You are on page 1of 23

As

ignatura: Filipino Petsa: Pebrero 20, 2023 (Lunes)


Antas: V Binigyang Pansin ni:
Kwarter: Ikatlong Kwarter
____________________________
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
PANGNILALAMAN pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.
B. PAMANTAYAN SA Naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa napakinggang
PAGGANAP kuwento.
C. MGA KASANAYAN SA Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat F4WG-IIIa-c-6
kasanayan)
Paggamit ng pariralang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Hiyas sa Wika 4 pahina 145-149 (DepEd Ref)


Pangmag-aaral
B. Kagamitan larawan, puppet, tsart, laptop, LCD
IV. PAMAMARAAN
Gamitin ang Batuhan ng Karunungan.
Ano-anong salita ang puwedeng gamitin sa paglalarawan ng isang
tao?
Halimbawa:
Pangkat I-Mahinahon, Pangkat II-Matiisin, Pangkat III-Mabait,
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng
Pangkat IV-Masayahin Magpatugtog ng isang awit. Pasayawin ang
bagong aralin
mga bata.
Itanong: Ano ang ginawa niyo? Sagot ng mga bata: sumayaw po.
Paano kayo sumayaw? Maaaring sagot: Masayang sumayaw,
nakangiting sumayaw, bibong sumayaw

Sa araling ito, matutuhan ninyo ang paggamit ng pariralang pang-


B. Paghahabi sa layunin ng aralin
abay sa paglalarawan ng kilos.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ipabasa ang usapan sa pahina 145 Hiyas sa Wika 4 (Pakilagyan po ng
bagong aralin drawing ng lola at apo ang usapan) Mungkahi: Maaaring gumawa ng
puppet sa paguusap ng dayalogo.)
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
Salungguhitan ang mga pariralang pang-abay na ginamit sa
pangungusap. 1. Sa ilalim ng punong mangga kami nagkuwentuhan.
2. Malinaw magkuwento ang lola.
paglalahad ng bagong kasanayan #1 3. Tanghali nang gumising si Lola Tinay.
4. Matagal maligo ang bata.
5. Maagang dumating ang bisita.

Hanapin ang mga parira- lang pang-abay.


1. Ang guro ay mahusay magturo ng aralin.
2. Magluto ka mamayang gabi ng gulay, Ana.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
3. Ilagay mo sa kaserola ang mga gulay.
paglalahad ng bagong kasanayan #2
4. Kahapon pa nakaalis ang mag-anak upang magbakasyon.
5. Nalaglag sa daan ang pitaka ni Lilia

 Uriin ang mga pariralang pang-abay sa kahon ayon sa pamaraan,


panlunan, at pamanahon. Isulat sa angkop na pangkat ang bawat
pariralang pang-abay. Gawin sa Manila Paper.

F. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)
 Pumili ng limang pariralang pang-abay sa kahon. Gamitin ito sa
pangungusap. Hanapin sa kabilang hanay ang tamang parirala na
bubuo sa kahulugan ng pangungusap.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Anong magandang salita ang mabuting gamitin sa palalarawan ng
araw na buhay iyong kaklase?
Ano ang pariralang Pang-abay? Ano-ano ang tinutukoy ng pariralang
pang-abay na pamanahon, pamaraan at panlunan?
Inaasahang sagot: Ang pariralang pang-abay na pamanahon ay
H. Paglalahat ng aralin
tumutukoy sa panahon, Ang panlunan ay lugar, samantalang ang
pariralang pamaraan ay paraan kung paano ginawa ang kilos

I. Pagtataya ng aralin Gamitan nang wastong pariralang pang-abay ang mga sumusunod
na pangungusap sa ibaba upang mabuo ang diwa. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. ___________ si Notnot upang hindi mahuli sa klase.
a. Maagang gumigising
b.Daha-dahang bumabangon
c. Maingat na kumakain
2. ________________si Nanay ng almusal upang siguradong busog
ang kanyang mga anak bago pumasok sa paaralan.
a. Tanghali nang nagluluto
b. Maagang nagluluto
c. Gabing nagluluto
3. _________________ ng mga bata ang kanilang regaling damit
noong Pasko.
a. Tuwang-tuwang isinuot
b. Nagmamadaling isinuot
c. Mabilis na isinuot
4. ________________ ang mga Pilipino noong panahon ng Hapon”,
ang sabi ng aming guro.
a. Matapang na lumaban
b. Masigasig na lumaban
c. Maingat na lumaban
5.________________ ng kaarawan ang aming guro.
a. Matiyagang nagdiwang
b. Masayang nagdiwang
c. Matapat na nagdiwang
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
As
ignatura: Filipino Petsa: Pebrero 21, 2023 (Martes)
Antas: V Binigyang Pansin ni:

____________________________
Kwarter: Ikatlong Kwarter
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
PANGNILALAMAN pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.
B. PAMANTAYAN SA Naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa napakinggang kuwento.
PAGGANAP
C. MGA KASANAYAN SA Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat damdamin. F4PS-IIIb-2.1
kasanayan)
Paglarawan ng tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging
II. NILALAMAN damdamin.

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Ang Alamat ng Kamya Hiyas sa Pagbasa 4 pahina 124-126
Pangmag-aaral
B. Kagamitan tunay na halaman ng Kamya, larawan, tsart, laptop, LCD
IV.PAMAMARAAN
Paano sinasagot ang mga tanong na nagsisimula sa Bakit at Paano?
Pagtambalin ang mga salitang magkasingkahulugan mula sa babasahing
alamat.
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng
bagong aralin A. B.
1. matipuno a. tinitingnan, sinusundan
2. sinusubaybayan b. hatol
3. pasya c. matikas, makisig
Sa araling ito, matutunan ninyong ilarawan ang tauhan batay sa ikinilos,
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
ginawi, sinabi at naging damdamin sa binasang teksto
Pahulaan : Ano kayang halaman ito? Ano ang kulay ng bulaklak nito?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Mabango ba ang halamang ito? Kamya ka ba? (Mungkahi: Maaaring
bagong aralin bumuo ng puzzle ng larawan ng kamya ang mga mag-aaral.)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Ipabasa ang mga tanong na sasagutin pagkatapos bumasa.
a. Si Kamila ka ba? Bakit? Ilarawan ang kaniyang magandang
katangian.
b. Sino si Jose? Ilarawan siya.
c. Bakit nawala si Agos? Isalaysay ang nangyari sa kaniya.
d. Paano natukoy ng mga magulang ni Kamila na ang kanilang anak
ang pagkabango-bangong bulaklak?
e. Sa iyong palagay, paano mo mapangangalagaan ang ilog? Ipabasa
nang tahimik ang Alamat ng Kamya.

Ang Alamat ng Kamya


Ang kamya ay napakabangong bulaklak. Saan nga ba ito
nagmula? Noong unang panahon, sa isang liblib na nayon, may
nakatirang isang napakagandang babae. Siya ay nagngangalang
Kamila. Bukod sa napakaganda niya , siya ay napakamasunurin at
napakabait ding anak ng mag-asawang magsasaka.
Bilang isang masunuring anak, ang isa sa mga ginagawa ni
Kamila tuwing umaga ay ang pagsasalok ng tubig sa ilog. Ang naiigib
niyang tubig ay isinasalin niya sa isang banga na buhat- buhat niya
tuwing siya ay magtutungo sa ilog. Napakalinis ng ilog kung kaya
nasisiyahan siya sa pag- iigib.
Isang araw, nang muling magtungo sa ilog si Kamila upang
sumalok ng tubig, gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla.
Dumating ang isang lalaking may matipunong katawan. Hindi niya
namalayan ang pagdating ng lalaki. Ni hindi niya nakita kung saan ito
nanggaling. “Sino ka?” ang tanong ni Kamila sa lalaki.
“Ako si Jose. Huwag kang matakot sa akin. Hindi ako masamang
tao,” ang sabi ni Jose. “Sa aming daigdig ay tinatawag nila akong
Agos. Narinig ko lamang ang pangalang Jose sa isang tagalupang
tulad mo na nagdaraan sa ilog,” ang sagot ni Agos.
“Hindi kita maunawaan. Anong daigdig ang tinutukoy?” ang
tanong ni Kamila.
“Ang karagatan. Ako ay anak ng isang diwata at isang hari ng
karagatan. Ako ay hindi tao, Kamila. Ngunit ikaw ang tanging
makatutulong sa akin upang ako ay maging isang tagalupang tulad
mo,” ang sabi ni Agos. “Kaya nga nagpakilala na ako sa iyo upang
hindi ka matakot sa akin. Hindi mo naitatanong, matagal na kitang
sinusubaybayan. Tuwing umaga, nakikita kitang sumasalok ng tubig
sa ilog. Ngayon lamang ako nagkalakas- loob na lapitan at kausapin
ka. Dahil… dahil mahal kita. Simula pa lamang nang Makita kita ay
naisip ko na ikaw ang babaeng nais kong mapangasawa upang ako
ay maging tagalupa.” ang sagot ni Agos.
“Binigla mo ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ako
makapagpasya,” ang sabi ni Kamila.
Bibigyan kita ng ilang araw para makapagisip. Sa susunod na
linggo, sa ganito ring oras hihintayin kita rito. Kailangang malaman
ko ang pasya mo,” ang sabi ni Agos.
Nang dumating ang araw ng kanilang pagtatagpo,
nakapagpasya na si Kamila. Ipagtatapat na niya sa binata ang tunay
niyang nadarama.
Naunang dumating sa ilog si Agos sa kaniyang naririnig. Nang
magkita sila ni Kamila, agad itinanong ni Agos kung ano ang pasya ng
dalaga.
“Mahal din kita,” ang sagot ni Kamila.
Tuwang –tuwa si Agos sa kaniyang narinig. Ngunit nang akmang
hahawakan at yayakapin niya si Kamila, biglang tumaas ang tubig sa
ilog. Parang may anong buhawing umiikot hanggang sa unti-unting
lumapit ito sa katawan ni Agos. Maya-maya ay unti- unti na ring
nahigop ang buong katawan ng binata. Hinigop nang hinigop ng
tumataas na tubig ang katawan ng binata patungo sa ilalim ng ilog.
Naiwang nag-iisa at umiiyak si Kamila. Nanatiling nakaupo sa gilid
ng ilog si Kamila. Hinihintay niya ang pag-ahon ni Agos. Ngunit
inabot siya nang maghapon at magdamag ay hindi pa rin bumabalik
ang binata.
Mula noon ay hindi na nakita si Kamila ng kaniyang mga
magulang. Halos araw-araw ay nagtutungo sa ilog ang kaniyang
ama’t ina. Sila’y nagbabakasakaling matatagpuan nila roon ang
kanilang anak na dalaga. Hanggang isang umaga, sa kanilang
pagbabalik sa ilog ay nakakita sila ng isang tumutubong halaman. Ito
ay namumulaklak ng puti.
“Napakabangong bulaklak nito!” ang sabi ng ina ni Kamila.
“Hindi kaya ito ang ating anak?”
“Malakas ang kutob ko na iyan ang ating anak, si Kamila,” ang
sabi ng ama ng dalaga.
Mula noon, ang puting- puting bulaklak na tumutubo sa tabi ng
ilog ay tinatawag nilang kamya. Bilang alaala ito sa kanilang anak na
si Kamila na bukod sa masipag at masunurin ay ubod pa ng ganda.

Isulat sa kahon ang katangian ng mga tauhang nakasulat sa itaas ng


organiser.

Ilarawan ang katangian ng mga tauhan batay sa kanilang pahayag,


gawi, o ikinilos. Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. “Sino ka?” ang tanong ni Kamila sa lalaki.
A. masaya B. nagulat C. malungkot
2. “Hindi kita maunawaan. Anong daigdig ang tinutukoy mo?” ang
tanong ni Kamila.
A. nabigla B. naguguluhan C. nasisiyahan
3. Araw-araw sumasalok ng tubig si Kamila. Siya ay ________.
A. tamad B. matalino C. masipag
4. “Mahal din kita”, ang sagot ni Kamila. Tuwang-tuwa si Agos sa
kaniyang narinig. Si Agos ay_______. A. nagalit B. nabigla C.
natutuwa

5. “Malakas ang kutob ko na iyan an gating anak, si Kamila,” ang sabi


ng ama ng dalaga.
A. galit B. masaya C. mahinahon

Isulat sa puwang ang katangian ng tauhang nagsasalita.


____________1. Umalis ka sa kinauupuan mo!
____________2. Maari bang mahiram ang krayola mo?
____________3. Ayaw kong magpahiram ng gamit!
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
____________4. Kung may trabaho sana si Tatay, maibibili din niya
paglalahad ng bagong kasanayan #2
ako ng krayola.
____________5. Salamat Tatay, sa pagbili mo ng bagong krayola.
Sabihin: Madaling mailalarawan ang katangian ng mga tauhan batay
sa kanilang pahayag, gawi, o ikinilos.
F. Paglinang sa kabihasnan Gawin ng Pangkatan:
(Tungo sa Formative Assessment)
Unang Pangkat: Ipasadula ang nagustuhang bahagi ng Alamat ng
Kamya. Ikalawang Pangkat: Ipasakilos ang mga sumusunod na
paglalarawan. (Nakatawang naglalakad, nakapikit na matang
tumalon, Nakangiting sumasayaw)
Ikatlong Pangkat: Sumulat ng islogan tungkol sa pangangalaga ng
ilog Ikaapat na Pangkat: Ipaguhit ang bulaklak na Kamya

Gawin ng Solo: Ilarawan ang tauhan. Pumili sa loob ng panaklong.


Isulat sa sagutang papel.
1. Palaging malakas ang boses ng iyong kaklase. Nagagalit sa kanya
ang guro. ay (mabait, masayahin, maingay).
2. Tahimik na sumasagot sa pagsusulit ng guro. Nakikinig siya nang
maayos kapag may nagsasalita. Siya ay (matalino, madaldal,
mahiyain).
3. Maagang pumapasok sa paaralan si Heron. Kaagad niyang
kinukuha ang mga kagamitang panlinis. Winawalisan niya ang
harapan ng klasrum. Si Heron ay (mabait, magalang, masipag).
4. “Magandang umaga po, titser”. Hindi ni Kimberly nakakalimutang
batiin ang kanyang guro. Si Kimberly ay (mabait, masayahin,
magalang).
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Paano mo ilalarawan ang katangian ng isang tao na hindi siya
araw na buhay masasaktan?
Paano mo mailalarawan ang isang tauhan batay sa ikinikilos, ginawi,
H. Paglalahat ng aralin
sinabi at naging damdamin?
Ilarawan ang tauhang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag,
gawi, o ikinikilos. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Maagang gumigising si Nene. Palagi siyang nauuna sa klasrum.
Kaagad siyang naglilinis sa loob ng silid-aralan. Si Nene
ay______________________.
A. mabait B. masipag C. maganda D. tamad
2. Mahinahong sumasagot sa guro si Fidel. Ingat na ingat siya sa
pagbibitaw ng salita. Si Fidel ay___________________.
A. masipag B. magalang C. mahinahon D. matalino
3. Nawawala ang mga gamit ni Rico. Palaging nagagalit ang nanay
I. Pagtataya ng aralin
niya sa pagkawala ng mga gamit niya. Si Rico ay.
_________________________.
A. masinop B. bulagsak C. maingat D. matiwasay
4. “Kung buhay pa sana ang aking alagang si Puti, may kalaro ako
ngayon.” Ang nagsasalita ay ____________.
A. Masaya B, Malungkot C. Nahihilo D. Natutuwa
5. Ha, ha, ha, Nanalo ako sa patimpalak! Yeheey! Ang tauhan ay
____________________.
A. Masayang-masaya B. Mahinang-mahina C. Matalinong-matalino
D. Matiyaga
J. Karagdagang gawain para sa Sumulat ng 2-3 paglalarawan ukol sa iyong sarili.
takdang aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

As
ignatura: Filipino Petsa: Pebrero 22, 2023 (Miyerkules)
Antas: V Binigyang Pansin ni:
Kwarter: Ikatlong Kwarter
____________________________
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
PANGNILALAMAN unawa sa napakinggan
B. PAMANTAYAN SA Nakasusunod sa napakinggang hakbang.
PAGGANAP
C. MGA KASANAYAN SA Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang tula.
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat F4PN-IIIb-3.1
kasanayan)
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano batay sa napakinggang
teksto. F4PN-IIIb-h-3.2
Pagsagot ng mga literal na tanong tungkol sa napakinggang tula.
Pagsagot ng mga tanong na bakit at paano batay sa tekstong
II. NILALAMAN
napakinggan.

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Yaman ng Lahi 4 TG p. 162 (DepEd. Ref.)


Pangmag-aaral Hiyas sa Pagbasa 4 pahina 134(DepEd Ref)
Suhay sa Wika at Pagbasa 4 Pahina 134(DepEd Ref)

B. Kagamitan larawan, tsart, laptop, LCD, cellphone


IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng Ano-ano ang mga likas yaman? Sino ang lumikha ng likas yaman?
bagong aralin
Sa araling ito, matutuhan ninyo ang pagsagot sa mga literal na tanong sa
B. Paghahabi sa layunin ng aralin isang tula at mga tanong na 30 nagsisimula sa bakit at paano mula sa
tekstong napakinggan.
Paglinang ng talasalitaan. (Graphic Organizer) Ibigay ang kasingkahulugan
ng mga salita sa organiser. Maaring magdagdag ng kahon.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin ng guro ang tula o di kaya irekord sa cellphone at iparinig sa
paglalahad ng bagong kasanayan #1 mga mag-aaral.
Sagutan ang mga tanong:
Tungkol saan ang binasang tula? Ano ang nangyari sa kalikasan? Sino
ang sinasabing may kasalanan sa pagkasira ng kalikasan? Bakit
nasisira ang kalikasan? Paano ka makakatulong sa pagsagip ng
Kalikasan?
Pag-usapan: Alin-aling mga tanong ang tungkol sa mga tao, bagay,
pook o pangyayari? Alin sa mga tanong sa itaas ang may kasagutang
nakapaloob mula sa binasang tula?

Sabihin: Literal na tanong ang tawag sa mga katanungang nakapokus


sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto.

Ipabasa ang mga tanong sa ibaba:


Bakit nasisira ang kalikasan? Paano ka makakatulong sa pagsagip ng
kalikasan?
Pag-usapan: Makikita ba ang sagot ng mga tanong na nagsisimula sa
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
bakit paano sa tulang inyong binasa? Paano mo maibibigay ang
paglalahad ng bagong kasanayan #2
sagot ng mga tanong na nagsisimula sa paano at bakit? Kailan
ginagamit ang tanong na bakit at paano?
Sabihin: Sa pagtatanong na ito, ang mga mag-aaral ay nagagamit ang
kasanayang magpaliwanag.
F. Paglinang sa kabihasnan Magtutulungan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong mula
(Tungo sa Formative Assessment) sa tekstong iparirinig ng guro. Ang pangkat na maraming
makukuhang tsek ang siyang tatanghaling panalo.
1. Tungkol sa ano ang tula?
A. Hinanakit B. pagmamahal C. galit
2. Sino ang may utos na tayo ay magmahalan?
A. magulang B. kapatid C. Diyos
3. Ano-ano ang mga libreng bigay sa atin ng Diyos na dapat nating
pagsaluhan?
A. hangin at batis lang
B. Puno at mga bulaklak
C. hangin, bundok, batis, at mga bulaklak
4. Bakit kailangang gamitin sa mabuting bagay ang ating puso at
isipan?
A. Upang maging malusog ang ating katawan
B. Upang maging maganda sa paningin nang iba
C. Upang maging mabuti tayo sa lahat ng bagay
5. Paano tayo magiging masaya?
A. Makipag-away sa ibang bata.
B. Mahalin ang kapwa na parang kapatid.
C. Maiingit sa ibang bata kung may mga bago silang gamit.

Makinig nang mabuti sa tulang iparirinig ko. Piliin ang titik ng


tamang sagot na tutugon sa mga tanong mula sa tula.
ating paligid?
A. Sayangin B. Gamitin lahat C. Pagyamanin
4. Bakit kailangang pagyamanin ang mga yaman sa paligid?
A. Upang dumami ang mga ito.
B. Upang hindi agad ito maubos
C. Upang masuportahan ang pangangailangan ng mga tao.
6. Paano mo mapapahalagahan ang mga likas na yaman?
A. Ubusin ang mga ito.
B. Iguhit sa poster.
C. Tumulong sa pangangalaga sa mga ito.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Ano ang maiiaambag mo sa pagpapanatiling malinis ng ating


araw na buhay kapaligiran?
Ano ang ibig sabihin ng mga tanong na literal? Paano sinasagot ang
H. Paglalahat ng aralin mga tanong na nagsisimula sa bakit at paano?

I. Pagtataya ng aralin Pakinggan ang tulang babasahin ko o irekord sa celpon ng guro.


Isulat ang titik ng tamang sagot na tutugon sa mga tanong na
babasahin ko rin. (Mungkahi: Mas magandang irekord sa cellphone
para makatipid ang guro sa pagsasalita.
1. Sino ang bayaning tinutukoy sa tula? A. bata B. matanda C.
magulang
2. Ano ang layunin ng munting bayani?
A. maging mabuting magulang B. maging mabuting mamamayan C.
maging mabuting mag-aaral
3. Saan unang tutulong ang munting bata?
A. paaralan B. simbahan C. tahanan
4. Paano magiging mabuting mamamayan ang bata?
A. gagawa siya ng kabutihan sa paaralan lamang.
B. gagawa ng kabutihan sa tahanan lamang.
C. gagawa ng kabutihan sa lahat ng oras, lugar, at pagkakataon.
5. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan?
A. upang ikahiya ng pamilya B. upang ikarangal ng pamilya C. upang
maging masaya ang mga kapamilya.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
As
ignatura: Filipino Petsa: Pebrero 23, 2023 (Miyerkules)
Antas: V Binigyang Pansin ni:
Kwarter: Ikatlong Kwarter
____________________________
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
PANGNILALAMAN napapalawak ang talasalitaan
B. PAMANTAYAN SA Nakabubuo ng timeline batay sa binasang talambuhay, kasaysayan.
PAGGANAP
Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga
C. MGA KASANAYAN SA salita tulad ng paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan.
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat
kasanayan)
F4PT-IIIb
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto. F4PB-IIIb-3.2
Paggamit ng pahiwatig nang malaman ang kahulugan ng mga salita
II.NILALAMAN tulad ng paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan.
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa binasang teksto.
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Hiyas sa Pagbasa 4 pahina 8 at pahina 122-124


Pangmag-aaral
B. Kagamitan larawan ng mga festival sa Pilipinas, tsart, laptop, LCD
IV.PAMAMARAAN
(Paraang Busaang kaalaman)
Sabihin: Mga bata babanggit ako ng salitang kilos. Mag-isip ng
salitang kilos na maaaring ilarawan ng salitang sasabihin ko.
Halimbawa: lakad (Maaaring sagot: mabilis, mabagal,), akyat
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng (Maaaring sagot: maingat, dahan-dahan)
bagong aralin 1. Ano-anong Festival ang alam mo?
2. Sa ating lugar anong festial ang ginagawa natin?
3. Ano-ano ang kaugnay na gawain ang ginagawa sa isang festival?
(Maaring magpakita ng larawan ng isang Festival sa lugar/ rehiyong
kinabibilangan.)
Sa araling ito, matutuhan niyo ang pagkuha ng kahulugan gamit ang
B. Paghahabi sa layunin ng aralin mga palatandaan at pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasang
teksto.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin Paano ipinagdiriwang ang Bakood Festival? Ano-anong gawain ang
ginagawa kapag may Festival sa isang lugar
A. Ibigay ang kahulugan ng mga salita. Pakinggan ang guro sa
paggamit nito sa pangungusap.
1. Tuwing sasapit ang Setyembre 22-29, walang bukambibig ang
mga Taga-Bacoor, Cavite kundi ang isang linggong selebrasyon ng
Bakood Festival na ginaganap taon-taon.
2. Ang Bakood Festival ay kabilang sa kultura ng mga Taga-Bacoor
Cavite.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1

B. Paano ninyo nabigyang kahulugan ang dalawang salita sa itaas?


Ano ang nakatulong sainyo sa pagbibigay kahulugan?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ipabasa nang dugtungan ang “Bakood Festival: Kulturang Pinayayaman ng
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Bacoor, Cavite” nasa Hiyas 4 pahina 122-123.

Bakood Festival
Kulturang Pinayayaman ng Bacoor, Cavite
Tuwing sasapit ang Setyembre 22-29, walang bukambibig ang mga
Taga-Bacoor, Cavite kundi ang isang linggong selebrasyon ng Bakood
Festival na ginaganap taon-taon.
Ang Bacoor ay isang maunlad na lunsod sa Cavite na itinuturing bilang
Cavite’s Gateway to the Metropolis. Ang Bacoor ay nagmula sa salitang
bakod.
Ang bakod ay isang uri ng kawayang lumiligid sa buong bayan ng
Bacoor. Ginagamit na pambakod ito sa mga tahanan, paaralan, ospital,
klinika at maging sa munisipyo sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Ito’y ginagamit din bilang proteksyon ng mamamayan laban sa mga
dayuhan. Sa halip na punlo o gulok, tinutulisan ang dulo ng kawayan at
siyang itinutudla sa mga mananakop na nagsamantala sa ating kabuhayan
at kumitil ng maraming buhay.
Ang Bakood Festival ay sinisimulan sa iba’t ibang gawain tulad ng
pagdaraos ng Misa, pag-aalay ng mga bulaklak, pagmamartsa,
pagpuprusisyon, pag-aawitan, pagsasayawan, paghahandaan at iba pang
mga gawaing nakaaaaliw, nakapagpapasaya at nakapagpapayaman sa
kulturang minana sa ating mga ninuno.
Ang mga mag-aaral sa mga paaralang publiko at pribado ay nagpapakita
ng iba’t ibang husay at galing sa pag-awit, pagsayaw at iba pang sining ng
pagtatanghal. Makukulay ang kanilang mga kasuotan. Itinatanghal nila ito
sa lansangan, malapit sa munisipyo ng Bacoor.
Dahil kilala ang Cavite sa maraming lamang-dagat, naging popular din
ang Food Festival sa panahon ng Bakood Festival. Ang mga pagkaing
inihahanda at ipinakakain sa mga tao, kababayan man at turista ay pawing
putaheng mula sa sugpo, talangka, alimango, pusit, tahong, talaba at iba
pa.

Maunlad na at patuloy pang umuunlad ang lunsod na ito, ngunit sa


kabila ng kaunlarang ito ay patuloy na pinayayaman ang kulturang
katutubo, kabilang na ang taunang pagdaraos ng Bakood Festival. Sagutan
ang mga katanungan;
a. Ano ang Bakood Festival?
b. Saang lugar ipinagdiriwang ito?
c. Kailan ipinagdiriwang ang Bakood Festival?
d. Paano ginagawa ang Bakood Festival?
e. Bakit kailangang ipagdiwang ang Bakood Festival?
f. Kung ikaw ay taga Bacoor, makikiisa ka ba sa pagdiriwang? Bakit?
A. Gawin ng Pangkatan:
Mabibilis na Pangkat: Magpakita ng isang Pantomime ng Bakood
Festival.
Katamtamang Pangkat: Gumawa ng isang pag-iimbita o anunsiyo
sa paparating na Bakood Festival.
Masayahing Pangkat: Magpakita ng sariling Festival sa paraang
pantomime
Malikhaing Pangkat: Gumuhit ng isang poster ng Bakood Festival
B. Basahin nang tahimik ang maikling talata. Sagutin ang kasunod na
tanong.

Pagtitipid ng Pamilya
Nasa unang baitang pa lamang ako, naranasan ko na ang
pagtitipid na ginagawa ni Inay sa amin. Bagaman hindi kami
naghihirap, nakita ko kung paano bumili si Inay ng mga mura ngunit
masustansiyang pagkain. Sa kaunting kinikita ni Itay ay nakakakain
kami ng tatlong beses. Nagtayo rin si Inay ng munting tindahan sa
F. Paglinang sa kabihasnan silong ng bahay namin. Tumutulong kami sa pagtitinda at gawaing-
(Tungo sa Formative Assessment)
bahay hanggang ngayon. (Hinango sa Hiyas sa Pagbasa 4 pahina 8)

1. Ika-ilang baitang naranasan nang nagkukuwento sa talata?


2. Ano ang magandang ugali ni Inay?
3. Anong uri ng pagkain ang binibili ng ina?
4. Bakit nagtitipid ang pamilya?
5. Paano nagtutulungan ang mag-anak sa kuwento?
6. Kung ikaw ay kabilang sa pamilyang ito, Ano ang puwede
mong maiambag?
7. Nasa unang baitang pa lamang ako, naranasan ko na ang
pagtitipid na ginagawa ni Inay sa amin. Nasa anong gulang ang
nagsasalita sa pangungusap? Alin ang pahiwatig na salita?
8. Sa kaunting kinikita ni Itay ay nakakakain kami ng tatlong
beses. Anong klaseng buhay mayroon ang pamilya? Alin ang
pahiwatig na salita?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Bakit mahalaga ang pagtitipid ng pamilya?


araw na buhay
Ano-ano ang dapat gawin upang maibigay mo ang tamang sagot sa
H. Paglalahat ng aralin
iyong binasang teksto?
I. Pagtataya ng aralin
Basahin ang maikling kuwento. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Piliin
ang titik ng tamang sagot.

Panganib
Naglalakad si Hector patungo sa paaralan nang marinig niya ang malakas
na yabag ng isang taong mabilis na tumatakbo sa kanyang likuran. Nagulat
siya. Isang babae ang humahabol dito at sumisigaw ng “Tulong! Tulungan
ninyo ako! Magnanakaw!”
Nagkagulo ang lahat at ang iba ay nagnais na makatulong kaya ang mga
ito ay nakipaghabulan sa magnanakaw. Patuloy na tumakbo ang
magnanakaw sa mga maliliit na eskinita sa palengke upang hindi siya
mahuli. Iba’t ibang paninda sa palengke ang kanilang nasagi at nahulog sa
patuloy na pakikipaghabulan dito. Paano kaya kung hindi mahuli ang
magnanakaw? Marami pa namang naperwisyo sa pangyayaring ito.
Mayamaya ay nakita ni Hector ang isang mamang nakaposas kasama ng
isang pulis na nakasakay sa patrol mobil habang kinakausap ng kasama
nitong pulis ang babae. Narinig niyang nagpasalamat ang babae habang
inaabot sa kanya ng pulis ang isang bag. “Salamat!”
(Hinango sa Yamang Filipino 4 pahina 108)
1. Sino ang naglalakad papunta sa paaralan?
A. Victor B. Nestor C. Hector D. Kanor
2. Ano ang isinisigaw ng babaeng humahabol sa isang lalaki?
A. Tulong B. Kulong C. Bulong D. Kalong
3. Saan tumakbo ang magnanakaw? A. Kanto B. eskinita C. ilog D. tulay
4. Paano nahuli ang magnanakaw?
A. Hinabol siya ng taong bayan. B. Hinabol siya ng babae. C. Hinabol siya ng
pulis. D. Hinabol siya ni Hector.
5. Bakit nagpasalamat ang babae sa pulis?
A. Naibalik ang kanyang bag. B. Nakasakay sa mobil ang magnanakaw. C.
Nakita niyang ipinosas ang lalaki. D. Nahuli ng pulis ang magnanakaw.
6. Naglalakad si Hector patungo sa paaralan nang marinig niya ang malakas
na yabag ng isang taong mabilis na tumatakbo sa kanyang likuran. Ano ang
ibig ipakahulugan ng mga salita? Alin ang pahiwatig?

J. Karagdagang gawain para sa A. Basahin ang balita:” Iloilo, 4 Ginto sa Arnis” sa pahina 124 ng Yaman ng
takdang aralin at remediation Lahi 4. 55
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino-sino ang nakakuha ng tropeyong ginto?
2. Saan-saan nag-aral ang mga batang nakakuha ng tropeyong ginto?
3. Bakit hindi umaasang mananalo ang mga manlalaro at mga tagasanay?
4. Kung ikaw ang manlalaro, Paano mo gagalingan ang iyong napiling
larangan ng laro?

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
As
ignatura: Filipino Petsa: Pebrero 24, 2023 (Biyernes)
Antas: V Binigyang Pansin ni:
Kwarter: Ikatlong Kwarter
____________________________
Guro: Felmar M. Lamac Villaluz V. Pahilagmago,EdD/Head Teacher III

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG “NO CLASSES DUE TO DISTRICT ATHLETIC MEET”
PANGNILALAMAN
B. PAMANTAYAN SA
PAGGANAP
C. MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat
kasanayan)
II.NILALAMAN
III.KAGAMITANG PANTURO
C. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral
D. Kagamitan
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
araw na buhay
H. Paglalahat ng aralin
I. Pagtataya ng aralin
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya/technique sa
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

You might also like