You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay-Aralin sa Health III

I. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Makilala ang wasto at di-wastong gawi sa pangangalaga sa kalusugan.


2. Makapagbigay ng mga mungkahi at kasanayan upang manatili ang
pangangalaga at kalusugan.
3. Nakikilatis ang mga gawaing maaaring makasama sa kalusugan.
4. Naipapakita ang kahalagahan ng mga wasto at di-wastong gawi sa
pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng:

4.1 paglaro at pagsali tungkol sa mga kasanayan/gawi na may kinalaman sa


pagtamo ng wastong kalusugan; at
4.2 pagiging aktibo sa paggawa ng mga aktibidades at pagbibigay
impormasyon tungkol sa pangangalaga sa kalusugan.

II. Paksang- Aralin


Paksa: Pagkilala sa mga wasto at di-wastong kasanayan o gawi sa pangangalaga
ng kalusugan.
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide- Health III
Kagamitan: kartolina, laptop, pandikit, manila paper, marker, bote, lobo
Pagpapahalaga: pangangalaga sa kalusugan/pagiging tapat sa sarili

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paunang Gawain

Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa


panalangin.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral upang pangunahan
Panginoon, maraming salamat po sa araw na
ang panalangin.)
ito na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa`y
gabayan mo po kami sa mga gawain na
aming gagawin sa araw na ito. Sana po
gabayan niyo rin ang aming guro na siyang
magtuturo sa amin. Amen.

Pagbati

Magandang umaga mga mag-


aaral. Magandang umaga din po guro.

Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo umupo pakipulot


ang mga kalat na nasa ilalim ng
inyong mga upuan at pakiayos (Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral at
ang mga ito. aayusin ang kanilang mga upuan.)

Maaari na kayong umupo.

Pagtsek ng liban at hindi


liban

Mayroon bang lumiban sa Wala po guro.


klase ngayong araw?

Mabuti naman kung walang


lumiban ngayon sa ating aralin.

Pakipasa ang inyong mga


takdang-aralin na binigay ko Opo guro.
noong nakaraang talakayan.

B. Pagganyak

Tumayo at sabayan natin ang


Opo guro.
kantang “Tayo’y Mag-
ehersisyo”.

Mahusay!

C. Balik-Aral

Bago tayo dadako sa ating


aralin ngayon, sino sa inyo ang Mga alituntunin sa bahay.
IV. Pagtataya

A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng astong pangangalaga sa


katawan at MALI naman kung hindi.

1. Si Merly ay kumakain ng masusustansiyang pagkain.


2. Gabi-gabi si April ay nagpupuyat upang maglro ng mobile legends.
3. Si Rei ay umiinom ng gatas bago matulog sa gabi.
4. Laging nakaupo si Mina at tamad mag-ehersisyo.
5. Laging masigla si Quiel dahil umiinom ito ng bitamina.

B. Panuto: Punan ang tseklist ng inyong mga nakagawian sa inyong pag-aayos at


paglilinis sa katawan. Lagyan ng tsek ang kolum ng iyong sagot.

Ako ay Palaging Paminsan- Hindi


ginagawa minsang ginagawa
ginagawa
1. pihikan sa pagkain.
2. nagsusuklay
pagkatapos maligo.
3. naglalaro lagi sa
labas ng bahay kahit
maaraw.
4. naghuhugas ng
kamay bago kumain.
5. mahilig sa prutas.

C. Magbigay ng tatlong wastong pangangalaga sa katawan at dalawang di-wastong


pangangalaga sa katawan.

V. Takdang-Aralin

A. Pangkatang Gawain
Ipapangkat ko kayo sa tatlo at gawin ang mga sumusunod:
SPATIAL INTELLIGENCE

Unang Grupo-paggawa ng slogan tungkol sa mga kasanayan/gawi na may kinalaman


sa pagtamo ng wastong kalusugan;

INTEGRASYON: MUSIKA
MUSICAL INTELLIGENCE

Ikalawang Grupo-paglikha ng dalawang saknong ng kanta tungkol sa pangangalaga

Sa kalusugan; at

BODILY-KINESTHETIC INTELLIGENCE
Ikatlong Grupo-paggawa ng mga hakbang, sayaw o ehersisyo na nagpapakita ng
mga wastong gawi sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.

Pang-isahang gawain

B. Bawat isa magpasa ng health kit na naglalaman ng mga pangunahing


pangangailangan ninyo para sa inyong kalusugan. Maghanap ng kahit anong
karton at lagyan ng disenyo. Pumili ng isa sa mga sumusunod:

-sulatan ng inyong paboritong kasabihan


-idrowing ang paboritong laruan
-lagyan ng inyong larawan
-dikitan ng colored paper
-kulayan gamit ang inyong mga pangkulay

C. Ilagay ang mga mahahalagang kailangan. Ilagay lamang kung ano ang meron sa
bahay.

-panyo
-pulbo
-suklay
-toothbrush
-baso
-sabon na maliit
-alkohol
-pantali ng buhok sa mga babae

D. Kopyahin ang nasa baba at palagdaan ito sa iyong magulang.

Para sa guro ng Health ng anak ko,

Ito ay nagpapatunay na ginawa ng aking anak ang isinasaad na gawain sa itaas.


Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like