You are on page 1of 5

Petsa: Marso 23, 2023

Banghay Aralin sa Filipino V (Pagbasa)


Grade V- Marigold
Inihanda Ni: Odessa Celeste Mae C. Casas

I. Layunin: Sa pagkatapos ng 50-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay ay inaasahang:


A. Naipapahayag and sariling opinyon, reaksiyon, o ideya sa isang napakinggang teksto,
B. Nagagamit ang mga salitang nagpapahayag ng reaksiyon o opinyon,
C. Naipapakita ang kahalagahan ng pagbibigay ng reaksiyon sa isang problema.

II. Paksang Aralin


Paksa: Bakit Nahihiwalay ang Hinlalaki sa mga daliri sa kamay
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 5 pp. 336-344
Mga Kagamitan: PowerPoint presentation, visual aids ng mga salitang nagppahayag ng reaksiyon
Mga Stratehiya: Dancing Matchup, Maling desisyon Mo, Isulat Mo, Sang-ayon Ka Ba?
Saloobin: Naipapakita ang kahalagahan ng pagsabi ng sariling reaksiyon sa mga

A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak

Maling desisyon Mo, Isulat Mo: May mga karanasan ba kayo na hindi
kanais-nais? Mga maling desisyong nagawa ninyo upang makuha ang
inyong kagustuhan?

Tingnan natin ang sumusunod na mga larawan. Ano kaya ang dahilan
bakit nagawa ng mga tao ang sumusunod?

Gamit ang hugis kamay na papel na nasa harapan, isulat ang mga
bagay na inyong nagawa na nagdulot ng pagaaway-away o naging
dahilan upang kayo ay mahiwalay sa iyong mga kaibigan o pamilya.

Ngayong nasulat niyo ang mga gawaing hindi maganda, ano ba ang
naging bunga nito? Ano ang naging reaksiyon mo pagkatapos ng mga
maling desisyon na iyong nagawa?

B. Paglinang na Gawain
1. Pag-aalis ng Sagabal
Bago natin babasahin ang kuwento ay hahawanin muna natin ang
mga balakid na salita sa pamamagitan ng pagtukoy ng kahulugan ng
mga salitang may salungguhit. Piliin ang tamang sagot na nakapaskil
sa kahon.

gutom katarungan magnakaw prinsipyo protesta

1. Nararamdaman o nararanasa kapag walang pagkain.


2. Gawain kapag hindi sumusuporta sa isang gawain. 1. gutom
3. Hinihingi upang magkaroon ng hustisyang nararapat na tamasahin
o maranasan. 2. protesta
4. Paniniwala o tinayuang kaisapan sa buhay ng isang tao na 3. katarungan
kanyang pinaglalaban at pinaninindigan.
5. Nagagawa ng isang tao gipit lalo na kung may pangangailangan. 4. prinsipyo

5. magnakaw

2. Pagpapalawak ng Kasanayan
Ngayong araw ay may kuwento tayong mapapakinggan na
mapupulutan ng magandang-aral. Ang kuwento natin ngayon ay
isang alamat ng ating mga daliri. Dito sinalaysay kung bakit nga ba
magkahiwalay ang ating hinlalaki sa apat na mga daliri. May bagay
silang pinagtatalunan at dito na nagsimula kung bakit nagkahiwalay
ang limang daliri.

Ang alamat na ito ay ipinakita rin ang katangian at ang pagkakaiba


ng mga daliri sa kanilang mga prinsipyo at pananaw.

3. Pagkukuha ng Pagganyak na Tanong


Ano ang dahilan bakit
Batay sa binigay kong impormasyon kaugnay sa kuwento, ano ba nakahiwalay ang hinlalaki sa
ang gusto niyong malaman? mga daliri?

Ano ang mga katangian ng bawat


daliri sa kuwento?

Ano ang pinagtatalunan ng mga


daliri? Ano ang naging results
nito?

4. Pamantayan sa Pagbabasa
Bago natin basahin ang kuwento, may mga alituntunin akong
ibibigay sa pagbabasa ng kuwento.

Una, umupo ng maayos.


Pangalawa, hawakan ang aklat ng dalawang kamay. At panghuli,
unawaing mabuti ang binabasang kuwento.
Naiintindihan ba?

Opo, Teacher.

5. Pasalitang Pagbasa

Bakit Nakahiwalay ang Hinlalaki sa mga Daliri sa Kamay?

Mapapansing nakahiwalay ang hinlalaki sa apat pang mga daliri


natin. Noong unang panahon magkakasama ang limang daliri ng
tao. Dahilan sa isang di inaasahang pagtatalo ay nagkaroon ng
aberya ang grupo.

Ganito ang nangyari noon. Masakit na masakit ang tiyan ni Hinliliit


kaya nagmamakaawa itong lumapit sa Palasingsingan. "Parang awa
mo na. Gutom na gutom lang ako. Maaari bang makahingi ng
pagkain sa iyo?" "Ano? Manghihingi ka ng pagkain? Heto nga at
walang-wala nn ako. Paano kita mapagbibigyan sa hinihiling mo?"
"May awa ang Panginoon," sabi ng Gitnang Daliri. "Bibiyayaan
tayo ni Bathala ng ipantatawid gutom natin. Ang mababait ay lagi
nang pinagpapala Niya. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa."
"Pero kapatid." got ng Hintuturo, "paano kung hindi tayo pakinggan
ng Diyos at walang dumating na anumang pagkain? Magugutom
tayo at maaaring manghina at magkasakit at mamatay." "Huwag
ninyong hintaying mamatay kayo. E di ngayon pa lang ay
magnakaw na tayo!" sigaw ni Hinlalaki. "Ano ika mo, magnakaw?"
gala na tanong ng Palasingsingan.

"Masama yon kapatid." protesta ni Hintuturo, "ang pagnanakaw ay


isang malaking kasalanang di dapat gawin ninuman. Ang lahat ay
nagsisikap mabuhay. Kung nanakawin mo ang naimpok ng iba,
hindi naman ito makatarungan." "Hindi bale nang mamatay ako sa
gutom, huwag lang kumuha ng hindi akin." pagmamatigas ni
Hinliliit na bagama't maliit ay may ipinakikipaglabang malaking
prinsipyo sa buhay. "Isang krimeng panlipunan ang pagnanakaw,"
sabi ng Gitnang "Hindi lang siguro krimeng panlipunan. Ito ay
magiging kasiraan din ng Ming angkan na nagsisikap mapanatili
ang kalinisan ng pangalan!" paliwanag ni Palasingsingan. "Ano
bang angkan at lipunan ang pinagsasabi ninyo! Mamamatay kayo
sa gutom kung hindi tayo magnanakaw. Gumawa na lang tayo ng
kabutihan matapos busugin ang sting mga tiyan. Masamang
mamatay na dilat ang mga mata sa gutom!" "Aba! Aba!" gilt ng
Hintuturo, "Hindi baleng walang laman ang sikmura, huwag lang
parusahan at ipakagat sa mga langgam!" "0 ipaglubluban ang ulo sa
ilug-ilugan!" dugtong ni Hinliliit. "0 itali sa puno at painitan sa
matinding sikat ng araw!" dagdag ng Palasingsingan. "0 ipiit sa
kulungan at tanggalan ng kalayaan!" diin ni Hinliliit. "Ano ba
naman kayo," paglilinaw ni Hinlalaki. "sa simpleng pagnanakaw ay
pinahahaba pa ninyo ang istorya. Talagang mga duwag kayo.
Mamamatay na kayo sa gutom ay wala pa kayong maisip na
solusyon sa problema ninyo. Isang malaking katangahan yan!"
"Kung gusto mong magnakaw, ikaw na lang at huwag mo na
kaming idamay!" sabay-sabay na sagot ng apat na daliri.

6. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong at Pagtalakay sa Tekstong Binasa


Ngayon, ating sagutin ang sumusunod na katanungan na inyong
ibinahagi sa klase kanina.

Ano ang dahilan bakit nakahiwalay ang hinlalaki sa mga daliri?

Ano ang mga katangian ng bawat daliri sa kuwento?

Ano ang pinagtatalunan ng mga daliri? Ano ang naging results nito?

7. Pagtatalakay sa Kasanayan
Ngayong araw ay ating tatalakayin ang mga paraaan kung paano
ninyo ibabahagi ang inyong opinyon or reaksiyon.
Ang pagbibigay-reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil
naipapahayag natin ang sariling saloon, opinyon o pananaw hinggil
sa mga kaisipang inilahad.
Narito ang mga pahayag na karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng
reaksiyon:
1. Sumasang-ayon ako…
2. Tutol ako sa sinabi….
3. Nais ko lamang magbigay ng puna..
4. Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat..
5. Magaling ang iyong ideya na naisip..
6. Kung ako ang tatanungin…
7. Sa aking palagay…
8. Naniniwala akong…
9. Sa tingin ko…
10. Hindi ako pabor…

Sa pamamagitan nito, maipapahayag ng tao sa pamamagitan ng


pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsalita o kausap.

8. Pagsasanay
Saan ka mas Pabor: Sa ating pagsasanay, may
dalawang sitwasyon akong ibibigay. Pumili
lamang kayo ng isang sitwasyon na gusto niyong
bigyan ng reaksiyon.

1. Ang desisyon ni Hinlalaki na magnakaw ng


pagkain upang mabuhay.
2. Ang sinabi ni Hinliliit na mas mabuting
mamatay sa gutom kaysa sa mangnakaw.
3. Ang sinabi ni Palasingsingan na makakasira ng
sa buong angkan o pamilya ang pagnanakaw.
4. Ang sinabi ni Hintuturo na maghanap ng ibang
paraan kung paano magkakuha ng pagkain.
5. Ang sinabi ni Gitnang Daliri na isang krimen
ang pagnanakaw sa lipunan.

9. Paglalapat
Sang-Ayon ka ba?: Sa gawaing ito ay magbibigay
kayo ng inyong sariling reaksiuon sa mga
sitwasyon na nakasulat.

1. Ang pagsuot ng face mask ay dapat panatilihin


upang malayo sa sakit lalo na ng Covid-19.
2, Dapat alisin ang mga takdang aralin sa
paaralan.
3. Ang uniporme sa paaralan ay kailangan para sa
mga mag-aaral.
4. Pagmumultahin ang makikitang nagtatapon ng
basura sa paligid.
5. Pahintulutan ang mga mag-aaral sa laboratory
school na maglaro sa quadrangle.

IV. Pagtataya
Magbigay ng iyong reaksiyon sa sumusunod na
sitwasyon.

1. Parami na nang parami ang mga Pilipinong


nangingibang bansa. Hindi nagiging buo ang
isang pamilya dahil madalas ang tatay o nanay ay
nagtatrabaho sa malay kaya’t hindi nakikita o
nagagabyaan ang paglaki ng mga naak. Ano ang
iyong opinyon tungkol dito?

You might also like