You are on page 1of 4

FILIPINO-4TH QUARTER

PETSA:
ORAS:

I. Layunin:
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap

II. Paksang Aralin:


Aralin 16: Natatanging Pilipino, Kinilala ng Mundo
Wika at Pagbasa sa Filipino
KM p. 154-161
TG p. 252-265
Kagamitan: mga larawan, tsart

III. Pamamaraan:
1. Pagbabaybay
Muling pagsusulit

2. Balikan
Magpakita ng iba’t ibang larawan.
Hayaang magbigay ng iba’t ibang uri ng pangungusap ang mga mag-aaral
na angkop sa ipinakitang larawan.

3. Gawin Natin
Pangkatin ang klase.
Ipabasa muli ang teksto sa KM, p. 155.
Itanong:
 Ano-ano ang natutuhan mo sa binasa?
 Anong uri ito ng pangungusap?
 Ano-ano ang naging damdamin mo sa binasa?
 Anong uri ito ng pangungusap?
 Ano-ano ang tanong na nasa isip mo pa matapos mabasa ang teksto?
 Anong uri ito ng pangungusap ?

4. Gawin Ninyo
Pangkatin ang klase.
Ikuwento sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng pangungusap ang karanasan
ng pangkat sa natapos na gawain.
Matapos ang inilaang oras, tawagin ang pangkat upang basahin ang natapos
nilang gawain.

5. Gawin Mo
Sumulat ng iba’t ibang uri ng pangungusap tungkol sa pagmamalaki mo sa
pagiging magaling ng mga Pilipino.

6. Paglalahat
Itanong:
Kailan ginagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap?

IV. Pagtataya:
Subukin Natin
Panuto: Piliin ang letra ng wastong pangungusap sa sumusunod na tanong.
1. Aling pangungusap ang angkop na gamitin kung may ipakukuha kang gamit
sa iyong kaklase?
a. Kuhanin mo nga iyong aklat ko sa mesa.
b. Hanapin mong madali ang aklat ko!
c. Asan na ang ipinakukuha kong aklat sa iyo?
d. Pakikuha mo nga ang aking aklat na nasa mesa.

2. Anong pangungusap ang iyong sasabihin sa isang bago mong kamag-aral?


a. Hoy, sino ka?
b. Ano ang iyong pangalan?
c. Saan ka galing?
d. Bakit ka lumipat ng paaralan?

3. Nakakuha ka ng mataas na marka sa pagsusulit, paano mo ito ibabalita sa


iyong magulang?
a. Yahoo! Nanay, ako ang pinakamataas sa pagsusulit!
b. Nay, mataas ang aking nakuha sa pagsusulit.
c. Nanay! Nanay! Mataas ang aking marka sa pagsusulit.
d. Mataas ang aking nakuhang marka sa pagsusulit!

4. Nasalubong mo ang iyong guro sa loob ng paaralan, ano ang iyong


sasabihin?
a. Hello, Ma’am!
b. Magandang umaga po!
c. Ako na po ang magdadala ng inyong gamit
d. Saan po kayo pupunta?

5. Alin ang wastong pangungusap kung may nagtanung saiyo kung sino ang
Pambansang Bayani natin?
a. Pambansang bayani natin si
Dr. Jose Rizal?
b. Pambansang bayani natin si
Dr. Jose Rizal!
c. Pambansang bayani natin si
Dr. Jose Rizal.
d. Pambansang bayani natin, si
Dr. Jose Rizal.

V. Takdang Aralin:
Pagsasapuso
Ipagawa ang Isapuso Mo, KM, p161.

You might also like