You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

Para sa Unang taon sa Sekondarya

I.Layunin

Pagkatapos ng talakayan, inaasahan ang mga mag-aaral na:

a. Matukoy kung ano ang kahulugan ng tula

b. Makagawa ng kanilang sariling tula

II. Paksang Aralin

Tula

Pinagmulan: Panitikan sa Pilipinas

Pagpapahalaga: Malilinang ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pagsulat


ng tula at mapapahalagahan ang mga akdang pampanitikan.

III. Kagamitan

Kartolina, manila paper, larawan

Approach: inductive

IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante


Magandang umaga mga mag-aaral Magandang umaga po Ma’am

Magdasal muna tayo Opo ma’am

Para simulan ang ating pag-aaral sa araw na May magtataas ng kamay at tatawagin ng
ito sino sa inyo ang magaling tumula? guro para tumula sa harap

Magaling, ang ganda ng iyong tula at ang Palakpakan ang mga mag-aaral
iyong paraan ng pagtula
Kaya ko pinatula ang inyong kamag-aral ay Ma’am, ako po
dahil ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol
sa tula. Sino sa inyo ang nakakaalam kung ano
ang ibig sabihin ng tula?

Sige anu ang ibig sabihin ng tula? Ito ay may sukat at tugma ma’am

Very good. Ngayon alamin natin kung anu nga


ba ang kahulugan ng tula para sa iba’t ibang
manunulat.
Ayon kay Julian Cruz Balmaceda ang tula ay
kasangkapang naglalarawan ng kagandahan,
ng kariktan na natipon sa isang kaisipan upang
maangkin ang karapatang matawag na tula.
Ayon naman kay Inigo Ed. Regalado ang tula
ay kagandahan, diwa, katas, larawan, at
kabuuang tanang kariktan na makikita sa
silong ng alinmang langit. Sa tula ay
naipapakita ng isang tao ang kanyang
nararamdaman.

Naintindihan ba kung ano ang tula? Opo ma’am

Ngayon dumako naman tayo sa mga kayarian


ng tula:
Una ay ang may sukat at tugma pangalawa ay
ang blangko berso na may sukat ngunit walang
tugma pangatlo ay ang malayang taludturan na
walang sukat at tugma.

Nakuha niyo ba ang tatlong kayarian ng tula? Opo ma’am

V. Ebalwasyon

Sumulat ng tulang may sukat at tugma depende sa gusto ninyong tema. Temang pag-
ibig, kabiguan, tagumpay, at iba pa at ito ay inyong babasahin sa klase.

VI. Takdang Aralin

Magbasa ng tula at ito ay inyong bibigyan ng interpretasyon sa susunod na pagkikita.


Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

Para sa Elementarya

I.Layunin

pagkatapos ng talakayan inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. Matukoy kung ano ang kahulugan ng pang-uri


2. Matukoy ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap

II. Paksang Aralin

Pang-uri

III. Pamamaraan

A. Panghihikayat
Ano ang katangian ng inyong ina na inyong pinakagusto?
B. Pagpapaliwanag sa kahulugan ng Pang-uri at pagbibigay ng mga halimbawa
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga pang-uring ginamit sa mga pangungusap:
1. Ang babae sa kabilang bahay ay maganda.
2. Matangkad ang dalagang aking nakasalubong.
3. Malusog ang kapapanganak pa lamang na sanggol.
C. Pagkatapos ay magbibigay ang mga mag-aaral ng mga pang-uri na maglalarawan sa
kanilang mga magulang.
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

Para sa Elementarya

I.Layunin

Pagkatapos ng talakayan inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. Matukoy kung ano ang kahulugan ng pang-uri


2. Matukoy ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap

II. Paksang Aralin

Pang-uri

III. Kagamitan

Visual aids

Larawan

IV. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Greetings
2. Checking of attendance
B. Pagbabalik-aral
C. Motibasyon
Magpapakita ng larawan ang guro at ito ay ilalarawan ng mga mag-aaral.
D. Presentasyon ng paksa o topiko
Sasabihin ng guro ang kahulugan ng pang-uri
E. Discussion
Mga katanungan
1. Ano ang pang-uri?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng pang-uri.
F. Pagpapahalaga

G.Activity

Magbigay ng mga pang-uring maglalarawan sa inyong tahanan.

V. Evaluation

VI. Takdang Aralin

Sumulat ng isang talata na naglalarawan sa inyong sarili.

You might also like