You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

Unang Baitang

I. Layunin:
Cognitive : Nasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang awit/kuwento
F1PN-IIIg-3
Affective: Naipapaliwanag ng mga bata ang iba’t ibang paraan ng pagiging isang
mabuting kaibigan.
Psychomotor: Nagagawa ng bawat pangkat ang isa sa mga sumusunod:
Naisusulat ang wakas nga kwento.
Naipapakita ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga larawan sa kwento.
Napaghahambing ang dalawang tauhan sa kwento.

II. Paksang Aralin:

A. Kuwento: Si Langgam at si Tipaklong


Pagsagot ng mga Tanong tungkol sa Napakinggang Kwento
B. Sanggunian:
MTB-MLE Curriculum Guide page 7
C. Mga Kagamitan:
powerpoint
lapbook “Si Langgam at si Tipaklong
larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Awitin: https://www.youtube.com/watch?v=DUDpBfETHl8

Sino ang magsayang nagsama-sama?


Ano ang ginagawa kung masaya ang magkakaibigan?

2. Balik aral:
Balikan natin ang mga sagot sa tanong tungkol sa awitin. Basahin ito at
salungguhitan ng isang linya ang simuno at dalawang linya ang panag-uri

Ang magkakaibigan ay masaya.


Ang magkakaibigan ay nagtatawanan kung Masaya.

B. Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak:

Magpakita ng isang puppet ng Langgam at Tipaklong. Ipakilala ito sa mga bata.


Gusto niyo bang makinig sa kwento tungkol sa kanilang dalawa?

2. Pagganyak na Tanong:
comprehension
schema activation
Ano ang ugali ni Langgam? Ni Tipaklong?
Anong ugali ng magkaibigan ang magkapareho? Ano ang magkaiba?
3. Pag-alis ng mga balakid

pag-iimbak- pagtatabi ng mga pagkain upang may makain ka sa mga darating na


araw. Oral language and
vocabulary development
mag-impok- mag-ipon para may magamit balang araw

nagdalawang-isip- nagduda sa kanyang gagawin

4. Pagbasa ng Kwento Book and print


orientation

Tingnan natin ang cover ng aklat. Anu- ano ang makikita ninyo sa larawan?
Basahin ang pamagat ng aklat at sabihin ang sumulat ng akalat.

Habang nagbabasa ng kuwento ibigay ang sumusunod na tanong.


Pahina 1 Sino ang dalawang magkaibigan?
Ano ang ginawa ni Langgam?
Bakit siya nag-iimbak ng pagkain?
Pahina 2 Ano ang inaatupag ni Tipaklong?
Paano niya inanyaya si Langgam na makipaglaro?
Pahina 3 Ano ang ginawa ni Langgam sa alok ni Tipaklong?
Pahina 4 Ano ang nangyari pagkatapos ng tag-init?
Nagkaroon ban g problema ang langgamng umulan? Bakit?
Pahina 5 Ano ang ginawa ni Tipaklong sa bahay ni Langgam?
Pahina 6 Tinulungan ba ni Langgam si Tipaklong?
Bakit niya ito tinulungan? comprehension –
comparing
sequencing
5. Pangkatang Gawain ending

Hatiin sa tatlong pangkat ang mga bata. Gawin ang sumusunod na gawain.

Asul at Pulang Grupo:

Idikit ang mga strips upang mabuo ang wakas ng kuwento.

Berde at Dalandan na Grupo:


Idikit sa tsart ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga larawan sa
kwento.

Rosas at Dilaw na Grupo


Paghambingin ang dalawang tauhan sa kwento sa pamamagitan ng pagdikit
sa kanilang mga katangian .

Analisis:

Mabuti ba ang katangiang ipinakita ni Tipaklong? Bakit?


Ano ang magandang katangian ni Langgam na nagustuhan ninyo? Bakit?
Kung ikaw ba si Langgam tutulungan mo pa ba si Tipaklong? Bakit?
Anu-ano ang dapat mong gawin bilang isang mabuting kaibigan?

Paglalahat:
Paano ninyo nasasagot ang mga tanong sa kwento?
Paglalapat:

Lutasin:
Nagbigay ng proyekto ang iyong guro na dapat tapusin sa loob ng isang lingo. Araw-
araw ay unti-unting ginagawa ni Thea ang proyekto upang matapos ito sa takdang
araw. Nakita ni Thea ang kanyang kaklase na walang ginawa sa araw-araw.
Tinanong niya kung natapos na ang proyekto ngunit hindi siya namamansin at
patuloy sa paglalaro. Isang araw bago ang pasahan ng proyekto, nakita ni Thea na
umiiyak ang kanyang kaklase dahil hindi pa niya natapos ang proyekto. Kung ikaw si
Thea, ano ang iyong gagawin?

IV. Pagtataya:
Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong. Pagkatapos lagyan ng bilang ang mga
larawan upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwentong nabasa.

Si Reggi ay may bariles. Nahulog ang bariles sa balon. Kinuha ni Reggie ang bariles at
ibinigay ito kay Mell.

1. Sino ang may bariles? _____________


2. Ano ang nangyari sa bariles? __________________
3. Bakit kinuha ni Reggie ang bariles?_________________

Isulat ang bilang 1-4 sa ibaba ng mga larawan upang mapagsunod-sunod ang pangyayari sa
kwento.

V. Takdang-aralin:
Isulat sa ibaba ang iba’t ibang paraan upang maipakita na ikaw ay isang mabuting kaibigan.
1. ______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________

Demonstrated by:

MARILYN D. DELOS SANTOS


Master Teacher II
Observed by:

MERILYN T. SALBORO
Principal IIv

You might also like