upuan sa likod mo. (Dito, Diyan, Doon) ka umupo.
2. (Dito, Diyan, Doon) sa malayo nakaparada ang kotse.
3. May nakita akong kalapati sa bubong. Nasaan kaya ang bahay (nito, niyan, niyon)?
4. Sino ang may-ari (nitong, niyang, niyong) basketbol na hawak mo?
5. Ito ang bisikleta ni Joseph. May butas raw ang gulong (nito, niyan, niyon).

Pangkat 3
1. Ipinagbawal ni Itay ay maglangoy na walang kasama kaya huwag kang pumunta (rito,
riyan, roon) sa dagat na hindi kasama ang kuya mo.
2. (Dito, Diyan, Doon) mo ilagay sa tabi ko ang malambot na unan.
3. Nakita mo ba sa labas si Jeremy? Papasukin itto (ito, iyan, iyon) dahil malapit na
tayong maghapunan.
4. Maganda ang relos na suot mo. Saan mo nabili (ito, iyan, iyon)?
5. Kailangan kong makausap si Diane. Hanapin mo siya at sabihin mo pumunta siya
“Nurturing with Discipline, Trust and Respect”
Address: Brgy. Kayrilaw, Nasugbu 4231, Batangas SCHOOL ID: 107505
0906-563-3618
Kayrilawelemschool@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST

kaagad (dito, diyan, doon).

IV. Pagtataya
Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig na bubuo sa pangungusap. Pumili sa tatlong
panghalip sa loob ng panaklong.
1. Sandali na lang ako. Tatapusin ko lang (itong, iyang, iyong) ginagawa ko.
2. Kanina ka pa diyan sa kotse. Ano ba ang sira ng makina (nito, niyan, niyon)?
3. Nakita mo ba ang kapares (nitong, niyang, niyong) medyas na hawak ko?
4-5. Tumawag sa bahay si Nico at sumagot si Ate Laura. \Hello, Ate Laura. Si Nico po ito.
Dumaan po ba (rito, riyan, roon) si Allan? Sabi niya po may iiwan siya para sa akin (dito, diyan,
doon)."

V. Takdang Aralin
Lumikha ng isang talata na gumagamit ng iba’t ibang uri ng panghalip pamatlig. Pumili
lamang ng paksa sa ibaba.

Masayang Pagdiriwang sa Paaralan


Pagdating ng Isang Malakas na Ulan
Magagandang Pangyayari sa Bakasyon

Inihanda ni: Iwinasto ni:

REINA ROSE P. DURIA LUISA M. PENDON


Teacher I Head Teacher III

“Nurturing with Discipline, Trust and Respect”


Address: Brgy. Kayrilaw, Nasugbu 4231, Batangas SCHOOL ID: 107505
0906-563-3618
Kayrilawelemschool@gmail.com

You might also like