You are on page 1of 22

Phinma - University of Pangasinan

College of Social Sciences


Education Department
Arellano Street, Dagupan City

Masusing Banghay Aralin sa


Edukasyong Pangkatawan 5
December__, 2020

I. LAYUNIN: Sa loob ng tatlumpong minuto, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang


makamit ang 80% ng kasanayan o pagkatuto na:

a. naipaliliwanag ang likas at kasaysayan ng katutubong sayaw;


b. naibabahagi ang kahalagahan ng kulturang Pilipino patungkol sa mga katutubong
sayaw;at
c. naitatanghal ang mga Pangunahing Posisyon sa Pagsasayaw.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa
Yunit III: Sumayaw para sa Kakayahang Pangkatawan
Aralin 15: Mga Pangunahing Posisyon sa Pagsasayaw
b. Sanggunian
Helen G. Gatchalian, Gezyl G. Ramos, Johannsen C. Yap, Masigla at Malulusong na
Katawan at Isipan Batayang Aklat 5. Pp 80-85, Edukasyong Pangkatawan 5
blr.lrqad@deped.gov.ph
c. Kagamitan
c.1. Gamit ng Guro – tarpapel, mga biswal larawan,laptop,speaker, pamaypay, banga.
c.2 Gamit ng Mag-aaral- lapis, papel.
d.Mga Kakayahan
 Masusi at Malikhaing Pag-iisip, at Pakikibahagi sa aktibidad.
e. Mahalagang Aral
 Kooperasyon ng bawat mag-aaral.
f. Mga Stratehiya
 What’s in the Box
 Guess the Position
 Grupo ng Tanghalan

g. Pangunahing Konsepto
Mga Pangunahing Posisyon sa Pagsasayaw
A. Mga Braso

 Unang Posisyon

 Pangalawang Posiyon

 Pangatlong Posisyon

 Pang-apat na Posisyon
 Panlimang Posisyon

B. Mga Paa

 Unang Posisyon

 Pangalawang Posisyon

 Pangatlong Posisyon

 Pang-apat na Posisyon

 Panlimang Posisyon

III. PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
1. Pang-araw-araw na kinagawian (Daily Routines)

GURO MAG-AARAL

1.1 Dasal

Tumayo tayong lahat upang magdasal.

Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay


ninyong panibagong pagkakataon upang kami
ay matuto. Gawaran Mo po kami ng isang bukas
na isip upang maipasok naming ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang mga aralin
na makakatulong sa amin sa pagtatagumpay sa
buhay na ito. Amen.

1.2 Pagbati

Magandang buhay mga klase!

Magandang buhay rin po Binibining Manaois!

1.3 Pag-aayos ng upuan at Kalinisan

Bago kayo maupo, Maaari bang ayusin


ang inyong mga upuan at pulutin ang
mga kalat na nakikita niyo sa inyong
paligid.

Maayos na ba mga bata?


Maari na kayong umupo. Opo Ma’am.

(Uupo na ang mga bata)

1.4 Pagsuri ng Pagdalo

Aliza, Ano ang balita ngayong araw?

Ikinagagalak ko pong ipaalam na wala pong


lumiban sa ating klase ngayong araw.
Mahusay klase!

Labis ang aking kasiyahan dahil kayong


lahat ay naririto upang handang makinig
sa bagong aralin na ating tatalakayin
ngayon. Nawa’y ipagpatuloy ninyo ito
upang madagdagan pa ang inyong mga
kaalaman. Naintintidihan ba?

Handa na bang makinig at matuto ang Opo Ma’am! Papasok po kami araw-araw para
lahat? po madami kaming matutunan na bagong aralin.

Opo Ma’am!

2.Balik Aral(Review)

Kung gayon, para malaman ko kung


talagang naintindihan ninyo ang ating
natalakay kahapon.

Ano nga ba ang napag-aralan natin


kahapon? Maaari mo bang ilahad sa Ang napag-aralan po natin kahapon ay tungkol
klase kung ano iyon, John Mark? sa mga benepisyo ng pagsasayaw.
At kapag sinabing mga benepisyo ng
pagsasayaw, Ano ang magandang dulot
nito, John Mark? Nariyan po ang benepisyo sa kalusugan at
magagandang asal o tamang pag-uugali at
pakikitungo sa iba.
Mahusay John Mark! Ang mga
benepisyo sa pagsasayaw ay malakit
ang dulot o ambag nito sa ating sarili
maging ang relasyon natin sa ibang tao.

3.Pagganyak(Motivation):What’s in the Box


Bago tayo tumungo sa ating bagong
aralin, May ipapakita ako sa inyong
kahon. Ang kahong ito ay tatawagin
nating “What’s in the box.”

Handa na ba ang lahat?


Opo! Handa na po kami.
Kung gayon ay mag-uumipasa na tayo.

Sa kahong ito ay maglalagay ako ng


mga bagay at huhulaan ninyo kung ano
ito.

Pipili ako sa klase ng mga estudyanteng


huhula sa mga bagay na aking ilalagay
sa kahon.

Pagkatapos ay tatanungin ko kayo kung


para saan o kung ano ang gamit ng
bagay na iyon.

Naunawaan ba klase?

Maebelle, maaari ka bang pumunta rito


sa harapan at hulaan ang bagay na ito? Opo!

Unang bagay

Sige po Ma’am.

Ano ang bagay na hinahawakan mo


maebelle?

Tama Maebelle, Para saan o ano ang


gamit ng pamaypay na iyan?

Mahusay Maebelle, Alam niyo ba na


ang pamaypay ay isa sa mga bagay na Ma’am, Sa palagay ko poi to ay isang
ginagamit noon sa pagsasayaw ng pamaypay.
Cariñosa.
Pangalawang Bagay

Ginagamit po ang pamaypay kapag mainit po


Ma’am.

Maureen, maaari ka bang pumunta rito


sa harapan?

Ano ang bagay na iyong nahahawakan?

Magaling! Isa iyang banga. Sa palagay


mo, saan ang ginagamit ang banga?

Tama Maureen. Ang banga ay ginamit


ito noon sa pagluluto. Pero sa ibang
bahagi ng Pilipinas, Ang banga ay
ginagamot sa pagsasayaw rin. Ito ay
tinatawag nilang Banga Dance na
naging tradisyon at kultura sa Cordillera
Region.

Naintidihan ba klase?
Opo Ma’am.

Ma’am, isa po itong banga.

Sa palagay ko po, ginagamit po iyan sa


pagluluto noon Ma’am
Opo!

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad(Presentation of the Lesson)

Ariza, Pwede mo bang ilahad sa klase


kung ano ang napansin mo sa mga
bagay na ipinahula ko sa mga kaklase Ma’am, Ang mga bagay po na iyon ay
mo? ginagamit po sa pagsasayaw. Halimbawa po
yung banga na ginagamit po ng mga taga
Cordillera sa pagsasayaw ng Banga Dance na
naging tradisyon at kultura nila.

Magaling Ariza! Dahil nagkaroon na


kayo ng kaalaman sa mga bagay na
iyan, Tayo na ay tutungo sa ating
bagong aralin.

Ang layunin natin sa araw na ito ay:

a. naipaliliwanag ang likas at


kasaysayan ng katutubong
sayaw;
b. naibabahagi ang kahalagahan ng
kulturang Pilipino patungkol sa
mga katutubong sayaw ; at
c. naitatanghal ang mga
Pangunahing Posisyon sa
Pagsasayaw.

Iyan ang magiging layunin natin sa


araw na ito. Naunawaan ba klase?

Kung gayon, tayo na ay tutungo sa ating


Opo Ma’am!
arilin. Tandaan na kinakailangan na
makinig ang lahat.

2.Pagtalakay(Lesson Proper)
Ang katutubong sayaw ay isang uri ng
sayaw na nilikha ng isang pangkat mula
sa iisang komunidad, probinsya, o
bansa. Karaniwang nagpapakita ito ng
kultura, tradisyon, paniniwala, at
maging pang-araw-araw na gawain ng
isang partikular na grupo.

Ang araling ito ay tungkol sa


katutubong sayaw at ang mga
pangunahing posisyong karaniwan sa
iba’t-ibang katutubong sayaw.

Bakit mahalagang pag-aralan natin ang


mga katutubong sayaw at ang
pangunahing posisyon sa pagsasayaw,
Kelly?
Mahalagang pag-aralan po ang mga ito sapagkat
Tama si Kelly, nararapat lang na pag-
sumasalamin ito sa magiging makulay na
aralan ang mga ito dahil ito ang
kultura at tradisyon ng Pilipinas.
sumasalamin sa ating pagkakakilanlan.

Ang Pilipinas ay may mahabang


listahan ng katutubong sayaw na
nagmula sa iba’t-ibang lugar o
probinsya sa buong bansa. Ang musika,
formation, at kasuotan ay nagkakaiba,
depende sa pinanggalingan, kultura, at
tradsiyon ng mga lumikha ng
katutubong sayaw.

May mga pangunahing posisyon at


galaw para sa mga braso at mga paa na
karaniwan sa mga katutubong sayaw.
Isa-isahin natin ang mga ito.

Handa na ba ang klase? Kung handa na


ang lahat sabihin na “Kami ay handa-
handang na.”

Tayo ay tumungo sa mga posisyon ng


braso sa pagsasayaw. Habang ginagawa
ko ang mga iba’t-ibang posisyon maari
niyo akong sundan. Nakuha ba klase?

Unang Posisyon

KAMI AY HANDANG-HANDA NA!


Opo!

a. Isaayos ang mga bisig at kamay sa


harap ng dibdib.

b. Ikurba ang mga bisig nang pabilog


habang nakalabas ang mga siko.

c. Panatilihing nakaharap sa iyo ang


iyong mga palad.

a. Ibuka nang sabay ang mga bisig at


kamay sa iyong tagiliran kapantay ng
iyong mga balikat.

b. Ikurba ang iyong mga bisig.

c. Ang iyong mga palad ay nakaharap


paitaas.
Pangatlong Posisyon

a. Itaas ang kanang ( kaliwang) bisig na


ang iyong palad ay nakaharap sa baba.

b. Panatilihing nasa pangalawang


posisyon ang iyong kaliwang (kanang)
bisig.

Pang-apat na Posisyon

a. Panatilihing nasa pangatlong


posisyon ang iyong kanang (kaliwang)
bisig.

b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang)


bisig sa harap, gaya ng sa unang
posisyon.

Panlimang Posisyon

a. Itaas ang iyong mga bisig.

b. Ikurba ang iyong mga bisig at


panatilihing nakaharap sa ibaba ang
iyong palad.

Nasundan ba ang mga posisyon ng


braso?

Mary Grace, maaari mo bang isagawa


ang mga posisyon ng braso?

Mahusay! Palakpakan naman natin si


Mary Grace.

Tumungo naman tayo sa posisyon ng


paa.
Opo

Unang Posisyon

Opo Ma’am.

(Papalakpak ang buong klase)

a. Tumayo nang magkadikit ang iyong


mga sakong (heel).

b. Iposisyon sa labas ang iyong mga


daliri sa paa upang magporma itong
letrang V.

Pangalawang Posisyon
a. Ihakbang sa gilid ang iyong kanang
(kaliwang) paa habang pinapanatiling
nakaposisyon sa labas ang iyong mga
daliri sa paa. Ang iyong mga paa ay
kapantay ng iyong mga balikat.

Pangatlong Posisyon

a. Panatilihin sa dating posisyon ang

iyong kanang (kaliwang) paa.

b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang)


paa sa arko ng talampakan (instep) ng
iyong kanang (kaliwang) paa.

Pang-apat na Posisyon
a. Panatilihin sa dating posisyon ang
iyong kanang (kaliwang) paa.

b. Ihakbang ang iyong kaliwang


(kanang) paa pa-diagonal sa harap.

c. Panatilihing nakaposisyon sa labas


ang iyong mga daliri sa paa.

Panlimang Posisyon

a. Ilagay ang iyong kanang (kaliwang)


paa sa harap ng iyong kaliwang
(kanang) paa.

b. Hayaang nakadikit ang sokong ng


iyong kanang (kaliwang) paa sa mga
daliri ng iyong kaliwang (kanang) paa.

Nakuha niyo ba klase?

Clariza, maaari mo bang isagawa ang


posisyon ng paa?

Palakpakan naman natin si Clariza.

Tumayo ang lahat at gagawin natin ito


ng sabay-sabay.

Mahusay klase! Masaya ako sapagkat


naunawaan at naisagawa ninyo ng tama
an gating aralin sa araw na ito.

Opo!

Sige po Ma’am.

(Papalakpak ang buong klase)

(Tatayo ang buong klase)

C. Pangwakas na Gawain

1.Pagsasanay (Practice Exercise)

Sa puntong ito ay magkakaroon kayo ng


isang aktibidad.

Kumuha kayo ng isang kapirasong


papel at lapis. Sagutan ninyo ang
aktibidad na ito.

Naintindihan ba? Opo.


Panuto: Isulat ang T kung totoo at H
kung hindi totoo ang bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa isang
malinis na papel.

__1. Ang henerasyon ngayon ay


maalam sa mga katutubong sayaw.

__2. Karamihan sa mga batang Pilipino


ay napag-aralan ang katutubong sayaw
dahil sa programa ng paaralang
palaguin ang ating kultura.

__3. Ang pagtanghal ng katutubong


sayaw ay nakatutulong sa ating
kakayahang pangkatawan.

__4. Ang katutubong sayaw ay tinawag


din na etnikong sayaw.

__5. Ang katutubong sayaw ng Pilipinas


ay nagmumula sa iba’t-ibang lugar at
probinsya sa buong bansa.

Tandaan na walang titingin sa papel ng


inyong mga katabi. Gagawin niyo
lamang ang aktibidad na ito sa
dalawang (2) minute lamang.

Naunawaan ba?

Maaari na kayong magsagot.

Opo Ma’am!

2.Paglalapat(Application)

Pamagat ng Aktibiti: Guess the Position

Ngayon ay magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Gusto niyo ba yon?

Ang klase ay mahahati sa apat (4) na Opo gusto po namin yon!


grupo.

Ako ay magpapakita ng mga larawan ng


iba’t-ibang posisyon sa pagsasayaw.

Bawat grupo ay mag-uunahan sa


pagtaas ng kanilang mga kamay at
sasagutin ang ipinakita kong mga
larawan.

Bawat tamang sagot ay may


karampatang isang puntos. Ang sino
mang may nakuhang maraming puntos
ay idagdag ko ito sa makukuha ninyo sa
ating pagsusulit mamaya.

Naintindihan ba ng lahat?

Opo!
Mahusay! Dahil ang ikaapat na grupo
ang may nakuhang maraming puntos ito
ay idagdag ko sa inyong pagsusulit
mamaya. Ang tatlong grupo naman ay
magkakaroon din ng tig- dalawang
puntos bawat miyembro ng inyong
grupo na idaragdag ko rin sa inyong
pagsusulit.

Palakpakan ninyo ang inyong mga


sarili.
(Papalakapak ang buong klase)

3.Paglalahat(Generalization)

Pamagat ng Aktibi: Grupo ng Tanghalan

Dahil lubos niyo na ngang naunawaan


ang ating aralin.

 Ang klase ay magkakaroon ng


pangkatang aktibidad.

 Ang klase ay mahahati sa


dalawang(2) grupo lamang.

 Ang bawat grupo ay lilikha ng


isang simpleng sayaw gamit ang
kombinasyon ng mga
pangunahing posisyon sa paa at
braso.

 Itatanghal ito sa loob ng


dalawang(2) minute lamang
bawat grupo.

 Ang pagpupuntoso ay:

Pagpupuntos
Kaayusan ng Sayaw 20
Pagiging Malikhain 20
Kooperason 10
Kabuuan: 50

Naunawaan ba ang pamamaraan ng


aktibidad?

Kung gayon ay magsimula na kayong


bumuo ng inyong sayaw.

Ngayon, magbigay nga ng ilang


konsepto o kung ano ang inyong mga
natutunan sa araw na ito, Ri-Ann?

Opo
Maaari mo bang isagawa ang mga iyon?

Napakahusay! Palakpakan natin siya.

Ma’am ang natutunan ko po sa araw na ito ay


ang mga iba’t-ibang posisyon sa pagsasayaw.
Huling katanungan, Bakit mahalagang
malaman o matutunan ang kultura ng
mga Pilipino patungkol sa pagsasayaw,
Richard?
(Isasagawa ni Ri-Ann ang mga posisyon sa
pagsasayaw)

Mahusay Richard!

Lagi ninyong tatandan na ang mga


katutubong sayaw ay nagpapakita ng
kultura, tradisyon, at paniniwala ng Mahalangang matutunan po natin ang kultura ng
isang pangkat mula sa isang komunidad, mga Pilipino patungkol sa pagsasayaw sapagkat
probinsya, at bansa. ito po ang sumasalamin sa kagandahan at
Ang pagtanghal rin ng mga katutubong pagiging makulay ng kultura at tradisyon ng
sayaw ay hindi lang nagbibigay bawat Pilippino.
kaalaman sa kultura at tradisyong
Pilipino, kundi nakatutulong din sa
inyong kakayahang pangkatawan.

Nakuha ba klase?

Opo Ma’am!

IV.Pagtataya(Evaluation)
Sa puntong ito ay maglabas kayo ng
kalahating papel at lapis na panulat para
sa maiklimg pagsusulit. Tandaan na
walang titingin sa papel ng inyong mga
kaklase at iwasan ang pakikipag-usap sa
katabi.

Naintindihan ba ng lahat?

Kung gayon ay maaari na kayong mag- Opo naintidihan po namin.


umpisang sumagot.

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa


Hanay A. Ipareha ang mga ito sa mga
posisyon sa Hanay B. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa iyong papel.

A B

1.

2.

G. Pang-apat na
3. Posisyon sa Paa

4.

5.
A. Pangalawang
B. Pangatlong
Posisyon sa Braso
6. Posisyon sa Paa

C. Unang Posisyon
sa Braso

7.
D. Panlimang
Posisyon sa Braso

E. Pangalawang
8. Posisyon sa Paa

F. Pangatlong
Posisyon sa Braso

9.
H. Panlimang
Posisyon sa Paa

I. Pang-apat na
10. Posisyon sa Braso

J. Unang
Posisyon sa Paa

V.Takdang Aralin

Para sa inyong Takdang-Aralin.


1. Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa
mga pangunahing posisyon sa braso at
paa sa pagtatanghal ng mga katutubong
sayaw?

2. Bakit sa tingin mo mahalagang


matutunan o matanghal ang mga
katutubong sayaw sa Pilipinas?
Ipaliwanag ang sagot.

3. Magbigay ng ilang mga katutubong


Sayaw na itinatanghal sa Pilipinas.

Naunawaan ba ng maigi ang inyong


takdang-aralin mga bata?

Palakpakan ninyo ang inyong mga


sarili.

Yan lamang para sa araw na ito. Paalam


mga bata.

Opo naunawaan po naming lahat Ma’am.

(Papalakpak ang mga mag-aaral)

Paalam na po Binibining Manaois. Maraming


salamat po sa inyong pagtuturo

Inihanda ni:

PAMELA P. MANAOIS

3BEED-01

You might also like